You are on page 1of 18

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Modyul 5: Gamit ng Wika sa
Lipunan
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 5: Gamit ng Wika sa Lipunan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Catherine N. Mirabel


Editor: Zander J. Macandog Imelda G. Narvadez
Mary Ann Rimpola Daryl R. Orenciada
Tagasuri: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Ana Maria B. Gojar Emma D. Gonzales

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Albert H. Noga; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa . ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin.

ii
Gamit ng Wika sa Lipunan

Panimula:

“Ang wastong paggamit ng wika ay isa sa pangunahing batayan ng


tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating. Ito ay hindi
simpleng pagsasalita, pagsulat, o pakikipag-usap, isa itong sining.”

Kaibigan, paano ka ba natutulungan ng wika sa araw-araw na pamumuhay?


Iyan ang pag-uusapan natin ngayon.

Kayang-kaya ba?
Magaling! Pinoy ka eh!
Halika! Umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, inaasahang


matatamo mo ang kasanayang
nabibigyang kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT- Ic- 86).

Layunin

1
Makikita mo sa kasunod ng pahina ang mga bagong
salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Talasalitaan

Basahin Natin.
▪ Blog
Vlog Liham
Pormulasyong
- Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog. Karamihan sa
Panlipunan
mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding
nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo
(video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging
naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

▪ Liham Pangangalakal

- Ang liham pangangalakal ay liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo


ng kalakalan. Ito ay mahalagang isntrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga
mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagsapalaran
sa kanila.

▪ Lipunan
- Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan
sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang
kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong
nagtutulungan at nagkakaisa.

▪ Pormulasyong Panlipunan

- Ang pormulasyong panlipunan ay isa sa mga uri ng pananalita o pangungusap na


kadalasang naglalahad ng pagbati, mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino, o
pagbibigay-galang sa mga nakatatanda.

▪ Wika
- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin o gamit ng wika ang sumusunod na mga
sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
a. Instrumental e. Hueristiko
b. Regulatori f. Imahinatibo
c. Interaksiyonal g. Representatibo
d. Personal o Impormatibo

Saan po
1. Pakikipag chat sa kaibigan. nagmula ang
COVID 19?
2. Pag-uutos ng magulang sa anak.
3. Pagpapahayag ng sariling opinyon sa isang pulong.

Siguro mas
makabubuti kung
magkaroon tayo ng
feeding program

Noong unang
panahon

4. Pagtuklas sa bagong kaalaman.


5. Pag-uulat ng lagay ng panahon.
6. Pagtukoy sa bibilhin sa mall.
7. “Noong unang panahon, panahon pa ng hapon, may isang hari.”
8. “Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno”
9. Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
10. Pakikipanayam sa Pangulong Duterte kaugnay sa ECQ sa Metro Manila.

Binabati kita. Natapos mo ang panimulang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
9-7 tamang Sagot – MAGALING
6- 4 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
3-0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Ang galing mo!
#Sana all! diba nasagutan mo ang panimulang
gawain.

Sa pagkakataong ito, magsisimula na tayong


palawakin pa ang iyong kaalaman.
Inaasahan ko ang iyong buong puso at husay na
pakikilahok sa lahat ng mga gawain.

Handa ka na ba? Tara!

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap,
pagtatanong, at pag-uutos.
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangangalakal, Liham Pangalakal
Pag-uutos

REGULATORI
Katangian: Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksiyon, Resipe, direksiyon sa isang lugar,
Paalala panuto sa pagsusulit at paggawa ng
isang bagay, tuntunin sa batas na
ipinatutupad

INTERAKSIYONAL
Katangian: Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan:
• Pangungumusta, Pag-anyayang • Imbitasyon sa isang okasyon
kumain, Pagpapatuloy sa bahay, (kaarawan, anibersaryo,
Pagpapalitan ng biro, at marami programa sa paaralan)
pang iba.

4
PERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Pasalita Pasulat
Pormal o Di- Pormal na Talakayan, Editoryal, o Pangulong- tudling, liham sa
Debate, o Pagtatalo patnugot, pagsulat ng suring- basa,
suring- pelikula o anumang dulang
pantanghalan

HEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik, Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at
at Pakikipanayam Disertasyon

REPRESENTATIBO / IMPORMATIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o
sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig Mga anunsiyo, patalastas, at paalala
sa mga simbolismo ng isang bagay o
paligid

IMAHINATIBO
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa
wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay – bagay upang maipahayag niya ang kaniyang
damdamin.

Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula Pagsulat ng Akdang Pampanitikan

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

5
Paano ka natutulungan ng Ang wika ay kasangkapan ng tao
wika sa araw-araw na sa pakikipagkomunikasyon sa
buhay? kapwa at sa lipunang kanyang
ginagalawan.

Sa pamamagitan ng wika at sa
mga salitang may tiyak na
kahulugan, naipapahayag ng tao
ang kanyang mga naiisip o
nararamdaman- pasulat man o
pasalita.

