You are on page 1of 4

A.

Sosyoling wistikong teorya:


Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay
pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o
kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong
sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang
wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang
signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika
na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at
ang signified (parole).
Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng
wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan
dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng
komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang
magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika,
ang idyolek, dayalek, at sosyolek.
B. Teorya ng akomodasyon:
Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence
at linguistic divergence, Ang mga itoy mga teorya mula sa SLA
(second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa
linguistic convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang
pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kayay
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic

divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o


kayay lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.
Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage.
Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng
unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang
Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa dimaiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang
nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang
interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo
ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng
pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating
ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng
gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang
grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago
ng mga alituntunin.

Catherine Sevidal
ABM-7

Kolokyal - isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong
pang- araw - araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar , bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasabi. Halimbawa: Mayroon meron, Dalawa dalwa, Diyan
dyan, Kwarta-pera, Na saan nasan, Paano pano, Sa akin-sakin.
Impormal - mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan. Halimbawa:
erpats, tom-guts, tsikot, sikyu at noypi.
Pormal - mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika. Ito ay gumagamit ng
bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan.
Ito rin ay kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may
pangkapaligirang intelekwal. Halimbawa: kasaysayan, sanggunian,
katuwang, paaralan at edukasyon.
Slang - ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang
kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin
ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita.
Maari itong mahaba o maikling salita lamang. Halimbawa: Pabebe, bae,
beastmode, tomboy at epal.

Katawa-tawa mga salitang nakakatawa at minsan ay hindi kaaya-aya.


Halimbawa: niligtas ni Juan ang isdang nalulunod.
Pauyam Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan
ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga
pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Halimbawa: Talagang matalino ka, malamang bumagsak ka sa pagsusulit na
iyong kinuha.
Patuya mga salitang tinutukoy ang kabaligtad na kahulugan. Isinasagot
ang mga salitang ito sa mga tanong na hindi na dapat tinatanong.
Halimbawa: Ayy hindi, hindi tayo bibili ng mga lulutuin natin. Kaya nga tayo
pupunta sa grocery diba? Edi syempre mamimili tayo!

You might also like