You are on page 1of 14

Filipino sa Piling Larang

Akademik
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Sulatin
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang
tulungan kang makasulat at makabuo ng akademikong
sulatin.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo


ang:
1. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-
paniwalang sulatin (CS_FA11/12PU-Op-r-94)
a. Natutukoy ang mga katangian ng isang sulatin;
b. Natutukoy ang mga bahagi ng organisasyon ng
sulatin; at
c. Nakakabuo ng sulating nakapaloob ang mga bahagi
ng organisasyon ng isang sulatin.

2
Subukin
Subukin mong hanapin at tukuyin ang mga salitang
nasa ibaba. Kuhanin ang iyong sagot sa pasel o palaisipan
at alamin ang mga salitang ito na may kinalaman sa ating
aralin. Ano sa palagay mo ang pamagat ng ating bagong
aralin?

P P A G S U L A T I N B

A K A T A W A N R P U A

K S G N P A M A G A T H

S A D T I T U L O K S A

A T I K A M D K I S O G

K O N G K L U S Y O N I

I N T R O D Y L S I M A

P I N U T E M A A D U L

A K A D E M I K O H P D

N O Y S A S I N A G R O

Napakahusay ng iyong pagsubok sa pagsagot sa


gawain! Ang mga salitang iyong natukoy ay mga
terminong iyong matatagpuan sa ating aralin. Kaya
subukang tignan rin ang mga kahulugan nito upang mas
lalong maintindihan ang aralin.

3
Balikan
Balikan natin ang ating napag-aralan. Tukuyin ang
mga elemento ng sulatin sa ibaba. Kuhanin ang iyong
sagot sa kahon. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong
kwaderno.

Tema Himig Kaisipan Larawan


Nilalaman Anyo Wika
Damdamin Istilo Istruktura

1. Ito ay tinuturing na paksa ng sanaysay


2. Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng
ideya.
_________3. Isang elemento na nakakaapekto sa
pagkaunawa ng mga mambabasa.
4. Ito ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o
panlinaw sa tema.
5. Ito ay ginagamit upang maging simple, natural
at matapat ang mga pahayag.
6. Isang napakahalagang elemento na
ginagamit para maipahayag ang ideya.
7. Isang elemento ng sanaysay upang
ilarawan ang makatotohanan at masining na
salaysay.
8. Ipinapahayag nito ang emosyon na bahagi
ng sanaysay na naangkop sa sulatin
9. Naipapahiwatig ito ng kulay o kalikasan ng
damdamin.
10. Ito ay nagsisilbing balangkas ng sanaysay.

4
Aralin
1 Pagsulat ng Sulatin

Ang akademikong sulatin ay isang pagsulat na


naglalayong maglahad ng mga impormasyon na binabahagi
sa mga taong bumabasa nito. Mayroon ding mga elemento o
sangkap ang isang sulatin. Ito ay ang tema o nilalaman, anyo
o istilo, istruktura at larawan na bumubuo rito upang mas
mapabuti at mailahad ng may kaayusan ang isang sulatin.

Ang mga katangian ng isang sulatin ay una (1)


organisado o maayos na pag-aaral ng paksang nais
talakayin, ikalawa (2) malikhain sa paglalahad ng paksang
tinatalakay, at ikatlo (3) may kapani-paniwalang datos o
impormasyon.

Ang organisado o maayos na paglalahad ng mga


impormasyon ay batay sa mga datos o mga ebidensyang
nakuha sa pananaliksik o pag-aaral. Mayroong apat na
bahagi ng organisasyon ng sulatin. Ito ang mga
sumusunod:

1. Titulo o Pamagat
Ito ang bahagi kung saan makikita ang paksang
tatalakayin sa isang sulatin. Nakapaloob din dito ang may
akda, at iba pang impormasyon patungkol sa sulatin.

Makikita rin ang paksa na pangunahing pag-uusapan


sa gagawing pag-aaral o pananaliksik. Maaring ito ang iyong
interes o nais pag-aralan. Ito ay isang espisipikong paksa na
tatalakayin sa pag-aaral upang maiwasan ang malawak na
talakayan. Ito ay dapat makabuluhan at napapanahong
tema.
Tandaan ring ito ay dapat angkop ayon sa panahon
5
na iyong itinakda upang matapos ang pananaliksik.
Isaalang-alang rin ang sapat na datos at sanggunian upang
maisagawa ang isang pananaliksik.

2. Introduksiyon o Panimula
Ito ay ang pambungad na pagtalakay sa paksa, ang
kahalagahan nito at mga dahilan kung bakit nasulat ang
isang sulatin.
Sa bahaging ito mo rin mapupukaw ang mga
mambabasa na magppatuloy ng kanilang pagbabasa
hanggang sa dulo.

