You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8

Pangalan: ______________________________________ Seksyon: ___________ Petsa: ___________ Iskor:


Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ang sentro o pokus ng pagpapalawak ng ideya tungkol sa paksa.
a. paksang pangungusap b. pangunahing kaisipan c. pantulong na kaisipan d. hulihang pangungusap
2. Ano ang layunin ng pantulong na kaisipan?
a. Magbigay ng interpretasyon tungkol sa akda
b. Maglahad ng mensaheng nakapaloob sa larawan o sanaysay
c. Tumulong, magpalawak at magbigay linaw sa pangunahing kaisipan
d. Sinasabi nito ang kabuuang larawan, mga pangungusap o maikling kuwento
3. Saan madalas matagpuan ang pangunahing kaisipan?
a. unahan at gitna b. gitna at hulihan c. unahan at hulihan d. unahan lamang
4. Tumutukoy sa mga paraan ng pagkakabuo ng mga salita.
a. kaantasan ng salita b. aspekto ng salita c. kayarian ng salita d. panahunan ng salita
5. Paano naging masining ang Balagtasan?
a. Nagpapakita ng kahusayan sa pag-alala c. Gumagamit ng mga elemento ng pagpapaliwanag
b. Sa kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha d. Ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatuwiran
6. Ang mga nakatala sa ibaba ay mga layunin ng Balagtasan maliban sa isa.
a. Malinang ang kahusayan sa pagbigkas
b. Makapagbigay-aliw sa tagapakinig o manonood
c. Mapatalas ang diwa sa maagap na pagtugon sa paraang patula
d. Maipaliwanag ang panig para mabigyang linaw ang Lakandiwa
7. Sino-sino ang bumubuo sa Balagtasan?
a. Lakandiwa at isang mambabalagtas c. Lakandiwa at dalawang mambabalagtas
b. Lakandiwa, mambabalagtas at pinagtatalunan d. Lakandiwa, mambabalagtas at mga hurado
8. Alin ang pamamaraan ng pagtatanghal sa Balagtasan?
a. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig
b. Ang mga nagtatalo ang siyang magpipinid ng labanan at magbibigay ng hatol
c. Dapat hindi magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba ang mga kalahok
d. Pinahihintulutan ang pagbibigay ng karagdagang paglilinaw bukod sa nakabisang piyesa
9. Isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo.
a. moro-moro b. komedya c. sarsuwela d. karilyo
10. Ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas
a. Teatro Fernandez c. Teatro Hernandez c. La Teatro Fernandez d. La Zarzuela
11. Pinakakaluluwa ng isang dula.
a. Tanghalan b. Tagadirehe c. Iskrip d. Aktor
12. Nagsasaad kung naganap na ang kilos o hindi, kung nasimulan na, kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa.
a. kayarian ng pandiwa b. kaantasan ng pang-uri c. aspekto ng pandiwa d. kayarian ng pang-uri
13. Lumaganap ang sarsuwela noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano. Anong panahon naisagawa ang kilos?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos
14. Dahilan ni Manuel Quezon sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng wikang pambansa.
a. Para sa pambansang pagkakaisa
b. Dahil sa wikang Ingles at Kastila
c. Upang maitaguyod ang Tagalog bilang wikang ganyang kinagisnan
d. Upang mas maging matatag at magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga Pilipino
15. Isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang
bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatuwiran
16. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Nagkalat ang mga magnanakaw,mag-ingat ka! Ang pases mo Kiko, baka mawaglit.
Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw.
Saan madalas makikita o maririnig ang ganitong klase ng eksena?
a. lungsod b. lalawigan c. bayan d. nayon
17. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Anong antas ng pang-uri nabibilang ang nasalungguhitan?
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Panahunan
18. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
Anong antas ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap?
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Panahunan
19. “Mahiwaga ang buhay ng tao
Ang bukas ay di natin piho” Ano ang pangunahing kaisipan ng taludtod?
a. May kani-kaniyang panahon ang buhay
b. Ang buhay ng tao ay balot ng kahiwagaan
c. Sa guhit ng palad makikita ang ating kinabukasan
d. Ang lahat ng kaganapan sa ating buhay ay kaloob ng Diyos
