You are on page 1of 18

ARALIN 3:

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga


Pilipino
(Kakayahang Sosyolingguwistiko)

“Ang wika’y mabisang instrument sa pakikipag-ugnayan.


Ito ay daan upang magkaunawaan”

GROUP 8
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Epektibong Komunikasyon
Ayon sa lingguwistang si
Dell Hymes, magiging
mabisa lamang ang
komunikasyon kung ito
ay isasaayos, at sa
pagsasaayos ng
komunikasyon, may
mga bagay na dapat
isaalang-alang.
Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING
bilang acronym upang isa-isahin ang
mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang
pakikipagtalastas.

Binuo niya ang modelo upang


makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
S (Setting)
- Ang lugar o pook kung saan nag-
uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
Mahalagang sallik ang lugar kung saan nag-
uusap ang mga tao.

Halimbawa:
Kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na
palatuntunan, hindi tayo nakikipag-usap sa iba na
parang tayo ay nasa kalsada lamang o nasa isang
kasayahan.
P (Participant)
- Ang mga taong
nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang
din natin ang ating kausap upang pumili
ng paraan kung paano siya kakausapin.

Halimbawa:
Kapag kinakausap natin ang ating guro
ay sinisikap nating magbigay-galang, habang
sa ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o
kampante ang ating pamamaraan.
E (Ends)
- Mga layunin o pakay ng
pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng
konsiderasyon ang pakay o layunin sa
pakikipag-usap.
A (Act Sequence)
- Takbo ng usapan.

K (Keys)
- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting
o pook, nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal
o di pormal.
I (Instrumentalities)

- Tsanel o midyum na ginamit,


pasalita o pasulat.

N (Norms)
- Paksa ng usapan.
G (Genre)

- Diskursong ginagamit, kung


nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nangangatwiran.
Binuo ni Dell Hymes ang
modelong ito upang itaguyod
ang pagsusuri ng diskurso bilang
serye ng usapan sa isang
kontekstong kultural.
Kakayahang
Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Sa modelong ginamit nina Canale at Swain,
inisa-isa nila ang tatlong kakayahang
pangkomunikatibo, una ang lingguwistiko o
gramatikal na kakayahang tinalakay sa
ikalawang aralin, ikalawa ay ang
sosyolingguwistiko na ating tatalayakin sa
araling ito.
Ang kakayahang sosyolingguwistiko
ay ang pagsaalang-alang ng isang
tao sa ugnayan niya sa kausap, ang
impormasyonng pinag-uusapan at
ang lugar ng kanilang pinag-uusapan
Competence at Performance

Ayon kay Savigon (1972) isang propesor ng


University of Ullinios ang pagkakaiba ng
Competence at Performance ay:
 Ang Competence ay ang batayang kakayahan
o kaalaman ng isang tao sa wika .
 Ang Performance ay ang paggamit ng tao sa
wika
Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawan, 2004)
isang propesor ng wika na may mga salik-
panlipunang dapat isaalang-alang sa
paggamit ng wika, ito ay:

Ugnayan ng nag-uusap,
Paksa,
Lugar,
at iba pa
Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang
taong mahusay lang magsalita kompara sa
isang katutubong nagsasalita ng wika.
Madalas ang isang mahusay lang
magsalita ay maaring magkamali sa pagpili
ng salitang gagamitin na maaaring
magbigay ng impresyon sa tagapakinig na
siya’y walang galang, mayabang, o naiiba.

You might also like