You are on page 1of 4

MONTESSORI DE SAN ILDEFONSO, INC.

Quijano St., San Juan, San Ildefonso, Bulacan


Contact No. 0931-044-2955 Email Add: mdsi.2002@gmail.com School ID No. 400920
Government Recognition Nos.: Preschool, E. 103, s.2002; Grade School, E. 091, s.2003; JHS, S.003, s.2004; SHSP, 810, s. 2016

LEARNING KIT

I. PAMAGAT
 Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
 Takdang Oras: 2 Days (Ikatlong Linggo / Ikalawang Markahan)
 Paksa: Kakayahang Komunikatibo (Lingguwistiko at Sosyolingguswistiko)
 Baitang: 11- ( STEM, ABM, HUMMS, GAS)

II. PANGKALAHATANG IDEYA

"Magandang araw po! Kumusta po kayo?" Ito ay halimbawa ng mga salitang madalas nating
ginagamit. Ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Sa araling ito, matututuhan
na ang sa kakayang panggramatika at sosyolinggustiko sa kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino.

III. LAYUNIN
Kakayahang Pampagkatuto:
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay
sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan

Inaasahang magagawa:
 Nakasusulat ng isang diyalogo na karaniwang naisasagawa sa pang-araw araw na pamumuhay
na may tamang paggamit ng mga bahagi ng pananalita.
IV. NILALAMAN

C. ATIN NANG PALAWIGIN

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao namakabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang
nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, nanangangahulugan namang abilidad sa angkop
na paggamit ng mgapangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972)
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa
kasaysayan, dumaan na samaraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa nanagbunga ng
pagbabago sa matandang balarila.
 Bahagi Ng Pananalita Sa Makabagong Gramatika

A. Mga Salitang Pangnilalaman:


Mga nominala.
 Pangngalan- Nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,pook, katangian, pangyayari, at iba pa.

 Panghalip- Pamalit o panghalili sa pangngalan

 Pandiwa- nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita

Mga panuring
 Pang-uri- nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

 Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,pang-uri, at kapuwa pang-abay


Mga Pang-ugnay
 Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay

(halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit )


 Pang-angkop- katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

(halimbawa: na, -ng


 Pang-ukol- nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

(halimbawa: sa, ng)


Mga Pananda.
 Pantukoy- salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip

(halimbawa: si, ang, ang mga)


 Pagpapalit ng D Tungo Sa R;

 Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay
nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y

halimbawa: malaya rin , mababaw raw


 Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita

( halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin,nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa ra, -ri, -raw, o ray
(halimbawa: maaari din, araw-araw daw )

 Paggamit Ng “Ng” At “Nang”

May limang tiyak na paggamit ng nang:


 bilang kasingkahulugan ng noon

halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagadsilang nagpatayo ng mga
paaralan.”
 bilang kasingkahulugan ng upang o para

halimbawa: “Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”
 katumbas ng pinagsamang na at ng

halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”
 pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano

halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”


“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”
 bilang pang-angkop ng inuulit na salita

halimbawa: Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.


KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Ito ay kakayahang gamitin ang wika ng may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
 Kakayahan sa paggamit ng mga berbal(pasalita)- Ito ay isang pormal na pamamaraang sumasailalim sa
estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong
pasulat o pasalita. Ito ay ginagamitan ng mga salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mga
mensahe.
 Di-berbal (paralinguistics) napamaraan

