You are on page 1of 20

5

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 4
Uri ng Pangungusap Ayon sa
Kayarian
Filipino – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 4: Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan D. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Marlene M. Pastoriza


Editor: Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rosemarie B. Sagum, Rene P. Sultan
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan D. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
5

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Uri ng Pangungusap Ayon sa
Kayarian
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaang hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

0ii
Alamin Natin

Sa pagtatapos ng Sariling Linangan Kit na ito ay inaasahang


matututuhan mo ang kasanayang pampagkatuto na:

• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa


isang usapan (chat). F5WG – Ivf-j-13.6

• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pakikipanayam/ pag-iinterview. F5WG-IVc-13.5

Subukin Natin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay


PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN.

1. Malayo ang nilalakad ni Simon kapag pumapasok siya sa trabaho.


2. Kilala ang produkto ng Lungsod ng Davao.
3. Matibay ang sapatos na gawa sa Marikina.
4. Si Joy ay nagwawalis habang si Nette ay nagluluto.
5. Kung may sakit sa pamilya, malungkot ang magulang.
6. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay masigasig sa pamumuno.
7. Iniingatan niya ang relo dahil bigay iyon ng kaniyang ina.
8. Ipinagmamalaki ka ng iyong pamilya dahil sa iyong kabutihan.
9. Ang kapayapaan ay matatamo kung magkakaisa tayo.
10. Tapat ba ang mga nahalal o panay pangako lamang ang sinasabi nila?

Aralin Natin

Sa pag-uusap tungkol sa mga nangyayari o nakikita sa paligid at sa


ating bansa, gumagamit tayo ng mga pahayag na kaiba sa mga paraang
inilahad sa naunang mga aralin. Natuto ka nang bumuo ng iba’t ibang uri

1
ng pangungusap ayon sa gamit tulad ng pasalaysay, patanong,
padamdam, pautos, at pakiusap.

Ngayon, pansinin ang mga pangungusap na ginamit sa usapan ng


mga batang nasa larawan.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian o Pagkabuo

May field trip ang mga mag-aaral. Nasa harapan sila ng bantayog ni
Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.

(Pinagkunan ng larawan: Landas sa Wika 6, Batayang Aklat sa Filipino, pahina 22)

2
Pag-isipan ang sagot sa mga tanong na ito:
➢ Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral?
➢ Ano ang napansin mo sa kanilang mga pahayag?
➢ Paano binuo ang mga pangungusap?
➢ Kaiba ba sa mga naunang pangungusap na binasa mo?
Ang mga pangungusap na ito ay binubuo ng dalawang bahagi na
parehong masasabing pangungusap. Pinag-uugnay ang dalawang bahagi
ng tinatawag na sugnay ng pangatnig o pinag-ugnay ng ngunit at at.
Tambalang pangungusap ang tawag sa mga ito.
Halimbawa:

Mahirap lamang si Bonifacio Sa Tondo siya ipinanganak


ngunit ang pagmamahal niya at doon siya nagsimulang
sa bayan ay higit pa sa magkaisip tungkol sa
kaniyang sarili. pagtatanggol sa bayan.

❖ Ang Tambalang Pangungusap ay nagtataglay ng dalawang


kaisipan o higit pa o binubuo ng dalawa o higit pang payak na
pangungusap.

Basahin at suriin ang mga pahayag ng bata at subuking matukoy


ang pagkakaiba sa kayarian ng mga pangungusap na kaniyang ginamit.
PAYAK TAMBALAN

Mag-aral tayo nang Mag-aral tayo nang mabuti at


mabuti. abutin natin ang ating
pangarap.

Masaya ang
mag-aral. Masaya ang mag-aral
habang nasa bahay lang
ako.

3
➢ Paano nagkakaiba ang mga Payak na Pangungusap at
Tambalang Pangungusap?

❖ Ang Payak na Pangungusap ay isang diwa lang ang


tinatalakay.

Basahin at suriin ang mga pahayag ng bata at subuking matukoy


ang kaibahan ng mga pangungusap dito ayon sa kayarian ng mga ito.
HUGNAYANG PANGUNGUSAP

Gusto ko nang Kahit na mahirap, sinasagot


pumasok sa paaralan ko pa rin lahat ng gawain
ngunit delikado pa rin sa modyul.
sa virus.

Nagpapaturo ako sa
nanay kapag kailangan
lang.