Mas organisado, mas


Ano ang malawak, at mas kumplikado.
kaibhan ng Sa pamamagitan nito
wika ng tao? nagkakaugnayan at
nagkakaisa ang mga tao.

Yehey!!! Nagustuhan mo ba ang mga tinalakay?


Mabuti kung ganoon. Halika sagutin na natin ang mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat sa


Pagsasanay kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Naipapahayag sa malikhaing paraan at naipapakita


ito sa pamamagitan ng paglalarawan o pagsasalaysay.
PILIIN MO! Lumilitaw sa tungkulin na ito ang pagiging masining at
ma-retorika sa paggamit ng wika upang pukawin ang
guni-guni ng isang tao.
6
a. Interaksiyonal c. Imahinatibo
b. Instrumental d. Heuristiko

2. Halimbawa ng tungkulin o gamit ng wika na ito ay ang paggamit ng mga


tayutay, idyoma, sagisag at iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan.
a. Heuristiko c. Personal
b. Interaksiyonal d. Imahinatibo

3. Nagpapanatili o nagpapatatag sa relasyong sosyal.


a. Interaksiyonal c. Personal
b. Impormatibo d. Imahinatibo

4. Tungkulin ng wika ang pagkontrol sa kilos at asal ng tao. Nagagawa nitong


pasunurin ang tao batay sa diwa ng pahayag.
a. Heuristiko c. Impormatibo
b. Regulatori d. Instrumental

5. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa kapwa,


gumagamit ng mga salitang nakagawian sa pakikipagrelasyon sa kapwa.
a. Imahinatibo c. Impormatibo
b. Personal d. Interaksiyonal

6. Halimbawa ng gamit ng wika na ito ang pagsunod sa panuto, at mga babala.


a. Imahinatibo c. Regulatori
b. Impormatibo d. Heuristiko

7. Paghahanap ng impormasyon o datos.


a. Interaksiyonal c. Heuristiko
b. Regulatori d. Personal

8. Pagpapahayag ng opinyon sa mga isyu, tulad ng Racisim, ABS-CBN


Shutdown, Curfew, Covid 19, maaari rin sa pormal o di pormal na debate.
a. Personal c. Instrumental
b. Imahinatibo d. Regulatori

9. Pagbibigay ng datos o impormasyon- nagbibigay ng detalye mula sa


tagapagpahayag.
a. Instrumental c. Regulatoril
b. Imahinatibo d. Impormatibo

10. Tumutugon sa pangangailangang interaksiyonal, teknikal, o propesyonal.


Halimbawa nito ay resume at sulat.
a. Interaksiyonal c. Heuristiko
b. Personal d. Regulatori
7
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 13.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 5, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isang gawaing
Pagsasanay di lang susukat sa talas ng iyong isip kundi
maging sa iba mo pang talento tulad ngpagguhit.

Panuto: Sa ¼ puting kartolina gumawa ng sariling poster na


I-DRAWING MO! nagpapakita sa mga natutunan tungkol sa tungkulin o gamit
ng wika sa lipunan. Gumuhit ng mga larawan o simbolong
angkop sa pagpapaliwanag. Gawing simple ngunit makahulugan ang poster.

Rubric sa Poster:
Pamantayan Indikador Puntos
Nilalaman - Naipakita at Naipaliwanag nang 21-25
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa ng poster.

Kaangkupan ng - Maliwanag at angkop ang 16-20


konsepto mensahe sa paglalarawan ng
konsepto.
Pagkamalikhain - Orihinal ang ideya sa paggawa 11-15
(Originality) ng poster.
Kabuuang Presentasyon - Malinis at Maayos ang kabuuang 6-10
presentasyon.
Pagkamalikhain - Gumamit ng tamang 1-5
(Creativity) kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe

8
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang


masagutan ang ikatlong pagsasanay.
MAHALAGANG IDEYA:
Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating
kabihasnan. Hindi naging mahirap ang pakikipagkomunikasyon sapagkat
maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan. Nariyan
ang internet, fax, cellphone, telepono, liham at iba pa. Subalit, gaano man
kamoderno ang sistema ng komunikasyon, hindi maipararating sa
kinauukulan kung hindi tayo marunong bumuo ng liham na nagsasaad ng
mga bagay na nais iparating.

Isa sa tungkulin o gamit ng wika ay ang pagtugon sa mga


pangangailangan, halimbawa nito ay ang pagsulat ng isang
Pagsasanay liham pangalakal.
Panuto: Sumulat ng liham sa puno ng barangay.
SULAT KAY KAP! Kaugnay ng nararanasang pandemyang COVID 19.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat:


- Sundin ang tamang pormat at bahagi ng liham.
- Kailangang maging matapat, magalang, maayos ang sulat.
- Maaaring humingi ng tulong, naglalahad ng suliranin, nangangailangan ng aksyon,
nagpapasalamat o bumabati sa nagawang tulong ng lider.
- Gawin sa short size bond paper.

