Sa trailer palang ng palabas ay nakuha na nito ang aking atensiyon
dahil minsan mo lang makikita sa panahon ngayon ang kwento na tungkol sa pamilya. Kalimitan kasi kung ating mapapansin ay laging patungkol sa pag-ibig. Minsan lang magkaroon ng pelikula sa sinehan na patungkol sa pamilya. Napakaganda ng pagkakabuo ng pelikula. Simula sa una ay naipakita nito ang tunay na mga pangyayari sa buhay ng tao. Kada ipapakita na pangyayari sa pelikula ay may kahulugan. Maging ang mga pagkain katulad ng pansit, ice cream, cake at letchon ay nabigyan ng malalalim na kahulugan. Mag kakaugnay ang mga pangyayari, lahat ng mga salita ay halos lahat ay pinagisipan at ang pagdadala ng mga salita ay may emosyon at tatagos sa puso. Ang bawat pangyayari sa pelikula ay mayroong mensahe na pinaparating.