You are on page 1of 2

Janda, Marion Reign H.

SOC101—MWF 2:30-3:30

HENERAL LUNA

Matapos makapanuod ng pelikula, magtala ng lima (5) katanungang pangkasaysayan tungkol sa


pelikula at buhay ng bayani.

1. Paano naging Heneral si Antonio Luna? Saan at paano siya nagsimula?

2. Si Isabel lang ba ang naging kasintahan ni Antonio Luna?

3. Sino ang tunay na pumatay kay Heneral Antonio Luna?

4. Bakit siya ipinapatay kung siya ang pinaka mahusay na general?

5. May kinalaman ba si Emilio Aguinaldo sa kamatayan ni Heneral Luna?

Magtala ng mga 5 bagay/napuna sa napanuod sa pelikula na hindi nabanggit sa mga pagtatalakay sa


loob ng klase o sa mga libro na inyong nabasa.

1. Si Heneral Luna ay tinawag na “baliw” ng tauhan ng presidenteng si Emilio Aguinaldo dahil


ipinahiya ng Heneral ang mga Cavitenos sa hindi pag sunod sa kaniya at sa tungkulin.

2. Agresibo ang paraan ng pagsasalita ng mga opisyal lalo na ng heneral kahit sa tuwing
nagkakaroon ng pagpupulong.

3. Hindi nabanggit na mahusay tumugtog ng gitara si Heneral Luna.

4. Si Heneral Luna pala ay binaril muna ng ilang beses bago binaril sa ulo dahil may lakas parin
siya sa kabila nang patuloy na pagtama ng mga bala sa kaniyang katawan.

5. Kahit binawian na ng buhay si Heneral Antonio Luna, binaril pa ulit siya ng pangalawang
beses sa ulo at walang habas na pinagtataga.

Aling bahagi ng pelikula ang inyong maiuugnay sa mga readings na pinag-aralan (Ex. Rebolusyon ng
1896, Cry of Balintawak, Spanish-American War). Magbigay ng 5 halimbawa.

1. Isinisigaw nila ang “Mabuhay ang Pilipinas!” tuwing may pagtatagumpay.

2. Ang hindi pagsuko upang makamit ang kalayaan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.
3. Maiuugnay ko sa mga ‘readings’ na pinag-aralan ang pag patay sa mga magiting na bayani ng
Pilipinas.

4. Nagkaroon ng pagpatay at pag paparusa sa mga inosente.

5. Nagkakaroon ng away o labanan sa kapwa Pilipino.

Magtala ng limang (5) pagkatanto (realizations) sa pelikulang napanuod.

1. Si Antonio Luna ay isang responsable at magiting na heneral ngunit, kulang sa respeto sa


ibang tao dahil siya ay mapanakit at mapagmura.

2. Hindi sumuko si Heneral Luna hanggang sa huli kahit hindi siya tinulungan ng ibang heneral
at ng mga opisyal sa gobyerno.

3. Kayang lumaban ng mga Pilipino kahit kulang sila sa sandata, kagamitan, o cooperasyon,
basta may tapang, lakas, at pagmamahal sa sariling bansa.

4. Maayos at malinaw ang pangkakasalaysay ng mga pangyayari sa pelikula.

5. Aking napagtanto na mas detalyado at madaming impormasyon sa libro kumpara sa pelikula.

Kung makakausap mo ang sino man sa kanila, ano ang iyong paguusapan. Ipaliwanag na hindi
bababa sa 5 pangungusap.

Kung makakausap ko man si Heneral Antonio Luna, pag-uusapan namin ang tungkol
kaniyang sinabi na, “Ang tunay na kalaban ay ang ating sarili.” Hindi natin kayang lumaban at manalo
sa isang himagsikan kung ang kooperasyon ay mabibigo dahil sa kaduwagan at pagiging taksil ng mga
Pilipino. Kung kailangan manalo, kailangan natin ipakita ang determinasyon upang maligtas ang
sariling bansa. Pag-uusapan namin kung pano niya naharap ang mga pagsubok sa kabila ng panganib.
Paano siya nagkaroon ng lakas na ipagtanggol parin ang bansa kahit na maraming labag sa kaniyang
mga desisyon.

You might also like