You are on page 1of 2

Gawaing Bilang: 1

Pamagat ng Gawain: Pagtukoy sa mahalagang detalye sa bawat saknong ng tula.

Layunin: Natutukoy ang mahalagang detalye sa bawat saknong ng tula.

Konsepto: May magkakatugmang salita at ritmo ito. Masining at makulay ang mga salita.
Binubuo ng mga linya o taludtod.

Teksto:

Halina Kayo!

Halina kayo! Tayo na sa paaralan.

Nang mamulat ating murang isipan.

Linangin ang mga katalinuhan

Sanayin ang mga kakayahan.

Halina! Tayo na sa paaralan

Magsaliksik ng mga kurunungan.

Mga suliranin hanapan ng kasagutan

Nang di malugmok sa mga kamalian.

Tayo na! Tayo na sa paaralan.

Ang pag-aaral ay pagtiyagaan.

Iwasan ang pagiging mangmang.

Tuklasin ang mga kaalaman.

Tara na! Tayo na sa paaralan.

Palawakin ang isipan

Para makamtan ang gintong kaalaman.

Mahubog ang ugali sa kabutihan.


Halina, halina! Tayo na sa paaralan.

Upang sarili ay mapagyaman

Para sa magandang kinabukasan

At sa ikauunlad ng ating bayan.

Mga tanong:

1. Ano ang pangunahing kaisipan ang ipinapahayag sa tula?

2. Bakit kailangan nating pumunta sa paaralan? Ano ang maitutulong nito sa atin?

3. Makakatulong ba ang pag-aaral para magkaroon ng magandang buhay ang isang bata? Bakit?

4. Magiging maunlad kaya ang ating bansa kung lahat ay makakapag-aral?

5. Ipaliwanag kung bakit kailangang mag-aral ng mabuti ang isang bata?

Mga sagot:

1. Kahalagahan ng Pag-aaral

2. Kailangan nating pumunta sa paaralan upang malinang ang ating Kaisipan.

3. Oo, kasi kung siya ay mag-aaral ng mabuti magkakaroon siya ng direksyon sa buhay at

disiplina sa sarili na matutukoy niya ang mabuti sa masama.

4. Maaring umunlad ang ating bansa kapag lahat ay nakapag-aral dahil ang taong nakapag-aral

ay may disiplina sa sarili.

5. Kailangang mag-aral ng mabuti ang isang bata para magkaroon siya ng magandang buhay at

mapakinabangan ng ating bansa.

You might also like