You are on page 1of 81

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa
kanyang mga matang tila nangungusap. Di ko mapuknat
ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan
sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kanya subalit
alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang
nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang- aakit upang
siya’y balikan, yakapin, at ituring na akin. Siya na nga at
wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako makapayag na
mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos
magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y
mabalikan. “Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. Siya
na nga at wala nang iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko
Naging epektibo ba ang ginawang
paglalarawan? Bakit oo o bakit
hindi?
Naisip mo ba agad na isang aso pala
ang inilalarawan?______________________
Anong bagay ang una mong inakalang
inilalarawan base sa mga naunang
pangungusap?
Anong katangian ng talata ang sa
palagay mo ay agad nakakukuha
sa atensiyon ng mambabasa?
Ipaliwanag.
Kung ikaw ang maglalarawan sa
mga pangyayari sa unang
pagkikita ninyo ng inyong alaga,
paano mo ito ilalarawan?
“Kahit hindi ka pintor ay
makabubuo ka ng isang larawan
gamit ang mga salitang titimo sa
damdamin at isipan”
Pagsulat ng
Paglalarawan
Subhetibo
Naglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay
lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa isang katotohanan at sa totoong buhay .
Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa nga
tekstong naratibo tulad ng halimbawa ng mga tauhan sa
maikling kwento.
“Si Dante ay matipunong lalaki, may
mapang- akit na ngiti, at mga matang may
taglay na halina sa sinumang makakita. Ang
maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng
taos- pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagling nakakukuha ng
atensiyon at tiwala ng iba”.
“Si Dante ay matipunong lalaki, may
mapang- akit na ngiti, at mga matang may
taglay na halina sa sinumang makakita. Ang
maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng
taos- pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagling nakakukuha ng
atensiyon at tiwala ng iba”.
Obhetibo
May pinagbatayang katotohanan. Halimbawa,
kung ang lugar na inilalarawan ng isang
manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa
na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit
pa rin siya ng sarili niyang mga salitang
maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring
maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng
kanyang paksa.
Subhetibo/ Obhetibo
Ang Pilipinas ay isang munting paraiso na binubuo ng
mahigit pitong libong pulo. Ito ay binubuo ng mga
mararaming kayamanan na inilatag sa matatarik na
bundok, mga malalaking kapatagan, malalasublang
dagat at iba pang lugar. Perlas ng Silanganan nga kung
tawagin. Isa na dito sa mga magagandang lugar ay ang
pinagmamalaki ng mga Palawaneño, ang Puerto
Princesa.
Subhetibo/ Obhetibo
Ang Pilipinas ay isang munting paraiso na binubuo ng
mahigit pitong libong pulo. Ito ay binubuo ng mga
mararaming kayamanan na inilatag sa matatarik na
bundok, mga malalaking kapatagan, malalasublang
dagat at iba pang lugar. Perlas ng Silanganan nga kung
tawagin. Isa na dito sa mga magagandang lugar ay ang
pinagmamalaki ng mga Palawaneño, ang Puerto
Princesa.
Subhetibo/ Obhetibo
Tila pinangangapusan ako ng hininga nang
tumakas ako sa karimlan ako na nakasuot ng
puting-puti ay tila busilak na palaso na
sumibad sa makapal atmaitim na alapaap,
hindi masundan-tingin sa kabilisan.
Subhetibo/ Obhetibo
Tila pinangangapusan ako ng hininga nang
tumakas ako sa karimlan ako na nakasuot ng
puting-puti ay tila busilak na palaso na
sumibad sa makapal atmaitim na alapaap,
hindi masundan-tingin sa kabilisan.
Mga pang- uri o pang- abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, o anumang bagay na nais
niyang mabigyang- buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Karaniwang Bahagi lang ng
Ibang Teksto ang Tekstong
Deskriptibo
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa
iba pang uri ng teksto.
a. Tekstong naratibo
b. Tekstong argumentatibo
c. Tektong persuweysib
d. Tekstong prosidyural
Gamit ng Cohesive Devices o
Kohesyong Gramatikal sa
Pagsulat ng Tekstong
Deskritibo
Ang paggamit ng cohesive device o kohesyong
gramatikal ay mahalaga sa pagbibigay ng mas
malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang
teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo
ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o
sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng
magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan
ang mga salitang magbibigay ng kohesyonupang
higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng
bawat bahagi nito.
1. Reperensiya
a. Anapora
b. Katapora
2. Substitusyon
3. Ellipses
4. Pag- uugnay
5. Kohesyong Leksikal
a. Reiterasyon (Pag- uulit o repeyisyon, pag- iisa- isa,
pagbibigay- kahulugan)
b. Kolokasyon
Reperensiya
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag- uusapan sa
pangungusap.
a. Anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
b. Katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman
lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipagpapatuloy ang pagbabasa sa teksto).
Anapora/ katapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
Anapora/ katapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay
maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso
na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang
unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng
panghalip na ito).
Anapora/ katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa
aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang sa aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin. Siya ay si Bella, ang
bunso kong kapatid na nag- iisang taon pa
lamang.
Anapora/ katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa
aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang sa aking katawan kundi ng
aking puso at damdamin. Siya ay si Bella, ang
bunso kong kapatid na nag- iisang taon pa
lamang.
2. Substitusyon
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa
halip na muling ulitin ang salita
Hal. Nawala ko ang aklat mo, ibibili na lang kita ng
bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat).
3. Illipses (...)
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
4. Pag- uugnay
Nagagamit ang mga pang- ugnay tulad ng at
sa pag- uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala
sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan
ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag- uugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo
para sa mga anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang
mga magulang.
1. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga
anak.
2. Ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari
itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang
kolokasyon.
a.Reiterasyon
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang
ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-
uulit o repetisyon, pag- iisa- isa, at pagbibigay
kahulugan
(1)Pag- uulit o repetisyon
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
(1)Pag- uulit o repetisyon
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
(2) Pag- iisa- isa
Nagtatanim sila ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
(2) Pag- iisa- isa
Nagtatanim sila ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito ay
talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
(3) Pagbibigay- kahulugan
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag- aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag- kainan.
(3) Pagbibigay- kahulugan
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag- aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag- kainan.
b. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip
din ang isa. Maaaring magkapareha o
maaari ring magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay- tatay
Guro –mag- aaral
Hilaga- timog
Doktor- pasyente
Puti- itim
Maliit- malaki
Mayaman- mahirap
Ano ang tekstong
deskriptibo?
Ano- ano ang mga
katangian ng ganitong
uri ng teksto?
Sa paanong paraan
maihahalintulad sa isang
ipinintang larawan ang
tekstong deskriptibo?
Bakit sinabing ang tekstong
deskriptibo ay karaniwang
bahagi lang ng iba pang uri ng
teksto lalong- lalo na ng
naratibo?
Sa paanong paraan naaakit
ng mabisang paglalarawan
ang mga mambabasang
tulad mo?
Paano nagkakaiba ang
paglalarawang subhetibo sa
paglalarawang obhetibo?
Kung bubuo ka ng sarili mong
tauhan para sa maikling kwento,
ano ang mas magagamit mo,
paglalarawang subhetibo ba o
paglalarawang obhetibo?
Ipaliwanag.
Sa ano- anong pagkakataon
higit na angkop gamitin ang
paglalarawang obhetibo?
Ano- ano ang mga cohesive
device? Sa paanong paraan
nakatutulong ang mga ito sa
pagsulat ng tekstong
deskriptibo?
Paano nakatutulong ang
paggamit ng naaangkop na
paglalarawan o deskripsyon
upang higit na kalugdang
basahin ang isang teksto?
Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi
ng Iba Pang Teksto