❖ Ang Hugnayang Pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na


makapag-iisa (SM) at sugnay na di-makapag-iisa (SDM).
Ginagamitan ito ng pangatnig na di-magkatimbang tulad ng
sapagkat, upang, nang, kung, kapag, dahil.
Halimbawa:
Gusto ko nang pumasok sa paaralan ngunit delikado pa rin sa virus.
(Sugnay na makapag-iisa) (Sugnay na di-makapag-iisa)

Kahit na mahirap, sinasagot ko pa rin lahat ng gawain sa modyul.


(Sugnay na di-makapag-iisa) (Sugnay na makapag-iisa)

Nagpapaturo ako sa nanay kapag kailangan lang.


(Sugnay na makapag-iisa) (Sugnay na di-makapag-iisa)

➢ Napapansin mo ba saang sugnay palaging kasama ang pangtnig? Ito


ay sumasama sa sugnay na di-makapag-iisa (SDM).

4
➢ Ang sugnay na makapag-iisa (SM) ay isang payak na pangungusap
na may buong diwa. Kahit pa tanggalin ang SDM na karugtong nito ay
mananatiling buo ang kaisipan nito.

Basahin at suriin ang mga pahayag ng bata at subuking matukoy


ang kaibahan ng mga pangungusap dito ayon sa kayarian ng mga ito.
LANGKAPANG PANGUNGUSAP

Mabuti ang aming Ang ating mga kakayahan


pamilya at kami ay ay mahalaga at ito ay
may busilak na kailangan sa pag-unlad ng
puso dahil bansa kaya dapat natin
sinusunod namin itong linangin.
ang utos ng
Panginoon.

❖ Ang Langkapang Pangungusap ay binubuo ng ng dalawang


sugnay na makapag-iisa (2-SM) at isang sugnay na di-
makapag-iisa (1-SDM).
Halimbawa:
(SM) (SM)
Mabuti ang aming pamilya at kami ay may busilak na puso
dahil sinusunod namin ang utos ng Panginoon.
(SDM)

(SM) (SM)
Ang ating mga kakayahan ay mahalaga at ito ay kailangan
sa pag-unlad ng bansa kaya dapat natin itong linangin.
(SDM)

5
Gawin Natin
Gawain
A. Panuto: Tukuyin kung payak o tambalan ang pangungusap.

1. Maraming biyayang bigay ang kalikasan sa tao.


2. Ang mga pagkain, damit, at tirahan ay ilan lang sa mga biyaya ng
lupa.
3. Ang tamang paggamit sa lupa ay magandang balik na regalo sa
kalikasan bilang pasasalamat din sa Diyos na pinagmumulan ng
biyaya.
4. Ang mga mineral at petrolyo ay biyayang galing sa ilalim ng lupa.
5. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang
bayad.
6. Ang pagkain ay galing sa mga hayop at maging ang mga kasuotan ay
nanggagaling din sa kanila.
7. Napagkukunan naman ng lakas ang tubig at makakukuha rin tayo
rito ng iba’t ibang pagkain.
8. Sa mga ugat at balat ng puno ay makakukuha ng mga gamot sa ating
mga sakit.
9. Pumipigil din sa pagguho ng lupa ang mga ugat nito.
10. Talagang napakaganda ng mga kasangkapang gawa sa kahoy.

B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang P sa


patlang kung payak at kung T tambalan.

1. Kumain na ang bata ngunit gutom pa rin daw siya.


2. Naiwan sa paaralan ang bag at baunan ni Marjun.
3. Ang kutsero at ang pasahero ay masayang lumilibot sa Intramuros.
4. Si Patricia ay umaawit habang si Maryette ay tumutugtog ng gitara.
5. Sinusuri ng doktor si Geralyn habang naghihintay sa labas ang ate
niya.
6. Sina Vincy, Wheng, at Cindy ay nagkukuwentuhan habang naghihintay
sa panauhin.
7. Magpahinga ka muna habang ako ay abala pa sa pagsusulat.
8. Isinako ng mga magsasaka ang palay at itinago sa kamalig ang mga ito.
9. Gupitin at idikit mo ang mga larawan sa kuwaderno.
10. Maagang umuwi at nagpahinga sa silid ang nanay.

6
C. Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ba ay Tambalan o
Hugnayan.

1. Hindi siya nakarating sa klase dahil umulan.


2. Magiging maunlad ang bansa kung nagkakaisa.
3. Tumutulong ang mga tao para sa pagsugpo sa nakamamatay na sakit.
4. Nagtatanim sa bukid ang mga tao kung panahon ng tag-ulan.
5. Aalis ka ba o maghihintay ka sa akin?

D. Panuto: Pangkatin sa payak at tambalan ang sumusunod na mga


pangungusap. Isulat ang BILANG ng sagot sa tamang hanay.