BERBAL NA ESTRATEHIYA DI BERBAL NA ESTRATEHIYA


Paggamit ng Intonasyon Paggamit ng mga Galaw(Gestures)
Paggamit ng Hinto
Paggamit ng Diin
Iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon.
1. Kinetics(kinesika)
-ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw ng ibat-ibang bahagi
ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay
maipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
 Ekspresyon ng Mukha ( Nagpapakita ng emosyon)
Maipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon o saloobin sa pamamagitan ng pagbabago ng
ekspresyon o itsura ng mukha nito.
 Isang halimbawa nito ay masaya ang isang tao, siya ay nangingiti. Kung siya naman ay
nagagalit, ay sisimangot ito. Kung malulungkot naman ang isang sisimangot ito o
tutulala.
 Galaw ng Mata
Ito ay maaaring magpakita ng katapatan ng isang tao. Nag-iiba ang mensaheng nais iparating batay
sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
 Isang halimbawa nito ay kung may sama ng loo bang isang kaibigan sayo, titignan ka nito
ng masama. Mayroon namang lihim ang isang tao ay maaari itong kumindat.
 Kumpas ( Galaw ng kamay)
Ang paggalaw ng kamay ay maraming pamamaraang magagawa katulad ng pagpapasensyas,
pagsang-ayon o pagtutol, pagpapakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng pabor at
marami pang iba.
 Isang halimbawa nito ay kung hinangaan mo ang gawa ng isang tao ay papalakpakan mo
ito, o kaya naman ay kung mahal mo ang isang tao ay gagawa ka ng korteng puso gamit
ang isang pinagsamang kamay.
2. Proxemics(proksemika)
Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
Isang katawagang binuo ni Edward T. Hall(1963) isang antropologo.
 Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari rding using karaniwang
pag-uusao sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
3. Haptics ( pandama o paghawak)
Ito ay isang pinaka-primatibong anyo ng komunikasyon
Minsan ito ay nagpapahiwatig ng positibo o negatibong motibo ng isang tao.
 Ilan sa mga halimbawa nito at ang pagyakao at paghaplos.
4. Paralanguage( mga Di-lingguwistikong Tunog na mag kaugnay sa pagsasalita)
Ito ay tumutukoy sat ono ng tinig(pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita.
 Ilan sa halimbawa nito ay ang pagsutsot/sitsit, buntong-hininga, ungol at paghinto.
5. Silence(katahimikan/hindi pag-imik)
Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na
makapag-isip at bumuo ng kanyang sasabihin.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang
tao.
6. Environment( Kapaligiran)
Nagsisilbi itong komuikasyong di-verbal dahil ito ay kailangan ng tao upang maganap ang
interaktibo at komuikatibong gawain sa buhay.
Tumutukoy ito sa lugar ng pagdarausan ng anumang pulong, kumprehensya o seminar.
E. ATIN NANG SUKATIN

Kilalanin ang isinasalarawan ng mga sumusunod na pangkat ng mga salita. Piliin ang tamang sagot sa mga
salitang nasa kahon at isulat ito sa patlang.

____________________1. Ito ay ginagamitan ng mga salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mga
mensahe.
____________________2. Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
____________________3. Isang halimbawa nito ay masayaa ang isang tao, siya ay ngingiti.
____________________4. Ang pag galaw ng kamay ay maraming pamamamraang magagawa tulad ng
pagsensyas, pagsang-ayon, o pagtutol pananakit at marami pang iba.
____________________5 Ito ay maaring magpakita ng katapatan ng isang tao.
____________________6. Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
____________________7. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagyakap o paghaplos
____________________8. Ang pagtahimik o hindi pag-imik.
____________________9. Tumutukoy sa tono ng tinig, pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita
____________________10. Ito ay isang detalyado at lihim na kodigo sinasalita at nakasulat ngunit nauunawaan ng
lahat.

Verbal Haptics Kinetics Ekspresyon ng mukha


Di-verbal Proxemics Environment Paralanguage
Silence Galaw ng mata Kumpas

II. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang kung ito’y Pandiwa, Pang-abay, Pang-uri, Panggalan, Pang-ukol, Pang-angkop, Panghalip,
Pangatnig, o Pantukoy.

____________________1 Ang bata ay nagkwento tungkol sa kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya.


____________________2.Tumalon nang mataas ang kabayo
____________________3. Ang bawat pook ay tahimik.
____________________4. Mas mataas ang punong niyog kaysa manga.
____________________5. Siya ang naatasang mamuno sa kanilang pangkatang Gawain.
____________________6. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan.
____________________7. Bata pa si Red subalit siya’y responsable na.
____________________8 Ipinagluto siya ng kaniyang ina ng masarap na pagkain.
____________________9. Susunod ka sa iyong magulang o mapapariwara ang iyong buhay ?
____________________10. Ang bundok ay isang anyong lupa.
III. PANUTO: Punan ang patlang ng wastong gamit ng salita. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.

1. Bumili si Rex _________ apat na tinapay para sa anak niya. (ng, nang)
2. Ang guro ay nagtuturo __________ Filipino. (ng, nang)
3. Siya ay nakakita __________ magandang dilag na kaniyang ikinabighani.
4. Payapa __________ ang kalagayan ngayon sa timog. .(daw, raw)
5. Malakas__________ang buhos ng ulan kagabi. (din, rin)

You might also like