You are on page 1of 6

Iv

Banghay ng mga
pangyayari
(Story Grammar)
A. Tagpuan
Pilipinas (Bulacan, Kawit Cavite, Pampanga atbp.)
B. Protagonista

Heneral Luna Emilio


Aguinaldo

Apolinario Gregorio Del


Mabini Pilar
C. Antagonista

Ang mga pwersa ng Amerikano

Pedro Paterno Felipe


Buencamino
Mga Sundalong Pumaslang
kay Heneral Luna
Capt. Pedro Janolino

D. Suliranin
Umiikot ang istorya sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano at kung paano lumaban at sumuong sa
suliranin ang mga kapwa natin Pilipino upang hindi
tuluyang masakop ng mga dayuhan at makamit ang
soberanya. Umikot din ang daloy ng istorya sa tema ng
disiplinang nakatatak sa karakter ng bayaning si Luna.
Sinalamin ng pelikula kung paano niya pinamahalaan
ang mga Pilipinong sundalo upang sugpuin ang pwersa
ng mga Amerikano sa bansa at matupad ang kanilang
hangaring makamit ang pangmatagalang kalayaang
hinahangad ng sambayanan. Bukod pa rito, detalyado
ring inilarawan sa pelikula ang mga suliraning kaakibat
ng mga hangaring ito. Isa na rito ang hindi maiwasang
pagpili ng maraming Pilipino sa pansarili nilang
kapakanan kaysa ikabubuti ng buong bayan. Dito
pumapasok ang ideya ng matinding pagkiling sa
sariling pamilya at mga karatig na rehiyon ng Pilipinas
ng ilang mga Pilipino kaysa sa bansang kanilang
pinagmulan na naging balakid sa pagkamit ng
nasyonalismo noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang
mga katangiang nakatatak pa rin sa lipunan maging sa
kasalukuyan. Sakripisyo sa bayan at disiplina – ang
mga katangiang ito ang nagsilbing pundasyon ng
pelikula sa paglalarawan sa kahusayan ng bayaning si
Luna. Kilala si Luna bilang isang mahigpit na heneral
na may malaking pagpapahalaga sa disiplina.
Naisadiwa ng pelikula ang mga katangian ni Luna sa
pamamagitan ng paglalarawan ng ilang eksenang
hango sa kanyang karanasan noong panahon ng
digmaan.
E. Mga Kaugnay na Pangyayari o mga Pagsubok sa
Paglutas ng Suliranin.
“Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga
Amerikano, ang ating sarili,” Isa lamang ito sa mga linyang
tumatak sa manunuod. Matagal nang usapan sa ating bansa
kung sino nga ba ang dahilan sa kabila ng pagkamatay ni
Heneral Luna. Maraming nagsabi na si Presidente Emilio
Aguinaldo ang nagpautos na ipapatay ito kagay ng nangyari kay
Andres Bonifacio. Ang pagtatraydor ng magkakaapatid sa bansa
ay tila naging dahilan upang mas lalo mapabagal ang ating pag-
unlad.
Isa sa mga katangian ng pelikula na nais ipabatid sa manunuod
ay ang pagiging isang tunay na Pilipino sa puso maging sa
gawa. Makikita dito ang nasyonalismo ni Heneral Luna dahil sa
hangad niyang bumuo ng isang matatag na bansa. Ibinahagi ni
Arcilla kay Villaflor ang mga kwento ng nasyonalismo na
natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Dito nabuo ang
pagbabalik-tanaw sa ilang piling pangyayari sa buhay ni Luna
bilang pinuno ng militar na may paninindigan sa batas at
pagpapataw ng disiplina. Nalampasan ni Tarog ang hamong
isalaysay ang komplikadong buhay ni Luna at ipaalam sa mga
manonood ang kabayanihang ipinamalas niya noong panahon
ng digmaang pambansa.
Hindi naging madali para sa mga producer at direktor ang
paglalarawan sa mga pangyayari sa bawat bahagi ng buhay ng
naturang bayani. Punong-puno ang pelikula ng mga
masasalimuot na eksena bunsod ng walang humpay na giyera’t
labanang kinaharap ni Luna. Dumanas din ang heneral ng ‘di
mabilang na tama ng bala at saksak ng bolo bago mabawian ng
buhay. May karahasan man, paliwanag ni Eddie Rocha,
producer, “toned down” na ang paglalarawang ito sa pelikula
kung ihalilintulad sa iba pang karanasang kinasadlakan ng
kapita-pitagang bayani ng lahi.
Naging mabigat man ang imahe ng pelikula dahil sa mga
masalimuot na eksena, hindi pa rin naisantabi ni Tarog ang
makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang
nakahahalakhak na pangyayari sa istorya. Nilapatan ng
kaunting katatawanan ang ilang eksena upang maalis ang
tensyon mula sa mabibigat na pangyayari tulad ng eksena sa
tren na naging komedya dahil sa kulang-kulang na Ingles ni
Luna at ng kanyang mga kasamahan. Maayos ding nagampanan
ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay
sa kani-kanilang mga karakter, alinsunod na rin sa hinihingi ng
direktor at manuskrito ng kwento, na mahigit labing-walong
taon nang nag-aantay na mailimbag sa
pinilakang tabing.Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena
sa pelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay
ng nasabing obra at makapaghatid ng mensahe sa mga
manonood. Inilalarawan nito ang kahalagahan ng disiplina sa
isang bayan, pagkiling sa ideya ng isang matatag na nasyon, at
katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang
sariling buhay para sa ikabubuti ng buong lahing Pilipino.
Iiwanan nitong mapaiisip ang mga manonood kung hanggang
saan nga ba ang kaya nilang ibuwis para sa bayan at kung sino
ang tunay na bayani ng ating lahi.
F. Mga Ibinunga
Si Luna ay ipinatawag ng isang
telegram sa headquarters ng
Pangulo sa Cabanatuan. Subalit,
ang kanyang mga pisyal ay kahina-
hinala, Si Heneral Luna ay pumunta
sa Cabanatuan kasama lamang niya
sila Roman at Rusca. Karamihan ng
mga sundalo na natitira sa
headquarters sa ilalim ng kautusan
ni Aguinaldo, na may pagubbukod
sa ilang mga element ng Kawit
batalyon. Nadiskubre ni Luna sa
pagkadating niya na si Aguinaldo ay
nakaalis na at ang natitira nalang sa
opisina ay si Buencamino lamang.
Habang sila ay nag uusap na may
mga mainit na salita, may isang
barilan na narinig sa labas.
Binestiga ni Heneral Luna ito at
natagpuan niya si Kapitan Janolino
at ang kanyang mga tauhan na at
inatake siya. Si Heneral Luna ay
ibinaril at sinaksak ng paulit-ulit
hanggang sa namatay siya.
Namatay ay namatay din, habang si
Rusca ay nasugatan at sumuko sa
sundalo ng mga Kawit. Karamihan
sa mga natitirang tapat na opisyal
ni Luna ay naaresto, habang ang
ilan ay namatay, pati rin ang
magkapatid na Bernal.

You might also like