You are on page 1of 5

ARALIN BILANG 1

Kahulugan ng Wika
 Ang Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nakatira sa iisang kultura. - Henry Gleason

Masistemang Balangkas
 Dalawang masistemang balangkas:
 Balangkas ng tunog at Balangkas ng mga kahulugan.
 Ang wika ay may tiyak na dami ng tunog na napagsama-sama sa isang sistematikong paraan upang bumubo ng
makabuluhang yunit gaya ng salita.
 Ang mga salita naman kapag pinagsama-sama ay makabubuo ng mga parirala at pangungusap.
 Sa pagsasama-sama ng mga pangungusap ay nakabubuo ng mga pahayag o ng isang makabuluhang diskurso.

ANG LUMANG ALPABETO – PALABIGKASAN

Sinasalitang Tunog
 Maraming naririnig na tunog sa paligid gaya ng lagaslas ng tubig sa batis, pagaspas hangin, dagundong ng kulog, yabag ng
mga naglalakad, langitngit ng natapakang tuyong dahon, lagapak ng isinarang pinto subalit hindi lahat ng mga naririnig
nating tunog ay maituturing na wika sapagkat hindi nabubuo ang mga tunog na ito sa pamamagitan ng mga sangkap ng
pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ngalangala, babagtingang tinig at iba pang bahagi ng speech organ.
 Lahat ng mga tunog na nilikha sa speech organ ay bahagi ng wika.

Pinili at isinaayos sa paraang arbitrary


 Ang tunog na sinasalita ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit.
 Pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
Hal. Ang Salitang Baliktad (Tagalog)
 Baligtad (Pampango)
 Baliktar (Pangasinan)
 Baliskad (Aklanon)
 Balikad (Waray)
 Balitag (Ibanag)

Upang magamit sa komunikasyon


 Ang Wika ay ginagamit sa komunikasyon.
 Behikulo ng talastasan o komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
 Ginagamit nila ang wika upang ipahayag ang kanilang pangangailangan, damdamin sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
pagkakataon.

Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
 Sistematikong paraan ang pagsasaayos ng tunog o mga tunog upang bumuo ng makabuluhang yunit gaya ng
salita, ng parirala, ng pangungusap o ng isang diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
 Ang wika ay sinasalita. Ang paraang pasulat ay representasyon lamang ng mga tunog na sinasalita.
Halimbawa:
 bisa- talab visa- pasaporte
 bapor- kuta vapor- gas, hamog
 port – daungan fort- kuta
 Five-Pipe Fat - pot
3. Ang wika ay komunikasyon.
 Behikulo ng pakikipagtalastasan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
 Gamit ang wika upang ipahayag ang damdamin, ang iniisip, ang nadarama at pangangailangan ng tao.
4. Ang wika ay pantao.
 Ang wika ay para sa, ukol sa at gamit lamang ng tao.
 Iba ang wika sa ungol o huni ng hayop.
 Napag-aralan ng isang tao na sulatin ang isang wika, ang wika ng iba pang etniko.
 Nagagamit ang wika sa pag-uusap tungkol sa kanyang opinyon.

