You are on page 1of 14

BABALA, ANUNSYO

AT PAALALA
ANUNSIYO

• Nagbibigay at nagbabahagi ng impormasyon


ukol sa isang balita para sa mga kasama sa
negosyo, o trabaho gayundin sa mga
tagatangkilik ng negosyo o sa particular na tao
o sekto na maaapektuhan ng anunsiyo.
• Kilala rin bilang patalastas
• Karaniwang nasa anyong liham o memorandum
• Mga halimbawang paksa ng anunsiyo sa
trabaho:
a. Bagong negosyo, tindahan, o sangay ng
opisina
b. Bagong lokasyon ng negosyo
c. Anibersaryo ng kompanya
d. Pagbubukas para sa pagtanggap ng mga
bagong empleyado (job hiring)
HAKBANG

• Mangalap ng impormasyon.
• Gawing direkta at maikli ang anunsiyo.
• Gumamit ng tamang tono.
• Maging payak at kumpleto ang mga detalye.
• Tiyaking tama ang gramatika, bantas at baybay
ng anunsiyo.
BABALA
• Tinatawag na “warning” ay isang konstruksyon na inilalagay
upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa (operator) at
maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal
na operasyon.
• Nagpapaliwanag ng panganib na maaaring magresulta sa
kamatayan o panganib, o sakit.
• PAUTOS AT AWTORITATIBO ang tono nito upang magbigay ng
pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa mambabasa.
• Gumamit ng attention icon para sa mas epektibong babala.
PAALALA

• Tinatawag na “note” ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem


na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong
gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.
• Mas magaan at normal ang tono nito kaysa sa babala sapagkat ito
ay nagpapaliwanag lamang o nagdadagdag ng mahalagang
detalye na walang panganib na maaaring idulot sa sinuman.
• Gumamit ng raised hand icon upang madali itong mapansin
MGA PAYO SA PAGSULAT NG BABALA AT
PAALALA
• Simulan sa simple at malinaw na utos.
• Pumili ng mga tiiyak na salita
• Maaaring magdagdag ng paliwanag upang mas maging
malinaw. Mapapahaba nito ang babala/paalala ngunit
mas magiging epektibo ito.
• Maglagay ng mga headings o grapikong presentasyon.
GAWAING PANG-UPUAN
• Isulat sa patlang kung ang sumusunod ay PAALALA,
BABALA o ANUNSIYO.
1. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng
nakalagay sa makina. Maaaring sumabog ang baterya
ng makina kapag napabayaang nakasaksak sa labis
na boltahe.
2. Ihiwalay ang putting damit sa de-kolor upang hindi
humawa ang kulay ng damit na de-kolor.
3. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry,
dapat ay may espasyo sa pagitan ng mga damit.
Maaaring masira ang dryer kapang punong-puno ito.
4. Lagyan ng turnilyo ang mga pader para sa make-shift
house. Tiyaking matibay ang pagkakadikit at kung hindi,
maaari itong bumagsak at magbunga ng aksidente.
5. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan
ang bike lanes sa mga daraanang lugar.
SAGOT

1. BABALA
2. PAALALA
3. PAALALA
4. BABALA
5. ANUNSIYO
TAKDANG-ARALIN

• Maghanda para sa Maikling Pagsusulit Blg. 3 bukas.


• Menu ng pagkain
• Elementong biswal
• Flyers at leaflets
• Babala, anunsiyo at paalala

You might also like