You are on page 1of 3

ICCT Colleges Foundation Inc.

V.VSoliven Avenue II Cainta, Rizal


3rd Trimester 2019-2020
Preliminaryong Pagsusulit
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
SET B

Pangkalahatang Panuto:

 Basahing mabuti ang bawat pahayag.


 Isulatang MALAKING LETRA ng tamang sagot.
 Gumamit lamang ng ITIM na panulat.
 Iwasan ang anumang uri ng pagbubura.
 Isulat ang sagot sa “test booklet”

I. MARAMING PAGPIPILIAN. Basahin ang mga sumusunod na pahayag piliin ang titik na
tamang naglalarawan, sumasagot sa katanungan.

1. Ito ay proseso ng pagkakakilanlan, ano ang ating alam at paano natin nalaman.
a. Metakomprehensyon b. Metakognitiv c. Metakognisyon d. Interaktib
2. Anong uri ng teksto ang babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina?
a. Profesyunal b. Ekspositori c. Akademik d. Pananaliksik
3. Ano ang kaalaman at pagkabatid ang ginagamit na istratehiya sa pagkontrol ng proseso ng
pag-iisip?
a. Metakomprehensyon b. Metakognitiv c. Metakognisyon d. Interaktib
4. Katangian ng teksto na nagbubunsod na maging moderno ang mga bagay na
makatutulong upang maging magaan ang pag-aaral.
a. Literatura b. Teknolohiya c. Agham d. Kasaysayan
5. Isang anyo ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat.
a. Ekspositori b. Paglalahad c. Pagbasa d. Interaktib
6. Isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas gamitin.
a. definisyon b. enumerasyon c. sekwensyal d. prosejural
7. Anong register na disiplina ang binibigyang pansin ang pag-aaral ng tao at ang
pag-uugnay ng tao sa ibang kultura?
a. Agham b. Teknolohiya c. Literatura d. Agham Panlipunan
8. Layunin na maglahad ng ng mga karagdagang impormasyon sa kani-kanilang
larangan.
a. Akademik b. Ekspositori c. Profesyunal d. Literatura
9. Ito ay bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa ng malinaw, sapat at walang
kinikilingang pagpapaliwanag sa nasasaklaw ng pag-iisip.
a. Literatura b. Akademik c. Profesyunal d. Ekspositori
10. Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa simpleng pahayag.
a. konotasyon b. paglalahad c. balita d. denotasyon
11. Anong proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa
pagkakabuo ang mahalagang salik sa pag-unawa?
a. Bottom-up b. Iskema c. Interaktib d. Top-down
12. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, nobela, talambuhay, dula,
balita atbp. na humahantong sa isang kongklusyon.
a. sekwensyal b. prosejural c. kronolohikal d. paglalahad
13. Di-tuwiran ang kahulugan, nagkakaroon ng ikalawang kahulugan o pahayag.
a. paglalahad b. denotasyon c. konotasyon d. maanyo
14. Ginagamit sa pagpapahayag, mga kahigitan o kalamangam ng isang bagay sa iba.
a. pagsusunod-sunod b. paghahambing c. pagkokontast d. b&c
15. Isang disiplina na nangangailangan ng komprehensibong kinalabasan ng isang bagay na
sinubok gamit ang pagmamasid at pangangalap ng datos.
a. Teknolohiya b. Agham c. Literatura d. Matematika

