You are on page 1of 21

11

Filipino
Unang Markahan-Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng
Wika sa Lipunan
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Manunulat: Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Myraflor M. Inamarga
Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Imelda Villanueva
Tagaguhit: Maessy N. Sanchez
Tagalapat: Dalyn S. Guinto
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V
Mario M. Bermudez, CESO VI
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Subject Area Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Telefax: Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
11

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip

3
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Isang mapagpalang araw muli sa iyo kaibigan!

Bawat isa sa atin ay may sapat na kakayahang magamit ang isang


wik. Ito ay kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa
bawat tungkulin. May mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang
dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon.

Batid mo bang mayroong iba’t ibang gamit ang wika sa ating lipunan?
Karaniwang nagaganap ang komunikasyon na naaayon sa partikular na
sitwasyon.

Tunay na ginagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang iba’t


ibang tungkuling ginagampanan ng wika, pasulat man o pasalita ang mga
ito. Kung hindi mo pa alam ang mga gamit ng wika sa lipunan ay huwag
mag-alala dahil tutulungan ka ng modyul na ito na sadyang nakalaan para
sa iyo.

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan


ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na:

Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng

wika sa lipunan. -F11PT – Ic – 86

Pagkatapos ng mga gawain ay nilalayon nitong magawa mo ang mga


sumusunod na layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga komunikatibong gamit ng wika
sa lipunan.
2. Naikakategorya ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa
ating buhay.

5
Subukin

Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang mga sumusunod na

katanungan. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wa stong sagot sa


bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa gamit ng wika sa lipunan na kung saan,
kinukontrol at ginagabayaan nito ang kilos at asal ng iba. Ano ang
tawag dito?
a. Pang-instrumental c. Panregulatori
b. Pampersonal d. Pangheuristiko
2. Alin sa sumusunod ang pasulat na anyo na gamit ng wika na
Pangheuristiko?
1. sarbey
2. tesis
3. suring-basa
4. anunsiyo
a. 1 at 3 b. 2 at 4 c. 2 at 4 d. 1 at 2
3. Ang sumusunod ay ang pasulat na anyo ng Pampersonal na gamit
pangwika maliban sa isa. Ano ito?
a. tesis c. suring-basa
b. editoryal d. suring-pelikula
4. Ang katangian nito ay ang pagtugon sa pangangailangan. Anong
gamit ng wika ang pinatutungkulan nito?
a. Pang-instrumental c. Panregulatori
b. Pampersonal d. Pangheuristiko
5. Ang pangungumusta ay nasa anong anyo ng Pang-interaksiyonal
na gamit ng wika?
a. pasalita c. pasalita at pasulat
b. pasulat d. wala sa nabanggit

6
6. Ang pangungumusta, pag-anyayang kumain, pagpapatuloy sa
bahay at _______________ ay mga halimbawa ng Pang-interaksiyonal
na gamit ng wika.
a. di-pormal na talakayan c. pagbigkas ng tula
b. pagtatanong d. pagpapalitan ng biro
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa iba’t ibang gamit ng wika sa
lipunan na nasa anyong pasulat. Alin ang hindi kabilang?
a. liham pangangalakal c. pamanahong papel
b. pagbibigay ng direksiyon d. imbitasyon
8. Ito ay nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga
simbolo o sagisag. Ang tinutukoy na gamit ng wika ay__________?
a. Pang-imahinasyon c. Panrepresentatibo
b. Pang-instrumental d. Pangheuristiko
9. Ilan ang gamit ng wika sa lipunan?
a. 5 b. 6 c. 7 d. 9

10. Ano-ano ang kasanayan ng mga tungkuling ginagampanan ng


wika sa ating buhay?
a. pasalita at pasulat c. pasalita at pakikinig
b. pasulat at panonood d. pakikinig at panonood
Para sa bilang 11-15
Ang mga pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng gamit ng wika sa
ating lipunan. Suriin ang bawat halimbawa kung: (a) Pang-
instrumental; (b) Panregulatori; (c) Pang-interaksiyonal; (d)
Pampersonal; (e) Pangheuristiko; (f) Panrepresentatibo; o (g) Pang-
imahinasyon. Isulat ang titik na tumutugon sa iyong sagot.
11. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
12. Pagsasagawa ng sarbey kung ano ang wikang pambansa ng
Pilipinas.
13. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.
14. Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang
pambansa.
15. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakukuha ng
iskolarsyip sa isang unibersidad/kolehiyo.

7
Balikan

Anong alam mo?


