You are on page 1of 5

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (Akademik)


ACTIVITY SHEET – Week 8

Pangalan:_________________ Baitang: 11
MELC: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-0g-i-
91)
Paksa: Talumpati
ALAMIN
(Sipat- Salita)
Panuto: Crossword Puzzle. Hanapin at bilugan ang 10 salitang may kinalaman sa konsepto
ng Talumpati. Kopyahin ang crossword puzzle sa iyong kwaderno at sagutan.

BALIKAN
Balik-Tanaw
Panuto: Magtala ng dalawang totoong sitwasyon sa bawat uri ng talumpati na tinalakay sa
naunang aralin. Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno.

TUKLASIN
Talumpati
Ang pagsulat ng isang talumpati ay isang mapanghamon na gawain kaya naman
kinakailangang magsanay ang taong magsasagawa nito. Isa sa mga tinalakay ng Pixar, na
isang sikat na kompanya sa Amerika na gumagawa ng mga pelikula, na ang kakayahang
makalikha ng mahusay na kuwento ay napakabisang paraan sa pagpapaunlad ng kakayahan
sa pagtatalumpati (“7 Unusual Ways to Learn and Practice Public Speaking Online”, n.d.).

SURIIN
Gawain sa Pampagkatuto Bilang 1
Panuto:
(1) Kopyahin sa kwaderno ang template ng tseklist sa ibaba at ilagay ang mga bagay na
dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang sulating talumpati. Sikaping mailagay ang
lahat ng mga konseptong tinalakay sa pagsulat ng talumpati mula sa naunang aralin
upang maging mabisa ang isasagawang pagsusuri.
(2) Manood o alalahanin ang huling pelikula na napanood mo sa telebisyon o sine. Gamit ang
nilikhang tseklist, suriin ang iskrip ng napanood na pelikula.
(3) Sa tabi ng ginawang tseklist, magbigay ng maikling puna at paliwanag.

Mga Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Puna/ Paliwanag



Talumpati

(Dagdagan kung kinakailangan)


ISAISIP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
(Sagot at Gawa…GOTGA!)
Panuto: Lumikha ng isang infographics bilang sagot sa tanong sa ibaba.
Paano mo magagamit ang kasanayan sa pagtatalumpati sa kasalukuyang krisis sa kalusugan
at ekonomiya ng ating bansa? Ilagay sa 1 short bond paper ang sagot at idikit ito sa iyong
kwaderno.

ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
(Hurado sa Bahay Mo!)
Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng talumpati ukol dito. Pagkatapos,
bigkasin ito sa harap ng isang kasama sa bahay habang hawak ang scoresheet. Kapag natapos
nang magbigay ng puntos ang iyong kasama sa bahay, markahan naman ang sarili. Kunin ang
kabuoang puntos. Kopyahin sa kwaderno ang scoresheet sa ibaba at dito ilagay ang
pagmamarka.
Mga paksa:
o White Sand Beach sa Manila Bay
o Ekonomiya o Kalusugan, ano ang higit na mahalaga?
o Pandemiya at Likas na Yaman

Puntos
Pamantayan Kasama sa
Sarili
bahay
Kalinawan- (30%)
 malinaw ang nilalaman ng talumpati kung lohikal ang
daloy ng talumpati, pagpili ng mga salitang pamilyar
at katanggap-tanggap sa mga tagapakinig, pagbibigay-
diin sa mga puntos at detalye
Kawastuhan- (30%)
 totoo at konkreto ang mga impormasyong ilalagay
bilang ebidensiya o panuporta sa mga pangunaing
ideya.
Kaakit-akit- (25%)
 kawili-wili ang paraan ng pagkakalatag ng mga
detalye, katwiran, at/o paliwanag.
Haba ng talumpati- (15%)
 sapat ang haba ng talumpati batay sa oras na ibinigay
para sa pagbigkas nito.
 Oras: lima hanggang pitong minuto

Kabuoang Puntos

Pinal na Puntos
( Puntos ng Kasama sa Bahay + Sariling pagmamarka
2 )
TAYAHIN
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Sagutin ang bawat aytem sa pamamagitan pagtukoy kung ang pahayag sa bawat
aytem ay tama o mali. Ilagay ang titik “T” kung tama ang pahayag at titik “M” naman kung
sa tingin mong mali ang pahayag. Ilagay ang sagot sa unahan ng bawat bilang. Ilagay ang
sagot sa iyong kwaderno.

___1. Kung susulat ka ng talumpati, mahalagang nakapupukaw ng interes ang mga


impormasyong ilalahad.

___2. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga
tagapakinig.

___3. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.

___4. Iayon ang mga salita, anekdota, istatistiks, atbp. na gagamitin sa pagpapahayag ng mga
ideya sa talumpati.

___5. Ang talumpati ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita na


layuning tumalakay sa isang pangyayari, sitwasyon, o paksa.

___6. Hindi na dapat pang bigkasin ang talumpati sa harap ng maraming tao.

___7. Ang talumpati ay isang sining sa pagsasalita.

___8. Dagliang talumpati ang tawag sa talumpating mahusay na pinag-aralan, sinaliksik, at


binalangkas bago pa man bigkasin sa harap ng madla.
___9. Dapat isaalang-alang ang kawastuhan, kalinawan, kaakit-akit, at haba ng isusulat na
talumpati.

___10. Ang kronolohikal, isinaulo, topikal ay mga huwaran sa pagbuo ng talumpati.

Pagninilay

Panuto: Sagutin ang tanong na nasa ibaba. Mula sa iyong natutuhan, ano kaya ang mga
maitutulong ng wasto at mahusay na pagsusulat ng liham pangnegosyo sa iyong piniling
trabaho? Isulat sa kwaderno ang sagot sa pamamagitan ng linyang, “Nabatid kong…”

Susi ng Pagwawasto:

ALAMIN
TAYAHIN
Pangwakas na Pagsusulit
1. T
2. T
3. T
4. T
5. T
6. M
7. T
8. M
9. T
10. M
ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
(Hurado sa Bahay Mo!)

Interpretasyon:
100-95 Napakahusay
94-88 Mahusay-husay
87-80 Katamtaman
79-pababa Paghusayan pa

Sanggunian:
Bernardo, S.A. (Direktor). (2017). Kita Kita [Film]. Spring Films.

Gist. (n.d.). 7 Unusual Ways to Learn and Practice Public Speaking Online. Mula sa
https://getgist.com/learn-and-practice-public-speaking-online/

You might also like