You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA

(University of the City of Manila)


Intramuros, Manila

COLLEGE OF HUMANITIES, ARTS AND SOCIAL SCIENCES


Department of Languages and Literature
PAGSASANAY BLG. 1
IPP0010 : INTERDISIPLINARYONG PAGDULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA
MABISANG PAGPAPAHAYAG
PANUTO:
1. Suriin at basahing mabuti ang panuto ng mga bilang I,II, at III.
2. Ang bawat bahagi ng pagsasanay ay may nakalaang sagutan kaya sa Microsoft word na ito ang
gagamitin sa pagsagot.
3. Gamitin ang inyong apelyido, pangalan at inisyal na gitnang pangalan na inyong file name.
4. Gagamit ng 12 font size at antiqua o times roman na font style sa pagsagot nito.
5. Ipapasa sa tamang oras na itinakda pagkatapos ng inyong asynchronous ngayon.
6. Maging mapagmatyag sa sarili sa oras ng pagsasanay.

I. Bigyang sariling paliwanag at pag-unawa mula sa paglalahad at pagdulog sa pagbasa at pagsulat


ng mga kilalang tao. (Dalawa hanggang tatlo pangungusap lamang sa isang bilang)

1.” scientific inquiry” ni Hannah Kim


Base sa aking pagkakaintindi, ang depinisyon ni Hannah Kim ukol sa scientific inquiry ay kinapapalooban
nito ang pagtatanong, pagsasagawa ng prediksyon, pagdidisenyo ng pag-aaral, pagsasagawa ng pag-aaral,
pangongolekta ng impormasyon, pagsusuri sa resulta, paghahabi ng konklusyon at pagbabahagi ng resulta ng
pag-aaral. Isinaad rin niya na ang dalawang kasanayan (pagbasa at pagsulat) pati ang prediksyon at ang
malikhain o kritikal na pag-iisip ay tinatawag na integral process sa scientific inquiry.
2. “inverse cognitive process” ni Beaugrande et. al
Ayon kay Beaugrande, pinaniniwalaan rin daw ng ibang edukador na bawat mambabasa at manunulat ng
isang teksto/babasahin ay sinusunod ang inverse cognitive processes. Ang ibig sabihin nito, sa aking sariling
pagkakaintindi ay tinitignan ng mga mambabasa o manunulat ang pagbasa bilang isang bottom-up phenomena.
Samantalang ang pagsulat naman ay tinitignan nila bilang isang top-down process.
3. “subskill” ni Taylor
Ayon kay Taylor, ang dalawang kasanayan ay may potensyal na magkapantay at ang mga subskill sa
pagbasa’t pagsulat ay pareho lamang. Dagdag pa niya, ang pagbasa at pagsulat ay pinapagaan ang iskemata
tungkol sa wika, nilalaman, at anyo ng paksa na nagbibigay impluwensya sa kung ano ang nilikha o
naintindihan sa isang teksto. Mayroon din siyang pigyur kung saan makikita ang kaniyang argumento ukol sa
subskills kung saan pinapatunayan niyang ang dalawang kasanayan ay pareho lamang at hindi malaki ang
kanilang pagkakaiba.
u
4. “Neurologist” ni El-Koumy
Isinaad ni El-Koumy na dahil sa impluwensya ng neuropsychologists, ang komprehensyon at produksyon ay
matatagpuan sa magkabilang parte ng utak. Ang komprehensyon ay matatagpuan natin sa kabilang bahagi
samantalang ang isang bahagi naman ay matatagpuan natin ang produksyon.
5. “sound spelling relationship” ni Bialystock and Ryan
Ayon kay Bialystock at Ryan, sa ugnayang tunog-pagsulat o mas kilala sa tawag na sound-spelling
relationship, kapag binabaybay ang salita, imbes na reseptib na pagkilala sa mga ito ay mas mataas ang
kinakailangang digri ng sinuring kaalaman. Dagdag pa ng mga ito, sa katulad na paraan, ang malalabong
nosyon ng istruktura ng diskors ay pupwedeng maging sapat na upang bigyan ng interpretasyon ang mga
nakasulat na teksto ngunit hindi pa rin magiging sapat sa paglilikha nito.
II. Maglahad ng lima (5) patunay sa pahayag ni Pearson na hango sa panulat ni Villafuerte na;
“Ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat ay nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng
wika”
1. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.
2. Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malaking titik.
3. Ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo ay hindi magkasama.
4. Ang tuloy tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto ay hindi nabubuo.
5. Ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat ay inihihiwalay.