Nasagot mo na ba ang bahaging Subukin? Nahirapan ka ba? Huwag
kang mag-alala dahil muli nating balikan ang iyong natutunan sa nakaraan.
Naalala mo pa ba ang ilan sa mga konseptong pangwika? Halina’t
muli nating balikan sa pamamagitan ng Concept Map. Gawin ito sa sagutang
papel.

Konseptong
Pangwika

Mga Tala para sa Guro

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang


lubusang matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layunin ng
pampagkatuto. Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang
malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral.

8
Tuklasin

Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat sa speech balloon ang angkop na


pahayag na maaaring sabihin kaugnay nito. Gawin sa sagutang papel.
1. May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya
kakausapin? Ano ang sasabihin mo sa kaniya?

2. Hindi mo maabot ang iyong bag dahil masikip ang kinalalagyan


mo. Daraan ang isa mong kaklase at makikisuyo kang abutin ito
para sa iyo. Paano mo ito sasabihin?

3. Naniniwala ka na malaki ang magagawa ng mga kabataang tulad


mo sa pag-unlad ng ating bansa. Paano mo ito ipahahayag?

9
Suriin

Sagutin ang mga pokus na tanong na may kaugnayan sa bahaging


tuklasin. (Subuking sagutin ang Mga Pokus na Tanong na ibibigay ang
sariling hinuha bilang sagot sa mga ito). Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Paano mapaghahambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________

2. Bakit kailangang mapaghambing ang pasalita at pasulat na gamit ng


wika?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________

Nasagot mo ba ang mga tanong nang maayos? Ito ay isang paraan upang
malaman natin ang iyong tugon sa ating pinag-aaralan.

10
Ating Alamin:
Sa katatapos lang na mga gawain ay nasuri mo ang iba’t ibang
halimbawa ng paggamit ng wika sa paraang pasulat. Naipaghambing mo rin
ang pasulat at pasalita na gamit ng wika ayon sa iyong sariling hinuha.
Alam mo bang may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang wika sa ating
pang-araw-araw na buhay? Batid mo rin ba na ang mga ito ay kinategorya
sa dalawa? Alam kong sabik na sabik ka nang malaman ang mga gamit ng
wika sa lipunan at ang kategorya nito.
Kaya, halina’t tunghayan sa pamamagitan ng Graphic Clip ang mga
gamit ng wika sa lipunan.

Inilahad ni Halliday (1973) sa kaniyang Explorations in the Functions


of Language, na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay
ay kinategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing
tungkulin. Pasalita man o pasulat, may kaniya-kaniyang gamit ang wika sa
lipunan. Mahalaga ang mga nasabing tungkulin o gamit ng wika sa
epektibong pakikipagkomunikasyon.

PANG-INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.

Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangangalakal, Pag- Liham Pangangalakal
uutos

PANG-INTERAKSIYONAL
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
Pangungumusta, Pag-anyayang Imbitasyon sa Isang Okasyon
Kumain, at marami pang iba (Kaarawan, Anibersaryo)

11
PANREGULATORI
Katangian: Kumokontrol/Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksiyon, Resipe, Direksiyon sa Isang Lugar,
Paalala Tuntunin sa Batas na Ipinatutpad

PAMPERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Pasalita Pasulat
Pormal o Di-pormal na Talakayan, Editoryal o Pangulong Tudling,
Debate Pagsulat ng Suring-basa

PANGHEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik Sarbey, Pamanahong Papel

PANREPRESENTATIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo
o sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig Mga Anunsiyo, Paalala
sa mga Simbolismo ng Bagay o Paligid

PANG-IMAHINASYON
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa
wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula Pagsulat ng Akdang Pampanitikan

12
Pagyamanin

A. Pagsasanay 1: Basahin ang bawat pahayag. Ilapat ang nauunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan
sa mga sumusunod na pahayag. Tukuyin sa Hanay B ang gamit ng wika na pinatutungkulan ng mga
pahayag sa Hanay A. Isulat titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Pagsulat ng sariling tula. a. Pang-instrumental
2. Pakikisuyo sa kapatid na b. Panregulatori
dalhin ang gamit niya sa kwarto.
3. Pagbibigay direksiyon ng c. Pang-interaksiyonal
guro sa mga mag-aaral kung
ano ang gagawin sa pagsusulit.
4. Pakikipanayam sa ilang d. Pang-imahinasyon
kabataan kung paano
hinahati-hati ang oras sa
pag-aaral.
5. Pagsasabi ng “Po” at “Opo” sa e. Pangheuristiko
matandang babae habang
kinakausap.

B. Pagsasanay 2: Magbigay ng isang halimbawang gamit ng wika sa lipunan


sa paraang pasalita at pasulat. Siguraduhing ang mga halimbawang
isusulat ay wala sa mga nabanggit na halimbawa sa pagtalakay ng aralin.
Gawin sa sagutang papel.