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY-MOALBOAL CAMPUS


FILIPINO 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ALEXIS P. RAMIREZ, M.Ed. Page 1
5. Ang wika at kultura ay magkaugnay at hindi maaaring paghiwalayin.
 May sapat na wika o mga salitang pantawag sa bawat gawain, pamumuhay at kultura ng tao.
6. Ang wika ay natatangi.
 Bawat wika ay may sariling set ng mga makabuluhang tunog, mga yunit panggramatika, at sariling sistema ng
palabuuan ng mga salita at palaugnayan nito.
 Walang dalawang wika na magkatulad na magkatulad.
 Maaaring sabihing may mga wikang magkahawig subalit walang dalawang magkatulad sa lahat ng aspeto.
7. Ang wika ay malikhain.
 May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.
 Ang isang taong maalam ng isang wika ay makapagsasalita at makabubuo ng iba’t ibang pahayag at
makauunawa ng anumang marinig o mababasang pahayag sa kanyang wika.
 Habang patuloy na ginagamit ng mga tao ang wika, patuloy na makabubuo ng bagong pahayag.
8. Ang wika ay dinamiko o buhay at patuloy na magbabago.
 Dahil patuloy na nagbabago ang pamumuhay ng tao, ang wika ay patuloy din sa pagbabago.
 Patuloy na lumalawak ang talasalitaan.
 Nagbabago ang sistema ng pagsulat at ang palabaybayan.
 Kailangang ang pagbabago sa wika upang makaangkop sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at
teknolohiya.
Kalikasan ng Wika
1. Pinagsama-samang tunog.
2. May dalang kahulugan.
3. May ispeling.
4. May gramatical structure.
5. Pagkawala o extinction
6. May lebel o antas.
7. Sistemang oral-aural.
8 iba-iba, diversified, indigenous

Kahalagahan ng Wika
1. Ang Wika ay behikulo ng isipan.
“ Mawala na ang lahat, Huwag lang ang kapangyarihan ng wika.” – Daniel Webster
2. Ang wika ay mga simbolong sumasagisag sa mga ideya, kilos at saloobin.
3. Ang Wika ay landas ng kaisahan at pag-unlad

Kaantasan ng Wika
Nakikilala at nasusukat ang katangian ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga gawi, kilos at pananalita.
Matatantiya mo ang katalinuhan niya sa mga salitang kanyang binibigkas.
Maglalarawan din ito ng kanyang lugar o probinsyang pinanggalingan.
Datapwat may ilan na nababago ang antas ng mga pananalita sanhi ng impluwensya ng mga kasamahan.

Dalawang Pangkalahatang Antas ng Wika


A. Pormal. Istandard ito na antas ng wika. Kinikilala at ginagamit ito ng nakakarami. Ang antas na ito ay may dalawang uri:
1. Pambansa. Ginagamit ito ng karaniwang manunulat ng aklat at iba pang pambalarilang babasahin para sa
paaralan at pamahalaan. Itinuturo ito sa mga paaralan.
Halimbawa:
Wika, sayaw, anak, tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika. Pinakamataas na uri ng salita na ginagamit ng mga malikhaing manunulat
lalo na sa mga akdang pampanitikan. Karaniwang mga salitang malalim ang kahulugan, matalinghaga, makukulay
at masining.
Halimbawa:
 manibalang ka pa
 may krus sa dibdib
 amoy bawang, may katas sa labi
 nasa katanghalian ng buhay
B. Impormal. Karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan tulad ng lalawigan, kolokyal at balbal.
1. Lalawigan. Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan. Makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
 Batangas – bukod sa punto katangi-tanging marinig ang ga at baga.
 Rizal – Maririnig sa lugar na ito ang salitang Kalamunding (kalamansi) at Ngirngir (gilagid).
 Ang “oo” ay hao sa Rizal at “hoo” naman sa Mindoro.
2. Kolokyal. Mga salitang may kagaspangan subalit maaaring maging refinado batay sa kung sino ang
nagsasalita. Kung minsan, pinaikli ang salita sa pagkakaltas ng isa o higit pang titik sa isang salita.
Halimbawa:
 Na’san (Nasaan)
 Pa’no (Paano)
 sa ‘kin (sa akin)
 kelan (kailan)
3. Balbal. Ito ay slang sa Ingles. Mababa ang antas na ito at nagkakaroon ng sariling codes. Pangalawa ito
sa salitang vulgar na may kabastusan.
CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY-MOALBOAL CAMPUS
FILIPINO 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ALEXIS P. RAMIREZ, M.Ed. Page 2
Halimbawa:
 Chicks (dalagang bata pa)
 Orange (beinte pesos)

