You are on page 1of 4

Name: ALVIOR, MARICAR Q.

Grade & Section: G11 – HUMSS 1 (peace)

SUBJECT: PAGBASA – FILIPINO (4TH QUARTER)

Pamagat ng pelikula: Heneral Luna

Mga nagsiganap:

• John Arcilla (Gen. Antonio Luna)


• Mon Confiado (President Emilio Aguinaldo)
• Epi Quizon (PM. Apolinario Mabini)
• Joem Bacson (Col. Francisco “Paco” Roman)
• Alex Medina (Capt. Jose Bernal)
• Archie Alemania (Capt. Eduardo Rusca)
• Ronnie Lazaro (Lt. Garcia)
• Paulo Avelino (Gen. Gregorio Del Pilar)
• Leo Martinez (Pedro Paterno)
• Nonie Buencamino (Felipe Buencamino)
• Benjamin Alves (Lt. Manuel Quezon)
• Miguel Faustmann (Gen. Arthur McArthur Jr)

Direktor: Jerrold Tarog

Produksyon: Artikulo Uno Productions

Tagalikha: E.A. Rocha

Buod ng Pelikula: Nagsimula ang pelikulang Heneral Luna sa pagdedebate nina Pangulong Emilio
Aguinaldo kasama ang kanyang Prime Minister na si Apolinario Mabini at ang kanyang gabinete na nag
dedebatihan tungkol sa isyung American presence sa Pilipinas. Sina Felipe Buencamino at Pedro Paterno
sumusuporta sa mga Amerikano, habang si Heneral Antonio Luna at General Jose Alejandrino nais ng
kalayaan para sa Pilipinas. Luna humihingi sa gabinete upang pahintulutan nag isang pre-emptive strike
habang patuloy pa rin ang pagdedeploy ng mga sundalong amerikano sa ating lupa. Gayunpaman
panatag si Aguinaldo na ang kaniyang gabinete na ang mga Amerikano ay nangako na tulungan at
makamit ang kalayaan mula sa kanilang Spanish overlords. Sa kasamaangpalad, ang mga amerikano ay
may planong sakupin ang lungsod ng Manila, na nagpapahiwatig ng isang posibleng digmaan laban sa
mga Pilipino. Luna kasama ang mga pinagkakatiwalaang niyang tao na sina general Jose Alejandrino,
colonel Francisco “Paco” Roman, Captain Eduardo na magsimula sa isang delikadong kampanya laban sa
panghihimasok sa mga pwersang amerikano.
Sa panahon ng isang matinding labanan laban sa hukbong amerikano sa pamumuno ni Heneral
McArthur Jr. at General Otis, itatanong ni Luna para sa mga reinforcements mula sa kawit batalyon
ngunit kumandernito ay ayaw sumunod dahilang order ay hindi nagmula sa kanyang sariling president.

Dahil sa galit ni Luna ay pinahiya niya ito sa harap ng mga tao at pinaalis ang batalyon.
Pagkatapos ay pinagtipon niya ang 4,000 na sundalo sa pamamagitan at pagpapahayag ng kanyang
“Article One” na nagpapahayag na ang lahat ng tumanggi na sundin ang kanyang mga utos ay pinaaandar
nang walang pakinabang ng isang pagsubog sa isang military na hukuman ay ipapapatay. Ipinahiwatig
nina Buencamino at Paterno ang kanilang suporta sa isang panukala sa pamamagitanng Amerikano sa
pagsasariling Pilipinas. Galit nag galit ito sa pamamagitan, dahil utos ni luna na ipa-aresto sila. General
Tomas Mascardo na tinutulan ang utos ni luna para sa reinforcements na nagsasabi na siya ay susunod
lamang kapag galing sa pangulo ang mga utos na iyon.

