You are on page 1of 8

Ilang Tekstong

Deskriptibong Bahagi ng
Iba Pang Teksto
Paglalarawan sa Tauhan
-Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na
mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa
tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din
ang pagkalarawan dito.
Kung sakali’t isang suspek na pinaghahanap ng mga
pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang
maghanap siya gamit lang ang naunang
paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak at
magmamarkang katangian. Ang mga halimbawang
salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay
pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi
nakapagdala ng mabisang imahe sa isipan ng
mambabasa.
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
- Ang paglalarawan sa damdamin ay
bahagi pa rin ng pag lalarawan sa tauhan
subalit sa halip na sa kanyang panlabas na
anyo o katangian ito napokus, ang
binibigyang diin dito’y ang kanyang
damdamin o emosyong taglay.
Napakahalagang mailalarawan nang mabisa
ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang
nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng
tauhan ang kanyang ginawa.
Paraan ng paglalarawan sa damdamin o
emosyon ng hindi na malayo at konektado pa rin
sa tauhan:
-Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan
ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa
aktwal na nararanasan ng tauhan ang
damdamin o emosyong taglay nito.

-Paggamit ng diyalligo o iniisip.


Maipapakita sa sinabi o iniisip ng tauhan ang
emosyon o damdaming taglay niya.
-Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa
pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan
minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang
damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso
at isipan.

-Paggamit ng tayutay o matalinghagang


pananalita. Ang mga tayutay at matalinhagang
pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay
ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
Paglalarawan sa Tagpuan
-Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kailan at saan naganap ang akda sa paraang
nakagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan
nang mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan
madarama ng mambabasa ang diwa ng akda. Maaaring
ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng
tauhan sa kapaligirang ito.
-Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito?
Marumi, luma, kinakawalang, gumigiray, nakikimarim
na basura,nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.
 Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga
inang hindi magkamayaw sa mga Gawain, iyakan ng
mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, tawanan
ng mga mirong nag-iinuman sa kalapit ng tindahan.
 Anong amoy ang namamayani? Masangsang na amoy ng
nabubulok na basura, amoy ng usok na nagmumula sa
bunton ng mga basura, amoy pawis ng mga basurerong
bilad sa araw.
 Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? Maiinit o
malinsangan, gutom nakapanlalagkit na pawis at
alikabok, hindi komportable.
 Ano ang lasa ng mga pagkain ditto? Pagpag na manok
na nagsisimula nang mapanis kaya’t maasim na, masebo
at matabang na karne mula sa karinderyang nilalangaw.
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay
Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari
sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas
malalim na kahulugan ditto. Hindi sapat na
maglagay lamang ng larawan ng nasabing
bagay sa pahina ng akda upang mabigyang diin
ang kahalagan nito. Dapat mailahad kung saan
nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding
mailarawan itong mabuti upang halos madama
na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa
tunog, at iba pang katangian nito.

You might also like