Dito rin matatagpuan ang mahahalagang


impormasyon tungkol sa paksa. Ito ang masasabing kritikal
na bahagi ng sulatin na dapat siguruhin ng manunulat na
mabanggit na ang kanyang proyekto ay posible at karapat-
dapat pag-aralan o kung bakit ito napili. Maaring
magbanggit rin ng mga awtor o mga may-akda ng parehong
pag- aaral.

3. Katawan
Ito ang pinakamahalagang bahagi na maituturing
kung saan tumatalakay sa paksang napili. Dito makikita ang
paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad ng paksa at
nilalaman nito. Nakapaloob din dito ang mga datos na
nakalap sa masusing pananaliksik.

Sa bahaging ito, nakasalalay ang kabuuan ng sulatin.


Kasama rito ang paglalahad ng mga datos at detalye nito,
pag-aanalisa at pagsasaayos ng mga resulta, paglikha ng
interpretasyon at pagbubuod ng pag-aaral upang makagawa
ng wakas o kongklusyon.

5
4. Kongklusyon
Ito ang huling bahagi na naglalaman ng
mahahalagang puntos ng sulatin. Makikita rin dito ang mga
napatunayan o napag-alamang mga impormasyon batay sa
paglalahad at pagusuri nito na ginamit sa pananaliksik.
Makikita rin dito ang mga resulta ng mga nabusising
impormasyon patungkol sa paksang tinalakay. Sa huli, ang
rekomendasyon rin ay sinusulat sa bahaging ito.

Napakahalaga na isaalang-alang sa pagsulat na


sundin ang bawat bahagi nito upang maturing itong isang
mahusay at kapaki-pakinabang na sulatin sa mga
mambabasa.

Ilan sa mga ito ay ang bionote, posisyong papel,


pictorial essay, replektibong sanaysay, sintesis, abstrak at
marami pang iba. Tunghayan ang isang halimbawa ng isang
abstrak na isinulat ni Tereso S. Tullao Jr.

5
Ekonomiks sa Diwang Pilipino:
Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-sari
pamagat
ni Tereso S. Tullao Jr.

Intensyon ng pag-aaral na ito na


makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino upang lalong mapabilis ang panimula
intelektwalisasyon nito. Marapat lamang
sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging
sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong
propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio
Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at
Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino
katawan
bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at
pagsasaayos ng mga konseptong
naglalarawan ng ating katauhan, buhay at
lipunan.
Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri
ang limang pangunahing konsepto sa
ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay
hindi lamang upang makapagbigay ng
panimulang introduksyon sa isang Kongklusyon
mahalagang sangay ng agham panlipunan
kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa
paglutas ng pangunahing problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran.
Gayundin naman, ang sulatin ay kinakailangan rin
magtaglay ng malikhaing isip sa paglalarawan ng mga
impormasyon. Ang istilo ng paglalahad ng mga datos, mga
bagong natuklasan sa paksa o tema ay nakakatulong rin
upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman
nito. Ang istruktura o balangkas naman ang nagbibigay
direksiyon sa sulatin sa pamamagitan ng pagsasasalaysay
ng mga sunud-sunod na pangyayari tulad sa lakbay-
sanaysay.

Isa rin sa katangian ng sulatin ay ang maging


makatotohanan at kapani-paniwala ito. Ang mga datos at
impormasyon na nakalap sa interbyu, sarbey at tseklis ang
nagsisilbing batayan sa makatotohanang paglalarawan ng
paksang pinag-uusapan. Lahat ng nakuhang impormasyon
ay kinakailangang batay sa mga ebidensyang pinipresenta
na pagbabasehan ng pag-aanalisa nito, pagbubuod o
paglalahad ng interpretasyon.
Mga Bahagi ng Sulatin at Mga Gawain Nito

Ang isang sulatin ay kinapapalooban ng apat na


bahagi. Ang una ay titulo o pamagat, (2) panimula o
introduksyon, (3) katawan at (4) kongklusyon.

1. Titulo o Pamagat

Ang unang bahagi ay ang titulo o pamagat na


paksang tatalakayin. Naglalaman rin ito ng pangalan ng
sumulat, petsa kung kailan ito naisulat, at iba pang
detalye na tutukuyin ng guro.

2. Panimula o Introduksyon

Ang panimula o introduksyon ang maghihikayat sa


mambabasa sa kanilang interes na basahin ang sulatin.
Kinapapalooban ito ng pambungad na pagtalakay sa
daloy ng pape. Mababasa rin ang kahalagahan at
dahilan ng pagsulat ng paksa. Ito ay tinatawag na
bahagi ng sulatin kung saan kailangan makuha ang
atensiyon ng mga mambabasa para tuluyan itong
basahin. Ilan sa mga mabisang panimula ay ang
sumusunod:

1. Pasaklaw na Pahayag – inihahayag muna rito


ang mga resulta o kinalabasan ng pag-aaral bago
isa-isahin o pagsunud-sunurin ang mga di-
gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalagang detalye.

