You are on page 1of 17

MAPANURING

PAGBASA SA
AK ADEMIYA
Alin sa mga sumusunod ang minsanan lamang na tingnan o basahin?
Alin naman ang binabalikan , matagal at paulit-ulit tinitingnan,
matamang pinag-iisipan , at pinagkukulubutan pa ng noo kung
minsan? Bakit mo ipinapalagay na minsanan lang na dapat tingnan
ang ibang aytem at bakit kailangang busisiin at tingnan nang maigi
ang iba?

Binabasa Minsanan (/) Binabalikan (/) Dahilan


1. Komersiyal sa
telebisyon
2. Komersiyal sa
tarpaulin sa tabi
ng lansangan
3. Menu sa
restawran
Minsanan Binabalikan Dahilan

4. Manwal ng biniling telebisyon,


DVD player, refrigerator, washing
machine, o kompyuter

5. Nobelang romansa

6. Sarbey ng National Statistics


Office
7. Polyeto o leaflet ng protesta ng
isang grupo o organisasyon
8. Librong Pambata
9.Poster ng Pagtatanghal ng
isang dula
10. Teksbuk
Estruktura ng Tekstong Akademiko

1. Deskripsyon ng Paksa
- Kasama rito ang mga depinisyon, paglilinaw at pagpapaliwanag.
Karaniwan itong makikita sa simula ng teksto.

Halimbawa:
“Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang bahagi
ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan na matatagpuan sa ilang
mga kalipunan at kasaysayang pamanitikan… ang ikalawang bahagi nama’y
pumapasok sa usapin ng saklaw at bisa ng naturang konsepto , batay sa
ugnayan nito sa mga Panitikang Relihiyonal at Panitikang Sektoral…”
2. Problema at Solusyon

Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap


ang pinakatema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa,
ang gustong patunayan , ipagiggitain , isangguni, ilahad, at
paano ito mauunawaan. Dito umiikot ang pagtatalakay sa
buong teksto at iba pa.

Hal. May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na


kinababaliwan ng mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro
na sagabal sa kanilang pag-aaral.
3. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya
-Maari itong kronolohikal (panahon) o hierarkikal
(ideya).

Halimbawa :
“Upang maging malinaw ang pagtalakay sa pag-unlad ng
wikang Filipino bilang wikang Pambansa at wikang
opisyal ay susuriin ng mga pinagdaanan nito sa iba’t
ibang yugto ng pag-iral nito.
4. Sanhi at Bunga
- Nagagamit ito para pagbatayan ang mga
ebidensiya at katuwiran sa teksto.

Halimbawa:
“Isa sa mga maaring tingnan ay epekto ng
kalamidad sa kabuhayan ng mga tao”.
5. Pagkokompara
- Kaugnay nito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga
datos upang patibayan ang katuwiran.

Halimbawa:
“Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi na
ng buhay-Pilipino . Ang disenyo ay halo-halo na maski paanong
tulad ng sangkap ng lutong pinakbet, at makulay na parang ati-
atihan sa Aklan. Ang loob ay sing-ingay ng palengke ng
Dibisorya, ngunit relihiyosong tulad ng simbahan ng Quaipo…”
6. Aplikasyon
- Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na
nagaganap sa buhay.

Halimbawa:
“ Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng
kontradiksyon panlipunan. Ang white lady sa Balete Drive,
biktima ng sexual abuse at heinous violence , ay muli’t
muling bumabalik sa alaala at espasyo ng marahas at baliw
na siyudad”.
May mga partikular naming estruktura ang tektong akademiko, depende
sa layunin nito. Narito ang tatlo:

1. Estruktura ng Tesis
Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan.

Introduksyon-
Paksang Pangungusap

Katawan - Mga Detalye Katuwiran Detalye


Paksang Talata Argumento Paksang Pangungusap

Kongklusyon - Argumentong Kongklusyon


2. Estruktang Problema-Solusyon
Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon.

Introduksyon - Pahayag ng
Problema at / o Solusyon
Katawan- Mga Detalye, Mga Ebidensya ,
Mga Katuwiran, Mga Posibleng Solusyon.

Kongklusyon- Resolusyon/Mungkahing
Solusyon o Kawalan ng Solusyon.
Estrukturang Factual / Report
-Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong
ulat.

Introduksyon- Pangunahing
Paksa

Katawan- Mga Detalye, Mga


Paliwanag

Kongklusyon- Pangkalahatang
Buod
Mapanuring Pagbasa : Mga Estratehiya

1. Maingat

2. Aktibo

3. Replektibo

4. Maparaan

• Pre-viewing
• Skimmimg
• Brainstorming
Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbabasa at Mambabasa
- Tatlong teorya , pananaw, o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o
pagkatuto kaugnay ng pagbabasa.

1. Tradisyonal na pananaw- matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya ,


impormasyon, at kahulugan para sa mambabasa. Kaugnay nito ang bottom up
na paraan ni Patrick Gough (1972).
2. Pananaw na Kognitibo- may interaksyon ang mambabasa sa teksto. Bumubuo
rin siya ng hipotesis o haka-haka, nagbibigay interpretasyon sa datos,
kumukuha ng impormasyong kaugnay ng datos sa teksto mula sa dating
kaalaman, nabasa, nakita, napanood at narinig. Kaugnay ng top down na paraan
ni Goodman (1990).
3. Metakognitibong Paraan- pag-iisip kung ano ang ginagawa habang nagbabasa .
Kaalaman,estratehiya at teksto ng gabay pananaw na ito. Kumbaga
nakokompleto rito ang kulang na katangian ng tradisyunal at kognitibo lamang.
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa

Bago basahin ang teksto:


1. Estratehiya – Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo
binabasa o gustong basahin ang teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap – Ito ang
pangungusap sa loob ng teksto-kadalasa’y nasa unang talata
o intrudoksyon –na tumutukoy sa paksa o gustong
patunayan kaugnay ng paksa.
3. Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may
akda habang binabasa ang teksto.

4. Piliin, busisiin at basahing mabuti ang mga detalye o


ebidensiya.
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat – Organisado ba ang ideya? Ano ang estilo ng
pagsulat ng may-akda?

6. Alamin ang gamit ng wika – Angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa layunin? Sa iniisip
na mambabasa nito? Ano ang “tono” ng teksto batay sa gamit ng wika?

7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksyon kung ano ang susunod na mangyayari


batay sa integrasyon ng mga datos, teksto, salitang alam mo bilang mambabasa.

8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto

9. Gumawa ng ebalwasyon o konklungsyon batay sa mga tinukoy sa teksto, sariling


opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa labas ng teksto.

You might also like