You are on page 1of 56

YUNIT 2.

MGA HAKBANG NG
PANANALIKSIK PARA SA
PAPEL PANANALIKSIK
KABATANA 3

Pagsulat ng
Pananaliksik
PAGSULAT NG PANANALIKSIK

Hindi maiiwasan ng isang mag-aaral ang sumulat ng isang


pamanahong papel o kaya'y sulating pananaliksik, gumugugol
ito ng mahabang panahon upang malinang na mabuti ang
kanyang kasanayan sa pagsulat mula sa pagpili niya ng mga
datos para sa kanyang pananaliksik.
NARITO ANG PAGPAPAKAHULUGAN NG
ILAN SA PANANALIKSIK:

>> Isang proseso ng impormasyon na gumagamit ng


siyentipikong pamamaraan sa paglutas ng suliranin,
kinakailangan nito na kumalap ng datos, magsuri, mag-
imbestiga, magbigay hinuha at kongklusyon. Ito ay ayon kina
Merdel at Manuel (1976).
NARITO ANG PAGPAPAKAHULUGAN NG
ILAN SA PANANALIKSIK:

>> Isang pagtatangka naman ang magkaroon ng solusyon ang


pananaliksik ayon kay E. Trece at J.W. Trece (1973).
NARITO ANG PAGPAPAKAHULUGAN NG
ILAN SA PANANALIKSIK:

>> Isang mapanuri o makaagham na solusyon ang


pananaliksik, pagpapa-kahulugan nina Badayos, et al(2007).
NARITO ANG PAGPAPAKAHULUGAN NG
ILAN SA PANANALIKSIK:

>> Isang pagtuklas at pagpapatibay sa isang haka upang


makabuo ng isang bago at awtentikong gawa, ayon kay T.
San Andres (2010).
PAKSA AT PAMAGAT NG PANANALIKSIK

Sa pagsulat ng pamanahong papel, kinakailangang


mayroong kang tiyak na paksa upang mapagtuunang
mabuti ang iyong isinusulat. Narito ang maaari mong
pagpiliang paksa:
1. SARILI. Isa sa maaaring paghanguan ng paksa ay ang
sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan at
natutuhan.

2. DIYARYO AT MAGASIN. Maaari ring paghanguan ng


paksa ang mga napa- panahong isyu mula sa mga
pangmukhang pahina ng mga diyaryo at mga magasin. sa mga
kolum, editoryal at iba pang seksyon ng pahayagan
3. RADYO/TV. Maaari ring paghanguan ng paksa ang mga
programa sa radyo at TV.

4. MGA EKSPERTO, KAIBIGAN AT GURO. Sa


pamamagitan ng pagtatanong- tanong sa iba, maaaring
makakuha ng ideya na mapaghahanguan ng paksa na hindi
lamang napapanahon kundi kawili-wili rin.
5. INTERNET. Maaari ring paghanguan ang Internet sapagkat
isa ito sa pinaka- madali, mabilis at pinakamalawak na
mapaghahanguan ng paksa. May mga website na ukol sa iba't
ibang interes ng tao.

6. AKLATAN. Sa aklatan matatagpuan ang iba't ibang paksang


nauugnay sa anumang larangan.
MAAARI RING SA PAGPILI NG PAKSA AY AYON SA
DISIPLINANG IYONG TINATAHAK TULAD NG MGA
SUMUSUNOD:

1. Agham Panlipunan (Social Science)


2. Arkitektura (Architecture)
3. Pagtutuos/Akawnting (Accounting)
4. Sikolohiya (Psychology)
5. Edukasyon (Education)
6. Ekonomiks/Pangkabuhayan (Economics)
7. Sosyolohiya (Sociology)
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGPILI NG PAKSA
1. Kasapatan ng Datos. Dapat isaalang-alang ang mga
magagamit na babasahin o literatura tungkol sa paksang napili.
May mga paksa na nagbabago kaya't walang masyadong
maraming impormasyong nakukuha. Kung mangilan-ngilan
lamang ang maaaring magamit o mapakikinabangan na mga
datos, magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik.
Tiyaking may mapagkukunan ng mga datos at materyales.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGPILI NG PAKSA
2. Limitasyon ng Panahon. Pumili ng paksa na sapat ang
saklaw. Ang malawak na paksa ay nangangailangan ng
maraming katanungan na sasagutin kaya't nagiging mahirap
ang gawain. Ang kalagayang ito ay maaaring humadlang sa iyo
para matapos ang pananaliksik sa panahong itinakda. Tandaan
na ang pamanahong papel ay para sa isang semester lamang,
kaya dapat ang paksa na iyong pipiliin ay
matatapos sa itinakdang panahon.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGPILI NG PAKSA

3. Kabuluhan ng Paksa. Sa pagpili ng paksa dapat ito ay hindi


lamang napapanahon, dapat ay kapaki-pakinabang hindi
lamang sa kanyang sarili kundi sa halos lahat ng tao.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGPILI NG PAKSA
4. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali ang paksa kung
ito ay saklaw ng iyong interes o kawili-wili para sa inyo.
Maaari ring ito'y saklaw ng iyong kara- nasan at kakayahan.

5. Sakop ng Kurso. Isa sa maaaring isaalang-alang sa pagpili


ng paksa ay sakop ng kursong iyong kinukuha. Magiging
madali ito sa mananaliksik sapagkat mayroon na siyang
kaalaman sa mga pangunahing layunin ng kurso at sa
pangunahing nilalaman nito.
PAGLILIMITA SA PAKSA

Kailangang limitahan ang iyong paksa upang maiwasan ang


malawak na pag- aaral. Sa Paglilimita ng paksa, magkakaroon
ng direksyon ang iyong pananaliksik. Ang mga sumusunod ay
maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng paksa:
PAGLILIMITA SA PAKSA

1. edad
2. panahon
3. kasarian
4. lugar
5. grupong kinabibilangan
6. anyo/uri
7. partikular na halimbawa ng kaso
8. kombinasyon ng dalawa o higit pang batayan
PAGSULAT NG TENTATIBONG BALANGKAS
May dalawang (2) uri ng balangkas, ang balangkas teoretikal at
balangkas konseptwal

1 Balangkas Teoretikal - nababasa ang mga konsepto, at mga


bulto o tipak ng impormasyon na may kaugnayan sa
isinasagawang pag-aaral o paksa.

2. Balangkas Konseptwal - naghahain ang bahaging ito ng mga


tiyak at tuloy na mga palagay
SA PAGGAWA NAMAN NG BALANGKAS NARITO
ANG MAAARING MAGING PAMAMARAAN UPANG
ITO'Y MAGING MABISA.

1. Pangungusap- ang paksa ay nalalahad sa anyong


pangungusap. Pamilang na Arabiko ang ginagamit sa pagsulat
ng pangunahing paksa at titik alpabeto para sa pansuportang
detalye
SA PAGGAWA NAMAN NG BALANGKAS NARITO
ANG MAAARING MAGING PAMAMARAAN UPANG
ITO'Y MAGING MABISA.

2. Pamaksa - sa anyong pangngalang-diwa o pandiwang


gumaganap sa tungku ng pangngalan at binubuo ng panlapi o
pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat ay inilalahad ang
mga kaisipan.
SA PAGGAWA NAMAN NG BALANGKAS NARITO
ANG MAAARING MAGING PAMAMARAAN UPANG
ITO'Y MAGING MABISA.

3. Patalata - kinakatawan ito ng mga kalipunan o pangkat ng


mga pangungusap. Bawat pamilang na Arabiko ay napaloob sa
isang paksang-diwa.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGBABALANGKAS
1. Suriing mabuti ang mga impormasyon batay sa kaugalian
at kahalagahan ng pangunahing kaisipan at paksa
2. Ang mga pangunahing kaisipang paksa ay dapat gawing
espisipiko at tiyak.
3. Ang paggamit ng malalaking titik, maliliit na titik, bilang
Romano, Arabiko at maging pagbabantas ay dapat maging
angkop.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGBABALANGKAS

4. Itala ang mga magkakasamang kaisipan. Ito ay dapat itala sa


ilalim ng isang pangunahing kaisipan o paksa.
5. Huwag magkamaling pagpalitin ang pangunahing kaisipan at
pansuportang kaisipan. Iwasan ang pagkalito upang maging
mahusay ang gagawing pagbabalangkas.
6. Ang paggawa ng isang mahabang balangkas ay dapat iwasan
upang hindi makalito sa pag-aaral.
PAGBUO NG
TENTATIBONG
BIBLIOGRAPI
PAGBUO NG TENTATIBONG
BIBLIOGRAPI
Ang mananaliksik ay kailangang gumagamit ng
bibliograpi.Ito ang katunayan na ang lahat ng
kanyang kaisipan o konseptong binanggit sa
pagsasaliksik ay hindi haka-haka o opinyon lang.
Ito rin angnagtatalaga kung mataas ang kalidad o
uri ng mga kaisipang isinasama ng isang
tagapagsaliksik. Bukod dito, ito ang nagpapakita
ng lawak at lalim ng tagapagsaliksik para sa
kanyang pananaliksik.
PAGBUO NG TENTATIBONG
BIBLIOGRAPI

Ang bibliograpi ay tala-aklatan o talasangguniang


ginagamit ng tagapagsaliksik sa kanyang
pananaliksik. Ito ay nakaayos ayon sa apelyido ng
awtor, talaan ng mga aklat, peryodikal, dyornal,
magasin, pahayagan, di-limbag tulad ng pelikula,
programa sa telebisyon at radyo,CD o
DVD,website sa Internet at iba pa.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

•1. Aklat
Taylor, John B. (1995). Economics, Houston MIFFLIN
Comp. Boston Toronto.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

2. Aklat: dalawa ang may akda

Linsay, K.W., and Bone, I. (1996). Hierology and


Neurosurgery Illustrated. C and E. Publishing Inc.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

3. Aklat: maraming may-akda

Sullivan, P.E. MSRPT, Markos, P.D. MSRRT, Minor, M.A.D.


MSRPT (1982). An Integrated Approach to Therapeutic
Exercise. Prentice Hall International Inc.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

4. Aklat: kasunod na edisyon

Finsterbusch, K., Mckenna, G. (1996). Taking Sider,


clashing views on controversial social issues (9th Edition)
DUSHKIN Publishing Group, Brown and Bench-mark
Publishers.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

5. Artikulo sa lingguhang magasin

Thomas, Patrick (2008 August). It's LEMURS Worst


Nightmare. Wildlife Conservation pp. 24-27.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

6. Artikulo sa lingguhang magasin

Gordon, Philip (2007, October 1). France Learns How to say


yes: World View page 15.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

7. Artikulo sa dyornal

Margerson, Carl (2001). Anatomy and Physiology.


Respiratory Nursing (page 1-19) BAILLIERE.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

8. Artikulo sa dyornal

Goldsmith, J.(2003). Nit-picking. American Journal of


Nursing, 103(9),22-23.
PORMAT SA PAGBANGGIT NG MGA SANGGUNIAN SA
ESTILONG APA (AMERICAN PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)

9. Artikulo mula sa Internet

American Dental Association. (n.d.). Cleaning your teeth and


gums (oral hygiene). Retrieved June 13, 2006, from
http://www.ada.org/public/topics/cleaning_faq.asp
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Paano ba bumuo ng isang ideya? Kung gagawa ng isang


proyekto sa paaralan, dapat malaman kung ano ang
mga kailangang isipin, paano gagawin,saan,kailan,
sino-sino ang kasangkot at magkano ang badyet?
Dapat ding matutunan ang proseso ng pagbuo ng
ideya/proyekto bilang paghahanda sa anumang
gawaing pangkolehiyo.
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Kung nakapagpasya na ng paksang sasaliksikin,


puwede nang bumuo ng sulating pananaliksik katulong
ng konseptong papel na magsisilbing isang
proposal,maiha-handa na ang pinaplanong
pananaliksik.
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

Ang konseptong papel ay katumbas ng isang proposal


ng isång gawain o proyekto. Nabubuo dito ang
balangkas o framework o mga ibig
patunayan,linawin,tukuyin, talakayin at gawing
kaugnay ng paksa.
BINUBUO NG APAT (4) NA PANGUNAHING
BAHAGI ANG KONSEPTONG PAPEL:

1. Rasyonal - Dito tinatalakay ang dahilan, ugat,


kasaysayan ng ideya. Ito ang pinaka-
problematisasyon ng paksa. Tinutukoy rin dito
kung bakit mahalaga at makabuluhan ang paksa.
BINUBUO NG APAT (4) NA PANGUNAHING
BAHAGI ANG KONSEPTONG PAPEL:

2. Layunin- Dito tinatalakay ang gusto mong


mangyari kaugnay ang papel. Dito rin tinitiyak ang
pinakalaman ng paksa. May dalawang bahagi ito:
pangkalahatan at tiyak.
BINUBUO NG APAT (4) NA PANGUNAHING
BAHAGI ANG KONSEPTONG PAPEL:

