You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Don Honorio Ventura State University


Apalit, Pampanga

Plantita/Plantito: Salita ng
Taon
Dalumat ng/sa Filipino (DALFIL 123)

Ipinasa nina:

Manlapaz, Ma Angel J.
Patawaran, Angela May S.
Varon, Angel B.

Ipinasa kay:

Jona Mae A. Porteria, LPT


Instructor I

1
I. Panimula
a) Kahulugan ng Wika

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang


partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga
signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan.
Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng
pagsasalita at pagsusulat.

Ayon kay Carroll (1964), Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito
ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Ang wika ay
ginagamit bilang isang mabisang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa. Isa itong paraan ng
komunikasyong karaniwang taglay ng mga tao sa isang lugar. Bahagi ito ng kultura at
pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang wika na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng ating lahi, tayo bilang mga Pilipino.
Isa ang ating bansa sa mga may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa

2
pambansang wikang Filipino, ay kasama ang mahigit sa isang daan katutubong wika. Sa
pagdaan ng maraming taon ay unti-unting nagkaroon ng mga pagbabago sa ating wika at
sa larangan ng paggamit nito at tila ay naging bahagi na rin ng ating kultura at tradisyon.
Sa kasalukuyang panahon ay nauuso ang mga salita ng taon o sawikaan. Maraming mga
katanungan ngayon ang nauugnay tungkol dito ngunit upang mas maunawaan ay
nararapat lamang na ating alamin ang mga bagay-bagay patungkol dito.

Ang wika ay na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa pagdaan ng


maraming taon ay unti-unting nagkaroon ng mga pagbabago sa ating wika at sa larangan
ng paggamit nito at tila ay naging bahagi na rin ng ating kultura at tradisyon. Ang wika
ay isang paraan ng mga tao upang makipag-usap at upang ipaalam ang nais na sabihin sa
paraang berbal at di berbal. Ang wika ay isang lenggwahe na ginagamit upang makipag
komunikasyon. Ito rin ay ginagamit upang makipag talastasan sa araw araw.

b) Kasaysayan ng Sawikaan: Salita ng Taon


Ang sawikaan ay isang masinsinang talakayan para piliin ang pinaka natatanging
salitâng namayani sa diskurso ng sambayanang Pilipino sa nakalipas na taon. Ang
sawikaan ay ang salita, at ito ay ang dulot ng nauusong laro ng teknolohiya: naging laman
Dagda pa nito ang Sawikaan: Salita ng Taon ay taunang kumperensya sa wika, timpalak
at kalat na itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation Inc. ng telebisyon, mga social
network, at balita; o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding
kalamidad Ayon sa Panitikan ph (2014). (FIT), isang NGO na nagsusulong sa pagsasalin
at pagpapaunlad ng modernong Filipino.

Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyekto ng nagtatampok sa pamimili ng


pinakamahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas na taon.

3
Mula noong 2004, isinasagawa na ang taunang patimpalak na Sawikaan na
nagbibigay-daan sa paghahanap ng Salita ng Taon bilang pagkilala sa patuloy na
pag-inog ng mga salita sa lipunang Pilipino. Nakapagbigay-daan ang limang
kumperensyang naganap upang makapag talakayan ukol sa mahigit sa 50 salita na
itinuturing na malaking bahagi ng komunikasyon at kulturang Pilipino sa kasalukuyan.

Layunin nito na maitanghal ang patuloy na pagbabanyuhay ng wikang Filipino sa


pamamagitan ng malikhain at mapanuring presentasyon ng mga napiling salita at ang
suriin ang mahalaga at natatanging ambag ng mga nagwaging salita sa diskursong
Pilipino At layunin din ng pag-aaral na ito na suriin ang implikasyon ng mga salitang
tinanghal bilang salita ng taon gaya ng jejemon (2010), miskol (2007), lobat (2006),
huweteng (2005) at canvass (2004) sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa
kasalukuyang panahon.

Narito ang mga nahirang na mga salita

● Sawikaan 2004: canvass


Bago nagkaroon ng automated elections, ang resulta ng halalan ay dumaraan sa
mga mano manong “canvassing” o ang pag-tally ng election returns. Itinuturing na isa sa
pinaka kontrobersiyal sa bansa ang halalan noong 2004 dahil sa di umano’y dayaan.
Humigit kumulang 1 milyon ang lamang ng boto ni Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang
kalaban sa pagka-pangulo na si Fernando Poe Jr. Ayon kay prof Randy David na
nagnomina nito, dahil sa canvassing, maaari ka raw Manalo sa botohan at matalo sa
canvassing.
Pinagpilinan/Nominado: ukay-ukay, tsugi,tsika, dagdag-bawas, dating, fashionista,
jologs, kinse anyos,otso-otso, salbakuta,tapsilog, terorista at terorismo, text.