II. PAGTAPAT-TAPATIN. Basahin ang mga pahayag sa Hanay A at hanapin sa Hanay B


ang tamang umuugnay dito.
HANAY A HANAY B
16. Pabula a. Ang damdamin ang higit sa halip na
kilos ang binibigyang diin.
17. Kuwento ng Katutubong Kulay b. Isang akda na nasa anyo rin ng
tuluyan. Binubuo ng mga kabanata.
18. Maikling Kuwento c. Isang maikling kathang maaaring
hango sa totoong buhay
19. Kuwentong Bayan d. Isang kathang pampanitikan na ang
pinakadiwa ay mga bagay na
makaysayan.
20. Alamat e. Isang akda na nasa anyo rin ng
tuluyan, mga genre ng panitikan.
21. Sanaysay f. Anyo ng panitikan na ang layunin ay
magpakita sa isang tanghalan sa
pamamagitan ng kilos.
22. Parabula g. Ang may-akda ay lumilikha ng
masuliraning kalagayan na
magalinlangan ang mambabasa.
23. Dula h. Kuwentong ang tauhan ay mga
hayop.
24. Salaysay i. Maaaring may sukat, tugma,
kagandahan o kariktan at
makabuluhang diwa.
25. Tula j. Ang uring ito ng maikling kuwento ay
nangingibabaw, timbang na timbang
ang mga bahagi.
26. Kuwento ng Katatakutan k. Kuwentong mula sa banal na
kasulatan.
27. Kuwento ng Talino l. Inilalarawan ang mga tauhan sa
isipan ng mambabasa.
28. Kuwento ng Katatawanan m. Binibigyang diin ang kapaligiran ng
kuwento.
29. Kuwento ng Sikolohiko n. Maykabagalan at biglang paglihis sa
balangkas ang galaw sa pangyayari
ng kuwento.
30. Nobela o. Kadalasang pinagsasalin-salin
lamang ng dila.
p. Isang pagtatalong patula na
kinapapalooban ng matalinong
pangangatwiran.
q. Binibigyang pansin ang mahalagang
pangyayari ng kuwento.
III. MORSE TYPE. Basahin ang sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik
na tamang naglalarawan sa bawat bilang. (2pts.)

A. Kung ang una at pangalawang pahayag ay tama


B. Kung ang una ay tama at ang pangalawa ay mali.
C. Kung ang una ay mali at ang pangalawa ay tama.
D. Kung ang una at pangalawang pahayag ay mali.

31. Interaktibong Proseso ng Pagbasa


 Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng
teksto.
 Malalaman na may interasyon na naganap sa pagitan ng mambabasa at
teksto kung may interpretasyon, pagpapalawak, pagtatalakay sa mga
alternatibong posibilidad at iba pang kongklusyon.
32. Tekstong Profesyunal
 Komprehensibo ang pagkakalahad
 Maligoy ang paksa
33. Pagsusunod-sunod
 Ang prosedyural ay pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento, nobela, talambuhay, dula, balita, at iba pang hahantong sa isang
kongklusyon.
 Ang kronolohikal ang mga pangyayari ayon sa kung kalian nangyari ito.
34. Dimensyon sa Metakomprehensyon
 Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa
pagsasagawa ng gawaing pagbasa.
 Pagmomonitor ng sarili.
35. Uri ng tula
 Ang Tulang Pandamdamin ay naglalahad ng mga saloobin, damdamin,
imahinasyon at karanasang maaaring sarili ng may-akda o ng ibang tao.
 Tulang Padula ay kinapapalooban ng matalinong pangangatwiran, talas
ng pag-iisip at talim ng diwa.
36. Uri ng Maikling Kuwento
 Salaysay ay may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng
mga pangyayari.
 Kuwentong Sikolohiko ay inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng
mambabasa.
37. Nobela
 Maraming tauhan at maaaring totoo o likhang isip ang mga pangyayari.
 Isang akda na nasa anyong tuluyan.
38. Sanaysay
 Ang maanyo ay maingat na pagpili ng at paghahanay ng mga salita.
 Ang Malaya ay medalingmaunawaan at parang nakikipag-usap lamang.
39. Dula
 Ang salita ay nagbibigay-buhay sa mga tauhan.
 Ang layunin ay hindi lamang basahing kundi panoorin ng madla.
40. Aspeto ng Metakognisyon
 Ang pagkakaroon ng kamalayan kung kalian hindi maunawaan ang isang
bagay.
 Ang pagkakaalam sa istratehiyang dapat gamitin upang maiwasan ang
kakulangan sa pag-unawa.

You might also like