Layunin: Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t- ibang antas,tungkulinat gampanin wika.
Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Ang antas ng
wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa alingantas –panlipunansiya nabibilang. May dalawang antas ng wika, ito ay ang Pormal at Impormal. A. Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalao na ng mga nakapag-aral ng wika. 1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. 2. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. B. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. 1. Balbal. May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamahabang antas ng wika. Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. Ito ang nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika. Itinuturing din itong pinakamahabang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Karniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Halimbawa: Parak (pulis) Istokwa (naglayas) Juding (bakla) Paraan ng pagbuo ng salitang balbal. a. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: gurang (Bicol, Bisaya) bayot (Cebu) b. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: dedbol (dead ball, Eng.) chicha (Spanish) jingle (Eng.) c. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Tagalog Halimbawa: hiyas (gem – virginity) luto (cook – game fixing) taga (hack – commission)
2. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa
mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauri rin sa antas na ito. Hlimbawa: Nasa’n (nasaan) Pa’no (paano) Sa ‘kin (sa akin) Sa’yo (sa iyo) Kelan (kalian) Meron (mayroon)
3. Lalawiganin.Ito ang bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga
ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilalarin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag- aaralan ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan
ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang
matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang
usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.
1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.
3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.
halimbawa: pasalita: pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto
4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
halimbawa: pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot
5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
halimbawa: pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan
6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.
halimbawa: pasalita: pagtatanong pasulat: survey
7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.
halimbawa: pasalita: pag-uulat pasulat: balita sa pahayagan GAMPANIN NG WIKA
Ang wika ay nagtataglay ng maraming kahalagahan sa sangkatauhan. Marami
itong nagagawa sa pang araw- araw na interaksyon ng tao sa kapwa. 1. IMPORMATIB – ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa tagatanggap nito. 2. EKSPRESIB – ito kung nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon. 3. DIREKTIB – nagiging direktib ito kung hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang tao upang isagawa ang isang bagay. 4. PERPORMATIB – ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito ay kinapapalooban ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag. 5. PERSWEYSIB – kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala.