You are on page 1of 40

Pagpili ng Paksa

Kasanayang Pampagkatuto
1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananalisik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo at etika sa pananalisik ( F11PB-1Vab-100);
2. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay sa
pananaliksik (hal. pagpili ng paksa, pagbuo ng balangkas, atbp.
( F11PT-IVcd-89)
3. Naiisa-isa ang mga proseso sa pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino na nilalayon ng modyul na ito na makakabuo ka ng isang
napapanahong paksa.
( F11PU-IVef-91)
Balikan
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga kaalamang
naunawaan mo mula sa nagdaang paksa
Gawain

Panuto: Sa buwan na ito ay ipinagdiriwang ang “Araw ng mga


Ina”. Ano-ano ang mga bagay na ginagawa ng iyong ina na labis
mong hinahangaan?
PAGPILI NG PAKSA
Mga Paalala sa Pagpili ng Paksa
Ayon kay Dayag, Alma, et al 2016, ang salitang paksa ay
kadalasang tumutugon sa ideyang tatalakayin sa isang sulating
pananaliksik.
Ang paksa ng isang sulating pananaliksik ay isa sa
pinakamahalagang bahagi ng isang papel pananaliksik.
Ang pagpili ng isang paksa ay dapat nakapokus lamang sa iisang
direksyon upang hindi mahirapan sa pagbuo ng pahayag.
Mahalagang maisaalang-alang ang mga gabay sa pagpili ng
pinakaangkop na paksa:
 Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
- Paksang marami ka nang nalalaman
- Paksang gusto mo pang higit na malaman
- Paksang napapanahon
Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng
mapipiling paksa ng mga kaibigan mo
 May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
 Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating
pananaliksik
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
5. Paglilimita sa paksa
Halimbawa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa: Epekto ng KDrama


sa mga Kabataan
Nilimitahang Paksa: Epekto ng KDrama sa mga
Kabataang may edad na 16-19
Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Epekto ng KDrama sa
Gawaing Pang-akademiko ng mga Kabataang
may edad na 16 – 19 sa Barangay Marikit
Sagutin ang mga tanong

1.Bakit kailangan ang paksa ng pananaliksik?


2.Paano pumili ng paksa?
3.Ano- ano ang mga gabay sa pagpili ng pinakaangkop na
paksa sa pagsasagawa ng pananaliksik?
4.Ano-ano ang mga hakbang sa pagpili ng paksa?
Gawain 1

Panuto: Paglakbayin ang isipan sa mga pangyayaring nagaganap sa


paligid, pagkatapos sagutin nang maayos ang tanong sa ibaba.

Ano-anong bagong isyu o suliraning panlipunan ang


nakapukaw sa iyong pansin? Bakit kaya?
A. Ngayon ay masusubukan mong maglimita ng paksa o
pangkalahatang paksa. Sa sumusunod na kahon ay mababasa mo
ang ilang malawak na paksa. Limitahan mo ang mga paksa upang
mas madaling matugunan sa sulating pananaliksik.
Malawak o Pangkalahatang Paksa: Epekto ng Social Media sa
mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
Malawak o Pangkalahatang Paksa: Mga Kabataan, musika at pag-
aaral
Nilimitahang Paksa:
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
Malawak o Pangkalahatang Paksa: Sanhi at Bunga ng
COVID 19 sa pamumuhay ng mga Pilipino
Nilimitahang Paksa:

Lalo Pang Nilimitahang Paksa:


