You are on page 1of 10

Filipino sa Piling Larang

Akademik
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Paggamit ng Wika sa Pagsulat
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang makasulat at


makabuo ng sulating akademiko.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika (CS_FA11/12WG-Op-r-93)
a. Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan at gamit ng wika sa pagsulat; at
b. Nakagagamit ng wasto at angkop na wika sa pagsulat ng sulatin.

Subukin

Basahin ang usapan ng mga magkakaibigan sa ibaba.


Subuking alamin ang mga salitang ginamit kung ito ay pormal o
di pormal na salita. Ilagay ang iyong mga sagot sa iyong
kwaderno.

Ang lupit nya


Kamusta Si Ana na ba to? ngayon. Lodi.
ka, besh? Wow. Astig ang Petmalu
ganda naman ng
Mabuti porma mo.
naman, Salamat.
Tol. Ikaw?

Pormal na Salita Di-Pormal na Salita

2
Napakahusay ng iyong ginawa! Natukoy mo ang mga
pormal at di- pormal na mga salitang ginamit sa usapan. Ang
pormal na mga salita ay karaniwang ginagamit sa
pampanitikan at pagsulat ng pang-akademikong sulatin.
Samantala, ang di-pormal na salita naman ay ginagamit sa
pang- araw-araw na komunikasyon o pakikipag-usap.
Tunghayan natin at balikan ang ating nakalipas na aralin
tungkol sa mga sulatin na ginamitan ng mga pormal na salita
na ginagamit sa pananaliksik ayon sa pangangailangan ng
mga manunulat. Ngayon, puntahan mo ang gawain na
“Balikan” sa iyong LAS o sagutang papel at sagutan ito.
Matapos nito, iyo namang isulat ang mga mahahalagang tala
mula sa sususnod na pahina sa iyong kwaderno.

3
Aralin

1 Paggamit ng Wika sa Pagsulat

Ang wika ay tinatawag ding salita o lengguwahe. Ito rin


ay bahagi ng ating kultura. Ito ay sumasalamin sa ating
kaisipan, pananaw, opinyon, at mga saloobin. Ayon kay
Constantino, ang wika ay maituturing na instrumento sa
pagpapahayag ng ating damdamin.

Napakahalaga ng paggamit ng wika sa pang-araw-araw


na pamumuhay ng mga tao, gayundin sa edukasyon, at mga
panlipunang gawain. Ito ay ginagamit sa komunikasyon,
pagsusulat, pakikipagtalastasan, pagbabahagi ng mga ideya
upang mapaunlad ang ating lipunan. Ang wika rin ang
simbolo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa na nagsisilbi ring
pagkakakilanlan ng isang bansa.

Ang wika ay may dalawang klasipikasyon ng paggamit ng


wika. Ito ay pormal at di-pormal o impormal. Ang pormal na
paggamit ng wika ay karaniwan ang gamit ng mga salita
batay sa pamantayan. Ito rin ay kinikilalang mataas na uri ng
mga dalubhasa sa wika. Ito rin ay ginagamit sa usapang
pormal.

Ang pormal na wika ay may dalawang uri. Ang unang uri


ay tinatawag na Pambansa o Karaniwan na ginagamit sa
pagsulat ng aklat, pambalarila sa mga paaralan at
pamahalaan. Ang pangalawa naman ay Pampanitikan o
Panretorika na sinasabing masining, malikhain, malalim na
paggamit sa akdang pampanitikan. Ito ay tinuturing na
pinakamataas na antas ng paggamit ng pormal na wika.

Ang Di-pormal o Impormal na wika naman ay


kadalasang palasak at ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagusap. Ito rin ay ginagamit sa hindi pormal na usapan.
Mayroon din itong tatlong uri. Ito ay ang Lalawiganin, Balbal
4
at Kolokyal.

May (6) anim na antas ang di-pormal o impormal


na paggamit ng wika. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kolokyal o Pambansa – karaniwang wika na


ginagamit ng mga kabataan sa sosyal na aspeto tulad ng
pang-araw-araw na pakikipag- usap o talakayan sa kapwa.
Ito ay impormal na paggamit ng wika sa pamamagitang ng
pagpapaikli ng salita. Halimbawa nito ang Kelan o Kailan,
Piyesta o pista, nasaan o nasan.

2. Kolokyalismong Karaniwan – ito naman ang antas


ng wika na may salitang pinaghalo ang Tagalog at Ingles o
“Taglish”.

3. Kolokyalismong may talino – ito ay karaniwang


ginagamit sa paaralan.

4. Lalawiganin o Panlalawigan – wika o salitang


ginagamit ng isang pook o isang lokasyon. Ito ay diyalektal na
ginagamit sa particular na lalawigan o lugar. Ang pagbigkas rin
kadalasang may ibang tono. Ito rin ang sinasabing nakagawian
sa maka-rehiyonal na nakagawian ng mga tao. Halimbawa nito
ay Inang, Manang, Tatang, Sanse o Sangko.

5. Pabalbal/ Balbal – tinatawag din itong salitang kalye


na karaniwang binubuo ng grupo upang magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa kalsada na
ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-usap. Ito ay salitang
kanto, wika ng mga estudyante. Karaniwang binabaliktad ang
mga salitang kolokyal o pambansa.

Halimbawa nito ay parak na ibig sabihin ay pulis, iskapo o


takas, petmalu o malupit ang ibig sabihin.
6. Pampanitikan – wikang sinusunod ang gabay ng
balarila at retorika Kaya naman dapat tandaan at isaalang-

5
alang ang maingat, wasto atangkop na paggamit ng wika.
Ilan sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagsulat:

1. Maging maingat sa mga salitang gagamitin upang


maiwasan din ang
pagkalito at pagkakaroon ng iba’t ibang interpretasyon o
kahulugan.

2. Gumamit ng simple o karaniwang salita na madaling


maintindihan ng nakakarami. Gamitin o buklatin ang
diksiyonaryong Tagalog upang maunawaan ang mga salitang
gagamitin na angkop sa paksang tinatalakay.

3. Sundin ang mga tuntunin sa panghihiram ng salita:

a. Sundin ang paghanap ng panumbas sa mga hiram


na salita. Isaalang-alang din ang pagpili ng gagamiting salita
ayon sa kaangkupan, kahulugan at prestihiyo ng mga salita.

Hiram na Salita Filipino


Rule Tuntunin
Imagery Haraya (Tagalog)
Radical Radikal
Cheque Tseke

b. Gamitin ang letrang C, N, Q, X, F, J, V, Z kapag ang


salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na
kondisyon:

b.1 pantanging ngalan


Tao Quirino
Lugar Valenzuela Gusali State Condominium

b.2 Teknikal o siyentipikong salita


Vertigo Zoom
X-ray Enzyme

6
b.3 Salitang may kahulugang kultura
Senora (Espanyol) – Ale
Canao (Ifugao) – Pagdiriwang
Masjid (Maguindanao) - Pook Dalanginan

b.4 Salitang irregular na ispeling o gumagamit ng


dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o mga titik na hindi
katumbas ng tunog.
Laissez Faire Champagne
Bouquet Rendezvous

b.5 Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at


ginagamit
Taxi Fax
Exit Entry

c. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin


ang mga tunog ng /f/, /j/,/v,/z/ kapag binaybay sa Filipino ang
mga salitang hiram.
Fixer - fikser
Jacket - jaket

d. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X sa mga salitang


hiniram nang buo.
Cell Reflex
Xylophone Xylem

(Kinuha ito sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng


Wikang Filipino sa Komisyon ng Wikang Filipino ni Dr. Rosario
E. Maminta)

Ngayong natapos mo nang isulat, basahin at pag-aralan


ang bahaging ito, kunin muli ang iyong LAS o sagutang papel
at sagutan ang gawaing “Tuklasin” at “Suriin”.