Tuloy pa din ang mga ibang heneral tulad ni Gregorio Del Pilar na umaatras sa hilaga. Pumunta si
Luna sa headquarters ng pangulo sa Cabanatuan. Kahit ang mga opisyal ay kahina-hinala, Nagdadala
lamang ay si Roman at Rusca sa kanya. Karamihan sa mga sundalo ay natitira sa headquarters sa ilalim ng
kautusan ni Pangulong Aguinaldo, na may pagbubukod sa ilang mga elementong kawit batalyon.
Nadiskubre ni Luna ang pagkadating ni Aguinaldo ay natitira lamang ay si Buencamino na nasa opisina.
Noong sila ay nagbabatuhan ng mga salita biglaan nalang makakarinig ng isang putok ng baril sa labas at
inimbestigahan agad ito, Natagpuan niya si Captain Janolino at ang kanyang mga tao napagatake sa
kanya. Binaril, Sinaksak siyang paulit-ulit hanggang sa mamatay. Habang sila Rusca ay sumuko sa Kawit
Sundalo.

Suring Pelikula ng “Heneral Luna”

Ako si Maricar Q. Alvior mula sa baitang ilabing-isa ng HUMSS 1 – PEACE at narito ako ngayon
upang mag-bigay ng suring pelikula sa “Heneral Luna”. Ang pamagat ng kwento ay nag-bigay ng
mapaglalang damdamin kung tungkol kanino ang palabas, binibigyang pansin ang kwento ni Heneral
Antonio Luna na isa sa mga kilala at hinahangaang bayani ng ating inang bayan o bansa. Pinakita rin kung
sino-sino ang mga naiinis sa kaniya dahil sa kanyang angas.

Sa simula pa lamang ng pelikula, ramdam na agad ang iba’t-ibang emosyon o damdamin ng


bidang aktor at kabilang na nga rito ay ang pagiging nasyonalismo. Sinalimin nito ang hangarin ni Luna
bumuo ng isang matatag na bansa. Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwentong nasyonalismo na
natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Kasama na din ang disiplina na nakatatak sa karakter ng
bayaning si Luna. Pinakita rin sa pelikula kung paano niya pinamahalaan ang mga Pilipinong sundalo
upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa Bansa at matupad ang kanilang hangaring makamit ang
pang matagalang kalayaang hinangad ng sambayanan.
Ang panahon at lugar na pinag-ganapan ng pelikula ay akma at bumagay dahil tungkol pelikulang
ito sa ating kasaysayan, naipakita na sa panahong iyon ay labis na pag-hihirap, puro sakit, pighati at gera
ang hinaharap ng mga Pilipinong Sundalo pati na rin ang mga normal na mamamyan ng ating bansang
sinilangan. Napansin ko rin na malaki na ang ipinagbago ng mga bagay-bagay dahil nasa modernong
panahon na tayo ngunit hindi rin naman talaga maiiwasan ang pag-babago sa kahit na saang bagay sa
ating mundo tulad na lamang ng paraan ng pananamit, transportasyon, mga armas at edukasyon.
Walang permanente sa buhay ng isang tao, kung kaya’t unti mong ang pag-ibig ng isang tao ay maaari
ring mag-bago. Ang dyanra (genre) ng pelikula ay aksyon at kasaysayan, bilang isang manunulat ng mga
nobelang patungkol sa pag-ibig, hindi ako ganon kahilig sa mga kwentong aksyon ngunit talaga namang
napahanga, nagulat at naramdaman ko ang bawat eksena ng pelikulang aking napanood. Nais ko rin
bigyan ng pansin ang pag-ganap ng mga tauhan na sadya namang napaka-husay at naisabuhay nilang
maayos ang mga tauhan sa kwento. Makakakonekta ang lahat ng uring manonood ang mga linyang
tumatak sa puso natin. Ang diyalogo ng bawat tauhan ay kapansin-pansin din. Tulad ng pag-ganap ng
mga aktor, masasabing maganda ang pag-bigkas ng mga actor sa kanilang diyalogo at bawat diyalogo nila
ay mayroong batid talaga sa damdamin ng manonood. Ang diyalogo na ginamit ay lubhang nag-
patingkad lalo ng mensahe ng pelikula.

Ang musika/paglalapat ng tunog, naayon ang tema ng musika sa mga gusto ng sambayanang
Pilipino na makuha sa amerika ang kanilang Kalayaan. Habang pinapanood ko ang pelikula ay hindi ko
maiwasang mapaisip sa’king sarili, hindi ko maiwasang mag-tanong na kung ano kaya ang posibleng
mangyari kung sakaling pinakinggan nila si Heneral Luna sa simula pa lamang at ang mga traydor saating
bansa ay agad na pinaslang dahil base nga sa “Artikulo uno” ay ang mga sundalo na hindi sumusunod at
ang mga traydor ay ipapapatay nang walang paglilitis sa hukuman.