Payak Tambalan

1. Nagbabasa ng magasin sina Giyan at Bethel.


2. Binili mo ba ang laruan o ibinigay lang iyan sa iyo?
3. Ang ama, ina, at mga anak ay sumakay ng eroplano at tumungo sa
Maynila.
4. Umaawit ang dalaga habang siya ay nagluluto ng pagkain.
5. Nagbabasa si Rosie habang si Nadine ay inaayusan ng buhok.
6. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng takdang-aralin at nag-aaral para
sa pagsusulit.
7. Ikaw ay puwedeng kumuha ng kursong pagtuturo o mag-aral ka ng
medisina.
8. Sina Martha at Marty ay nagsuot ng rubber shoes at nag-jogging sa
parke.
9. Taimtim na nagdasal ang mag-anak.
10. Sina Ruben at Micah ay masunuring anak.

E. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang H kung


ito ay hugnayan at L kung ito ay langkapan.

1. Natatapos kaagad ang mahirap na gawain kapag ginagamitan ng


makabagong makina.

2. Bibili ka ba ng makabagong makina o gagamitin mo na lang ang


makalumang paraan ng pagtatanim upang umani ka at kumita?

7
3. Tama sila, mas mainam ang makina kung gagamitin ito nang wasto.

4. Ang pagtatapon sa tamang lugar ng mga nakalalasong kemikal mula sa


mga pabrika ay dapat isaalang-alang upang hindi mamatay ang mga
lamang tubig.

5. Ang maruming usok mula sa mga pabrika ay nagdudulot ng sari-saring


sakit dahil pinapasok nito at sinisira ang katawan ng tao.

Gawain 2
A. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay
payak, tambalan, hugnayan.

1. Matagumpay ang pagkuha ng pagsusulit ng mga mag-aaral.

2. Ang tatay ay nagtatrabaho sa opisina at ang nanay ay nagtitinda sa


palengke.

3. Ang tubig ay napakahalaga kaya’t matuto tayong magtipid.

4. Araw-araw ay nagdarasal ang pamilya San Jose.

5. Uuwi na ba tayo o makikipagkuwentuhan pa rito?

6. Ang mga mag-aaral ay nakikiisa sa proyekto ng paaralan at


nagtutulong-tulong sa pagpapalaganap nito.

7. Magkakaroon ng face to face sa paaralan kapag mayroon na tayong


gamot panlunas sa COVID-19.

8. Pagkakatiwalaan ka ng iyong kapwa kapag nagsasabi tayo nang tapat.

9. Tinatawag na mga pangkalahatang sanggunian ang diksyonaryo at


ensayklopedya.

10. Ang pagdaraos ng pista ay isang tradisyon ng mga Pilipino.

8
B. Panuto: Piliin ang titik ng pangungusap na katumbas ng hinihinging
kayarian.

1. (payak)
a. Malapit na ang ikatlong markahan ng mga mag-aaral.
b. Naging gabay ng mga mag-aaral ang Sariling Linangan Kit at naging
kapaki-pakinabang ang mga ito.

2. (tambalan)
a. Ang mga aklat ay puno ng kaalaman.
b. Ugaliin nating maghugas ng kamay at umiwas tayo sa matataong
lugar.

3. (payak)
a. Madali niyang mahanap ang lugar kung gagamitin niya ang google
map.
b. Nakaaaliw ang manood ng pelikulang tagalog.

4. (hugnayan)
a. Ang internet ay makabagong teknolohiya, dahil dito napabibilis ang
paghanap ng kasagutan.
b. Magsasaing ako sa tanghalian at magluluto rin ako ng ulam.

5. (tambalan)
a. Si Pepe ay matalino at si Jose ay masinop na bata.
b. Ang kaalaman ay tulad ng kayamanan.

Gawain 3
A. Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa inyong sagutang papel at
salungguhitan ang dalawang diwa o payak na pangungusap sa
sumusunod na tambalang pangungusap. Bilugan ang pangatnig na
nag-uugnay sa mga ito.
Halimbawa: 1. Bihis na ang ikakasal pero wala pa ang sasakyan.

2. Ang bata ay binuhat ng nanay at maingat siyang inilapag sa kama.

3. Gusto kitang samahan subalit may miting ako sa opisina.

4. Sumakay ka sa kotse at ako ay magtataksi na lamang.

5. Kumakain na ang karamihan pero ang ilan ay patuloy na


nagtatrabaho.

9
6. Ang mga mag-aaral ba ay aawit o sila ay sasayaw sa palatuntunan.

