You are on page 1of 17

TATLONG DISIPLINA NG TEKSTO

TEKSTONG AKADEMIK TEKSTONG TEKSTONG EKSPOSITORI


PROPESYONAL
• Teolohiya (Theology)  Medisina (Medicine Mga artikulong
• Politika (Politics)  Inhinyeriya (Engineering)
 Arkitektura (Architecture) mababasa sa mga
• Sining (Arts)
• Panitikan (Literature)  Pisika (Physics) magasin, pahayagan, at
• Agham (Science)
 Kimika (Chemistry) blog.
 Biyolohiya (Biology)
• Sipnayan o Matematika  Arkeolohiya (Archeology)
(Math)  Antropolohiya (Anthropology)
• Wika (Language)  Pilosopiya (Philosophy)
• Ekonomiks (Economics)  Sikolohiya (Psychology)
• Kasaysayan (History)  Sosyolohiya (Sociology)
• Agham Panlipunan (Social  Abogasya (Law)
Sciences)  Edukasyon (Education)
 Agham Pangkompyuter
• Humanidades (Humanities)
(Computer Science)
MGA URI NG TEKSTO
• IMPORMATIBONG TEKSTO (INFORMATIVE TEXT)
Inilalahad sa impormatibong teksto ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa upang
madagdagan ang kaalaman ng mambabasa.
Sa bahagi ng may-akda, siya ay nagbibigay ng bagong
impormasyon sa pamamagitan ng tekstong impormatibo.
Ang mga ideya at detalye ay dapat mailahad nang
maayos at may lohikal na pagkakasunod-sunod
MGA URI NG TEKSTO
• DESKRIPTIBONG TEKSTO (DESCRIPTIVE TEXT)
Matutunghayan sa deskriptibong teksto ang
paglalarawan ng pisikal na katangian ng mga tauhan,
lugar, at mga bagay na binibigyang-halaga sa kuwento.
Maituturing na deskriptibo o paglalarawan ang teksto
kung ito ay tumutugon sa tanong na “ano.”
MGA URI NG TEKSTO
• PERSUWEYSIB NA TEKSTO (PERSUASIVE TEXT)
Nagbibigay ang may-akda ng sapat na pagpapatunay
o katibayan sa paksang tinatalakay upang mahikayat
ang mambabasa na paniwalaan o tangkilikin ito.
Layunin ng tekstong persuweysib na kumbinsihin,
hikayatin, o himukin ang mambabasa na suportahan o
sang-ayunan ang paksa.
MGA URI NG TEKSTO
• NARATIBONG TEKSTO (NARATIVE TEXT)
Pasalaysay na inilalahad ng may-akda sa mambabasa
ang mga pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Samakatwid, maituturing na isang naratibo ang
pagkukuwento kung isinasalaysay ng may-akda ang
mga pangyayaring nakapaloob dito.
Sumasagot sa tanong na “paano” at “kailan”
MGA URI NG TEKSTO
• ARGUMENTATIBONG TEKSTO (ARGUMENTATIVE TEXT)
Naglalahad ng isang proposisyon ang may-akda na
kakikitaan ng isang matibay na ideya at makabuluhang
detalye upang mahikayat ang mambabasa na tanggapin at
suportahan ang inihain na proposisyon.
Marapat na lohikal ang paglalahad ng mga impormasyon
upang maging makatotohanan ang inihaing ideya sa
mambabasa.
Sumasagot sa tanong na “bakit.”
MGA URI NG TEKSTO
• PROSIDYURAL NA TEKSTO (PROCEDURAL TEXT)
Ipinapakita ang proseso o wastong mga hakbang sa paggawa
ng isang bagay tulad ng pagluluto ng pagkain o pagbuo ng
isang bagay tulad ng laruang robot.
Matututuhan ng mambabasa kung paano wastong magagawa
ang isang bagay sa tulong ng malinaw na pagpapaliwanag.
Kailangang maging klaro sa teksto ang tamang
pagkakasunod-sunod upang makamit ng mambabasa ang
inaasahang bunga.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