Gamit ng Wika Kasanayan


Pasalita Pasulat
Pang-instrumental
Panregulatori
Pang-interaksiyonal
Pampersonal
Pangheuristiko
Panrepresentatibo
Pang-imahinasyon

13
Isaisip

Bumuo ng talata tungkol sa kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan


gamit ang sariling pangungusap. Ilakip ang pagbibigay-halimbawa sa
bawat kategorya ng tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay.
Gawing basehan sa pagbibigay-halimbawa ang sagot sa Pagsasanay
#2. Isulat sa sagutang papel ang bubuuing talata.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa gawaing ito:
4- napakahusay 2- katamtaman
3- mahusay 1- nangangailangan pa ng pagsasanay

Bibigyang Pansin 4 3 2 1
Nagagamit ang sariling pangungusap
sa pagbibigay kahulugan sa mga
gamit ng wika.
Nailalahad ang halimbawa ng bawat
kategorya ng tungkuling
ginagampanan ng wika.
Maayos at sistematiko ang
pagkakabuo ng talata.
Isinasaalang-alang ang istrukturang

gramatikal.

14
Isagawa

Mahusay at napagtagumpayan mong sagutin ang mga naunang


gawain at pagsasanay sa modyul na ito. Ngayon nama’y ilalapat mo ang
iyong kaalaman sa mga natutuhan sa ating talakayan sa pamamagitan ng
pagsagawa ng 2-3 minutong patalastas na kinapapalooban ng mga gamit ng
wika sa ating lipunan.

Tayahin

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto at sa


pagsasagawa ng lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating
aralin ay suriin ang gamit ng wika sa lipunan. Piliin ang titik ng tamang
sagot mula sa kahon ng pagpipilian.

Kahon ng Pagpipilian
a. Pang-instrumental e. Pangheuristiko
b. Panregulatori f. Panrepresentatibo
c. Pang-interaksiyonal g.Pang-imahinasyon

d. Pampersonal

1. “Tuloy po kayo” na pahayag sa isang bisita sa kanilang tahanan.

2. Simbolismo raw ang pusa ng konsensya ng tao.

3. Ginawang ang tauhan sa isinulat na pabula ay mga tao sa halip na


mga hayop.
4. Pangangalap ng datos sa silid-aklatan tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.

15
5. Pagsunod sa direksiyon sa sinasabi ng kausap kung paano
pumunta sa parke ng isang lugar.
6. Pakikisuyo na idaan sa kanilang bahay ang kaniyang mga aklat
dahil hinihiram ng kapitbahay.
7. Pagbibigay ng reaksiyon sa pamamagitan ng komento sa social
networking site na dapat pahalagahan ng kabataan ang wikang
pambansa.
8. Pagsulat ng patalastas tungkol sa Timpalak Talumpatian ng
paaralan.
9. Pagpapatibay sa sariling argumento na ginagamit sa pakikipagtalo.
10. Pagsulat ng wakas sa isang kuwento.
Para sa bilang 11-15
Tukuyin ang mga pahayag mula sa bilang 1-10 na mga gamit ng wika
sa lipunan na maikakategorya sa paraang pasulat. Isulat ang mga
pahayag sa sagutang papel.
11.
12.
13.
14.
15.

16
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang halimbawa ng sitwasyon sa bawat gamit ng wika sa


lipunan. Isulat ang sagot sa kwaderno.

17
Susi sa Pagwawasto

10 Pahayag.15 .blg
8 Pahayag.14 .blg Instrumental
7 Pahayag.13 .blg Pang.15-
4 Pahayag.12 .blg Pangheuristiko.14
3 Pahayag.11 .blg Imahinasyon Instrumental
sunod ng mga pahayag Pang.10- Pang.13-
hindi pagakasunud- Interaksiyonal .12 Pangheuristiko
pinahihintulutan ang Pang- .9 Imahinasyon
Para sa bilang 11-15 Panregulatori .8 Pang.11-
G.10 Panregulatori .7 A.10
D .9 Imahinasyon C .9
F .8 Pang- .6 C .8
D .7 Pangheuristiko .5 B .7
A .6 Pangheuristiko .4 D .6
B .5 Panregulatori .3 A .5
E .4 Instrumental A .4
G .3 Pang- .2 A .3
F .2 Interaksiyonal D .2
C .1 Pang- .1 C .1
Tayahin Pagyamanin Subukin

Sanggunian
Jocson, M. O (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.
Quezon City: Vibal Group, Inc.

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang
pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

You might also like