You are on page 1of 7

MGA ANTAS NG WIKA

1.Ang BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
2.Ang LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang
salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang
dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit ng
mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.
sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o rehiyong
pinanggalingan nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado pa rin ang
saklaw ng pinag gagamitan nito
3.Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang PAMBANSA bilang pangatlo, kaakibat
ng balbal (una), lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat).
Ang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at kontrobersyal.
Gayumpaman, sa likod ng mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa
saligang batas, naitala ang Wikang Pambansa bilang Filipino.
Ang Filipino ay hango sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman, ang Tagalog
ang siyang sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng wikang
pambansa ay ang siyang napili at ang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong Pilipinas.
4.Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang PAMPANITIKAN. Ito ang pinakamayamang uri.
Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan
sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang
nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang
pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang
kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa
tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at
iba pang likhang-pampanitikan.
5.
Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw
na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagamat may anyong repinado at
malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi .
Halimbawa ng Kolokyal na Salita
1. Mayroon - meron 2. Dalawa - dalwa 3. Diyan - dyan 4. Kwarta-pera 5. Na saan - nasan 6. Paano pano 7. Saakin-sakin
8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka - tsaka
13.Kuwarto- kwarto 14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron.
Mga Programang Pantelibisyon
Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay
makuha ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyang impormasyon.
i-Witness (Documentary Program) - programang naglalayong maghatid ng komprehensibo at
etratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan
lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon.

Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon na nagpe-presinta ng ibat ibang


isyung napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo.
Umagang Kayganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat
nang live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga
napapanahong impormasyon.
TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o panyayari sa loob at labas
ng bansa, may mga ilang panayam din at komentaryo.
XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging daan sa
pagpapahatid ng tulong.
Weekend Getaway (Travel Show ) - naglalahad ng paglalakbay sa ibat ibang bayan o bansa at
pagpapakilala sa mga produkto na matatagpuan dito.
Talentadong Pinoy (Variety Show) nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit,
pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.
Teen Gen (Youth Oriented Program) nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang
tema nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng
eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.Ang Komentaryong Panradyo ayon kay
Elena Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportinidad sa mga
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon
ayon kay Levy ay maktutulong ng malaki upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ang Kwentuhang Midya ay isang uri sulating nagsasaad ng opinyon sa paraang nakikipag-usap sa
mga mambabasa o conversational style.
Dokumentaryong Pantelebisyon Mga palabas naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
1. Dahilan at Bunga/ Resulta
Naghahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o
kinalabasan ang resulta nito.
Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/
bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng
mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)
kaya/kaya naman natuto
siya nang husto.
Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hinto
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta)
natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may hinto


nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)
natuto siya nang husto.
Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)
sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa ibat ibang paraan. Ginagamit ang
mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan
o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman,
dahilan dito, bunga nito.
2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang
paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng
pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)
Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan)
nag-aaral siyang mabuti.
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa ganooy (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.
1. Paraan at Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga
halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)
nakatapos siya ng kanyang kurso.
Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)
kurso sa matiyagang pag-aaral.
Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang
ginamit upang makamit ang resulta.
2. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan
Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang
kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)
sanay natuto ka nang husto.
Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)
kung nag-aral kang mabuti.
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:
Kapag/Sa sandaling/ bastat (pu+ kondisyon + bunga)
nag-aral kang mabuti,
matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)


kapag/ sa sandaling/ bastat
nag-aral kang mabuti.
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at
karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o
kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa sandaling o bastat upang ipahayag na maaaring
maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang
mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi
maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga
politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na
makita at masuri ang mga
opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero
sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi bat dapat naman talaga na
walang itinatago yang mga politikong yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon
ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa
pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTaada III, pag hindi pa
naipasa ang FOI bago magPasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng
magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa

Pasig City. Magagaling,


matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating
bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.Kabilang sa media people na
nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris Jun Icban;
Butch Raquel, GMA
vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony
Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani
Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist
Boo Chanco;Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.Sa
ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at
kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino,magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na
paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary
Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na
rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon
kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot
ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping
ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms.Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan
ang ating bansa sa
sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.Sa kabila ng pagbatikos at
pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa
United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit
hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas
na ookupa at manduduro sa atin.
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag
na Konsepto ng Pananaw.
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.Kabilang dito ang
ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at
isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang
mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad
ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na
tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari


iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapagisip
ka nang husto.
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga
bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na
paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.
ANG TELEBISYON
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng
buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine
ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa
telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog
sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas
Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang
gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa
paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng
dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe
Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David
at iba pa.
Sa Gitna ng Dilim
ni MiL Adonis
Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa pinaka
maimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na Gamu- gamo sa
dilim ang nagbukas
sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat itoy
pinahahalagahan.
Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little
Baguio dahil bagamat kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas
ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,nabago
ang aking naunang mga pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na
inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili
subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at
maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na
atensyon.Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking
kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong Gamugamo sa dilim,kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.Gusto kong sumilip sa lente ng
camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang
aking
ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang
iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga
tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga
katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng

kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at
liwanag.
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Itoy mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang
panlipunan, pang-espirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito
sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay
maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong
Pantelebisyon Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena
Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang
hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

You might also like