You are on page 1of 64

AKADEMIKONG

PAGSULAT
Sagutin ng FACT o BLUFF ang sumusunod
na pahayag tungkol sa pagsulat. Magbigay ng
maikling paliwanag kaugnay ng inyong sagot
Ang wikang Filipino ay isang wika ng
intelekwalisasyon.
FACT
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ay isa sa opisyal na wikang
panturo sa mga paaralan.
FACT
Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat
na natutuhan mula sa elementarya
hanggang hayskul ay maituturing na
bahagi ng akademikong pagsulat.
FACT
Ang sanaysay, maikling kwento, awit,
at dula ay hindi kabilang o maituturing
na isang akademikong pagsulat
BLUFF
Ang pagsulat ng balita, pananaliksik, at
iba pang korespondensiya ay bahagi
ng pagsulat ng pakikipag- ugnayan sa
tao at lipunan.
FACT
Mahalagang isaalang- alang ang wika,
paksa, at layunin sa anumang uri ng
pagsulat.
FACT
Ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal ay mahalagang bigyan pansin
sa pormal na pagsulat ng pananaliksik.
BLUFF
Ang malikhaing pagsulat at teknikal na
pagsulat ay kapwa maituturing na
akademikong pagsulat.
FACT
Ang mga guro, manunulat, at mag-
aaral lamang ang dapat na matuto ng
propesyunal na pagsulat.
BLUFF
Layunin ng reperensiyal na pagsulat na
bigyang pagkilala at rekomendasyon
ang mga sangguniang maaaring
mapagkunan ng kaalaman.
Akademikong
Pagsulat

Pagtugon sa
Libangan bokasyon o
trabaho
Matugunan ang
pangangailangan
sa pag- aaral
Mabilin (2012)
Ang pagususulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaring magpasalin- salin sa bawat
panahon.
5 Makrong Kasanayan
1. Pagbasa
2. Pakikinig Kumukuha o dumaragdag ng kaalaman
sa kanyang isipan
3. Panonood
4. Pagsasalita
5. Pagsulat Nagbabahagi ng kanyang isipan at
nalalaman
EDUKASYON PAGTATRABAHO
May masagot sa pagsusulit na Marunong sumulat ng liham ng
nangangailangan ng masususing aplikasyon
pagpapaliwanag May kakayahang gumawa ng
Makabuo ng organisadong ulat project proposal
Makapagtala ng mga resulta ng Gumawa ng anunsyo
pagsusuri at eksperimentasyon Umapila sa paglilikom ng pondo
Makalikha ng mga papel na Sumagot sa mga pakiusap at
pananaliksik tanong ng mga kliyente
Makapagpasa ng makabuluhang
ulat na pinapagawa ng manager
ANG PAGGAMIT NG
AKADEMIKONG FILIPINO
Ang mga
Institusyong
elementong
pang-
bumubuo rito
edukasyon na Akademya
ay ang mga
maituturing na
mag- aaral,
haligi sa
guro,
pagkakamit ng
administrador,
mataas na
gusali,
kasanayan at
kurikulum, at
karunungan.
iba pa
Instrumento upang mapakilos ang
akademya at maganap ang mga
mithiin at misyon nito_____________
Instrumento upang mapakilos ang
akademya at maganap ang mga
mithiin at misyon nito- WIKA
Filipino- isa sa
mga opisyal na
wikang panturo
sa mga paaralan
ayon sa
Konstitusyon

AKADEMIKONG
FILIPINO
Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng

Vivencio akademya, hindi lamang sa larangan ng


pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon
Jose kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at
buhay sa akademya.
(Mga
Diskurso sa Masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na
Wika at maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng
mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino.
Lipunan,
1996)
Higit na epektibo ang pagkatuto ng mga mag-
aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo.
SENIOR HIGH SCHOOL

AKADEMIKONG
PAGSULAT
Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman
ng mga mag- aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino

Paggawa na sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ,


pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies,
pagsulat ng pamanahunang papel, at pananaliksik
LAYUNIN AT
KAHALAGAHAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
Malaki ang naitutulong ng pagsulat
sa paghubog sa damdamin at isipan
ROYO (2001), aklat ni
ng tao.
Dr. Eriberto Astorga , Jr.
“Pagbasa , Pagsulat, Naipapahayag niya ang kanyang
at Pananaliksik” damdamin, mithiin, pangarap,
agam- agam, bungang- isip, at mga
pagdaramdam.