Paglalarawan sa Tauhan
Paglalarawan sa Tagpuan
Paglalarawan sa Damdamin
Paglalarawan sa isang Mahalagang Bagay
Paglalarawan sa pangyayari
Paglalarawan sa Tauhan
Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon
ay “pinamimitakan na ng araw”. Ang gulang na iyan ay lalong kilalasa
tawag na “dalaginding” ng ating matatanda. Bagama’t hindi gaanong
kagandahan, si Ineng ay kinagihiliwan namang lubos, palibhasa’y
nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kaniyang mata, ang kulay
na kayumanggig kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa
bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan
mandin ng pag- ibig, ang malagong buhok na sa karaniwang pusod na
pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag- agawan sa nagmamanibalang
mangga, saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag- alay ng
luwalhati’t pangarap.
Mula sa: Ang Dalaginding
ni Inigo Ed. Regalado
Paglalarawan sa Tauhan
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na
nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang damit niyang suot, may
mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari
sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong
putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid,
ang kanyang kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis
na sumawata sa nagkakagulong tao.
Mula sa: Si Tata Selo
ni Rogelio R. Sicat
Paglalarawan sa Tauhan
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at
nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa
isang taong inaaatake ng malaria. Ang totoo’y may sakit
nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-
tagpi at maruming danit sa napakanipis niyang katawan,
at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang
kanyang namumula at naluluhang mata.

