You are on page 1of 16

12

Modyul sa Filipino sa Piling Larang


(Paunawa, Babala, at Anunsyo)
Kagamitan ng Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Karapatang-ari

FILIPINO-Baitang 12
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisiyon 2019

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot
sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at


yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung
ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga
may-akda.

Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email


sa filcols@gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Aklan.

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Tagasuri ng Nilalaman: Delma L. Miraflores

Tagasuri ng Wika: Meyzcel D. Peňaroyo

Tagasuring Teknikal: Rovie C. Abello

Mga Manunulat: Monica R. Andrade at Emerline O. Macali

Tagapamahala: Marth S. Tropa

Konsultant: Mahnnie Q. Tolentino


Sa modyul na ito, mauunawan mo ang kahulugan at kahalagahan ng mga
paunawa / babala / anunsyo. Ito ay nagbibigay impormasyon sa mga nakakabasa na
mahalagang magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa paunang pagsubok.


Panuto: Tukuyin ang mga larawan kung ito ay paunawa, babala o anunsyo. Isulat
ang sagot sa patlang. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyong halimbawa.

1. 2.
__babala___________ ________________

WALANG PASOK
AUG.05, 2019 (MONDAY)
Suspendido ang buong
klase sa lahat ng antas,
public at private, sa buong
probinsya ng Aklan dahil sa
masamang panahon dulot
ng Typhoon Frank.
3. 4.
__________________ _________________

Kung ikaw ay tapos na, maaari mo


nang isangguni sa guro ang iyong
kasagutan.

5. https://ph/lovepik.com/image-400700977/warning-signs.html
_________________

1
 Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang
piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
(CS_FTV11/12PS-Oj-i-93)

Karapatan ng tao ang mabuhay. Kabilang sa mga karapatan na ito ang


pagsasabuhay sa kanilang mga karapatan. Gayunman, may limitasyon ang lahat
upang hindi abusuhin ng tao ang kaniyang karapatan. Dahil dito may mga nabubuong
batas upang sundin ng tao.

Sa kabilang banda, may mga pahayag na naririnig o nababasa ang tao na


nagbibigay sa kanila ng paunawa, babala at anunsyo. Ang mga ito ay nagtataglay ng
mga impormasyong maaaring makakaapekto sa gawi o kinikilos ng tao.

Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahahalagang


impormasyon at mistula rin itong magsasabi kung ano ang maari at hindi maaaring
gawin. Maaari ring pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang pagbabago ng
naunang nabanggit na impormasyon.

Halimbawa:

2
Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o
nararanasan ng tao. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisasaad ang
babala.
Halimbawa:

Ang sulating pag-aanunsyo ay ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan na


nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood. Layunin ng sulating ito na
ipabatid ang mahahalagang kaganapan at mga detalyeng nakaugnay dito.
Karaniwang ginagamit ito sa pagpababatid tungkol sa isang bagong tuklas na
produkto, isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing
kaganapan at marami pang iba. Karaniwang mababasa ang mga sulating ito sa mga
magasin, flyer, dyaryo, pamphlet, bulletin board at naririnig sa mga radyo at
telebisyon.
Halimbawa:

Mga Konsiderasyon sa pagbuo ng mga paunawa, babala, at anunsyo

1. Paggamit ng wika
Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa
paunawa, babala, at anunsyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay
simple at mabilis na maintindihan.
2. Paggamit ng imahen at simbolo
Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahen at/o simbolo, kalakip ang
mahahalagang impormasyon, tinatawag na infographics. Sa kasalukuyang panahon,
mas nakapupukaw sa mag-aaral ang paggamit nito dahil sa pagiging malikhain,
kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa, at nakaaakit sa mata
dahil sa kulay.
3
Aalamin natin ang iyong mga natutunan sa iyong binasa. Subukin mong
sagutan ang mga sumusunod na gawain.
A. Panuto: Gamit ang venn diagram, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
babala, paunawa at anunsyo.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad
babala paunawa

Pagkakaiba

anunsyo

B. Panuto. Batay sa mga larawan sa mga susunod na pahina, iklasipika ang mga
magkakatulad na mensaheng inilalahad. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa loob ng kahon sa ibaba.

Babala Paunawa Anunsyo

Halimbawa

4
PAUNAWA

Ang pansamantalang Balete Public


Market ay isasara na sa Miyerkules,
Agosto 7, 2019.

Samantala, ang bagong Balete


Public Market sa Kanyugan Street
ay bubuksan sa Lunes, Agosto 13,
2019, sa ganap na ika-8:30 n.u.
A. B.

