You are on page 1of 1

Ang nagustuhan ko sa Kita Kita ay ang istorya nito ang magdadala sa pelikula at hindi

ang pangalan ng mga bida. At kahit hindi tipikal na pairing nina Alessandra de Rossi at
Empoy ay nagkaroon parin sila ng magandang screen chemistry. Sa pag-usad ng
kuwento ng palabas ay madali na lang ma-predict ang mga susunod na pangyayari dahil
sa mga obvious na foreshadowing, gayunpaman, ma-spoil ka man sa Facebook o ma-
predict mo man ang mga magaganap ay magugulat at magugulat ka parin sa
kalalabasan nito. 
Mapapamahal ka sa karakter nila Tonyo at Lea kaya naman mas damang-dama mo ang
kirot at sakit na mararamdaman ng dalawa sa kani-kanilang situwasyon sa tulong na rin
ng galing sa pag-arte nila de Rossi at Empoy. 
Masasabi kong deserve naman ng Kita Kita ang hype na natanggap nito sa social media
dahil may dala itong maayos na kuwento at may inihandang kakaiba para sa takilya.
Gayunpaman ay kinapos ito sa ekspektasyon na inaasahan ko. Lumaylay kasi ang
kuwento nito pagdating sa parte ni Empoy. Pagkatapos ilabas ang twist ay unti-unting
bumaba ang kilig na dulot nito at gayon din ang gulat factor na naramdaman mo sa
pelikula.

Tanging Yaman

Tanging Yaman ay isa sa pinakamagandang pelikula ng dekada. Pelikulang naglalarawan ng isang


pamilya. Isang pelikulang umantig sa puso ng mga manonood. Itinatampok dito ang ilan sa
pinakamagagaling na artista ng dekada. Gloria Romero, Hilda Coronel, Dina Bonevie, Edu Manzano,
Johny Delgado, Joel Torre, Cherry Pie Picache, Marvin Agustin, Jericho Rosales, CJ Ramos, Shaina
Magdayao, Dominic Ochoa, Janet Mcbride at Carol Banawa sa direksyon ni Laurice Guillen. Isa ito sa
nagpaiyak sa'kin eh, nung showing to hindi ko talaga pinapanood to kasi alam ko nakakaiyak, kaya lang
pinalabas to sa TV ng mahal na araw wala akong nagawa kung hindi manood nung mga oras na yun.
Tama nga ako iiyak lang ako kapag pinanood ko yun. Mula writers directors at actors and actress wala
kang dapat itapon. halos lahat sila magagaling hindi ka mabibigo sa bawat batuhan ng linya. May moral
lesson din ang pelikulang ito at siguradong matututo ang bawat manonood. Nasa reyalidad ang lahat ng
eksena na hindi man nating amining lahat ng Pilipino ito ay mga totoong nagyayari sa tunay na buhay.
Ang kagandahan lang talaga sa pelikula o sa mga dramang nasususulat ipinapakita kung paano ito
bibigyang solusyon sa magandang paraan. Nandito yung pagasa, pagmamahal, pagkamuhi, galit na
bumalot sa puso ng ilang karakter ngunit pinagbuklod pa rin ito ng panginoon. Ipinapakita dito na sa ano
mang hirap at pagsubok ng buhay magiging maayos din ito basta may pananalig tayo sa diyos.

Ang Panday 2

Napakalaki ng ikinahusay ng pelikulang ito at talaga namang maipagmamalaki na ang kanilang


pagsusumikap na pagandahin ang aspetong teknikal upang makipagsabayan sa mga gawang Hollywood.
Buong buo ang konsepto ng mga disenyo ng kasuotan, ng make-up at ng set at props ng Ang Panday.
Para kang dinala sa ibang dimension kung saan ang mga tao ay nasa gitna ng makaluma at mahikal na
panahon at hindi mukhang palabas sa entablado o pipitsugin palabas sa telebisyon. Nadala ni Revilla ang
katauhan ng isang maginoo, mabuti at matapang na mandirigmang mortal at nakakasulasok ang
kasamaan ni Lizardo sa pagganap ni Salvador. Nagawa ni Calzado na paghaluin ang misteryo at bighani
sa katauhan ni Maria at nakakahawa ang kulit ni Bugoy at ng nagdadalagang si Estelita. Maaliwalas at
nakakaigaya ang mga panoramic at panning shots na nagpakita ng ganda ng mga tanawin.

You might also like