You are on page 1of 6

Filipino sa Piling Larang Akademik Unang Markahan – Modyul 1 Ang Akademikong Pagsulat

Tuklasin (Pag-aralan Mo)


Sa bahaging ito ay may babasahin kang isang akda at unawain ang buong teksto. Ito ay hango sa
Magandang Balita Bibliya, Lukas 15:11-32.
Alibughang Anak
May isang amang may dalawang anak. Hiningi ng bunsong anak ang mana niya at
kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang oras na naubos ang lahat ng
kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng
mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa mga sakit at hirap na kanyang naranasan, napagtanto
niya ang kanyang masasamang desisyon. Nagdesisyon siyang bumalik sa kanyang ama,
nagpapakumbaba, at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pag-ibig ng ama sa anak, buong puso
niya itong tinanggap, at ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng loob ng
panganay na kapatid dahil ni kailan ay hindi niya naranasang paghandaan ng kahit anong piging
ng kanyang ama. Inamo ng ama ang kanyang panganay na anak at ipinaliwanag ang sitwasyon.
Sabi ng ama “ang bunso mong kapatid ay umalis at inakala nating patay ngunit muling nabuhay,
nawala, at ngayon muling nasumpungan.”
Ano ang masasabi mo sa iyong binasa? May magandang aral ka bang napulot?
Alam mo ba kung anong uri ito ng pagsulat? Alamin natin iyan sa bahaging SURIIN.

Mga Uri ng Pagsulat


1. Malikhaing Pagsulat. Uri ng pagsulat na ang layunin ay makapukaw ng damdamin, maghatid
ng aliw, at makaantig sa imahinasyon ng mga mambabasa. Ito ay bunga ng malikot na isipan ng
may-akda. Nabibilang ang mga sumusunod; maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay
gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat. Ito ay nakatuon sa isang proyektong pinag-aaralan o kaya naman ay
bumuo ng isang pag-aaral na kailangang lutasin ang isang problema o suliranin. Halimbawa nito
ay, manwal, feasibility study at iba pa.
3. Propesyonal na Pagsulat. May kinalaman ito sa mga salitang may kinalaman sa isang tiyak
na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Nakatuon ito sa paggawa ng mga sula
4. Dyornalistik na Pagsulat. Ito ay may kaugnayan sa pamamahayag. Kabilang nito ang
pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulong pampalakasan at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat. Layunin nito na kilalanin ang mga pinagkukunan ng impormasyon
sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.
6. Akademikong Pagsulat. Ito ay isang intelektuwal na pagsulat.

Ang Akademikong Pagsulat


Sa mundo naman ng pagtatrabaho, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng
aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng
makabuluhang ulat na pinagagawa ng boss, at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan
ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa
akademikong pagsulat.

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat


Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay
tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at kalinangan. Ang mga bumubuo nito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador,
gusali, kurikulum, at iba pa. Hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang institusyon kung
wala ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba
kundi ang wika. Sa pagaaral sa kursong ito ang akademikong Filipino ang gagamitin sa paaralan.
Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang dayalek na karaniwang ginagamit sa arawaraw na
pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin sa paggamit
ng Filipino. Sa paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay
pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang
Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng pagkatuto. Kaya naman sa
kasalukuyan, hindi lang sa mababang paaralan at sekondarya pinagbubuti ang pagtuturo at
paggamit ng wika kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad, nangunguna na rito ang
Unibersidad ng Pilipinas.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


Obhetibo- Nakabatay ito sa katotohanan. Ang mga datos ay dapat nabatay sa resulta ng pag-
aaral. Iwasan ang pagsali ng mga personal na opinyon.
Pormal- Dapat ang mga salitang gagamitin ay batid ng lahat. Gumamit ng mga salitang pormal-
pambansa na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono ng paglalahad ng mga kaisipan
ay dapat na maging pormal din. Dapat batid ang wikang opisyal ng bansang kinabibilangan
kagaya sa Pilipinas ang ating wikang opisyal ay Filipino at Ingles.
Maliwanag at Organisado- Ito ang daan upang mas maunawaan ang akdang nabuo. Dapat ang
mga talata ay maayos na napagsunod-sunod at kakitaan pagkakaugnay ng mga pangungusap.
Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat piling-pili nang sa ganoon ay
hindi ito makasira sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa.
May paninindigan- Dapat mapanindigan ng manunulat ang nais niyang bigyang pansin, hindi
pwedeng pabago-bago ng paksa.
May pananagutan- Ang pagkilala sa mga pinagkukunan ay nararapat at mahalaga. Makakatulong
ito upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.

Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin


1. Abstrak 7. Panukalang Proyekto
2. Sintesis/buod 8. Posisyong papel
3. Bionote 9. Replektibong sanaysay
4. Katitikan ng pulong 10. Pictorial-essay
5. Agenda 11. Lakbay-sanaysay
6. Talumpati
Abstraksiyon/Abstraction/ Ikatlong Araw
Pagbubuod ng Aralin
May limang uri ng pagsulat ito ay ang malikhaing pagsulat (creative writing), teknikal na
pagsulat (technical writing), propesyonal na pagsulat (professional writing), dyornalistik na
pagsulat (journalistic writing), reperensiyal na pagsulat (referential writing) at akademikong
pagsulat (academic writing). Binigyang-diin sa modyul na ito ay ang akademikong pagsulat.
Akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Mga katangiang dapat taglayin ng
akademikong pagsulat ay ang mga sumusunod: obhetibo, pormal, maliwanag at organisado, may
paninindigan at may pananagutan. May iba’t ibang uri ang akademikong pagsulat, abstrak,
sintesis/buod, bionote, panukalang proyekto, talumpati, agenda, katitikan ng pulong, posisyong
papel, replektibong sanaysay, pictorial-essay at lakbay sanaysay.