III. Magtala ng tig-dadalawang sitwasyon lamang na nagpapatunay sa ugnayan ng pagbasa at


pagsulat hinggil sa mga basehan at element nito.

1. Basehang Ekperensyal – ang karunungan ay naiimbak a nagagmit sa pagbasa at pagsulat.


1.1 Ang inyong guro ay may ibinigay sa inyo na takdang babasahin para sa araw na ito. Ang inyong
nabasa ay gagawan niyo ng sanaysay. Mabuti na lamang at dahil sa iyong karunungan, hindi ka na
mahihirapang intindihin ang inyong babasahin at makakabuo ka ng sanaysay nang walang paghihirap.
1.2 Sa bawat gawain na ibinibigay ng inyong guro, mayroon kang baong katalinuhan at karunungan na
magsisilbi mong lakas upang magawa mo ang itinatakda sa inyong gawain nang walang paghihirap sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsulat.

2. Elementong Linggwistiks - ang panuntunan sa pagbuo,paggamit ng wika para mapaghusay ang mga
kasanayang taglay ng pagbasa at pagsulat.
2.1 Si Rico ang napiling representative ng inyong klase para sa patimpalak sa pagsulat na gaganapin sa
inyong paaralan. Siya ay humingi ng iilang advice sa inyong magkaklase upang matagumpay siyang mag-uuwi
ng premyo sa patimpalak. Ipinayo mo sa kaniya na karapat-dapat na alam niya ang mga panuntunan sa pagbuo
at pagagamit ng wika upang mas maayos at maganda ang kalalabasan ng kaniyang isusulat.

2.2 Simula sa pagkabata, ang ating mga guro ay tinuturuan na tayo ng tamang paggamit sa dalawang
kasanayan (pagbasa at pagsulat). Noong elementarya, sinamay na tayo sa reading comprehension kung saan
tayo ay pagbabasahin ng isang teksto at pagkatapos noon ay tatanungin tayo ng ating guro tungkol sa ating
nabasa. Samantalang sa pagsusulat,tinuturuan na tayo magmula pa lamang elementarya ukol sa tamang
pagbaybay ng mga salita.

3. Kognitibong component – kaisipan ang nagpoproseso sa binabasa at isinusulat.


3.1 Sina Rico at Claudine ay nagkaroon ng diskurso tungkol sa kanilang nabasang nobela. Si Rico ay
iginigiit niya ang kaniyang naging pananaw at pagkakaintindi sa nabasang nobela at samantalang si Claudine
ay pinipilit niyang mali si Rico ng pagkakaintindi at mas tama ang kaniyang naging komprehensyon sa
kanilang nabasa. Mahihinuha rito na ang bawat indibidwal ay magkakaiba ang magiging pananaw o
pagkakaintindi sa bawat librong kanilang babasahin.
3.2 Si Jolina ay may bagong binabasang nobela ngayon. Ang titulo ng nobelang ito ay “Pride and
Prejudice”. Nasisiyahan siya sa kaniyang pagbabasa ngunit siya’y nahihirapan
4. Perseptwal na impluwensya – nadedebelop ang tao sa pagbabasa at pagsusulat.
4.1 Mahilig si Marvin magbasa ng libro. Simula pa lamang pagkabata ay marami na siyang koleksyon
ng libro, mapa-local man o international. Sa tuwing siya ay walang magawa o nalulungkot, kukuha lamang
siya ng libro sa kaniyang cabinet at saka magbabasa hanggang gumaan ang kaniyang loob. Dahil sa kahiligan
niya sa pagbabasa, ang mga natutunan niya mula sa mga kwentong nabasa niya ay nakatulong sa pagpapaunlad
ng kaniyang sarili.
4.2 Simula elementarya, si Rico ay may kagalingan na sa pagsusulat. Ito ang dahilan kung bakit siya ay
nakasali sa Journalism Club sa kanilang paaralan at nakasali sa iba’t ibang patimpalak. Mas napaunlad ang
kaniyang kagalingan sa pagsusulat dahil siya rin ay mahilig magbasa ng iba’t ibang nobela. Dahil sa kaniyang
mga natututunang bagong salita, nailalagay niya ito sa kaniyang mga isinusulat, dahilan upang mas naging
maganda ang kaniyang mga akda. Sa kaniyang paglaki, sabay ng sapat na pagsasanay sa pagsusulat at
pagbabasa, si Rico ay mas gumaling sa pagsusulat at siya ay naging isang sikat at magaling na manunulat sa
kanilang bansa.

Inihanda ni:
Babylyn B. Felix
Daluguro sa Filipino

You might also like