You are on page 1of 6

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Ministry of Basic, Higher and Technical Education


ILLANA BAY INTEGRATED COMPUTER COLLEGE, Inc.
Tomawis Building, Poblacion 1, Parang, Maguindanao BARMM,
Philippines
Telephone No. (064) 425-0257; Email: registrar.illana@yahoo.com

PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA


FIL 2

MODYUL 9
ANG GAMIT NG MGA PANGATNIG AT COHESIVE DEVICE

MALI
A M. GUNDA, LPT
Tagapagturo

I. INTRODUKSIYON:

Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa paksang ang gamit ng pangatnig at cohesive device. Sa
pamamagitan ng modyul na ito mauunawaan ang iba’t ibang gamit ng pangatnig, ang nag-uugnay ng dalawang
salita, nag-uugnay ng dalawang parirala, at nag-uugnay ng dalawang sugnay at ang iba’t ibang gamit ng
cohesive device.

II. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, inaasahan na ang mga estudyante ay:

1. nakapagpapamalas ng kaalaman tungkol sa paksa; at


2. natutukoy ang iba’t ibang gamit ng pangatnig; at
3. nauunawaan ang iba’t ibang gamit ng cohesive device.

III. LEKTYUR:

ANG GAMIT NG MGA PANGATNIG AT COHESIVE DEVICE

Ang pangatnig ay may kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita parirala o sugnay na pinagsunod-sunod
sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

A. Nag-uugnay ng Dalawang Salita


1. Hindi maaaring paghiwalayin ang sining at kultura.
Makikita sa pangungusapa itaas na ang pangatnig na at ay nag-uugnay sa mga salitang sining at kultura.
2. Ang musika at teatro ay parehong mga patanghal na sining.
Matutunghayan sa ikalawang halimbawa na ang mga salitang musika at teatro ay pinagugnay-ugnay ng
pangatnig na at.

B. Nag-uugnay ng Dalawang Parirala


1. Ang panonood ng pelikula at ang pakikinig sa radio ay mga gawaing panlibangan
Makikita sa pangungusap sa itaas na ang mga pariralang ang panonod ng pelikula at ang
pakikinig ng radio ay iniuugnay ng pangatnig na at.
2. Ang pagtatanim ng orkidyas at ang pangongolekta ng selyo ay mga kapaki-pakinabang na mga libangan
sa buhay.

Matatagpuan sa pangungusap sa itaas na iniuugnay ng pangatnig na at ang pariralang ang pagtatanim ng


orkidyas at ang pangongolekta ng selyo.

C. Nag-uugnay ng dalawang Sugnay


1. Si Frank G. Rivera ang tagapadisenyo ng produksyon at si Mario O’ Hara naman ang director ng
pelikula.
Ang unang sugnay na si Frank G. Rivea ang tagapag disenyo ng produksyon ay iniuugnay ng
panagtnig na at sa kasunod na sugnay na si Mario O’Hara naman ang director ng pelikula.
2. Gumamit si Renato V. Florendo ng crayon pas at si Arnie C. Sebastian naman ay watercolor sa
kanilang pagdrowing ng karikatura
Makikita sa itaas na pangungusap na iniuugna ng pangatnig na at ang mga sugnay na Gumamit si
Renato V. Florendo ng crayon pas at ang kasunod na sugnay naman ay si Arni C. Sebastian ng
watercolor sa kanilang pagdrowing ng karikatura.

Mga uri ng pangatnig


A. Nag-uunay ng magkatimbang nay unit
Mga halimbawa:
1. Pamukod- o, ni, maging
2. Panalungat o paninsay-at, pati, maging, subalit, ngunit, datapwat,bagaman,habang,saka

Ang mga itoy nag-uugnay ng mga salita,parirala at sugnay na kapwa makapag-iisa.

B. Nag-uugnay ng Di-magkatimbang na Yunit


Mga Halimbawa:
1. Panubali- kung, kapag/pag
2. Pananhi- dahil sa, sapagkat/pagkat
3. Panlinaw- kaya,kung gayon, sana
Kailangan ang mabisang pagtatagni-tagni ng mga salita parirala, sugnay, pangungusap t talata
upang matamo ang kaisahan ng mga talata at komposisyon. Ang mga cohesive devices ay mga salita at
pariralang nag-uugnay ng mga salita,parirala at sugnay sa loob ng talata at ng mga talata sa loob ng
komposisyon.