2. Pagbubuod – inilalahad ang


pinakamahahalagang detalye o ideya bago
tumungo sa sadyang paksang dapat talakayin.

3. Pagtatanong – sinisimulan ito sa tanong at paglalahad


nito.

4.Tuwirang Sinabi – sinisimulan ito sa mga pahayag


ng mga dalubhasa, mga bantog o awtoridad na
nagpapahayag ng mga mahahalagang ideya
patungkol sa paksa o ideyang tinatalakay.

5. Panlahat na Pahayag – ito ang introduksyon na


nagsisimula sa kahalagahang pang-uniberal na
karaniwang hinahango sa mga makatotohanang
kaalaman batay sa pag-aaral o pananaliksik. Maari
ring kuhanin ito sa mga sawikain at mga kawikaan.
6.Paglalarawan – naglalarawan ng tao at
nagbibigay ng deskripsyon sa paraang malikhaing
paglalarawan na gumagamit ng maaksyong salita.

7. Pagkakaligiran – ginagamit ito upang magbigay


panimula o introduksyon sa paksa, ideya o
suliraning nilalarawan upang mas maunawaan ng
mga mambabasa ang tungkol dito

8. Pagsusumbi – isa ito sa bihirang gamitin ng mga


manunulat. Karaniwang binubuo ng iisang salita, at
pinapalawak ito upang tumimo sa kuryusidad ng
bumabasa.

9. Pagsasalungat – inilalahad ang pagkakaiba ng


dalawang ideya sa isa’t isa. Ginagawa ito upang
timbangin ang kahalagahan ng bawat ideya.
10. Pagsasalaysay – katulad ito ng pagkukuwento o
paglalarawan sa paksa.

11. Makatawag-pansing pangungusap – mga


pangungusap na kapana- panabikan ng mga
mambabasa. Ito ang pupukaw sa atensyon o
interes ng mga mambabasa.

12. Analohiya – Ito ay pagwawangis o


paghahalintulad sa mga bagay o pangyayari.

13. Anekdota – maihahalintulad ito sa pagkukuwento


ng isang istorya para mahikayat ang mambabasa.

3.Katawan

Ang katawan ng sulatin ay ang pangunahing


paglalarawan ng paksa at ng nilalaman nito.
Matatagpuan rito ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay at paglalahad ng
paksa. Mayroong mga pamamaraan sa pagbuo at
pagsasaayos ng katawan ng sulatin. Ilan sa mga ito ay
nakalista sa ibaba.

1. Pakronolohikal – pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari sa nakaraan hanggang sa
kasalukuyan
2. Paanggulo- ito ay base sa pansariling reaksyon
o interpretasyon ng tao sa mga bagay o mga isyu
tungo sa obhektibong buod ng sulatin
3. Paespesyal o Pag-aagwat- paglalatag ng mga
ideya o pinakamalapit na pangyayari na alam na
alam na paksa hanggang sa pinakamalayo o sa
hindi masyadong alam na paksa
4. Paghahambing - pagseseksyon o paghahati ng
mga seksyon sa pagkakaiba at pagkakatulad
5. Palamang o pasahol – pagsisimula ng
paglalahad sa pinakamahahalagang bahagi
hanggang sa di-gaanong mahalaga o
kabaligtaran nito
6. Patiyak o Pasaklaw – ito naman ay sinisimulan
sa isang partikular o ispesipikong ideya bago ang
pagkalahatang mga pahayag o vise- versa.
7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan naman
nito sa komplikadong sitwasyon o detalye
hanggang sa simpleng ideya o detalye o vise-
versa.

3. Kongklusyon o Wakas

Nilalahad sa konglusyon o wakas ang mga


mahahalagang puntos ng papel. Dito rin makikita ang
mga napagalamang bagong kaalaman batay sa
pagsusuri ng mga impormasyon ginamit sa
pananaliksik. Ito rin ang tinatawag na kabuuan ng
sulatin.

Maaring gamitin sa pangwakas ang pagbubuod,


pagsisipi, pagtatanong, tuwirang sinabi, panlahatang
pahayag, pagpapahiwatig ng aksyon o paglalahad ng
mahalagang insidente.
Mga Sanggunian
Commons.wikimedia.org. 2020. File:Bayanihan 2.JPG - Wikimedia Commons. [online]
Available at: <https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG>
[Accessed 8 July 2020].

Commons.wikimedia.org. 2020. File:Covid-19 And Child Labour.Jpg - Wikimedia


Commons. [online] Available at:
<https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Covid-19_and_Child_Labour.jpg>
[Accessed 8 July 2020].

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang – Akademik. Kagamitan ng Magaaral.

DepEd (2013). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang.

Tullao, T., 2009. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari. Malay,
22(1).

You might also like