You are on page 1of 12

MENU NG PAGKAIN

BAITANG 12 - MIKAWA
Ilarawan ang mga sumusunod na mga putahe gamit ang
pinakaangkop na mga salita.
Madali bang magbigay ng pinakaangkop na salita o
deskripsiyon sa mga pagkain na makikita sa mga naunang
pahina? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Pagsulat ng Menu

Ang pagsulat ng menu o paglalarawan sa pagkain ay


itinuturing na isa rin sa mga anyo ang komunikasyong
teknikal. Higit na kasanayan sa pagsulat ang inaasahan
dito lalo na’t sinusukat hindi lamang ang kahusayang
teknikal, bagkus ay ang pagiging malikhain din.
Upang magabayan sa pagbuo ng malikhaing
pagpapangalan sa menu, gayundin sa mga paglalarawan
ng mga ito, tatlong salita ang dapat isaalang-alang:
hitsura, tekstura at lasa. Ito ang pangunahing tinitingnan
ng mga tagatangkilik bago sila umorder ng kanilang
kakainin. Kung hindi sila makukumbinsi sa listahan pa
lamang na menu, maaaring hindi na sila bumalik sa isang
restaurant at hindi na muling kumain.
Hitsura
Layunin nitong paglawayin ang tumitingin sa litrato upang
masiguradong pipiliin ng tagatangkilik ang pagkain na kanyang
nakita. Inaasahan dito ang kakaiba ng kulay o presentasyon ng
pagkain at salitang gagamitin upang mailarawan ito.
Halimbawa, upang mas maging kapani-paniwala na masarap ang
isang pritong manok, maaari itong lagyan ng paglalarawan sa hitsura
nito na golden brown. Kung green mango shake naman ang nais
inumin, inaasahang maipakikita sa larawan ang tunay na pagka
berde ng isang sariwang manga.
Tekstura
Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain na nakikita
sa menu at kung gaano ka artistiko ang pagkakahain upang
mas maging kapana-panabik ito sa mga tagatangkilik.
Inilalarawan dito kung ang manok ba ay malutong,
makatas, malasa at iba pa. O di naman kaya kung ang
cheesecake ba ay makrema, malambot, pino, matamis o
iba pang paglalarawan.
Lasa
Ang lasa ng pagkain ay ang dahilan kung bakit binabalik-
balikan ng mga tagatangkilik ang produkto. Sa menu,
inaasahang mailalarawan kung ano ang lasa ng pagkaing
nakikita nila bago pa man bumili ang mga tao. Halimbawa,
matamis, maalat, maasim-asim, maanghang at iba pang uri
ng paglalarawan.
Tandaan, sa pagbibigay-deskripsiyon ng pagkain lalo’t
kung ikaw ay maaatasang lumikha ng menu, siguraduhing
mahusay at detalyado mong mailalarawan kung ano ang
hitsura, tekstura at lasa nito. Ang tanging batayang
prinsipyo ukol dito ay magpukos sa panlahat na kosepto ng
iyong inihahain sa pamamagitan ng pagtatalakay sa lasa at
amoy nito upang makaakit ang kakain.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Menu
1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humikayat sa artipisyal na
sahog.
2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita.
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay.
4. Ipakita ang personalidad ang pagkaing ilalarawan.
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na na bumabatay sa
imahe ng restaurant.
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.

You might also like