Mula sa: Takipsilim sa Djakarta ni Mochtar Lubis


salin ni Aurora E. Batnag
Ano ang masasabi mo sa
paglalarawan para kay
Ineng? Kay Tata Selo? Kay
Pak Idjo?
Masasabi bang epektibo
ang paglalarawan sa mga
tauhang ito? Bakit?
Anong damdamin ang
naantig sa iyo ng
pagkakalarawan kay Ineng?
Kay Tata Selo? Kay Pak Idjo?
Kung ikaw ang
maglalarawan sa iyong
sariling tauhan, paano mo
ito gagawin?
Paglalarawan
sa Tagpuan
At sa kaniyang diwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga
pagsasalaysay ng social worker. Walang dakong may lupang tuyo na
maaaring maayos na malakaran. Walang madaraanan kundi andamyong
kahoy . Ang tuwirang bato. Walang makikita sa paligid kundi putik.
Burak. Mamasa- masang lupang natatambakan ng basura. Ang
karaniwang barung- barong, tulad ng tinitirhan ni Paz Cruz ay walang
iniwan sa isang malaking kahon, na ang pintuan, ay siya ring bintana.
Matigas na karton ang tabiki. O kahoy mula sa mga kahon ng mansanas
at kahel. Yerong butas- butas na nabibili sa magbubulok. Ang sahig ay
silat- silat na kahoy na halos nakadikit sa pusali. Sa kapirasong paligid
niyon ay nagaganap lahat ng dula ng bahay, pati ang pasaglit- saglit na
paglasap ng luwalhati ng pag- ibig.
Mula sa Canal dela Reina
Ni Liwayway A. Arceo
Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi
ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at
malinaw na tubig nakatira sina Irene. Ang maliit na
dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa
loob ay may mga sari saring pananim na sa isang
maayos na panulukan ay may malalagong
sampaguita na dahil sa kagaanan di umano ng
kamay ng nag- aalaga ay kinapipitasan ng
masaganang bulaklak.
Mula sa Ang Dalaginding
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom
sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha
ng mga taong pagal sa paghahanap ng lunas sa mga
suliranin sa araw- araw. Ngunit, ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula
sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali.
Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat
ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na
liwanag ng mga ilaw- dagitab.
Mula sa Mabangis na Lungsod
Ni Efren R. Abueg
Ano ang masasabi mo sa
paglalarawan para sa Canal dela
Reina? Sa tirahan ng dalaginding?
Sa Quiapo mula sa “Mabangis na
Lungsod?
Tila nakikita mo ba sa iyong
imahinasyon ang lugar na
inilalarawan?
Masasabi ba kung gayon na
epektibo ang pagkakalarawan
sa mga tagpuang ito? Bakit?
Kung ikaw ang maglalarawan
ng isang tagpuan para sa
iyong sariling maikling kwento,
paano mo ito ilalarawan?
Paglalarawan sa
Damdamin
“And now, Miss Kinder ‘83, ladies and gentlemen... Because of her
simplicity, her freshness, poise, and total personality...”pause. Birada ng
tugtog. Mga nakabiting hininga. “Maria Natalia Gascon!”
Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si
Lea. Pati puso yata niya au tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre, di
dapat malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang
likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Habang sa tabi
niya’y hindi makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha! Mga kaibigan, Si maya ko ‘yon! Klik!
Narinig n’yo ba? Anak ko ‘yon!

Mula sa Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?


Ni Lualhati Bautista
May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok
ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntong hininga. Naramdaman kong may
nagpupumilit bumulong sa aking mata. Ngayon ko
lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;
dati- rati ko nang napapasok ang kapirasong pook
na ito.
Mula sa Dayuhan
Ni Buenaventura S. Medina
Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang
na poot. At nang makita niyang muling aangat ang
kanang paa ni Ogor upang sipain siyang muli, ay tila
nauulol na asong sinunggaban niya iyon. Niyakap.
Kinagat. Mariin...
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor.
Nagyakap sila. Pagulong- gulong. Hindi siya bumibitiw.
Nang siya’y mapaibabaw, sinunod- sunod niya – dagok,
dagok, dagok, dagok. Pahalipaw. Papaluka. Papatay.
Mula sa Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat
1. Anong damdamin ang umiiral sa tagpong inilarawan sa Bata, Bata...
Paano Ka Ginawa? Sa paanong paraan ito napalabas ng may- akda?
2. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan kaya napalutang ang
damdaming ito? Ipaliwanag.
3. Anong damdamin naman ang umiral sa “Dayuhan”? Paano ito
napalabas ng may- akda?
4. Paano naipadama sa mambabasa ang matinding poot na naramdaman
ni Ogor? Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan? Sa bahaging
ito? Ipaliwanag.
5. Kung ikaw ang susulat ng sarili mong akda, anong damdamin ang
nanaisin mong mapalabas? Sa paanong paraan mo mailalarawan ang
damdaming ito?
Paglalarawan sa
Isang Mahalagang
Bagay
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang
kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong
dinagdagan ng mga palamuti. At hindi basta- basta palamuti,
‘yong mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang
sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili
ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri.
“Ang ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng bawat
nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at
magagandnag pulang poinsettia... ah! Pero bakit ba tila may
kulang pa rin?