● Sawikaan 2005: Huweteng

4
Ayon kay Galileo Zafra, nagwagi ang “huweteng” dahil sa malaking epekto nito
sa pamumuhay ng mga filipino sa aspektong pampolitika, pang-ekonomiya, at
pangkultura: Napatunayan ni Roberto T añonuevo na mahalaga ang salita na hindi
lamang dahil sa popularidad ng sugal sa buong kapuluan kundi dahil sa pagpasok ng
huweteng sa larangan ng buhay ng mga Filipino.
Pinagpilinan/Nominado: pasaway, tibak/t-back, blog, call center, caregiver,e-vat,
gandara,networking, tsunami, wiretapping.

● Sawikaan 2006: Lobat


Ito ang itinuturing na unang pagpaparamdam ng epekto sa wikang Filipino ng
umuunlad sa mobile technology. Sa panahon ring ito dumami ang mga gumagamit ng
cellphone sa bansa. Mula sa ingles na “low-battery”, kalaunan ding ginagamit ang “lobat”
upang mailarawan ang matinding pagod o pagkawala ng gana.
Pinagpilinan/Nominado: botox, toxic, bird flu, cha cha, karir, kudkod, mall, meningo,
orocan, payreted, spa..

● Sawikaan 2007: Miskol


“I moskol mo nga ako.” kadalasang sinasabi ito upang mai-save ang number ng
kausap, mahanap ang nawawalan cellphone, o ipagmayabang ang bagong ringtone.
Ngunit naging paraan din ang pag-miskol upang maramdaman sa isang mahal sa buhay
nang hindi kinakailangan mabawasan ang load.
Pinagpilian/Nominado:roro,Friendster,abrodista,makeover,oragon,
party-list,safety,sutukil,telenobela,videoke.

● Sawikaan 2010: Jejemon


“must ana u? D2 na me”. Kapag ganito ka mag-text, isa kang “jejemon” at kalaban
mo ang mga “jejebuster” at “Grammar Nazi”. Ang “jejemon” ay bagong-buong salita
noong panahong iyon na kumakatawan sa bagong umuusbong na kultur ana dala ng

5
cellphone. Isa itong paraan ng kakaibang pakikipag-usap sa text dahil sa limitasyon ng
160 characters, ayon sa nagnomina ng salita na si Prof. Roland Tolentino ng UP.
Pinagpilinan/Nominado: ondoy, korkor,tarpo, Ampatuan, emo, load, namumutbol, solb,
spam, unli.

Itinatampok ang mga ito bilang matingkad na materyal sa panunuri sa nasabing


phenomenon. Gayundin, bilang mga nagwaging entri, masisipat sa mga nabanggit na
salita ang pangkalahatang katangian ng iba pang mga salitang naging kalahok sa
Sawikaan. Isiniwalat ng pag-aaral kung paano nag babanyuhay ang Filipino bilang
buhay na wikang nakikipaglaban sa iba’t ibang wika. Partikular nitong pagtuunan ang
impluwensya ng kulturang popular sa paghubog ng mga nasabing salita. Hihimayin rin sa
pagtalakay ang mga pahiwatig ng mga salitang ito sa hubog ng kaisipang Pilipino at ang
maaaring maidulot ng pag-unawa sa nasabing mga salita sa pag-unawa, pagtuturo at
pag-aaral ng wikang Filipino sa kasalukuyan.

Ang mga salitang maaaring ituring na “Salita ng Taon” ay ang Bagong imbento,
Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika, Luma ngunit may bagong kahulugan,
at Patáy na salitâng muling binuhay.

II. Nilalaman

a) Kahulugan ng Salita
Ang Plantito o Plantita ay ang taong mahilig sa halaman. Ito ay nagmula sa salitang
plant at tito (uncle) at (auntie). Ang mga mahilig mag alaga ng halaman ay binansagan
bilang mga plantito at plantita. Sa sambahayang Pilipino, “tita” ang tawag sa babaeng
kapatid ng alinmang magulang. Bukod dito, ito rin ang kadalasang tawag sa mga babaeng
kaibigan, katrabaho, o kakilala ng magulang. Ang isang halaman o "Plants" ay tinukoy
bilang anumang anyo ng isang buhay na organismo na walang kapangyarihan ng kilusan
ang sarili nito. Ang mga ito ay inuri bilang mga nabubuhay na bagay na lumalaki sa lupa

6
o sa tubig at maaaring makalibre halos kahit saan sa Daigdig mula sa nalalatagan ng
niyebeng mga rehiyon sa mainit at tuyo na mga lugar na tulad ng dessert. Ang lahat ng
mga halaman ay gumagawa ng kanilang sariling pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng
enerhiya mula sa araw.

