You are on page 1of 1

Kohesyong leksikal

- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa. reiterasyon
at ang kolokasyon.
- Nagkakaroon ng kohesyon ang isang teksto kung magkakaugnay ang mga pangungusap sa isang talata at sa iba
pang mga talata nito.

Reiterasyon

- Ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.


- ito ay isang paraan upang ugnay-ugnayin ang mga detalye sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Paguulit – may mga piling salita na inuulit sa isang pangungusap upang bigyang-diin.
Ex.– Mahalaga sa tao EDUKASYON. Ang EDUKASYON nag-aangat sa kanya tungo sa magandang buhay.

 Magkasingkahulugan – paggamit ng ibang mga salitang may katulad na kahulugan sa iyong pinatitingkad na
salita o ideya.
Ex.- Bitbit~Dala, -Bahay~Tahanan, -Dalaga~Binibini, -Sakit~Karamdaman, -Awit~Kanta, -Wika~Salita.
At madami pang iba.
Ex.– Ang mga KAPUS-PALAD ay mga MAHIHIRAP na kailangan ang pagkalinga ng mga taong nakaaangat sa
buhay sa lipunan.

 Kasalungat – sa paggamit ng salitang kasalungat ang kahulugan ng isang salita, naipapakita ang kaugnayan niya
sa pinatitingkad na ideya.
Ex.- Malambing-Masungit, Malaki-Maliit, Madilim-Maliwanag, Mahaba-Maiksi, Matalas-Mapurol, Mabait-
Masama
Ex.- Habang bata pa ang tao, asahan mong di to marunong YUMUKO at parati itong NAKATINGALA.

Kolokasyon

- Pagiisip ng iba na isasama sa isang salita o talasalitaan upang maka-buo ng ibang pang kahulugan. Maaaring
magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Ex.- lumiban – pumasok, kumuha – nagbigay, nagdagdag – nagbawas, sulong – urong, inis - saya, sagot – tanong.
Ex.- Ayon sa sendor, SIPAG at TIYAGA ang nagging puhunan niya sa pag asenso

Superordinate

- Tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa mga kategorya na kinakabibilangan nito sa mas ispisipikong bagay.
Ex.- Ang salitang PAARALAN ay superordinate ng mga salitang ESTUDYANTE, GURO, PUNONGGURO, AKLAT,
KWADERNO.

You might also like