7
Tandaan na maging maingat sa paggamit ng wika. Ayon
kay Mella (2020), hindi na masyadong binibigyang pansin
minsan ng marami ang gramatika basta ang mahalaga ay
maayos na maiparating ang nais na sabihin o ipahayag na
mensahe. Ngunit isa sa kakaharapin na problema nito ay kung
mali ang gamit ng wika ay ganundin naman ang pag-iiba ng
nais sabihin o eksaktong nais ipahayag. Kadalasan, hindi
nagkakaintindihan ang magkausap.

Gayundin sa pagsulat ng sulatin, karamihan ang iba’t


ibang interpretasyon sa binasang sulatin ay nag-iiba dahil sa di-
maayos na paggamit ng wika. Ito ang paraan ng
komunikasyon – ang mga salita at mga pangungusap na
sinulat ang nagsisilbing mensahe sa sumulat at bumabasa
nito. Kaya naman napakahalaga ng wastong paggamit ng
lengguwahe o wika. Isa ito sa responsibilidad ng bawat tao na
tangkilikin ang sariling wika, pagyamanin ang kaalaman
patungkol dito. Sa pamamagitan nito, ang tao ay nagiging
bihasa sa paggamit nito at maiiwasan ang si
pagkakaintindihan ng bawat tao. Napakahirap sa isang tao na
walang kaalaman dito lalong-lalo na ito ay ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipagusap o pakikipagkomunikasyon sa
ating kapwa.

Mga Tungkulin ng Wika


Napakahalaga ng wika sa ating ginagalawang lipunan.
Ilan sa mga tungkulin o gamit nito ay ang mga sumusunod:
1. Pakikipag-ugnayan o Pakikipag-usap ng tao sa kanyang
kapwa o Interaksiyonal.

2. Regulatoryo o pagkontrol sa ugali ng ibang tao.

8
3. Heuristiko o paghahanap ng kaalaman, impormasyon o
detalye ng mga bagay, pangyayari at iba pa.

4. Personal o pansariling pagpapahayag ng opinyon o kuro-


kuro

5. Instrumental o gingamit na instrument sa


pagtugon sa pangangailangan ng mga tao.

6. Impormatibo o pagbibigay impormasyon sa pamamagitan


ng pasalita o pagsulat.

Paraan ng Paggamit ng Wika


Ayon kay Jakobson (2003), may paraan ng pagbabahagi ng
wika. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) – ginagamit
ito sa pagpapahayag ng ating emosyon, mga saloobin at
nararamdaman.

2. Panghihikayat (Conative) – paraan sa pagganyak,


pagkuha ng atensiyon o pansin, paghihimok upang
makaimpluwensiya sa kausap sa pamamagitan ng pakiusap o
kaya’y pag-uutos sa tao.

3. Pakikipag-ugnayan (Phatic) – ito ay karaniwang ginagamit


upang makipag-ugnayan o makipag-usap sa kapwa.

4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) – ipinakikita rito


ang wika o mga kaalaman na nagmula sa aklat, dyornal,
magasin at iba pa.

5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) – pagkokomento o


pagbibigay ng opinyon sa usapin o isyung tinatatalakay.

6. Patalinghaga (Poetic) – naturang pagbabahagi ng wika sa


masining na pamamaraan tulad ng pagpapahayag ng
sanaysay, proseso at marami pang iba.
9
Sanggunian

Bible Gateway. 2020. Bible Gateway Passage: Genesis 11 - Magandang Balita Biblia.
[online] Available at:
<https://www.biblegateway.com/passage/?search=Genesis+11&version=MBBTA
G> [Accessed 8 July 2020].

Commons.wikimedia.org. 2020. File:WLANL - Quistnix! - Museum Boijmans Van


Beuningen - Toren Van Babel, Bruegel.Jpg - Wikimedia Commons. [online]
Available at:<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:WLANL_-_Quistnix!_-
_Museum_Boijmans_van_Beuningen_-_Toren_van_Babel,_Bruegel.jpg> [Accessed
8 July 2020].

DepEd (2016). Filipino Sa Piling Larang - Akademik.

DepEd (2013). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang.

Mella, A., 2020. Gaano Gaano Nga Ba Kahalaga ang Tamang Paggamit ng
Wika? Filipino Journal, 29(15).

You might also like