ARALIN 2 – PAGBUO NG TENTATIBONG
BALANGKAS
Ano ang balangkas?
• Ang balangkas o tinatawag na “outline” ay kalansay ng mga ideya na
pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin. (DIWA, Senior High
School Series: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik)
• Ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna sa mga kaisipan ayon
sa talatuntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang pag-unlad ng
pagsusulat. (Arrogante,1992)
• Nagsisilbing gabay upang masagot ng mananaliksik ang dalawang
mahalagang tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na alam ko na o nasasaliksik ko na at maaari ko
nang i-organisa patungkol sa aking paksa?
2. Ano- ano ang mga batas o impormasyon ang wala pa o kulang pa at
kailangan ko pang saliksikin?
(Alma M. Dayag Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibiang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.pp.162)
Mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago simulan ang pagsulat upang:
• Higit na mabibigyang-diwa ang paksa.
Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin, kaya nakatutulong ang pagbuo ng
balangkas.
• Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat.
Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin sa proseso ng pagsulat ng
pananaliksik.
• Nakatutukoy ng mahihinang argumento.
Dahil sa pagbabalangkas ay nahahati ang malalaking ideya at nilalagyan
pa ng sumusuportang detalye para mapatibay ang argumento at
matutukoy kung alin ang mahina at dapat ayusin at rebisahing mga
argumento.
• Nakakatulong maiwasan ang writer’s block.
Magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan ang kanyang
isusulat.
Uri ng Balangkas
1. Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)- ito ay binubuo ng mga
parirala o salita na siyang mahalagang punto hingil sa paksa.
Hal. Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C. Pagbibigay- kahulugan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A. Mayaman sa Enerhiya
B. Mayaman sa Protina
C. Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain
A. Mabuting Epekto
1. Nagpalakas ng katawan
2. Nakatulong na makaiwas sa sakit
3. Nakapagpapasigla ng katawan
IV. Konklusyon
2. Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)- binubuo ng
mahahalagang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi
ng sulatin.
Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
II. May tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
A. Ang mga pagkaing mayaman sa enerhiya
B. Ang mga pagkaing mayaman sa protina
C. Ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain.
A. Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay nakapagpapalakas ng katawan.
2. Ang mga pagkain ay maaaring makatutulong sa pag-iwas ng sakit.
3. Ang mga pagkain ay maaaring naging sanhi ng pagiging masigla ng
isang tao.
IV. Konklusyon
3. Patalatang Balangkas- Ang binibigyang-diin ay ang pagkakaugnay.
Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang mabuhay. Kailangang
matutuhan din kung anong pagkain ang nararapat na kainin upang
mapanatiling malusog at masigla ang ating katawan.
(Teresita T. Galang et.al (Nobyembre 2000) Pagsulat at Pagbasa Tungo sa Pananaliksik. Rex
Bookstore pp. 126-137)
Gawain 1: Panuto: Isaayos ang mga ideya upang makabuo ng isang balangkas.

Paksa: Pag-iwas sa Adiksyon sa Droga


Mga Ideya:
- Panimula
- Narkotiko
- Paglalahad ng Suliranin
- Stimulants
- Hallucinogens
- Saklaw ng Pag-aaral
- Uri ng Bawal na Gamot
- Pagbibigay kahulugan
- Dahilan ng Paggamit ng Bawal na Gamot
- Masamang Epekto nito
- Konklusyon
Balangkas:
I. _______________________________
A.
B.
C.
II. __________________________________
A.
B
C.
III.____________________________________
IV.____________________________________
A.
B.
V. ____________________________________
(Teresita T. Galang et.al(Nobyembre 2000) Pagsulat at
Pagbasa Tungo sa Pananaliksik. Rex Bookstore pp. 136-
138).
Unawain at intindihing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Gawin ito ayon sa
hinihingi.
A.Maglahad ng isang suliranin o isyung nararanasan ng mga mag-aaral ng
Senior High School at magmungkahi ng limang posibleng solusyon
kung paano malutas ang mga ito.
Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Titik lamang
ang Isulat sa sagutang papel. 1. Ang salitang paksa ay kadalasang
tumutugon sa ideyang tatalakayin sa isang sulating pananaliksik.
Sino ang tahasang nagsabi nito?
A. Alma A. Dayag
B. Joey G. Bernales
C. Virgilio Almario
D. Julian C. Balmaceda
2. Ang pagpili ng isang paksa ay dapat nakapokus lamang sa
iisang _____
upang hindi mahirapan sa pagbuo ng pahayag.
A. Sistema
B. Direksyon
C. Usapin
D. Isyu
3. Mahalagang maisaalang-alang ang mga sumusunod
maliban sa ________.
A.kasapatan ng datos na maaaring makasuporta
sa paksang mapipili
B.pinansyal na aspeto ng mananaliksik
C.limitasyon ng oras sa bubuuing sulating
pananaliksik
D. kasama sa pangkat ng pananaliksik
4. Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.
A. panimula
B. paksa
C. ikalawang kabanata
D. lagom
5. Sa pagpili ng paksa mas mainam kung ______________.
A. ang mga magulang ang pipili
B. ang guro ang masusunod
C. ang interes at gusto ng mga mag-aaral
D. mungkahi ng mga kamag-aral
6. Ito ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na
proyektong
gagawin.
A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas
D. Layunin
7. Ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong
kaisipan.
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas
C. Patalatang balangkas
D. Papangusap na balangkas
8. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
A. Konseptong papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
9. Makikita rito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa
pangangalap ng
datos at impormasyon.
A. Paksa
B. Layunin
C. Metodolohiya D. Rasyunale
10. Dito makikita ang kalalabasan ng pag-aaral.
A. Layunin
B. Awtput /Resulta
C. Layunin
D. Rasyunale
11-15 Gumawa ng papaksang pagbalangkas tungkol sa
usaping “Pangangalaga sa
Sarili para sa Kalusugang Pisikal”.

You might also like