You are on page 1of 3

ANDRES BONIFACIO SENIOR HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSULAT NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


1ST QUARTER EXAM

NAME: DATE: _________________


SHS TRACK & GRADE: SCORE: _______________

Panuto: Isarado at itago ang aklat at ang mga kinopya sa Komunikasyon. Bawal magbura ng sagot.
Tumahimik habang sumasagot ng mga katanungan. Bawal kumopya sa kaklase.

PAGSUBOK I: Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari at impormasyon.
a. Sanaysay b. Talambuhay c. Alamat d. Kurido
2. Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng
isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.
a. Awit b. Balita c. Sanaysay d. Alamat

3. Ito ay isang maiksing komposisyon na naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.


a. Sanaysay b. Parabula c. Pastoral d. Epiko
4. Mga patulang pasalaysay na paawit kung basahin at kinapapalooban ng romansa o pag- iibigan,
pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.
a. Balita b. Pabola c. Awit at Kurido d. Alamat
5. Ito ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikitunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway.
a. Epiko b. Salawikain c. Bugtong d.Kasabihan
6. Ito ay pahayag na nagbibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang
ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
a. Awiting bayan b. Salawikain c. Epiko d.Kasabihan
7. Isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
a. Kurido b. Sanaysay c. Alamat d. Salawikain
8. Tumutukoy sa paggamit ng maraming wika. Ito ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
a. Awiting Bayan b. Pabola c. Awit at Kurido d. Epiko
9. Isang uri ng panitikan na sinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
a. Dula b. Bugtong c. Maikling Kwento d. Palaisipan
10. Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
a. Salawikain b. Palaisipan c. Epiko d. Bugtong
11. Ang kwentong hinango ng banal na kasulatan.
a. Pabula b. Parabula c. Maikling Kwento d. Dula
12. Ito ay mga maiksing pangungusap na lubhang makakahulugan at naglalaman ng mga
karunungan.
a. Kurido b. Palaisipan c. Kasabihan d. Salawikain
13. Pahulaan o patuturan.
a. Epiko b. Salawikain c. Bugtong d.Kasabihan
14. Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may isang kakilanlan o impresyon.
a. Dula b. Bugtong c. Maikling Kwento d. Palaisipan
15. Marapat na maglaman ang papel ng mga makatotohanang datos, batay sa empirical na resulta at
patas na mananaliksik, valideytor at editor nito.
a. Pagiging Orihinal c. May Sistema
b. Obhektibo d. Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon
16. Sa pangkalahatan, maaaring masabing ang isang pananaliksik ay kwalitatibo o kantitabo.
a. Napapanahon At Naglalatag Ng Solusyon c. May Sistema
b. Obhektibo d. Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon
17. Pinakamahalaga sa papel na ito ay totoo at orihinal sa isinulat ng isang mananalisik at hindi
ipinagawa o kinopya lamang mula sa mga nauna pang pag-aaral.
a. Pagiging Orihinal c. May Sistema
b. Obhektibo d. Dumaan sa Pagsusuri at Validasyon
18. Maraming mga pananaliksik ang naiiwan sa pagtukoy sa suliranin at pagmumungkahi na
solusyunan nito ngunit nagiging kapos sa detalyado at kongkretong mga hakbangin para sa
paglutas ng nasabing suliranin.

Inihanda ni:
Anna Marie I. Icawalo, LPT, MAEd
ANDRES BONIFACIO SENIOR HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSULAT NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
1ST QUARTER EXAM

a. May Sistema c. Napapanahon At Naglalatag Ng Solusyon


b. Obhektibo d. Pagiging Orihinal
19. Ito ang susi sa pagkakaroon ng isang maaasahan at matagumpay na resulta ng pananaliksik.
a. May Kakayahan sa Pakikipanayam c. Marunong magsulat at magresiba
b. Matiyaga at Disiplinado d. Lohikal at Bukas sa mga Posibleng Pagbabago
20. Ang pananaliksik ay isang gawaing humihingi ng mahabang oras at panahon, lakas at disiplina
sa isip at pisikal na pangangatawan.
a. May Kakayahan sa Pakikipanayam c. Marunong magsulat at magresiba
b. Matiyaga at Disiplinado d. Lohikal at Bukas sa mga Posibleng Pagbabago
21. Sa Nobela ng Romansa, ang diin ng akda ay ang paghahangad ng pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
22. Ang Pangkatauhan ay Uri ng Nobela na binibigyang diin ang personalidad ng
pangunahahing tauhan.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
23. Sa Pangkaisipan, binibigyang diin sa akda ang kaisipan o makabuhulang diwang taglay ng
kuwento.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
24. Ang Melodrama ay isang uri ng maikling kuwento.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
25. Ang Sikolohikal ay uri ng maikling kuwento na nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing
tauhan.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
26. Ang Talambuhay na Pansarili ay paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya
mismo ang may akda.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
27. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal ay isang halimbawa ng Talambuhay na Pang-iba.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
28. Ang Talambuhay na Karaniwan ay isang uri ng talambuhay ayon sa paksa at sa may
akda.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
29. Sa Nobela ng Romansa, ang diin ng akda ay ang paghahangad ng pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B
30. Ang Awit ay mayroong lalabindalawahing pantig samantalang wawaluhing pantig naman
ang Kurido.
a.Tama b. Mali c. Walang Sagot d. Parehong A at B

PAGSUBOK II: Tukuyin ang tamang sagot. Ang maling pagbabaybay ay mamarkahang mali.

31. Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ang karunungan at kasiyahan. Pangunahin
itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t-ibang larangan ng buhay. _____________
32. Sapagkat ang isip ng mambabasa ay itinuturing na kritikal at malikhain. _________________
33. Ito ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng
suliranin na itinituon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin. _________________
34. Ang Alibughang Anak ay halimbawa ng uri ng panitilkan na _________________.
35. Ang _________________ ay ukol sa palarawang pagsusuri sa pananaliksik.
36. Ang _________________ ay nakabatay sa paggamit ng estadestikal na instrument sa pagsusuri.
37. Marapat na maging handa ang mananaliksik sa pakikipanayam sa sinumang taong makakatulong
sa pagpapabuti ng pananaliksik. _________________
38. Ang _________________ ay uri ng dula na ang paksa ay katawa-tawa.
39. Uri ng panitikan na naglarawan ng tunay na buhay sa bukid. _________________
40. Inaasahan na ang mananaliksik ay patas. ___________________

Inihanda ni:
Anna Marie I. Icawalo, LPT, MAEd
ANDRES BONIFACIO SENIOR HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSULAT NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
1ST QUARTER EXAM

PAGSUBOK III: Sagutan ang mga sumusunod. Ang maling pagbabaybay ay mamarkahang mali.

Katangian Ng Mahusay Na Mananaliksik

41. __________________________________

42. __________________________________

43. __________________________________

44. __________________________________

45. __________________________________

46. __________________________________

47. __________________________________

Isulat ang kahulugan ng Pagbasa batay sa teoretikal na pagpapakahulugan ni Kenneth Goodman

48. __________________________________

49. __________________________________

50. __________________________________

“Magdasal hindi para lang humingi, ngunit magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.”

Inihanda ni:
Anna Marie I. Icawalo, LPT, MAEd

You might also like