You are on page 1of 31

PAGSULAT NG PILING ANYO NG

SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL
SULATING TEKNIKAL-
BOKASYUNAL

ANO ITO?
SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL

Akdang sinusulat kaugnay ng trabaho o


gawain sa isang partikular na larangan na
nagmumula sa karanasang personal,
natamong edukasyong teknikal, at mga
pagsasanay; hal., teknikal na report tungkol
sa pagbuo ng web design
Liham-Pangnegosyo
Manwal
Flyers/leaflets Promotional materials

Deskripsyon ng produkto
Naratibong ulat

Feasibility study Menu ng Pagkain


Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto

Paunawa/babala/anunsyo
LAYUNIN
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal-bokasyunal
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw
ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na
mga termino.
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika.
Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na
sulatin
Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal-
bokasyunal
Panimulang Pagtatasa
Tukuyin ang SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL na
naaayon sa sinasabi ng bawat pahayag.

1. Nakatuon sa mga transaksyon sa


pangangalakal katulad ng pagkambas
ng halaga ng mga produkto o kaya’y
liham ng kahilingan at liham pag-uulat.
Sagot: LIHAM-PANGNENEGOSYO
Panimulang Pagtatasa

2. Ito ay kalimitang nakaayos nang


pabalangkas ang mga nilalaman at
makikita sa talaan ng mga ito at pormal
ang ginagamit na wika.

Sagot: MANWAL
Panimulang Pagtatasa
3. Ang mga ito ay ipinamumudmod
upang makahikayat sa mga
tagapagtangkilik ng isang produkto o
serbisyo

Sagot: Flyers/Leaflets at Promotional


Materials
Panimulang Pagtatasa

4. Ito ay kalimitang matatagpuan ang


paglalarawan sa pabalat, sa website ng
gumawa nito o kaya’y sa iba pang
babasahin tungkol dito.
Sagot: DESKRIPSYON NG PRODUKTO
Panimulang Pagtatasa

5. Ito ay malaking tulong upang higit na


madali para sa mga tao ang sumusunod
sa mga hakbang na nakasaad dito.

Sagot: DOKUMENTASYON SA PAGGAWA


NG ISANG BAGAY/PRODUKTO
Panimulang Pagtatasa

6. Nakatutulong ito upang matiyak ang


posibilidad na maisakatuparan ang isang
planong Gawain.

Sagot: Feasibility Studies


Panimulang Pagtatasa
7. Kadalasang makikita dito ang
naisagawang aktibidad ng iba’t ibang
ahensya o kumpanya na nagbubuo ng
mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y
mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon.
Sagot: NARATIBONG ULAT
Panimulang Pagtatasa

8. Ito ay nakakatulong upang maiwasan


ang mga sakuna, aksidente o iba pang
hindi kanais-nais na pangyayari para sa
indibidwal.

Sagot: PAUNAWA/BABALA/ANUNSYO
Panimulang Pagtatasa

9. Nakalagay dito ang halaga ng bawat


isang produkto upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng
abot-kaya para sa kanila.

Sagot: MENU NG PAGKAIN


SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL

Manwal
Layunin

 Naipapaliwanag ng guro ang nilalaman ng


isang manwal.
 Naipapaliwanag ng mag-aaral ang
nilalaman ng manwal.
Ano ang Manwal at layunin nito?
 Naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng
mga impormasyon tungkol sa isang bagay o
paksa.
 Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga
nilalaman na makikita sa talaan na may pormal
ang ginagamit na wika.
Ano ang Manwal at layunin nito?

 Maaari rin naming magtaglay ng mga larawan o di


kaya’y tsart ang isang manwal
 Maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang
mga manwal
Bakit kailangan ng mga larawan o tsart ang isang
manwal?

 nang maging higit na maliwanag ang paglalahad


ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang
teknikal kung hinihingi ng pangangailangan.
Halimbawa ng Manwal:
 Manwal ng Anti-Korupsyon para sa mga Small and Medium-
sized Enterprise (SME’s)
 Saklolo para sa mga Dayuhan sa Oras ng Sakuna at Kalamidad:
Manwal ng mga Katanungan at Kasagutan
 Handbook ng Benepisyo ng mga Manggagawa Ayon sa Batas
Pangkatang Gawain 1:
 Bumuo ng tatlong pangkat.
 Ang bawat pangkat ay maghahanda/bubuo ng “YELL”.
 Ang guro ay magbibigay ng manwal sa bawat pangkat.
 Ang bawat pangkat ay pipili ng tatlong (3) miyembro na magsasalita
sa unahan upang maipaliwanag ang nilalaman ng Manwal.
 Bago magpaliwanag ang tagapagsalita, ang bawat grupo ay
ipapakita ang kanilang naihandang “YELL”.
 Labing-limang (15) minuto lang ang ibibigay ng guro sa gawaing ito.
SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL

Liham-Pangnegosyo
Layunin

 Naipapaliwanag ng guro ang nilalaman ng Liham-


Pangnegosyo
 Nakakagawa ang bawat mag-aaral ng mga
Liham-Pangnegosyo
Ano ang Liham-Pangnegosyo?
 Kalimitang ginagamit sa korepondensiya at
pakikipagkalakalan.
 Tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong
sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad,
katawan ng liham, bating pangwakas at lagda
 katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto
o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat
Ano ang Liham-Pangnegosyo?
 Kalimitang ginagamit sa korepondensiya at
pakikipagkalakalan.
 Tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong
sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad,
katawan ng liham, bating pangwakas at lagda
 katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto
o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat
Iba’t Ibang Uri ng Liham-Pangnegosyo:
1. Liham Kahilingan
2. Liham Pag-uulat
3. Liham Pagkambas
Ano ang nilalaman ng Liham kahilingan?

 Ito ay naglalaman ng kahilingan na tugunan ang


pangangailangan ng bawat ahensya pagdating sa
negosyo o kaya’y mga kahilingan na nais
isakatuparan ng isang negosyante
Ano ang nilalaman ng Liham Pag-uulat?

 Ito ay naglalaman ng ulat ng mga nagawang


proyekto sa nakalipas na taon.
Ano ang nilalaman ng Liham
Pagkambas?

 Ito ay naglalaman ng pagkambas ng bawat


produkto upang malaman ang bawat presyo
ng nais bilhin
Gawain: 2

 Gumawa ng isa sa mga liham-pangnegosyo.


Sanggunian:

Filipino sa Piling Larang-Tech-Voc


Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Limbag 2016
DepEd-Bureau of Learning Resouces (DepED-BLR

You might also like