Mula sa Ang Aking Krismas Tri


ni Mary Grace Del Rosario
Sapul nang pag- ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay
nakadama siya ng kakaibang pintig ng kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng
lantsa balang araw. ‘Pag nagkaroon siya ng lantsa’y hindi na siya gagamit ng maliit
na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang
habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya sa
karagatan. Maaari na niyang marating ang inaabot ng lantsa ni Don Cesar.
Makalalbas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya ay daan- daang tiklis ng isda
ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya
nakababayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mga mata
ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko.
Kung makatatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na
lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. ‘Ilang araw kayo sa laot, ha?”
Itatanong niya. Siya’y sasagutin ko. At, “ako’y tatlumpung araw,” sasabihin niya
pagkatapos.

Mula sa Ang Mangingisda ni Ponciano B.P. Pineda


Nang matapos ang bahay- bahayan, ang ganda- gandang tingnan.
May pitong talampakan ang taas, may disenyo ng alambre at makikitid
na piraso ng kawayang tinakpan ng manipis na papel na puno ng iba’t
ibang kulay. Nagmukhang may karnabal dahil sa mga bulaklak na pilak
na nakakalat sa buong bahay. May papel na swimming pool (bilog, dahil
hindi naiintindihan ng tao ang hugis kidney) na inilagay sa loob ng
bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila, na nakapuwesto
sa pagitan ng dalawang kotse, isang malinaw na Chevrolet at isang
Mercedes. Nang oras na dinalanang bahay na papel sa libingan ni Tay
Soon at sinilaban doon, nagliwanag ng mabuti, at pagkatapos ng tatlong
minuto, naging bunton ng abo ang libingan.

Mula sa Maikling Kwentong Singaporean na Papel


Ni Catherine Lim
1. Paano inilarawan ang krismas tri sa unang paglalarawan? Ang lantsa
sa ikalawa? Ang bahay- bahayan sa ikatlo?
2. Paano nakatulong ang paglalarawan ng may akda sa krismas tri upang
higit na madama ng mambabasa ang kakulangan pa rin nito sa kabila ng
mamahaling palamuting nakasabit dito?
3. Ano ang tila nakikita mo sa lantsang pinapangarap makuha ng tauhan
sa ikalawang paglalarawan? Mababanaag ba sa paglalarawan ang
matinding pagnanais ng tauhan na makuha ang bagay na ito?
4. Bakit kaya marangya ang bahay- bahayang inilalarawan sa ikatlong
teksto? Ano kaya ang kahalagahan ng bagay na ito sa kabuoan ng
teksto?
5. Bakit mahalagang maging mahusay ang paglalarawan ng mga bagay
na ito?
Paglalarawan sa
Pangyayari
Maya- maya’y dumating si Danilo , ang panganay na anak ni Aling Feliza.
Namumutla ito at mukhang tulirong- tuliro. May ibinulong ito sa ina at narinig na
lamang ng buong talipapa ang malakas na hiyaw ni Aling Feliza kasabay ng bigla
nitong pagtimbuwang. Nagkagulo ang iba pang mga tindera sa pagtulong sa
kasamahang hinimatay. May nagpaypay, may kumuha ng tubig. Hindi nagtagal at
nahimasmasan din si Aling Feliza. Panay ang hagod ni Danilo sa noo ng ina. Kitang-
kita ang pag- aalala nito sa kalagayan ng ina. Walang tigil sa kaiiyak at hindi
makausap si Aling Feliza kaya’t nagdesisyon si Aling Flor na magsara na muna ng
tindahan tutal wala namang gaanong namimili upang maiuwi muna ang kaibigan sa
bahay nito. Nang nasa bahay na sila’y wala pa ring puknat sa pag- iyak ang kaibigan.
Sa kapipilit ni Aling Flor ay nagsalita rin ito. “Hay Mare... Ang placement fee ba
pinag- ipunan ko nang kay tagal , wala na... hu-hu-hu!” Hindi halos mawawaan ni
Flor ang sinasabi nito dahil sa bunghalit sa pag- iyak.

Mula sa “Ang Tindera” ni Alma M. Dayag


Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim
na bakal, tinaga, tinapyas, binali- bali. Pinagtutuklap ang
puno. At sila’y nag- aagawan, nagrtutulakan,
nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas, pagyabong ang puno; patuloy rin
ang pagkaubos ng katawan ng puno. Bumibigat na ang
yumayabong at patuloy na tumataas na puno.

Mula sa “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”


ni Simplico P. Bisa
1. Anong pangyayari ang inilarawan sa “Ang Tindera”? S
“Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”?
2. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa mga
pangyayaring ito? Sa paanong paraan?
3. Kung ikaw ang susulat ng isang mahalagang
pangyayari para sa sarili mong akda, sa paanong paraan
mo ito ilalarawan?

You might also like