Akin ko ding nais bigyang pansin ang sinematograpiya ng palabas. Masasabi ko na lubos na
nagustuhan ko ang kanilang sinematography. Dahil sa pagpapakita kung paano namahala si Heneral Luna
sa ating pamahalaan at kung paano nila ginawa ito. Ang pamamahala ni Heneral Luna sa mga sundalo ay
talaga namang walang duda na epektibo at tama lamang noong mga panahon na ‘yon dahil sa
kinahaharap nating suliranin, kung ang iba lamang ay nakinig at hindi nag-traydor, marahil ang ating
bansa ay naging malaya sa kamay ng mga amerikanong sumakop sa’tin.

Pang huling bagay na nais kong pag-usapan ay ang direksyon, makatwiran na masasabing
mahusay ang pagiging director ni Jerrold Tarog dahil napakita niyang maayos ang mga pangyayari noong
panahon ni Heneral Luna at pati narin ang mga diyalogo at pagganap ng mga tauhan sa kwento. Hindi
lamang ang mga gumanap na aktor at aktres ang dapat purihin at bigyan ng parangal dahil sa galing
nilang pag-ganap sa kanilang karakter, karapat-dapat din na mabigyan ng papuri, parangal at pag-alala
ang direktor ng pelikula dahil sa mahusay na pag-gabay niya sa mga gumanap. Hindi magiging
matagumpay ang Heneral Luna kung wala ang kaniyang husay, talento at kaalaman.
Naniniwala na ako na napaka-halaga ng pelikula na ito dahil maituturing na kayamanan ang ating
nakaraan, hindi man lahat ng alaala ay maganda at puno ng saya ngunit parte ito ng ating buhay at kung
wala ito? Marahil iba ang ating kinalalagyan ngayon, ang pag-alaala sa ating kahapon ay pagbibigay
galang sa mga ninuno natin na lumaban at namatay para sa kalayaan ng bawat isa sa’tin. Utang natin sa
kanila ang kung ano man ang meron tayo ngayon, ‘wag sana nating kalimutan na ang katulad ni Heneral
Luna kabilang na ang iba pang mga sundalong nagbuwis ng buhay ay lumaban para hindi manatiling mga
alipin ang mga Pilipino sa sarili nating bansa.

Sa pangkalahatang, nagustuhan ko ang pelikulang aking napanood dahil sa aral, pagpapakita ng


kahalagahan ng kalayaan, pagiging nasyonalismo, pag-mamahal sa sarili nating bayan, ang pagiging
disiplinado, pagiging tapat sa serbisyo at higit sa lahat ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay totoo ang
taong nasa harapan mo. Hindi dapat tayo nagtitiwala sa mga matatamis at mabulaklak na salita, wala
namang permamente sa ating mundo. Kung tayo ngang mga tao ay nag-babago, hindi malabo na ganon
din ang isip ng isang tao. Isa pa, ang pangakong binibitawan natin? Hindi natin ito maiiwasang hindi
sirain, dahil tao lamang tayo. Kung kaya sana, hangga’t maaari ay huwag tayong magbibitaw nang salita
na hindi naman natin kayang panindigan hanggang sa huli. Tayong mga mortal na nilalang ay likas na
makasarili, nagkakaroon tayo ng mga pagnanasa sa mga materyal na bagay, kapangyarihan at kayamanan
na siyang bumubulag sa’tin, at naguudyok upang tayo ay manakit at gumawa nang hindi tama sa’ting
kapwa. Hindi lahat ng mga tao sa mundo ay may kakayahang panindigan ang kanilang mga salitang
binitiwan. Ipinakita ni Heneral Luna sa’kin na totoo ngang hindi mga Amerikano o kahit na sino pang
dayuhan ang ating kalaban, kundi ang ating mga sarili lamang din mismo. Kung kaya naman ay natuto
ako na maging maingat sa aking bawat galaw at piliin lamang ang pagkakatiwalaan.

You might also like