You are on page 1of 9

KAKAYAHANG DISKORSAL

• Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita


o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
• Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay
nakapagbibigay rin ng wastong interpretasyon ng
napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
• May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang
ang kakayahang diskorsal—ang cohesion o pagkakaisa at
coherence o pagkakaugnay-ugnay.
6 NA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG KP
(Canary at Cody, 2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang
mabago ang pag-uugali at layunin
upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa
sumusunod:
a. Pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa
pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa
pamamagitan ng wika
d. Kakayahang magpatawa habang
nakikisalamuha sa iba
2. Paglahok sa Pag-uusap
(Conversational Involvement)
May kakayahan ang isang taong
gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa
iba.
Makikita ito kung taglay ng isang
komyunikeytor ang sumusunod:
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano
ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang making at magpokus sa
kausap
3. Pamamahala sa Pag-uusap
(Conversational Management)
Tumutukoy ito sa kakayahan ng
isang taong pamahalaan ang pag-
uusap. Nakokontrol nito ang daloy
ng usapan at kung paanong ang mga
paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang
mailagay ang damdamin sa katauhan
ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng
mangyari o maranasan kung ikaw ay
nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang
mahahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo-ang pagtiyak
kung epektibo ang pakikipag-usap.
•Ang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-
isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay
epektibo at nauunawaan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bisa, isa pang mahalagang
pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng
paggamit ng wika.
•Kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang kanyang
wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan
ng pag-uusap, o sa taong kausap.

You might also like