You are on page 1of 2

EDUKASYON

Edukasyon, isang salita, labis-labis ang halaga

Sa pag-abot ng pangarap, ito’y pinakamainam na sandata

Sandatang pinanday ng alab ng puso at talim ng isipan

Sandatang magbibigay sa’tin ng labis na kadakilaan.

Hindi sa talino nasusukat ang pagiging EDUKADO

Basta’t isinasagawa’t alam mo ang salitang DISIPLINA at RESPETO

Samahan mo pa ng DASAL, TIYAGA’T gawaing MAKATAO

Tiyak ika’y uunlad at aasenso.

Ang edukasyong natutunan sa tahanan at silid-aralan

Na itinuro’t ipinamana ng ating mga guro’t magulang

Ito’y sana manatili sa ating puso’t isipan

Na ating gagamitin sa pakikipagsapalaran sa’ting mundong ginagalawan.

Edukasyon, isang bagay na dapat pahalagahan

Sapagkat ito’y kandilang lumiliwanag sa’ting daan tungo sa kaunlaran

At siyang magpapalaya sa buhay na puro kahirapan

Edukasyong habang buhay na’ting kaakibat at pakikinabangan.

-Keith Mark S. Sol


Si Keith Mark S. Sol ay isang mag-aaral sa ika-labindalawang baitang at

kasalukuyang kunukuha ng stand na STEM (Science, Technology, Engineering,

Mathematics) sa Cabugao Institute. Inimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa

Filipino na si Gng. Dorotea R. Udani sa pagmamahal at sa wastong paggamit ng Wikang Fipino

sa pagsulat at pakikipagtalastasan.

You might also like