7. Si Megan ay nagbabalak na magbakasyon sa ibang bansa o baka


tutulong siya sa kaniyang ina.

8. Tulog na tulog ka habang ang kapatid mo ay gawa nang gawa sa


kusina.

9. Marami ang nagugutom habang tayo ay nag-aaksaya ng pagkain.

10. Manood ka muna ng balita sa TV habang naghahanda ako ng


hapunan.

B. Panuto: Bilugan ang sugnay na makapag-iisa at salungguhitan ang


sugnay na di-makapag-iisa sa pangungusap. Kopyahin ito sa iyong
sagutang papel.

1. Upang maging maligaya ka, tingnan mo lagi ang ibon, bulaklak, at iba
pang halamang nabubuhay araw-araw.

2. Dahil sa kariktan ng kapaligiran, naaakit akong manirahan sa malapit


sa dagat at kabundukan.

3. Ang payapang tubig sa dagat ay nakakakalma ng kalooban at ang


tahimik na kabundukan ay nakatutulong sa problema dahil
nakatatagpo tayo ng kasagutan sa piling ng kalikasan.

4. Ang pagmamahal ng Diyos ay tunay at ang biyaya niya ay walang


katapusan dahil mga anak niya tayo.

5. Kung gusto mong maranasan ang kaniyang pagmamahal ay isuko mo


ang buhay mo sa kaniya.

C. Panuto: Balikan ang mga pangungusap sa Gawain 3-B. Tukuyin at


isulat kung HUGNAYAN o LANGKAPAN ang pagkakabuo ng mga
pangungusap.

1. ______________ 4. ______________
2. ______________ 5. ______________
3. ______________

10
Sanayin Natin

Pagsasanay 1
A. Panuto: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang sumusunod na mga
tambalan at hugnayang pangungusap.

1. Madaling natatapos ang mahirap na gawain ______ ang bawat isa ay


nagtutulong-tulong.

2. Walang pagkakamaling hindi naitutuwid ______ ikaw ay nagsisisi.

3. Matagal na siyang naghihintay ______ hindi pa dumarating ang


kapatid.

4. Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang ______ maging maganda


ang iyong kinabukasan.

5. Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya ______ ang pamumuhay


ng
malaking pamilya ay mahirap.

B. Panuto: Gawing hugnayan ang dalawang payak na pangungusap na


nagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga. Kahunan ang ginamit na
pangatnig.
Halimbawa:
a. Magaling umawit ang ate ko.
b. Palagi siyang nananalo sa mga patimpalak.

Sagot: Magaling umawit ang ate ko kaya palagi siyang nananalo


sa mga patimpalak.

1. a. Umiyak ang sanggol.


b. Wala na siyang gatas.
_____________________________________________________________________.

2. a. Makakukuha si Nette ng mataas na marka.


b. Mag-aaral siya nang mabuti.
_____________________________________________________________________.

11
3. a. Aalis ang tatay.
b. Naghahanda ng mga gamit ang nanay.
_____________________________________________________________________.

4. a. Sumakit ang tiyan ni Dante.


b. Kumain siya ng matamis na mangga.
_____________________________________________________________________.

5. a. Nagsumbong si Megan sa guro.


b. Ayaw tumulong ni Trish.
_____________________________________________________________________.

Pagsasanay 2
Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa sumusunod na sitwasyon.
Gamitin ang iba’t ibang uri ng kayarian ng pangungusap sa pagsali sa
isang usapan o chat.
Halimbawa: Sasali ka sa paligsahan sa sayaw.
Sagot: Sasali ka ba sa paligsahan sa sayaw o sa susunod na?

1. Nagulat ka sa ipinakitang kagalingan sa pagbigkas ng tula ng iyong


kamag-aral sa paligsahan.
Sagot: ____________________________________________________________

2. Gusto mong malaman kung saan ang bahay ng iyong kamag-aral.


Sagot: ____________________________________________________________

3. Nais mong magpatulong sa kamag-anak mo sa pagpasok sa trabaho.


Sagot: ___________________________________________________________

4. Nakita mong nahihirapan sa pagdala ng gamit ang iyong kapatid.


Sagot: ____________________________________________________________

5. Ano ang gagawin mo sa susunod na pasukan?


Sagot: ____________________________________________________________

12
Tandaan Natin

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

• Payak- isang diwa lang ang tinatalakay.


