You are on page 1of 23

PAGSULAT NG

AKADEMIKONG SULATIN
Ano ang Akademikong Sulatin?
Pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon o unibersidad sa isang
partikular na larangang akademiko.

Hal., pananaliksik sa Pisika; Report ng


Pananalisik sa laboratory sa Sikolohiya,
Komparatibong Literatura, atbp.
Abstrak Panukalang Proyekto
Sintesis/buod Talumpati
Bionote
Katitikan ng pulong Agenda

Posisyong papel Pictorial essay

Replektibong sanaysay Lakbay-sanaysay


PANIMULANG PAGTATASA
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina
ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod
ng boung akdang akademiko o ulat.

Sagot: ABSTRAK
Ito ay isang dokumento na ginagamit upang
kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto
ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikular na problema sa negosyo o oportunidad.
Inilalarawan nito nang malalim, kung paano ang
proyekto magsisimula..
Sagot: PANUKALANG PROYEKTO
Ito ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan
isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng
isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal.
.
Sagot: BIONOTE
Ito ay bahagi ng metodong diyaletikal kaugnay
ng pagbuo ng katuwiran.
 
.
Sagot: SINTESIS
Ito ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang
diskusyon at desisyon. Ibinabatay sa adyendang unang
inihanda ng tagapangulo ng lupon na maaaring gawin ng
kalihim, typist, o reporter sa korte - maaaring maikli at
tuwiran o detalyado.
 Sagot: KATITIKAN NG PULONG
Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang
tao na pinababatid sa pamamagitan ng 
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat
ng mga tao 
Sagot: TALUMPATI
Ito ay plano o mga gawain na
kailangang gawin

Sagot: AGENDA
Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa
isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng
nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal.

Sagot: POSISYONG PAPEL


Ito ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim
sa isang anyong tuluyan o prosa.

Sagot: REPLEKTIBONG SANAYSAY


Ito ay sanaysay na ang pinanggagalingan ng mga ideya nito
ay mula sa pinuntahang lugar, hindi lamang ang lugar ang
tinatampok dito pati na rin ang mga kultura, tradisyon,
pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng isang taong
nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat ng
aspektong natuklasan ng isang manlalakbay.

Sagot: LAKBAY SANAYSAY


PAKSA: ABSTRAK
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na
makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title
page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng
pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang
abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.
ANO ANG NILALAMAN NG ABSTRAK
·   Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at
Suliranin ng Pag-aaral
·  Metodolohiyang ginamit
·         Saklaw at Delimitasyon
·         Resulta at Konklusyon
PAKSA: ABSTRAK
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
·Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na
hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
·Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
·Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat
ng abstrak.
PAKSA: ABSTRAK
· Dapat ito ay naka dobleng espasyo
· Gumamit ng mga malinaw at direktang mga
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
· Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga
ito.
·Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo
kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang
HALIMBAWA
Abstrak
       Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at

mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa


anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim
sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. 
HALIMBAWA
 Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na
batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-
walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.  Ang
lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok,
edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang
kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa
emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong
marital.
HALIMBAWA
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015
Green Highlight: Rasyunal
Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon
Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik
ABSTRAK
          Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng
pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas
ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang
pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang
(15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang
instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon
ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo
gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit
sa paglikom ng datos.Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan
sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral.
PANGKATANG GAWAIN

GUMAWA NG ABSTRAK NG ISANG


PANANALIKSIK

You might also like