Paraan ng Pagbabago ng Salitang Balbal


1. Kumbinasyon.
a. Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya = yahi, dyahi
Hindi = dehins
b. Pagpapaikli at Pagsasa-Filipino
Halimbawa:
Pilipino = Pinoy
Mestiso = Tisoy
c. Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon – talon – lonta
Sigarilyo – siyo - yosi
d. Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security = sikyu
Brain damage = Brenda
e. Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get = gets/ getsing
In love = inlabado
2. Panghihiram ng Wikang Banyaga
Halimbawa:
Effect = epek
Football = futbol (natalsik)
Deadball = dedbol (patay)
3. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan
Halimbawa:
Crocodile = buwaya = greedy
Child = bata = girlfriend
Father = papa = lover
4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam = paki
Amerikano = kano
Tiyak = tyak
5. Pagbabaligtad
Halimbawa:
Buong salita: kita – atik
bata – atab
Papantig: Parti – tipar
Pangit - ngitpa
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
Get = G = Naunawan
KSP = Kulang sa pansin
7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak = palpak = bigo
Asawa = jowa
8. Paghahalo ng Wika
Halimbawa:
Joy Riding = Mag-JR
Bow na lang nang bow
9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
143 = I Love You
1433 = I Love You Too
50 – 50 = Naghihingalo
10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti – isputing
Balbon – Balbonik

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY-MOALBOAL CAMPUS


FILIPINO 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ALEXIS P. RAMIREZ, M.Ed. Page 3
11. Paghango sa mga Salitang Katutubo
Halimbawa:
Bayot – Bakla
Kuripot – Barat
C. Pagbabago sa Wika
Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng siyensya at teknolohiya’y sagot sa pangangailangan ng tao at
kaagad itong nasasalalim sa wika. Ilang dahilan ng pagbabago ng wika:

1. Paglilipat o Panghihiram
 Nagkakaroon ng pagbabago ang isang wika dahil tinatanggap ng isang grupo ang mga bagay, gawi at
ideya – kasama ng mga tawag na ito – mula sa ibang grupo. Ang prosesong ito ay tinatawag na
PANGHIHIRAM.
Mga ilang wika na nailipat sa wika ng Pilipinas.
 Sabi (galing sa Kastila na Saber)
 Sabon (Kastila na Jabon)
 Titser (Ingles – Teacher)
 Haywey (Ingles – Highway)
 Guro (Indian – Guru)
2. Pangangailangan
 Ang isa pang dahilan kung bakit nagbabago/ ginagaya natin ang ibang wika ay pangangailangan. Dahil
ang bagong bagay na tinanggap sa ibang kultura ay walang termino.
 Mga Halimbawa:
 Telefono (Kastila) – Telepono (Tagalog)
 Computer (Ingles) – Kompyuter (Tagalog)
 Unibersidad, Jip, Sabmarin, TV, Lipstick
3. Prestige
 Isa pang motibo ng panghihiram sa ibang bansa ay ang paghanga sa kulturang pinanggalingan ng
bagong salita.
 Mga Halimbawa:
 Gera (Kastila) kahit may Tagalog na Digmaan.
 Daddy at Mommy (Ingles) o Papa at Mama (Kastila) kahit may Tatay, Itay, Nanay, Inay
(Tagalog)
4. Tabu
 Malaki rin ang epekto ng tabu (Ingles – Taboo) o salitang pang-iwas sa pagbabago sa wika.
 May mga salitang iniiwasan sapagkat hindi dapat sabihin sa partikular na sitwasyon o di kaya
tinuturing bastos o walang galang o di kaya hindi magandang pakinggan.
 Mga Halimbawa:
 Namatay na pinalitan ng yumao at sumakabilang buhay.
 Labi – Ibig sabihin labis sa anumang bagay o tira. Ginagamit para tukuyin ang patay o
katawan ng patay.
 CR (Comfort Room) o LR (Ladies Room) ay ginagamit para pang-iwas sa salitang toilet,
kubeta o kasilyas.
Tungkulin ng Wika
Sa Explorations in the Functions of Languange ni M.A.K. Halliday (1973), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika
batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY-MOALBOAL CAMPUS