Filipino sa Piling Larang Akademik Unang Markahan – Modyul 2 Uri ng Paglalagom at Abstrak
Abstrak
Laganap sa bawat pangkat-etniko sa buong Pilipinas ang awiting-bayan. Masasalamin sa awiting-
bayan ang mga kultura’t tradisyon. Matatagpuan sa Lambak ng Cagayan ang pangkat-etnikong
Gaddang, na may mayamang awiting-bayan. Ang mga katutubong ito ay naninirahan sa mga
bayan ng Bayombong, Bagabag, at Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ang nasabing bayan ay patuloy sa pag-unlad at pagpasok ng mga makabagong teknolohiya sa
larangan ng musika, dahan-dahan nang hindi naririnig at inaawit ang mga awiting-bayan ng mga
katutubong Gaddang ng Brgy. Roxas. Layunin ng pag-aaral na ito ang tukuyin at sukatin ang
antas ng kaalaman ng mga katutubong Gaddang ng Brgy. Roxas sa kanilang mga awiting-bayan.
Ang mga naging variables sa pagtukoy sa antas ng kaalaman ay ang edad, kasarian, at bilang ng
taong naninirahan sa lugar. Ang kinalabasan sa pag-aaral ay ang edad ay isang salik sa kanilang
kaalaman na kung saan mas matanda, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa kanilang
awiting bayan. Mas bata, mas kakaunti ang nalalaman tungkol sa kanilang awiting-bayan. Walang
kinalaman ang kasarian sa pagtukoy ng antas ng kaalaman.Lumabas rin sa pag-aaral na ang taon
ng paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy ng antas ng kaalaman dahil mas mahabang
paninirahan sa lugar, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa awiting-bayan ng Gaddang.
Nangangailangan lamang na magkaroon ng mga estratehiya at pamamaraan na mapapataas ang
antas ng kaalaman hinggil sa mga awiting-bayan upang mapaunlad pa ang mga ito.
Keywords: Antas ng Kaalaman, Gaddang, Awiting-Bayan
Ano ang masasabi mo sa iyong binasa? May nakuha ka bang impormasyon? Alam mo ba kung
anong uri ito ng pagsulat? Alamin natin iyan sa bahaging SURIIN

Suriin (Pagtatalakay)
Paglalagom o pagbubuod isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral. Ang
lagom ay ang pinasimpleng bersiyon ng isang akda. Mahalagang maiintindihan ng sinumang
bumabasa o nakikinig ang kabuong kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng akda. Hindi
lang ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ang
nahuhubog kundi marami pang ibang kasanayan ang matutuhan.
Natutuhan ang pagtimbangin ang mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito at ang mga pantulong na kaisipan.
Pinakamahalagang matukoy ang pinakasentro ng akda.
Natutuhan ang pagsuri ng nilalaman ng tekstong kanyang binabasa. Natutukoy kung alin sa mga
kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung
alin naman ang hindi gaanong importante.
Nahuhubog ang kasanayan sa tamang paghabi ng mga pangungusap sa loob ng talata sapagkat
sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang direkta, malinaw, at hindi paulit-ulit.
Nakatutulong rin sa pagpapaunlad ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay mahalagang
makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binigyan ng lagom.
Ang mga kasanayang nabanggit ay nagiging kapaki-pakinabang sa mag-aaral, ito rin ay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Bilang paghahanda
sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng
iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito lubos mong matutuhan ang pagsulat ng
isa sa mga uri ng lagom - ang abstrak.
Abstrak
Ang abstrak ay naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang pangakademiko. Uri ng paglalagom
na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis at disertasyon.
Kadalasang makikita sa unahang bahagi ng mga pang-akademikong papel.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract (1997), tinataglay nito
ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon-nagpapakita
ng malinaw na pakay o layunin, mga kaugnay na literaturabatayan upang makapagbigay ng
malinaw na kasagutan o tugon para sa mga mambabasa, metodolohiya-isang plano o Sistema
para matapos ang isang gawain, resulta-sagot o tugon para mapunan ang kabuoan ng nasabing
sulatin at kongklusyonpanapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng
palaisipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Bilang bahagi ng pamantayan ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko,
lahat ng mga detalyeng ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel.
Hindi maaaring maglagay ng mga datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o talahanayan sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na
magiging dahilan para humaba ito.
3. Gumamit ng mga malinaw, simple, at direktang mga pangungusap. Iwasan
maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging makatotohanan sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at iwasang hindi ipaliwanag ang mga ito.
5. Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
mambabasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Pag-aralan ang akademikong sulatin na gagawan ng abstrak at basahing
mabuti.
2. Isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi ng sulatin.
3. Pag-isahin ang mga ito gamit ang talata.
4. Iwasang maglagay ng mga grapiko, ilustrasyon, at talahanayan.
5. Basahing muli ang nabuong abstrak. Suriin nang mabuti ang mga
mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
Abstraksiyon/Abstraction/
Ikatlong Araw
Pagbubuod ng Aralin
Ang lagom ay ang pinasimpleng bersyon ng isang sulatin. Isa sa mga uri ng
paglalagom ay ang Abstrak. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis at disertasyon.

You might also like