20. “Saka, pag humihip ang hangin, malakas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak
At baka lagutin ng hanging malakas.” (Ang Guryon) Sa anong taludtod matatagpuan ang mga pantulong na kaisipan?
a. taludtod bilang 1 at 2 b. taludtod bilang 2 at 3 c. taludtod bilang 3 at 4 d. taludtod bilang 1 at 4
21. Ano ang ipinahiwatig ni Kampupot sa wakas ng balagtasang “ Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”?
a. Si Bubuyog ang malapit sa pagliligawan
b. Hindi niya iniibig sina Bubuyog at Paruparo
c. Nilinlang ni Kampupot sina Bubuyog at Paruparo
d. Si Paruparo ay lumaki mismo sa tangkay ni Kampupot
22. Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
Ano ang mensaheng nais ipabatid nina Bubuyog at Paruparo?
a. Mananatili hanggang wakas ang pagmamahal nila para kay Kampupot
b. Pagmamahal ang tanging nagbigay ng lakas kina Bubuyog at Paruparo
c. Isinangla ni Bubuyog at Paruparo ang pagmamahal nila kay Kampupot
c. Ang naiwang sangla ay nagkahalaga ng buhay nina Bubuyog at Paruparo
23. Ano ang inilahad na tema ng sarsuwelang “Walang Sugat”?
a. pakikihamok para sa kinabukasan c. kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya
b. pagmamahalan sa gitna ng digmaan d. panlilinlang ng simbahan at pamahalaan
24. Batay sa mga pahayag ni Tenyong, ano ang dinanas ng kanyang ama sa kamay ng mga prayle?
a. Tinortyur nang matindi at nasa bingit na nang kamatayan
b. Dinagdagan siya ng mga rasyon ng palo at hindi pinakain
c. Naging maayos ang trato ng mga prayle kay Kapitan Inggo
d. Mabuti ang naging kalagayan ni Kapitan Inggo sa bilangguan
25. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: “Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang
nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.”
a. itataguyod ang pagpapatuloy ng Kastila
b. patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan
c. manggagaling sa mga dayalektong ginagamit sa Pilipinas ang wikang pambansa
d. ang wikang pambansa ay magmumula sa mga wikang itiburo ng mga dayuhan sa Pilipinas
26. Sa mga pagkakataong ito lamang naunawaan ni Manuel Quezon ang kakulangan sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
a. pilit ginagaya ng mga Pilipino ang mga kilos at gawi ng mga dayuhan
b. pagkakaroon ng pambansang kamalayan at pagkakaisa ng mga tao
c. pagtatalo ng mga Ilokano, Bisaya at Tagalog sa pagnanais na ito ang maging wikang pambansa
d. kapag naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang mga kapwa mamamayan, kailangan niya ng tagapagsalin
27. Ano ang nais ipahiwatig ng obra maestrang kuwento ni Narciso G. Reyes na pinamagatang “Lupang Tinubuan”?
a. Paggalang sa bayang sinilangan
b. Kapag sama-sama ang pamilya, may pagkakaisa
c. Isang kadakilaan ang paglingon sa mga alaala ng nakalipas
d. Pagkakaroon ng isang tunay na pamilya na may pagmamahalan ay napakalaking nang kayamanan na maituturing
28. Sa kabuuang salaysay ng kuwento, ano ang mabubuong hinuha rito?
a. dapat magbalik-tanaw sa lupang kinagisnan upang hindi magtampo
b. dapat pagmalasakitan ang mga kamag-anak na nakatira sa lalawigan
c. dapat marunong tumanaw ng utang na loob at magbigay ng donasyon para sa ikauunlad nito
d. dapat balikan natin ito at huwag natin kalimutan ang lugar ng ating kapanganakan at pagkabata
29. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid
upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa.
Ano ang kaibig-ibig na katangian ng bata sa kuwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata?
a. mabait c. mahiyain c. masikap d. may pagkukusa
30. Payak na katotohanan tungkol sa buhay ng bata ayon kay Genoveva Edroza-Matute.
a. munting ulilang galing sa lalawigan c. pinakamasipag sa pagliligpit ng mga gamit panlinis
b. pinakamaliit at pinakapangit siya sa klase d. kinupkop ng kamag-anak sa lungsod upang pag-aralin
31. Tungkulin natin ang tumulong sa mga kapus-palad. Anong kayarian ng salitang ginamit sa pangungusap?
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
32. Bughaw ang kulay ng langit. Tukuyin ang kayarian ng salitang may salungguhit.
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
33. Taimtim na nanalangin ang buong komunidad para sa mga nasalanta ng bagyo. Anong kayarian ng pang-uri nahahanay ang
nasalungguhitang salita? a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
34. Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya
o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin.
a. Mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat c. Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
b. Paggamit ng “po” at “opo” d. Paggamit ng sanhi at bunga
35. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
36. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon . Ano ang ipinahahayag ng pangungusap?
a. pagsang-ayon b. pagsalungat c. pauyam d. pangitain
37. Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia)
maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana ). Anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa dayalogo?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos
38. Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Anong kilos ang isinagawa sa dayalogo ni Lukas at Tenyong na nasa aspektong perpektibo?
a. Napaano b. Dinakip c. Diyata d. Boluntaryo
39. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan
upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas . Alin sa mga paraang ng
pagpapahayag ang aakma sa pahayag na ito?
a. pagngangatuwiran b. paglalahad c. paglalarawan d. pagsasalaysay
40. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon
wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos ! Ano ang paraan ng
pagpapahayag ang ginamit?
a. pagngangatuwiran b. paglalahad c. paglalarawan d. pagsasalaysay
41. Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba.
Ano-ano ang mga salitang ginamit sa pahayag na nasa antas na Lantay?
a. nag-iisa at simula c. mahiyain at tahimik
b. nakikita at gumagawa d. umiiwas at pinagtakhan
42. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang
nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Ano ang antas na kinabibilangan ng salitang nasalungguhitan?
a. Lantay b. Pahambing c. Pasukdol d. Tambalan
43. Ang hiling ko lamang bago paliparin,
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Anong salitang-ugat at panlapi ang pinagsama upang mabuo ang salitang pakatimbangin?
a. bang + pakatim-, -in b. timba + paka-, -ngin c. timbang + paka-, -in d. bangin + pakatim-
44. Ang payak na salitang mabubuo sa salitang kaligayahan ay ________ a. gaya b. kaliga c. ligaya d. gayahan
45. Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan. –mula sa Kabayanihan ni Lope K. Santos
Ang unang taludtod ng tula ay nasa kayariang ______ a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
46. Lakandiwa: Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.
Ayon sa Lakandiwa, ang isang mambabalagtas ay dapat na may gata sa dila. Ano ang mahihinuhang kahulugan ng eupemismong ito?
a. magandang kumilos b. batikang makata c. mahusay bumigkas d. magaling sa pag-alala
47. Bubuyog: Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. -Ano ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito ni Bubuyog?
a. mga pusong naghihimagsik sa isa’t isa c. dalawang pusong pinag-isa ng wagas na pagmamahal
b. mga taong umiibig na pilit pinaghihiwalay d. dalisay at tapat na pusong nagbigkis sa mga nagmamahal
48. Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at ‘di mapigilan.
Ano ang kasalungat ng salitang nasalungguhitan? a. manlilinlang b. tapat c. taksil d. mahusay
49. Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Alin sa mga aspekto ng pandiwa nabibilang ang salitang sumulat?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos
50. Namayani sa puso ni Manuel Quezon ang pagmamahal para sa nasasakupan nang isulong niya ang pagkakaroon ng wikang pambansa
para sa pambansang pagkakaunawaan. Alin ang wastong sidhi ng pagkakasaayos ng salitang nasalungguhitan?
a. namayani, nangibabaw, naghari, namayagpag c. nangibabaw, namayagpag, namayani, naghari
b. naghari, nangibabaw, namayani, namayagpag d. namayagpag, namayani, nangibabaw, naghari
51. Ayon kay Manuel Quezon, ang nararanasan ng bansa noong panahong ito ay nagmula karamihan sa mga suliranin sa pagkawala ng
ng matatawag na wikang pambansa. Ano ang tamang antas ng salitang pagkawala ayon sa sa kasidhian nito?
a. pagkawala, pagkasaid, pagkaubos c. pagkawala, pagkaubos, pagkasaid
b. pagkasaid, pagkaubos, pagkawala d. pagkaubos, pagkawala, pagkasaid