Ang mga pangatnig ay nagsisilbing mga cohesive devices bagamat may mga pariralang
ginagamit ang mga manunulat at mambibigkas upang matamo ang kaisahan ng pahayag o komposisyon.

Kabilang sa mga pariralang cohesive devices ang mga sumusunod:

a. Batay sa/sa mga/kay/kina


b. Ayon sa/sa mga/kay/kina
c. Dagdag pa rito,../bilang karagdagan
d. Taliwas sa/ sa mga
e. Bukod ditto
f. Bilang konklusyon/pagwawakas
g. Ayon sa ulat/report/istatistiks
h. Batay sa pag-aaral/pananaliksik/ulat
i. Kung gayon
j. Gayon din/ganoon din
k. Kabilang rin/din/rito/ditto/riyan/diyan
l. Bukod ditto
m. Kaugnay nito
n. Marahil/siguro
o. Hindi mapasusubalian ang
p. Hindi matatawaran
q. Dahil sa/sa mga/kay/kina
r. Alinsunod sa/sa mga
s. Kaugany nito/ng mga ito
t. Makatuwiran kung gayon
u. Gayn pa man/gayunpaman
v. Batay sa resulta/ng pag-aaral/pananaliksik/ulat/report
w. Sa kasalukuyang panahon
x. Noong mga nakaraan/lumipas na panahon
y. Halimbawa/bilang halimbawa
z. Samakatwid

ANG GAMIT NG MGA COHESIVE DEVICES

A. Pagpapahayag ng pagdaragdag

1. Pagdaragdag sa unang sinabi na madalas ay makikita sa unahan ng pangungusap bagama’t nakikita


rin sa gitna ng pangungusap bilang pang-ugna sa dalawang sugnay.

Mga halimbawa: Ganoon din/gayundin; at saka; bilang karagdagan/dagdag pa rito/riyan /roon

a. Nagkamit ng internasyonal na parangal si Lea Salonga, ganoon din/gayundin sina Vilma Santos at Nora
Aunor.

2. Pagdaragdag sa tulong ng at, at saka, hindi lamang…pati na. dit, may mga bahagi sa pangungusap na
hindi na binabanggit.

Mga halimbawa: Hindi lamang ang mga pinto rang dumating, pati na ang mga eskultor( ay dumating din)

B. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan

Mga halimbawa: Maliban sa/sa mga/kay/kina; bukod sa/sa mga/kay/kina

a. Bukod sa mungkahing iniharap ni Blas Ople sa senado, mayroon ding mungkahing inihain si tito
sotto.

C. Pagpapahayag ng dahilan-Resulta ng Isang pangyayari o kaganapan


Mga halimbawa: kaya/kaya naman; dahil/dahil sa/ sa mga/ kay/kina;pagkat/sapagkat;dahil ditto/bunga
nito

a. Binigyan ng kalayaan ang mga taga-East timor. Bunga nito/dahil dito ,lumaganap ang demokrasya at
kalayaan sa pananampalataya.

D. Pagpapahayag ng kondisyon- bunga/kinalabasan

a. Sa sandaling/kapag/bastat tinagkilik natin ang sariling atin, mabilis na uunlad an gating


ekonomiya

E. Pagpapahayag ng taliwasan/salungatan/contrast

Mga halimbawa: pero/ngunit, sa halip, kahit (na)

a. Kahit na kakaunti ang mga kasapi ng samahan, naisulong pa rin nito ang kanilang adhikain.

F. Pagpapahayag ng di-pagsang-ayon,pagsang-ayon at di-ganap a pagsang-ayon

Mga halimbawa: kung gayon/kung ganoon//dahil dito;samakatwid kung kaya

a. Malaki ang badyet na inilaan para sa militar. Samakatwid/kung gayon walang dahilan upang hindi
matamo ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
G. Pagpapahayag ng pananaw/punto de bista

Mga halimbawa:ayon sa/sa mga/kay kina;batay sa/sa mga kay /kina;para sa/sa mga/kay/ kina; mula sa
pananaw;sa paningin ng/ ng mga/;alinsunod sa

a. Alinsunod sa bagong batas, bawal manigarilyo sa mga sasakyang pampubliko

H. Pagpapahayag ng probabilidad,kakayahan o paninindigan

Mga halimbawa: maaari;puwede;possible;marahil;siguro;tiyak

a. Marahil/siguro,higit na makabubuti kung maisasabatas ang diborsyo sa ating bayan.

