You are on page 1of 4

Teoryang Pangwika A. Sosyoling wistikong teorya: Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.

Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole). Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek. B. Teorya ng akomodasyon: Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga itoy mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kayay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kayay lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad. Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

impormatib ekspresib direktib perpormatib persweysib

Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan. Regulatori - kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos. Informativ - nagbibigay ng informasyon/datos.

Antas ng Wika
Posted on Marso 24, 2009 by fleet1ng| Mga Puna

Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan 2. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) 2. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sakin,kelan Meron ka bang dala?

3. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis, natalsik) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (crocodiles greedy) Bata (child girlfriend) Durog (powdered high in addiction) Papa (father lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam paki Tiyak tyak 5. Pagbabaliktad Buong Salita Halimbawa: Etned bente Kita atik Papantig Halimbawa: Dehin hindi Ngetpa Panget Tipar Parti 6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: G get, nauunawaan US under de saya 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak Palpak Bigo Torpe Tyope torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita Halimbawa: Bow na lang ng bow Mag-jr (joy riding) Mag-gimik Mag-MU 9. Paggamit ng Bilang Halimbawa: 45 pumutok 1433 I love you too 50-50 naghihingalo 10. Pagdaragdag Halimbawa: Puti isputing Kulang kulongbisi 11. Kumbinasyon A. Pagbabaligtad at Pagdaragdag Halimbawa: Hiya Yahi Dyahi B. Pagpapaikli at pag-Pilipino Halimbawa: Pino Pinoy Mestiso Tiso, Tisoy C. Pagpapaikli at Pagbabaligtad Halimbawa: Pantalon Talon Lonta Sigarilyo Siyo Yosi D. Panghihiram at Pagpapaikli Halimbawa: Security Sikyo Brain Damage Brenda E. Panghihiram at Pagdaragdag Halimbawa: Get Gets/Getsing Cry Crayola

You might also like