3. Metodolohiya- Dito tinatalakay kung paano at


saan kukunin ang datos ang teoryang
pagbabatayan, paano o anong lapit ang gagamitin
sa analisis ng datos.
BINUBUO NG APAT (4) NA PANGUNAHING
BAHAGI ANG KONSEPTONG PAPEL:

4. Inaasahang Output - Dito ipinapahayag ang


magiging resulta ng pananaliksik - ilang pahina ba,
isinasalibro ba, may apendiks ba, atbp. Modelo ba
ng isang ebalwasyon ang gustong gawin?
Panimulang teorya ba ng isang ideya ang bubu-
uin? Mga mungkahing prosesó, solusyon,
programa ng aksyon ang pakay ba ng papel?
NARITO ANG ISANG BUONG
HALIMBAWA NG KONSEPTONG PAPEL.

4. Inaasahang Output - Dito ipinapahayag ang


magiging resulta ng pananaliksik - ilang pahina ba,
isinasalibro ba, may apendiks ba, atbp. Modelo ba
ng isang ebalwasyon ang gustong gawin?
Panimulang teorya ba ng isang ideya ang bubu-
uin? Mga mungkahing prosesó, solusyon,
programa ng aksyon ang pakay ba ng papel?
HALIMBAWA NG 4 NA PANGUNAHING
BAHAGI
KONSIDERASYON SA PANGANGALAP
NG MGA DATOS
Sa paggamit ng mga aklat at iba pang materyales sa
pansamantalang bibliograpi, kumuha ng mga tala sa
sangguniang mga aklat na mahalaga sa paksång
tinatalakay sa sulatin.
Gumamit ng indeks kard para sulatan ng mga tala.
Bawat kard ay lagyan lamang ng isang tala. Bigyang
halaga ang dokumentasyon o pagbanggit sa
reperensyang pinagkunan ng bawat ideyang ginamit sa
papel.
TATLONG PARAAN NG PANGANGALAP
NG MGA TALA

1. Pagbubuod (Summarizing). Isinusulat ang tala sa


pansariling pananalita nang hindi nababawasan ang
orihinal sapagkat naroon din ang pangunahing ideya at
mga detalyeng sumusuporta.
TATLONG PARAAN NG PANGANGALAP
NG MGA TALA

2. Paghahawig (Paraphrasing). Malayang


ipinahahayag ang mga tala batay sa paliwanag sa
orihinal. Sa ganitong paraan, napipilitang mag-isip
at umunawang mabuti sa kabuuang ideya ang
kumukuha ng tala na hindi nangyayari kapag
kinokopya lamang ang mga tala sa pinagkukunan.
TATLONG PARAAN NG PANGANGALAP
NG MGA TALA

3. Direktang Sipi (Quoting). Kompletong


kinokopya ang mga salita o pangungusap mula sa
sanggunian at ikukulong iyon sa panipi.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

1. Gumamit ng mga parirala (phrase), sa halip na


mga kompletong pangungusap upang
makapagtipid at maiwasan ang pagkopya ng mga
eksaktong salita ng may-akda.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

2. Iwasan ang paggamit ng di-karaniwang daglat


(abbreviation) na hindi na maintindihan kapag
muling binasa ang isinulat.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

3. Tukuyin at pag-ibahin ang mga impormasyong


paktwal sa opinyon.Gamitin ang "Batay/Ayon
kay/sa..."
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

4. Sa pagpili ng mga pangungusap, gumamit ng


pagkakaltas (... ) upang maalalang may pinaikli sa
kinopyang tala.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

5. Itago ang mga note card hangga't hindi pa


nabibigyan ng grado ang panahunang papel dahil
maaaring hingin iyon ng guro o kaya'y may
karagdagan siyang katanungan tungkol sa ilang
impormasyon.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

6. Iwasan ang pagkopya ng eksaktong pananalita


ng awtor at paggamit nito nang walang kaukulang
kredit o banggit. Pinakamahusay na proteksyon
laban dito ang paggamit ng sariling pananalita at
pagbanggit ng kaukulang kredit kapag ginamit sa
isang papel ang ideya ng isa o higit pang awtor.
ILANG PATNUBAY SA PAGKUHA NG
MGA TALA (JOSON, 2004)

7. Dapat ding malaman ng mananaliksik kung alin


sa mga nakalap na tala ang maha-laga at
makatutulong sa kanya at kung alin ang hindi.

You might also like