You are on page 1of 6

S

PAGSUSURI SA
PELIKULANG
“SEVEN SUNDAYS”
Ipinasa Nina:
Gapoy, Frednixen B.
Galeon, Jhon Aljon
Jamila, Relvy
Historillo, Altair
Galuga, Dale

Ipinasa Kay:
Ginang Fanny
Ang “Seven Sundays” ay isang pelikulang komedya-drama na isinulat nina

Vanessa R. Valdez, Roumella Monge, at Kiko Abrillo. Ito ay naisapelikula sa

direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Inilabas ang nasabing pelikula sa Star Cinema

noong Oktubre 11, 2017. Pinangunahan ito ng mga artista na sina Aga Muhlach,

Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Dingdong Dantes at Enrique Gil. Noong taong 2018,

tumanggap ng 9 na nominasyon ang pelikulang ito sa loob at labas ng bansa.

I. Banghay (Plot)

II. Tema at Tono (Themes and Tones)


Ang Seven Sundays ay kwento tungkol sa isang may sakit na ama na walang ibang
hangad kundi ang muling pagsama-samahin ang kaniyang pamilya. Tinatalakay ng pelikulang ito
ang mga isyung pampamilya katulad na lamang ng hindi pagkakasundo-sundo at hidwaan ng
magkakapatid. Ipinapakita din dito kung gaano kadakila ang ating mga magulang. Minimithi
nilang hanggang sa nalalabing buhay nila, iniisip nila ang kapakanan ng kanilang mga anak. Nais
nilang magkakasundo ito at pingbibigkis ng pagmamahalan.

III. Pag-arte at Mga Karakter

IV. Direksyon

V. Paglalapat ng Tunog (Musical Scoring)

VI. Sinematograpiya (Cinematography)

Ang mga kuha ng kamera ay kuha ni Theo Lozada. Ang sinematograpiya sa pelikulang
ito ay epektibo sapagakat nakukuhaan ng maayos at nabibigyang pokus ng kamera ang bawat
aktor kung kaya’t mas malinaw na nakikita ng mga manunuod ang ekspresyong inilalahad ng
bawat gumaganap sa palabas. Bukod sa pokus ng kamera, saktong sakto din ang ang paglipat
nito sa mga susunod na magsasalita.
VII. Production Design

Ang mga visual elements sa pelikula ay maayos na nailabas at di nagkaroon ng distortion


o ano mang delay. Makikita rin na tugma at my kauganayan ang mga tagpuan sa pelikula.
Sapagkat ilan sa mga manunuod ang my kaugnayan o relate sa ganitong istilo ng pamumuhay
kaya naman nagbigay ito ng aliw, lalong lalo na kung ang acting mismo ang pag-uusapan.
Maayos din ang mga kasuotan ng mga aktor kung san mas naipapakita kung ano ang kanilang
role sa palabas. Kagaya na lamang ni Ryan Bang, na nagsuot ng Pink na tuxedo kung saan mas
nagbigay kakatawanan sa role nya at pati na rin sa ibang cast at manunuod nito.

VIII. Special Effects

Sa pelikulang “Seven Sundays” ay wala gaanong special effects sapagkat ang palabas na
ito ay isang typikal na palabas lamang. Hindi ito sci-fic o palabas na naglalaman ng magic,
powers o ano mang special effects na nararapat ilagay. Hindi na kailangan pang lagyan nito
sapagkat sasalungat ito sa genre ng palabas. Tanging transition lamang ang effects na inilagay
rito.

IX. Editing

X. Daloy at Dialogue

Ang mga palitan ng dayalogo ng bawat karakter sa pelikula ay naaayon sa mga karakter
sapagkat kaagad na maiintindihan ng mga manonood ang mga pangyayari sa pelikula mula sa
batuhan ng linya ng mga karakter. Bukod dito angkop ang pagkakabato ng bawat karakter sa
pelikula batay sa personalidad na kanilang ginaganapan. Pinakamabisang halimbawa ay ang
karakter na si Harriet, dahil nais niyang kontrolin ang lahat o ihanda ang lahat sa kaniyang nais
ay may sindak na maramramdaman mula sa kaniyang karakter.
XI. Simbolismo

Ang Seven Sundays sa pamagat ay kumakatawan sa bilang ng Linggo na natitira sa


pangunahing tauhan bago siya kunin ng Maykapal. Dahil sa 7 linggo na ito, napagkasundo-sundo
ang mga anak niya dahil inaakala ng mga ito na may dumadatal na ang mga huling sandali ng
kanilang. Ayaw nila itong mangamba kung kaya’t tinangka nilang kalimutan panandalian ang
kanilang hidwaan.

XII. Rekomendasyon

Ang tanging kapintasan lamang ng peliklang ito ay masyadong madaling hulaan ang
magiging takbo ng kuwento. Maging ang dramatikong kasukdulan ay hindi na bago sa mga
manonood. Halos kaparehas lamang kasi ito ng ibang pelikula na naunang ginawa bago ito.
Halimbawa, noong taong 2013, ang pelikula ni Garcia-Molina na pinamagatang “Four Sisters
and a Wedding”, ay nagtatampok din ng magkakapatid na biglaang nagkatagpo-tagpo na
nagsilbing mitsa ng hinagpis at poot. Noong taong 2000 naman, isinulat ni Laurice Guillen ang
pelikulang pinamagatang “Tanging Yaman” na kung saan ipinapakita ang alitan ng
magkakapatid dahil sa yaman. Malaki ang pagkakaparehas nito sa istruktura at daloy ng
kuwento.

Ang suhestiyon at rekomendasyon ng aming pangkat ay dapat umisip ang manunulat ng


kakaibang konsepto na magiging dahilan upang magkaroon ito ng lamang sa mga naunang
pelikula.

XIII. Konklusyon

Sa kabuuan, masasabi kong kamangha-mangha at magandang pelikula ang Seven


Sundays. Napkahusay ang pagkakasulat at pagganap ng mga beteranong mga aktor at aktres.
Mahusay ang pagkaka-direkta at. Ang sinematograpiya sa pelikulang ito ay epektibo sapagakat
nakukuhaan ng maayos at nabibigyang pokus ng kamera ang bawat aktor kung kaya’t mas
malinaw na nakikita ng mga manunuod ang ekspresyong inilalahad ng bawat gumaganap sa
palabas.

Napabilib dni ako sa pagkakasulat ng istorya nina Vanessa R. Valdez, Roumella Monge,
at Kiko Abrillo. Hindi ito tipikal na romansa na kadalasang palagi na lamang ipinapalabas sa
cinema. Ganun pa man, masyadong madaling hulaan ang magiging takbo ng kuwento. Maging
ang dramatikong kasukdulan ay hindi na bago sa mga manonood. Halos kaparehas lamang kasi
ito ng ibang pelikula na naunang ginawa bago ito. Halimbawa, noong taong 2013, ang pelikula ni
Garcia-Molina na pinamagatang “Four Sisters and a Wedding.

Maraming mga aral ang tiyak na makukuha ng mga manonood dahil tinatalakay ng
nasabing pelikula ang isyung pampamilya na kadalasang nararnasan ng higit na nakararami.
Hindi maiiwasan ang hidwaan sa mga magkakapatid. Ipinapakita dito ang nagliliyab na mithiin
ng mga magulang na magkasund-sundo ang kanilang mgga anak. Sino pa ba naman kasi ang
magdadamayan kundi sariling pamilya.

You might also like