Boutique

Aug.29-30,2019 only

C. D.

Patrocinio A. Lachica I/S


Balete Integrated School 29 Agosto 2019, Martes
Ochando Nat’l High School 8:00 nu hanggang 4:00 nh
Bulwagan ng Patrocinio A.
E. Lugar: Kalibo Sports Complex F. Lachica I/S, Balete, Aklan

G. H.

5
MAHIGPIT na
IPINAGBABAWAL ANG
PAGLALABA SA LOOB NG
CR. BY ORDER

I. J.

K. L.

POWER INTERRUPTION

AUGUST 13-15, 2019


8:00AM-12:00PM
New Washington, Kalibo &
Banga Aklan

M. N.
https://www.seton.com/reflective-warning-signs-danger-symbol-vc1699.html

Nasagot mo na ba? Magaling. Isangguni sa guro ang iyong kasagutan. Pagkatapos


A.
sagutin ang Gawin sa sumunod na pahina.
Malikhaing paggawa ng anunsyo

6
Panuto: Gumawa ng isang anunsyo gamit ang mga detalyeng ibinigay.
 Buwan ng Wika
 Tema: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino
 Ochando National High School Multi-purpose Hall
 8:00 nu-4:00 nh
 Panauhing Pandangal: Virgilio Almario
 Agosto 25, 2019

Rubrik sa malikhaing paggawa ng anunsyo


Pamantayan Deskripsiyon
3 Nagpapakita ng pagkamalikhain sa paggawa at
Napakamahusay kahusayan sa paggamit ng mga detalyeng ibinigay.
2 Nagpapakita ng pagkamalikhain sa paggawa at di-
Mahusay gaanong kahusayan sa paggamit ng mga detalyeng
ibinigay.
1 Hindi nagpapakita ng pagkamalikhain sa paggawa at hindi
Hindi Mahusay kakikitaan ng kahusayan sa paggamit ng mga detalyeng
ibinigay.

Mahusay. Isangguni sa guro ang iyong malikhaing paggawa ng anunsyo.

 Ang sulating pag-aanunsyo ay ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan


na nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood.
 Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahahalagang
impormasyon at mistula din itong magsasabi kung ano ang maari at hindi
maaaring gawin.
 Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado,
o nararanasan ng tao.

7
Magsaliksik ng mga kaganapan o sitwasyon na nagpapakita ng maaaring
mangyari kapag hindi nasunod o nakikilala ang mga babala, paunawa at maging ang
anunsyo. Iulat ang nakalap na impormasyon.

A. Panuto. Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung
hindi wasto ang pahayag.

__________1. Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay


ng tao.
____________2. Ang anunsyo ay nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistula
rin itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring
gawin.
____________3. Ang babala ay gumagamit ng simbolo upang epektibong ipahayag
ang mensahe.
____________4. Ang anunsyo ay kalimitang nababasa sa mga flyer, pamphlet,
bulletin board at maaaring marinig sa radyo at telebisyon.
____________5. Makikita sa babala ang nakatakdang petsa, oras, lugar na
pagdarausan at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksa.

B. Tukuyin ang mga simbolo o mensahe kung ito ay babala, paunawa o anunsyo.
Isulat ang sagot sa patlang. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyong halimbawa.

1. __babala___ 2. ___________________

8
3. ____________________ 4. ____________________

5. _____________________ 6 _____________________.

7. ______________________ 8. ______________________

9. __________________ 10. ____________________

PANSANGAY NA
BAWAL PALIHAN SA FILIPINO
TUMAWID
MAY NAMATAY BAGONG ISKEDYUL :
5-7 ng Agosto, 2019
NA DITO! (Lunes hanggang Miyerkules)
Sa halip na Agosto 1-3, 2019

https://tl-ph.facebook.com/taguigcity/photos/
https://ltfrb.gov.ph/ondex.php/2018/08/23/pantawid–pasada-program/

9
*Kung ang iyong iskor ay 4 hanggang 5, binabati kita at maaari ka nang
tumungo sa sumunod na aralin.
*Kung ang iyong iskor ay 3 pababa, mas mainam na bisitahin ang
sumusunod na website para sa karagdagang impormasyon at detalye
tungkol sa ating paksa.
 https://www.slideshare.net/mobile/almareynaldo/anunsyo-at-
babala
 https://m.indiamarkt.com/proddetail/safety-signage-
3481412588.html

Santos, Corazon L., et al. Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc). Department of


Education – Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR), Meralco Avenue Pasig
City, 2016

What is signage and its Purpose. Nk Deli. En.m.wikipedia.org. August 01,


2019.https://octink.com/what -is-signage-and-what-is-its-purpose/

Anunsyo at Babala. Alma Reynaldo. LinkedIn Learning. August 01, 2019.


https://www.slideshare.net/mobile/almareynaldo/anunsyo-at-babala

10
Subukin
1. babala
2. paunawa
3. anunsyo
4. babala
5. paunawa

Linangin

A. Pagkakaiba
Babala
 Gumagamit ng simbolo o imahen
 Makikita sa daan, gusali at gamit
 Gumagamit ng maiikli at payak na salita
Paunawa
 Nagsasabi kung maaari at hindi maaaring gawin ang isang bagay
Anunsyo
 Mababasa sa magasin, flyer, dyaryo, pamphlets at maaring marinig sa
radyo at makita sa telebisyon.
Pagkakatulad
Nagbibigay impormasyon sa tao. Lahat ay gumagamit ng simbolo at
imahen.
B.
Babala Paunawa Anunsyo
A, C, H, I, L, N B, E, G, J, K D , F, M

Tayahin
A. B.
1. tama 1. babala 6. anunsyo
2. mali 2. babala 7. babala
3. tama 3. paunawa 8. paunawa
4. tama 4. anunsyo 9. paunawa
5. mali 5. babala 10. anunsyo

11
Checked by:
Meyzcel Peňaroyo
Tagasuri ng Wika

DELMA L. MIRAFLORES
Tagasuri ng Nilalaman

You might also like