You are on page 1of 1

ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSULA SA AKADEMIYA

Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, kanlurang edukasyon, at impluwensya ng iba’t ibang


etika at pagpapahalaga ang nangibabaw, lalo na sa larangan ng edukasyon.

Sa akedimikong pagsulat, ang paggamit ng social media (facebook,twitter,instagram,at iba pa)


Ay hindi nakatutulong sa iskolarsyip. Paano ito gagamitin? Sa tradisyonal na paraan, deskripsiyon,
eksperimento, obserbasyon, at personal na karanasan ang ginagamit, ngunit sa kasalukuyan, maraming
impormasyong matatagpuan sa internet ang ginagamit. Subalit may mga pagkakataong hindi tiyak ang
awtentisidad ng mga materyal na ito.

Kaugnay nito, ilang isyu o paglabag kaugnay ng etika at pagpapahalaga sa pagsulat gamit ang
sari-saring datos at reperensiya ang mahalagang bigyang-pansin:
a. Copyright – sa pilipinas, nilinaw sa intellectual property code of the Philippines o ang republic
Act no. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar,
tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginagawa ng
mga ito. Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasan ang
anomang di-pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga layuning
akademiko. Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at
iba pang impormasyon.
b. Plagiarism – ito ang malng paggamit, “pagnakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at
pahayag” ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya. Ayon kay Diana
Hacker, tatlong paglabag ang maituturing na plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng
bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya; 2) hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita
o pahayag; 3) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang binuod (summary) at
hinalaw (paraphrase).
Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili”, kung saan ang dati nang inilathalang
akda ng mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang hindi binabanggit ang pinglathalaan na
nito. Kaugnay nito, ang muling pasusumite ng isang papel sa iba-ibang asignatura ay itinuturing
ding plagiarism sa sarili at di-etikal.
c. Paghuwad ng datos
1. Imbensiyon ng datos – sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso,
maaring maengkuwentro ang ganitong problema. Malinaw na sinadyang pandaraya ito at
malaki ang kabayaran dito paris ng pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang
semester o taon.
2. Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3. Pagbabago o modipikasyon ng datos
d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at
lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro. Hindi lamang ito di-etikal kundi illegal na
gawain. Kauganay nito, ang pagtitinda ng mga papel (maaring ginagawa ito ng ilang estudyante
at guro) sa mga establisimentong ito ay di-etikal at di-legal.
e. Pag-subscride upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin
bilang sariling papel na isusumete sa guro.
f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa.
Malinaw na pandaraya ito. Kaugany nito, ang gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga
ito ay sangkot din sa pandaraya.

You might also like