Nakikilala ng tao ang kanyang sarili


Pangunahing layunin ng pagsulat

Mapabatid sa mga tao o lipunan ang


paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng
taong sumulat
Mabilin (2012), Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino

1. Personal o ekpresibo- makabatay sa pansariling


pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng
manunulat.
2. Panlipunan o sosyal- makipag-
ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa
layuning ito ng pagsulat ay
transaksyunal.
Kahalagahan o ang mga Benepisyo na
Maaaring Makuha sa Pag- aaral at
Pagsasawa ng Asignaturang Ito:
1. Masanay ang kakayahang mag- organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinagawang imbestigasyon o
pananaliksik
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag- aaral sa
mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag- aaral sa
mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa
mga nakalap na impormasyon

4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa


matalinong paggamit mg aklatan sa paghahanap ng
nateryales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman sa lipunan
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at
pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng
mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN
SA AKADEMIKONG PAGSULAT
Paano maging mahusay na
manunulat?
Mga bagay nadapat isaalang- alang sa pagsulat
partikular sa akademikong pagsulat
1. Wika
2. Paksa
3. Layunin
4. Pamamaraan ng pagsulat
5. Kasanayang pampag- iisip
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
7. Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Wika
 Behikulo upang maisatitik ang mga
kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng
isang taong nais sumulat.
Paksa
 Pangkalahatang iikutan ng mga
ideyang dapat mapaloob sa akda
Layunin
 Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga
datos o nilalaman ng sulatin
Pamamaraan ng Pagsulat
1. Paraang Impormatibo
2. Paraang Ekspresibo
3. Paraang Naratibo
4. Paraang Deskriptibo
5. Paraang Argumentatibo
Kasanayang pampag- iisip
• Kakayahang mag- analisa o magsuri ng
mga datos
• Kailangang maging lohikal ang pag- iisip
• Kailangang maging obhetibo sa pagsusuri
at pagpapaliwanag ng impormasyon
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng
pagsulat
Kasanayan sa paghabi ng buong
sulatin
• Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado,
obhetibo, at maisining na pamamaraan
mula sa panimula ng akda o komposisyon
hanggang sa wakas nito
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo
2. Pormal
3. Maliwanag at organisado
4. May paninindigan
5. May pananagutan
1.Obhetibo
Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan na ginawang pag- aaral at
pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o
pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala
hinggil sa paksang tinalakay. Iwasan ang
paggamit ng mga pahayag na batay sa aking
pananaw o ayon sa aming haka- haka o opinyon.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


2. Pormal
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o
balbal. Sa halip gumamit ng mga salitang pormal
na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang
tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado
Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay
nararapat na maging malinaw at organisado. Ang
mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng
maayos na pagkakasunod- sunod at
pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap.
Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng
kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga
kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad
ng paksa.
3. Maliwanag at Organisado
Maging ang mga pag- uugnay ng mga parirala o
pangungusap ay dapat na pilim- pili nang sa
ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap
na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa
katangiang kaisahan at maayos na
pagkakasunod- sunod ng mga kaisipan, ang
punong kaisipan o maintopic ay dapat
mapalutang o mabigyang- diin sa sulatin.
4. May paninindigan
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang
nais niyang bigyang- pansin o pag- aralan. Ibig sabihin,
hindi maganda ang magpabago- bago ng paksa. Ang
kanyang layunin na maisasagawa ito ay mahalagang
mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang
kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat sa napiling paksa.
5. May pananagutan
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na
datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na
pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat
sa awtoridad ng mga ginagamit na sanggunian. Bukod sa ito
ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong
nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong
pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay
makakatulong upang higit na mapagtubay ang kahusayan at
katumpakan ng iyong ginawa.
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat

1.Malikhaing Pagsulat
2.Teknikal na Pagsulat
3.Propesyunal na Pagsulat
4.Dyornalistik na Pagsulat
5.Reperensyal na Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat
Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin, at makaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Karaniwang ito ay naisusulat bunga ng malikot na
isipan ng sumusulat na maaring batay sa runay na
pangyayari o kaya naman ay bunga ng
imahinasyon o kathang- isip lamang.
1. Malikhaing Pagsulat
Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang
maikling kwento, dula, tula, malikhaing
sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip
ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at
iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat
Ang anyo ng akademikong pagsulat na ito ay ginagawa
sa layuning pag- aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumubuo ng isang pag- aaral na kailangan
para lutasin ang isang problema o suliranin. Bagamat
maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng
ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na
makaunawa lamang nito ay ang mga mambabasa
2. Teknikal na Pagsulat
na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o
suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o
larangan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang
Feasibility Study on the Construction of Platinum
Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal
Theatre in Caloocan City, at Proyekto sa Pagsasaayos
ng Ilog ng Marikina.

You might also like