Para sa bilang 52-53,


Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;
Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit.
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig
Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle

52. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda?


a. May-akda c. Mambabalagtas ng Puso at Isip
b. Lakandiwa d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran
53. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa?
a. pagkain c. pag-ibig
b. kayamanan d. karangalan

Para sa bilang 54-55,


“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at
tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?”
Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at
naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng
kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala
ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan.
Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya
lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. - Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.

54. Sino ang kausap ng manunulat sa akda?


a. Pilipino c. kabataan
b. dayuhan d. namumuno sa pamahalaan
55. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino?
a. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari
b.upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa
c. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit
d. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika
56. Ang “Wikang Pambansa” ni Manuel Quezon ay isang halimbawa ng sanaysay na nasa anyong talumpati. Ano ang papel na ginampanan nito
noong Panahon ng Komonwelt?
a. Pinagtibay ang wikang magiging Wikang Pambansa
b. Nakatulong ito upang gisingin ang kamalayan ng bawat Pilipino
c. Hinikayat ang mamamayan ng bansa upang pumili na ng wikang mula sa katutubo
d. Nakatulong ito upang maipahayag ang saloobin ng isang Pilipino sa katauhan ni Manuel L. Quezon na pahalagahan ang wikang
sarili
na mag-uugnay sa mga Pilipino noon hanggang ngayon
57. Sa makabagong panahon ngayon, paano mo mapayayabong ang ating Inang Wika?
a. Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wika
b. Kailangang magbasa ng mga libro o mga babasahin
c. Seryosohin ang sistematikong pag-aaral sa sariling wika
d. Paggamit at pagsasaloob ng diwa na naroon sa mga salita
58. “Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay
sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.”
Ano ang ipinapakahulugan ng pahayag?
a. Pag-alala sa mga bayani c. Pagmamahal para sa pamilya
b. Pag-ibig sa tinubuang lupa d. Pagtangkilik sa sariling bayan
59. Paano maipakikita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bayan?
a. Pagpapahalaga sa kultura, tradisyon at pakakakilanlan ng bayan c. Pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran
b. Laging nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos d. Pagtulong sa mga nangangailangan
60. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo. Ano ang kahulugan ng ikinilos ng bata?
a. Ang pagmamataas ay bunga ng mga impluwensiya sa paligid
b. Nakabibigat ng loob at walang naidudulot na maganda ang pagmamataas
c. Ang isang batang lumaki sa pag-iisa ay nakararamdam din ng kawalan ng katarungan
d. Sa munting puso ng bata kinapopootan niya ang kanyang guro na nag-ukol sa kanya ng pagmamahal

Ikalawang Markahang Pagsusulit


SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 8. A
2. C 9. C
3. C 10. A
4. C 11. C
5. B 12. C
6. D 13. A
7. C 14. D
15. B 38. B
16. A 39. D
17. C 40. B
18. A 41. C
19. A 42. C
20. C 43. C
21. B 44. C
22. A 45. A
23. B 46. C
24. A 47. C
25. C 48. C
26. D 49. A
27. D 50. A
28. D 51. C
29. D 52. B
30. A 53. D
31. D 54. A
32. A 55. D
33. A 56. D
34. C 57. D
35. B 58. B
36. A 59. A
37. B 60. B

You might also like