FILIPINO 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ALEXIS P. RAMIREZ, M.Ed. Page 4
Mga Teorya ng Wika
1. Teoryang Dingdong
 Ipinapalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
nasabing bagay.
2. Teoryang Bow-wow
 Ang tunog na nalilikha ng hayop ay ginagaya ng tao.
Halimbawa:
 Kahol ng Aso; Ngiyaw ng Pusa
 Tilaok ng Manok; Twit-twit ng Ibon
3. Teoryang Poh-pooh
 Teoryang tumatalakay rin sa tunog.
 Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.
 Pagpapakita ng tuwa sa pamamagitan ng pagtawa, kalungkutan o sakit sa pamamagitan ng pag-iyak, pagkabigla
pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin.

4. Teoryang Senyas o Kumpas


 Ginagamit naman dito ang pagkumpas o pagsenyas upang maiparating ng tao ang nais sabihin.
 Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon.
 Sa pagbabago-bago ng pusisyon ng dila sa loob ng bibig, nakagagawa ng maraming klase ng tunog at pagdami ng mga
nagagawang tunog, nababawasan naman ang mga pagkumpas at pagsenyas.
5. Teoryang Ya-he-ho o Yo-he-ho
 Teoryang unang nahinuha ni NOIRE, isang iskolar noong ikalabinsyam (1900) na dantaon.
 Ayon sa kanya, ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho.
Lalo na kung ginagamitan ng puwersa.

Iba Pang Pinagmulan ng Wika


 Ang Kuwento sa Matandang Kaharian ng Ehipto.
 Pinamumunuan ni Haring Psammatichos.
 Gustong patunayan na ang wika ay sadyang natutunan kahit walang nagtuturo o naririnig kaya nagpaalaga siya ng
dalawang bata at inilagay ito sa malayong pook na walang maririnig na salita ng tao.
 Ayon sa nag-aalaga, ang unang salitang nagbigkas ng mga bata ay bekos isang salitang Phrygian (matandang
wikang patay na.)
 Pag-aaral ni Charles Darwin.
 Ang sariling pag-aaral naman na isinagawa ni Charles Darwin na nasaad sa Aklat ni Leoberman (1975) na may
pamagat na On The Origin of Language sinabi niyang ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo
sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
 Maiuugat kay Plato, isang Greek philosopher, ang kanyang pananaw sa wika. “Ang wika ay nabuo ayon sa batas ng
pangangailangan at may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan ng mga bagay at ng mga kinatawan nito.” Dagdag
pa niya, ang wika’y tulad ng iba’t ibang saling angkan na maaaring magsimula sa simple hanggang sa maraming
pagbabago hanggang sa mapalago at maliwanag na naintindihan.”
 Paniniwala ng mga Siyentipiko
 Naniniwala sila na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mga unang tao.
 Ang wika ay nagmula sa mga unggoy subalit dahil sa ebolusyon, ang mga simpleng wikang ito’y naging malawak
na sa katagala’y napag-iwanan nang napakalayo ang mga salita ng mga hayop.
 Paniniwala ni Rene Descartes
 Isang Pilosopong Pranses at isang mathematician, ang wika ang nagpapatunay na ang tao’y kakaiba.
 Ang mga hayop ay maaaring nakaiintindi ngunit di katulad pagmamasid, maaaring kausapin ng tao ang hayop
subalit kailanman ay hindi maaaring kausapin ng hayop ang tao. Isang patunay, na nakakahigit ang tao sa
alinmang hayop.
 Ayon Sa Genesis 11:1 – 9
 Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at
lumaganap pagawing silangan. Natuklasan nila ang lupain ng Babilonya, nagtayo sila ng templong tore (Lungsod ng
Babel at Tore ng Babel) na sumasagisag sa kanilang palalo at walang-hanggang paghahangad.

Mga Pangunahing Wikain ng Pilipinas

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY-MOALBOAL CAMPUS


FILIPINO 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ALEXIS P. RAMIREZ, M.Ed. Page 5

You might also like