1. PAGPAPAHAYAG NG PAGDARAGDAG
Halimbawa: ganoon din, gayundin, saka, bilang
karagdagan, dagdag pa rito
Tiyak na halimbawa: Bilang tanda ng paggalang,
nagmamano tayo sa nakatatanda sa atin. Gayundin, sa
ibang bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hapon,
naipakikita nila ang kanilang respeto sa nakatatanda sa
pamamagitan ng pagyuko.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
2. PAGPAPAHAYAG NG KABAWASAN SA
KABUUAN
Halimbawa: maliban sa/ sa mga/ kay/ kina, bukod sa/ sa
mga/ kay/ kina
Tiyak na halimbawa: Maliban kay Eric, lahat sa klase
ay pinayagan na sumama sa fieldtrip.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
3. DAHILAN O RESULTA NG KAGANAPAN O
PANGYAYARI
Halimbawa: kaya/ kaya naman, dahil/ dahil sa/ sa mga/
kay/ kina, sapagkat, dahil dito/ bunga nito
Tiyak na halimbawa: Maraming krimen ang nagaganap
na kinasasangkutan ng mga menor de-edad. Bunga
nito, ipinapatupad ang curfew sa mga menor de-edad.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
4. KONDISYON, BUNGA, O
KINALABASAN
Halimbawa: sana, kung, kapag/ sa sandalling/
basta’t
Tiyak na halimbawa: Madali lang ang
pagsusulit basta’t nag-aral kayo.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
5. TALIWAS O SALUNGAT
Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, kahit (na)
Tiyak na halimbawa: Mayroong pagsusulit si
Daniel bukas ngunit namasyal siya ngayon
sa halip na mag-aral.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
6. PAGSANG-AYON O DI PAGSANG-AYON
Halimbawa: kung gayon/ kung ganoon, dahil dito,
samakatwid, kung kaya
Tiyak na halimbawa: Ayon sa mga doktor,
nakabubuti ang pag-eehersisyo sa kalusugan.
Dahil dito, palagi nang nag-eehersisyo si Samuel.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
7. PANANAW
Halimbawa: ayon sa/ sa mga/ kay/ kina, batay sa/
sa mga/ kay/ kina, para sa/ sa mga/ kay/ kina, mula
sa pananaw, sa paningin ng/ ng mga, alinsunod sa
Tiyak na halimbawa: Para kay Sarah, mahalaga
ang panloob na katangian bilang batayan sa pagpili
ng mga kaibigan.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
8. PROBABILIDAD, SAPANTAHA, O
PANININDIGAN
Halimbawa: maaari, puwede, possible, marahil,
siguro, sigurado, tiyak
Tiyak na halimbawa: Kapag hindi ka
nagsisipilyo araw-araw, maaaring masira ang
iyong mga ngipin.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
9. PAGBABAGO NG PAKSA O TAGPUAN
Halimbawa: gayunman/ ganoon pa man/ gayunpaman,
sa kabilang dako/ banda/ sa isang banda/ samantala
Tiyak na halimbawa: Ang panganay na anak ni Mang
Telo ay masunurin at matulungin. Samantala, ang
bunso naman niyang anak ay matigas ang ulo at
tamad.
WASTONG PAGGAMIT NG COHESIVE
DEVICE
10. PAGBIBIGAY-LINAW SA ISANG IDEYA
Halimbawa: sa madaling salita/ sabi, bilang
paglilinaw, kung gayon, samakatwid, kaya, bilang
pagwawakas/ bilang kongklusyon
Tiyak na halimbawa: Kung walang pagkakasundo,
parating may mag-aaway sa komunidad. Sa madaling
salita, kailangan ng kooperasyon ng bawat isa.

You might also like