I. Pagpapahayag ng Pagbabago ng Paksa o Tagpuan

Mga halimbawa: Gayunman/ganoon pa man/gayunpaman;sa kabilang dako/banda/sa isang banda;samantala

a. Malayo na ang narrating ng kilusang feminista. Sa kabilang dako, ang mga bakla at tomboy ay
nagsusumikap pa ring matanggap nang lubusan ng ating lipunan.

J. Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya,pagbubuod at paglalahat

Mga halimbawa: Sa madaling salita/sabi;bilang paglilinaw;kung gayon;samakatwid;kaya;bilang


pagwawakas/bilang konklusyon

a. Maliit ang kita ng mga manggagawa. Kung gayon, paano sila mabubuhay nang disente?

K. Pagpapahayag ng halimbawa

Mga halimbawa: Bilang halimbawa;ilan sa mga halimbawa

a. Patuloy na tumataas ang mga bilihin. Bilang halimbawa, ang presyo ng ng gasolina’y tataas na naman sa
susunod na buwan.

L. Pagpapahayag ng pagpapatunay

Mga halimbawa: bilang pagpapatunay;patunay nito

a. Disiplinado na ang mga Pilipino. Patunay nito, sila’y pumipila sap ag-aabang ng masasakyang dyip, bus
o taksi.

M. Pgpapahayag ng kabaligtaran/Taliwasan
Mga halimbawa: Taliwas nito/rito/riyan;taliwas sa ulat/paniniwala;bagkus

a. Taliwas sa naunang ulat/report,tatlong daan at lima ang nasawi sa lindol.

N. Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata

Mga halimbawa:

a. Laganap ang prostitusyon. Kaugnay nito, lumalaganap din ang sakit ng AIDS.

O. Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari

Mga halimbawa: kasabay nito/ niyan; kaalinsabay nito/niyan

a. Nasa bagong milenyo na tayo. Kasabay nito, ay ang mabilis na pagbabago ng larangan ng
telekomunikasyon.

P. Pagpapapahayg ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari.

Mga halimbawa: kasunod nito/niyan

a. Tigilan na ang pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula. Kasunod nito, ipasara na rin ang klab na
nagtatanghal ng mga burlesk.

Wastong gamit ng malaking titik

Ang malaking titik ay ginagamit sa mga sumusunod na kalagayan:

A. Sa simula ng mga pangngalang pantangi


Mga halimbawa:
1. Teresita Fortunato
2. Lungsod Quezon

B. Sa simula ng pangungusap

Mga halimbawa:

1. Ang drowning ni Nato ay napakaganda.


2. Sino ang kasama mo kanina?

C. Sa mga katawagan o Taguring nagtatangi

Mga halimbawa

1. Ate Sheilla
2. Lolo Turing

D. Sa mahaahalagang salita sa isang pamagat pati na ang simula nito.

Mga halimbawa:

1. Babae sa bubungang lata


2. Mga kuwentong Maranao

IV. PAGTATASA:

GAWAIN 1.
Panuto: Ipaliwanag ng maayos ang sumusunod:

1. Sa pagsulat ng sanaysay kailangan bang isaalang-alang ang paksa? Bakit?


2. Sumulat ng isang sanaysay sa paksang Ang aking Pamilya.
GAWAIN 2.
3. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod:

dila
daldal
dikdik
hampas
kabiyak

maliban sa
sapagkat
ngunit
kung gayon
samantala

V. MGA MAPAGKUKUNANG MATERYALES:


Libro at Modyul
VI. SANGGUNIAN:

F. Angeles, M. Pablo, M. Maranan, (2005). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina pp.22-38

Inihanda ni:

MALIA M. GUNDA, LPT


Tagapagturo

Sinuri ni:
ALVIN M. MOLINA
Pinuno ng Departamento

Pinagtibay ni:
ABEGAEL B. BILLOSO, RN,MSCIEd
Pinuno ng Akademiko

You might also like