Ang isinulat ay tatayain sa sumusunod na pamantayan.


A. Nilalaman ________________________________ (70%)
- Kaugnayan sa paksa
- Pagkakaugnay ng kaisipan
- Makatotohanang mga halimbawa
B. Teknikal ___________________________________ (30%)
- Margin, bantas, tamang baybay ng mga salita atbp.
- Tamang gamit/ kaangkupan ng mga salita
Kabuuan __________________________________ (100%)

9
Bilib na talaga ako sa iyo!
Nagawa mo nang buong husay ang lahat ng mga pagsasanay.
I-shade ang emojing nagpapakita ng iyong naramdaman matapos malaman
ang resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa iyong mga


natutuhan sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil
mas pinadali ito. Huling pagsubok na lamang ang
kailangan mong gawin.

I-BUOD MO! Panuto: Bilang pagtatapos, ibuod ang mga tinalakay, sa


pamamagitan ng Concept Map, isulat ang mga natutuhan sa araling
ito at gumawa ng sintesis pagkatapos. Gawin sa long size bond paper.

Panapos na Pagsubok

Mga Natutuhan
sa Aralin

10
Sintesis:

____________________________________________
__________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.

Magaling!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap?
Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

11
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain at


pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang gawain.
Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!
I-BIDYO MO!

Panuto: Nauuso ang paggawa ng Vlog kaya’t naisipan mo ring gumawa, dito ay nais
mong ipaliwanag ang kahalagahan ng tungkulin o gamit ng wika sa lipunan. Ang Vlog
ay tatakbo sa loob ng 5-10 minuto. Maaaring obserbahan ang mga eksena sa loob
at labas ng tahanan bilang mga halimbawa. (Observe physical/social distancing)
Tatayain ayon sa mga impormasyong naibahagi, linaw at pagkamalikhain o ganda ng
Vlog.
Rubric sa Pagmamarka:
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Impormasyong naibahagi/Nilalaman 50%
Linaw/Organisasyon 25%
Ganda ng Vlog 25%
(iba pang may kaugnayang
pangteknikal)
KABUUANG MARKA 100%
MARKA
Napakahusay- 91-100%
Mahusay- 90-81%
Mahusay-husay- 80-76%
Nagsisimula- 75% pababa

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo!

12
13
Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1
1. C 1. C
2. A/B 2. D
3. D 3. A
4. E 4. B
5. D
5. E/G
6. C
6. A
7. C
7. F
8. A
8. B
9. D
9. C
10. A
10. E
Pagsasanay 2, 3 at Karagdagang Gawain
- Tatayain ayon sa ibinigay na rubric/ pamantayan sa
pagmamarka.
Panapos na Pagsubok
instrumental, heuristiko,
regulatori, imahinatibo,
wika Mga Natutuhan interaksyunal,
personal
sa Aralin
M.A.K. representasyon
Halliday o impormatibo
Susi sa Pagwawasto
MGA SANGGUNIAN:
Website:

“Boardroom Meeting, Business, Diversity Royalty Free Vector Clip Art Illustration”
galing sa http://search.coolclips.com/m/vector/busi2619/Boardroom-meeting,-
business,-diversity/
“Child Asking Question Illustrations & Vectors” galing sa
https://www.dreamstime.com/illustration/child-asking-question.html
“Grandmother telling story illustrations” galing sa
https://www.shutterstock.com/search/grandmother+telling+story?image_type=
illustration
“Kahulugan ng Blog” galing sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Blog
“Lipunan” galing sa Wikipedia Malayang Ensiklopedya
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lipunan
“Modyul 5 Pagsulat ng Liham- Pangangalakal na Nag-aaplay sa Trabaho” galing sa
https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-5-pagsulat-ng-liham-
pangangalakal-na-nagaaplay-sa-t
“Rubric para sa poster” galing sa https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-
Para-Sa-Poster

“Speech ballon clip-art” galing sa


https://www.google.com/search?q=speech+balloon+clipart&sxsrf=ALeKk02c0
TNLtXRMUx7ipDWlFNlLkBA7nQ:1591030248437&source=lnms&tbm=isch&s
a=X&ved=2ahUKEwicq6PGieHpAhUDHXAKHZJ2Cj4Q_AUoAXoECAsQAw&
biw=1366&bih=657#imgrc=7UlNAT5EHlKBXM&imgdii=WrvDLlRciI5ERM

“Wika” galing sa Wikipedia Malayang Ensiklopedya https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika.


karlnadunza Ambitious. “pormulasyong panlipunan” galing sa
https://brainly.ph/question/409736
Ortiz, Allan A. “Liham Pangangalakal” Oct 22, 2014, galing sa
https://www.slideshare.net/allanortiz/liham-pangangalakal-40575494

Aklat:

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG


PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

14
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like