Ang mga terminolohiyang ito ay resulta ng paghahalo at pagtatambal ng salitang


Ingles na plant at mga salitang Tagalog na tito at tita. Ito ang mga salita na madalas
nating nakikita at naririnig lalong lalo na sa mga social media. Ayon sa artikulo ng
Philippine Information Agency, mayroong anim na uri ng plantito/plantita ngayon. Ang
una ay ang mga tinatawag na noob o ang mga baguhan pa lamang. Sumunod naman dito
ay ang mga trained, skilled, at veteran na tumutukoy sa mga plantito/plantita na maalam
na sa paghahalaman, at mayroon nang malaking koleksyon. Samantalang, ang pinaka
mataas na uri ay ang kinikilalang mga legendary plantito/plantita na tumutukoy sa mga
dalubhasang paghahalaman na mayroong mga hindi pangkaraniwang halaman sa
kanilang koleksyon.

b) Kasaysayan ng Salita
Isang nausong neolohismo ang “plantita” noong 2020 sa gitna ng COVID-19
quarantine. Pinaghalong “plant” at “tita” ang terminong “plantita” na ginagamit bilang
pantukoy sa mga babae, na namumuhunan ng oras, tiyaga, at pera sa pangongolekta at
pangangalaga ng mga halaman. Bago pa man tinawag na Plantito/Plantita ang isang taong
mahilig sa halaman noon pa man ay matagal nang ginagawa ng ilang mga Pilipino ang
pagtatanim bago pa man nag karoon ng pandemya sa bansa. Ang salitang ito ay unang
narinig sa balita o nakita sa social media noong nakaraang taon sa kasagsagan ng
quarantine. Ayon kay Marbella (2020), ang pag-aalaga ng halaman ay nakakaganda ng
kalagayan dahil ito ay nakakapagbigay ng kahulugan at kabuluhan sa buhay ng isang tao.
Ito ay salitang bagong tuklas kaya limitado lamang ang mga impormasyong nakalap ng
tagakatha patungkol sa salitang Plantito/Plantita.Ang salitang Plantito/Plantita ang taong
nag aalaga o mahilig sa halaman ay namayani nitong quarantine ngunit, noon pa man ang

7
mga Pilipino ay matagal ng nakasanayan ang pagtatanim o pag-aalaga ng mga halaman.
Ito ay isang kaugalian na hindi na bago sa isip ng mga

c) Iba’t ibang gamit ng Salita


Naging patok ngayon sa Pilipinas ang pag-aalaga ng mga halaman. Samo’t saring
mga uri nito ang ibinibida sa kahit saang social media platforms. Binansagan pa ngang
“plantito at plantita” ang mga nahihilig dito, partikular ang ating mga Nanay, Tatay, Tito,
Tita, maging mga Lolo at Lola ang numero unong nangunguna rito. Sa isang banda,
bukod sa pagiging isang malaking tulong nito sa kalikasan dahil sa pagpapalakas ng
panawagan sa adbokasiya ng pangangalaga rito ay sinasabi ng marami na ito rin ay
pamamaraan upang malabanan nila ang anxiety at pag-iisip ng mga problema ngayong
panahon ng pandemya. Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Cainglet, ang may-ari
ng City Plants PH “Sa mga kwento ng old and new clients, nakaka-relieve daw talaga ng
stress ang paghahalaman.” Dagdag pa niya, “Malaki ang psychic reward kapag nakita
mong mayroon kang napapalaki at nabubuhay dahil sa pag-aruga mo.” narito ang mga
halimbawa na kadalasang makikita mo na ka post sa social media:

● Good day mga ka plantitas rest day feels sana lumago kau mga halaman ko galing
pa yan sa davao bigay ng aking mama. Plantita kasi ang mama ko. Kung sino man
makakakita nito na taga amin pakita mo lang to kay mama masaya na yun.
● Ang plantita kong mama.
● Mga ka plantita at ka plantito tara na po sa Gians botanical garden bagsak presyo
na po.

d) Karagdagang Impormasyon
Plantito “plantitos” Tito (lalaki) tumutukoy sa isang taong mahilig mag-alaga ng mga
halaman.