• Tambalan- higit sa dalawang kaisipan, binubuo ng dalawa o
higit pang sugnay na makapag-iisa.
• Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at
sugnay na di-makapag-iisa at nagpapakita ng relasyong sanhi at
bunga. Pinag-uugnay ng kung, nang, bago, upang, kapag,
dahil, sapagkat.
• Langkapan – binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at
isang sugnay na di-makapag-iisa.

Suriin Natin

I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang P kung payak, T


kung tambalan, H kung hugnayan, at L kung langkapan ito.

1. Ibinibigay nila ang ating mga kailangang pagkain araw-araw.


2. Kapag nagtanim ka ng kabutihan, aani ka rin ng kabutihan.
3. Ang magsasaka ay nagtatanim at namamalakaya naman ng isda ang
mangingisda.
4. Magtatanim ka ba o manghihingi ka na lang upang ikaw ay mabuhay?
5. Ang nagtatanim ay nag-aani.
6. Ang mga Pilipino at mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas ang
bumubuo ng populasyon ng bansa.
7. Malaki ang pangangailangan sa isang lugar kung malaki ang
populasyon.
8. Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga taong naninirahan sa
isang pook.
9. Ang pagsusuri ng populasyon ay kailangan upang malaman ng
pamahalaan ang pangangailangan ng mga tao.
10. Ayon sa 2000 Census, umaabot sa 76.5 milyon ang kabuoang
populasyon ng Pilipinas at kalagayang pangkabuhayan ng mga tao.

13
11. Mahigit sa kalahati ng kabuoang populasyon ng bansa ang
naninirahan sa Luzon.
12. Pinag-aaralan ang mahahalagang datos ng populasyon ng Pilipinas at
sinangguni ito sa pagpaplano ng mga proyekto para sa tao.
13. Tinatayang umaabot na sa 102,624,209 milyon ang kasalukuyang
populasyon ng Pilipinas at ito ay nasa ika-13 puwesto sa talaan ng
mga bansang may pinakamalaking populasyon.
14. Mahalagang pag-aralan ang populasyon ng bansa sapagkat ito ang
nagsasabi ng katangian at kalagayang pangkabuhayan ng mga tao.
15. Ang naitalang 2,434,086 na bilang ng tao ay buhat sa Pangasinan
kaya inaasahang dadami ang yamang-tao rito.

Payabungin Natin

Panuto: Interbyuhin mo ang iyong mga magulang kung paano nila kayo
naitaguyod sa inyong pag-aaral sa panahon ng pandemya. Gumamit ng
iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagtatala ng inyong tanong.

Rubriks sa iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam

5 3 2 1
Nakasusulat ng Nakasusulat ng Nakasusulat ng Nakasusulat ng
sariling pangungusap na may malabong pangungusap
pangungusap na may isa hanggang nilalaman ng ngunit kulang at
may wastong tatlong mali sa pangungusap. mali ang gamit ng
bantas at gamit mga bantas at pangungusap.
ng malaki at gamit sa malaki at
maliit na titik. maliit na titik.

Pagnilayan Natin

Napakahalagang matutuhan ang iba’t ibang uri ng pangungusap dahil


dito mo maipahahayag ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pasulat.
Magagamit mo rin ito bilang kasanayan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

14
Susi sa Pagwawasto

tambalan 10.
hugnayan 9.
hugnayan 8.
hugnayan 7.
payak 6.
hugnayan 5.
tambalan 4.
payak 3.
payak 2.
hugnayan 1.

Subukin Natin

Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELC’s)

Liwanag, Lydia B., Ph.D., et al, (2011) Landas sa Wika 6, Batayang Aklat
sa Filipino, EduResources Publishing, Inc., Unit 407, #77 Visayas
Avenue, Quezon City 1128

Austria, Soledad M., Legaspi, Rutj L., Lalunio, Lydia P., et al, (2014)
Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon, Vibal Group, Inc.

Lemi, Liza M., (2012) Bukal 5 Serye sa Wika at Pagbasa, Edisyon K to 12,
2015, Brilliant Creations Publishing, Inc.

Angelica C. Tria, (2017), Katig 6, Pagbasa at Gramatika, Innovative


Educational Materials, Inc., IEMI Building, 2356 Revellin St., Sta.
Ana, Manila

Ester V. Raflores, (2006), Bagong Binhi, Filipino… Wika at Pagbasa 6,


JO-ES Publishing House, Inc., #388 Mc Arthur Highway,
Dalandanan, Valenzuela City

Emily V. Marasigan, (2007), Pluma 6, Wika at Pagbasa sa Batang


Pilipino, Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House, Inc., 927
Quezon Avenue, Quezon City

15
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph
16

You might also like