You are on page 1of 2

SORSOGON STATE UNIVERSITY

TECHNOLOGY AND MANAGEMENT DEPARTMENT


SORSOGON CITY

Name: Criselyn A. Castillo


Subject: Panitikan
Course: BSTM – 4A
Professor: Mrs. Pinky Rey

GAWAIN TUNGKOL SA PELIKULANG “HENERAL LUNA”

Mga katangian ng mga pangunahing tauhan

1. Heneral Antonio Luna – Siya ang pangunahing tauhan. Isang matapang at istriktong heneral na
may mataas na tungkulin sa hukbong sandatahan. May matibay na pagmamahal sa bayan,
prinsipyong ipinaglalaban at masigasig na kayang itaya ang buhay laban sa pananakop ng
dayuhan. Matalino, may marahas na pananalita sa pagdidisiplina basta’t maipaglaban ang
prinsipyo at maling nakikita.
2. Emilio Aguinaldo – unang nailuklok na pangulo o presidente ng Pilipinas bago isuko ng Espanyol
ang kanilang kolonyalismo sa bansa sa mga Amerikano. May malumanay na pananalita ngunit ang
pag-iisip at desisyon ay madaling maimpluwensyahan ng iba.

3. Apolinario Mabini – Lumpong tagapayo ni Emilio Aguinaldo. Matalino at malumanay. Hindi


padalos dalos kung magsalita o magbigay ng payo. Makikitang may maingat na pag-iisip at
pagtimbang sa mga bagay-bagay. Hangad niya ay magkaroon ng tamang desisyon at
pagkakaunawaan sa miyembro ng gabinete at sa mga hakbang ng pangulo.

4. Heneral Tomas Mascardo – isang heneral ng sandatahan ng Cavite na nakasagutan ni Heneral


Antonio Luna. Matigas ang ulo, at may inggit at selos kay Heneral Luna. Sinulsulan niya ang
pangulo upang magkaroon ng kapit dito at maaaring sa hangarin niyang mas mapataas ang
kanyang ranggo.
5. Felipe Buencamino – isa sa mga palaging kaaway at kasagutan ni Heneral Luna sa gabinete tuwing
magpupulong. Sinasabing kumikiling sa panig kung saan siya mapapabuti. Sang-ayon sa
pakikipagsabwatan ng Pilipinas sa Amerikano.

6. Pedro Paterno – mas nais pahalagahan at isipin ang ikabubuti ng negosyo sapagkat naniniwala
siya na ang pag-iiral ng kapayapahan sa ilalim ng mga Amerikano at pag-iwas sa digmaan ay
makakapagpabuti sa ekonomiya at sa lahat.
7. Rusca at Paco Roman – Ang mga tapat na tagasunod at Colonel na kanang kamay ni Heneral Luna.
Naiintindihan nila ang ugali ng Heneral at ang matinding hangarin nito sa pagkamit ng Kalayaan
ng Pilipinas.
REPLEKSYON TUNGKOL SA PELIKULANG “HENERAL LUNA”

Ang pelikulang “Heneral Luna” ay isang pelikulang tumatalakay sa buhay ng isang matapang na
Heneral sa hukbong sandatahan para sa digmaang Pilipino-Amerikano. Pinakikita din sa istorya
ng pelikula kung paano lumaban at humarap sa suliranin ang mga Pilipino sa paghahangad ng
kalayaan sa sariling bansa. Ngunit di maikakaila na sa kabila ng mga hangaring ito, may kaakibat
na mga suliranin sa pagkamit.
Sa katauhan ni Heneral Antonio, maipapakita ang matinding pagmamahal sa bayan, may
paninindigan sa prinsipyo at pagdidisiplina. Kilala siya sa katangiang istrikto, may marahas na
pananalita at matapang na napapahayag kanyang pananaw tungkol sa mga bagay-bagay na sa
palagay niya’y mali. Hindi siya nagbubulag-bulagan sa mga pagkiling at mga pansariling
kapakanan. Sa kabilang banda, nakakalungkot ding makita ang mga di kanais-nais na katangian
ng mga Pilipino na umiiral na pala noon at magpasahanggang ngayon. Ang kawalang pagkakaisa,
pagtataksil sa kapwa, asal talangka (crab mentality) at mataas na paghahangad ng kapangyarihan,
posisyon o ranggo. Naipakita ang mga ito sa kawalang pagkakasunduan sa desisyon sa gabinete
at sa mga miyembro ng militar, pagpapakita ng inggit at selos sa posisyon o ranggo at ang
makontrobersyal na pagpatay kay Heneral Luna na kapwa lamang niya Pilipino – mga kaganapan
sa pelikula at sa tunay na buhay ni Antonio Luna na nagpapakita ng negatibong pag-uugali ng mga
Pilipino noon pa man. Isa ang mga ugaling ito sa malaking balakid ng Pilipinas sa pag-unlad,
pagkakaisa at tagumpay.
“Ganito ba talaga ang tadhana natin? Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi”, “Mayroon
tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano – ang ating sarili.”
Ilan lamang yan sa mga tumatak na mga linya ni Heneral Luna. Ito ay mga katagang sumasalamin
sa sakit ng ating bayan at ng mga Pilipino na lalong nagpahirap sa ating inang bayan at
nagpapalugmok satin. Gayon pa man, ang pag-ikot ng ganitong tema sa istorya ay mas napakita
din ang di makasariling hangarin at pagmamahal ng ating mga tunay na bayani. Ang pag-alay ng
buhay at paglaban sa pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa ni Heneral Luna at ng iba pang
bayani ay malaking bahagi sa paglaganap at pagbuhay ng nasyonalismo at kalayaan na ating
tinatamasa ngayon.

You might also like