8
Plant poaching : Ang halaman ay sangkot sa iligal na pag-alis ng mga bihira at
nanganganib na mga halaman mula sa kanilang mga natural na tirahan. Maaaring
mangyari ang ilegal na pangangaso ng halaman sa lupa ng gobyerno o sa pribadong
pag-aari kapag kinuha ang mga halaman ng walang pagsasaalang-alang sa mga batas at
regulasyon na nilikha para sa proteksyon ng mga halaman.

Ayon sa Pino-Oca (2018) na kahit hindi ito isang salitang matatagpuan sa mga
diksyunaryo, sapat na ang paggamit nito bilang hashtag sa Instagram upang gawing
lehitimo ang papel nito sa buhay ng mga gumagamit ng plataporma lalong-lalo na iyong
mga milenyal. Nangunguna kasi ang Instagram sa pagpapalaganap ng gamit ng salitang
ito. Ayon sa datos na nakalap mula sa Instagram noong unang araw ng Nobyembre 2020,
mayroon nang mahigit 136,000 post na gumagamit ng “#plantita” at 166,000 naman sa
“#plantitas” mula noong unang naitalang gamit nito noong 2018. Kasunod nito ang
Facebook na mayroon namang mahigit 55,000 post na gumagamit ng “#plantita.”

III. Konklusyon
Sa pananaliksik na ito napag-alaman ng mga tagakatha na ang salitang Plantita
ay ang mga taong mahilig maghalaman at ang paghahalaman ay nakakatulong sa
isang tao na matanggal ang kanilang stress at ito rin ay nakakatulong upang malibang
ang isang tao lalo na kapag ito ay walang ginagawa.

Sa Pagsali ng sawikaan ang mga tagakatha ay umisip at tumutuklas ng salita na


sumikat ngayong taon na naging parte ng buhay ng bawat Pilipino. Importante ang
sawikaan dahil ito ay mas makapagbigay at mas maliliwanagan pa ang mga
mamamayan patungkol sa mga salita na maaring bagong usbong o kaya naman ay dati
ng salita na nabigyan ng bagong kahulugan.

Dito ay inalam ng mga tagakatha kung bakit ang salitang Plantito/Plantita ay


pasok bilang salita ng taon ngayong 2020. Ang bagong salita na Plantita o Plantito ay

9
nakapagbigay ng kaliwanagan at pagpapakahulugan ito rin ay nakapaglahad ng
bagong impormasyon sa mga mambabasa sa kung papaano naging parte ng kulturang
Pilipino ang pagiging Plantito/Plantita. Ang salita Plantita ay naging dahilan rin kung
bakit mas dumami ang mga taong mahilig sa paghahalaman, patunay lamang ito na
dapat maging salita ng taon ang salitang Plantito/Plantita.

Rekomendasyon
1. Lumikha ng Salita na angkop sa nakakarami.
2. Mapalawak ang kaalaman sa Wika upang magkaroon ng mga panibagong Salita.
3. Ipagpatuloy at hikayatin pa ang mga taong magtanim dahil ito ay nakakatulong sa
ating kapaligiran.

IV. Sanggunian
V.
Internet
Adriana Ma. Rica (2020) Plantita/Plantito: Pagsibol Panawagang pangkalisan sa gitna ng
pandemya
/www.udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=10548:plantito-
plantita-pagsibol-ng-panawagang-pangkalisan-sa-gitna-ng-pandemya&catid=90&Itemid=
1368
Blog graphic (2022), Mga Halaman at damo 2022 -Pagkain
https://tl.weblogographic.com/difference-between-plants-and-herbs-5443
Iskolar ng bayan (2020), Plantito/Plantita: Ang pagsibol nag paghahalaman sa gitna ng
Pamdemya
https://lunasarchive.wordpress.com/2020/12/17/plantito-plantita-ang-pagsibol-ng-paghah
alaman-sa-gitna-ng-pandemya/
Rodriguez and Fajilan (2011), DALUMAT E-Journal
https://ejournals.ph/article.php?id=6212

10
Tonya Barnett (2021) Plant Trade Info – How Does Poaching Affect Plants
GardeningTips&Information
https://www.gardeningknowhow.com/garden-how-to/info/how-does-poaching-affect-plan
ts.htm
UP diliman (2028), SAWIKAAN: Salita ng Taon 2018 Call for Entries
https://upd.edu.ph/sawikaan-salita-ng-taon-2018-call-for-entries/
Valle Rey, (2019) KAHULUGAN NG WIKA
https://philnews.ph/2019/07/23/kahulugan-ng-wika-buod-katangian-uri-teorya/
Wika101.ph (2022), Katangian Ng Wika
https://wika101.ph/katangian-ng-wika/
Yenbehold (2010), Wika at Panitikan
http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html?m=1

11

You might also like