You are on page 1of 18

9

[Type here]
Department of Education
National Capital Region
SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

May-akda: Jocelyn E. Javellana


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda upang mapalalim ang iyong pag-
unawa sa araling ito. Inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa batay sa mga sumusunod na kompetinsi:
1. Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit
at mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan

2. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang


pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan.

Subukin

Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik


na may pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa iyong Journal.

1. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang
mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle
B. St. Thomas Aquinas
C. John F. Kennedy
D. Bill Clinton

2. Makakamtan at mapapanatili ang kabutihang panlahat sa tulong ng


bawat tao na may pagsisikap at pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga: ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil kung walang pagpupunyagi sa tao ay maaaring
magsakripisyo ang mga tunay na nagpapahalaga ng kabutihang
panlahat.
B. Tama, dahil ito ay mga pwersa na nagdudulot ng matatag na
lipunan at ang matatag na lipunan ay natutugunan pangkalahatang
pangangailangan para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng
lipunan.
C. Mali, dahil hindi lahat ng kasapi ng lipunan ay pinapahalagahan
ito.
D. Mali, dahil meron pa ding naiiwan na ilang kasapi na hindi
makatanggap ng kabutihan.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat
maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiambag ng sarili
kaysa nagagawa ng iba
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
D. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

4. Ang nagsabi na ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan


natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito para
sa ating kapwa.
A. Thomas Aquinas
B. Manuel Dy Jr
C. Bill Clinton
D. Aristotle

5. Ang mga sumusunod ay mga kondisyon sa pagkamit ng kabutihang


panlahat maliban sa:
A. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos
nang malaya.
B. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan.
C. Ang bawat indibidwal ay nararapat na maunlad patungo sa kanyang
kaganapan.
D. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos
nang malaya ngunit kulang ng diyalogo, pagmamahal at
katarungan.

Pwersang nagpapatatag sa Lipunan:


Aralin
Pagsisikap, Pagsasabuhay ng Moral ng
1
pagpapahalaga

Hangad ng araling ito na gabayan ka upang linangin ang iyong isip


at diwa tungkol sa pagkamit ng kabutihan sa iyong sarili at higit sa iyong
kapwa. Dahil ang paggawa ng kabutihan ay walang pinipiling edad o estado
sa buhay. Ito ay nakabatay sa iyong pagsisikap, pagsasabuhay ng buong
puso at pagpapahalaga na ayon sa Likas na Batas Moral.

Hayaan mo ring tanggapin ang isang hamon ng dating pangulo ng


Amerika na si John F. Kennedy. Sabi niya “Huwag mong itanong kung ano
ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Esp 9 p. 14

Nawa’y sa pamamagitan ng hamong ito ay nabuksan ang iyong sarili


upang pagbutihin mo pa ang anumang iyong gagawin.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Handa ka na ba? Naalala mo ba ang dalawang personalidad na tinalakay


noong nakaraang modyul? Kung gayon, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Kilalanin ang tinutukoy ng mga sumusunod na talata. Isulat ang wastong


sagot sa iyong Journal.

_________1. Tinawag siyang “Buhay na Santo” dahil sa kanyang kawanggawa


sa mga maralita sa kalkota, Indiya.

_________2. Hinirang siyang ambassador sa kapayapaan at makataong taga-


pagtaguyod ng Gawad Filipino Awards.

_________3. Samahan ng mga madre na itinatag ni Mother Teresa upang


sagipin ang mga bata at mga may sakit.

_________4. Gantimpalang natanggap ni Mother Teresa dahil sa kanyang


natatanging pagmamahal at pagmamalasakit sa mga maralita.

_________5. Ibinigay ng Forbes Asia bilang pagkilala sa ginawang


kawanggawa ni Angel Locsin.

Tuklasin
Basahin at unawain nang mabuti ang maikling tula. Sagutin ang mga
gabay na tanong sa ibaba. Ilagay ang sagot sa iyong Journal.

AKO’Y NANINIWALA!
(Jocelyn Javellana)

Ako’y naniniwala!
Tao’y likas na Mabuti at dakila
Walang halong duda ang pakikisama
At malasakit ang ipinadarama
Katawan na pagod hindi alintana
Upang tulong ay makaabot sa kapwa

Ako’y naniniwala!
Sa panahon ng krisis at ng pandemya
Tayo’y nahihirapan at nangangamba
Matiyagang sumunod sa patakaran
kahit tiyan ay kumakalam
upang iwasan ang hawaan

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ako’y naniniwala!
Sa panahon ng krisis at ng pandemya
umusbong ang damayan,
upang panawagan ay tinutugunan
Tuluyan din itong lumisan
lumaganap na virus sa ating lipunan.
Huwag sana natin kalimutan upang
panganib ay tuldukan
taos pusong saluduhan
mga frontliner na mamamayan
mga nagsakripisyong nilalang
tinayak ating kaligtasan
Kahit kamatayan ang hantungan.

Mga tanong:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang tula?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ang mensahe ng tula?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano inilarawan ang kabutihang panlahat sa tula?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. May naisip ka na bang hakbang upang tumugon sa hamon ng tulang


iyong binasa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Paano pinapahalagahan ng mga tao sa tula ang ikabubuti ng lahat?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Tandaan:

Sa kabila ng pagsubok huwag mong hayaan na lamunin ka ng takot


at mga negatibong pananaw dahil lamang sa lumilipas na masamang
pagkakataon. Bagkus maging masikap na tingnan ang pangingibabaw
ng kabutihan sa gitna ng problema. Kung bawat tao ay may mabuti at
matuwid na pag-iisip at pinahahalagahan ang ikabubuti ng lahat ay
tiyak na magkakaroon ng isang malakas at matatag na lipunan.

Ang bahaging ito ay magbubukas ng iyong pananaw upang


pagnilayan kung paano isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat sa
loob ng iyong tahanan, paaralan, at komunidad. Makapag bahagi ng
tamang pangangatwiran sa bawat sitwasyon o pagkakataon habang may
hadlang at hindi pag-iral sa nito.

Tingnan at usisain ang mga hadlang upang manaig ang kabutihang


panlahat isang lipunan.

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang


panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan
upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo o paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay naliliwanagan o mas malaki ang naiambag
4. kaysa sa ginagawa ng iba. esp 9 M1 pp.15+26

Ano ba ang naidudulot ng pagiging makasarili sa anumang bagay?


Ano ba ang magiging epekto nito kung taglay ng isang tao ang nabanggit
na mga hadlang upang makamit ang kabutihang panlahat?

Hindi naman masama na isipin din ang iyong sariling kapakanan at


kaunlaran. Ngunit dapat hindi magkahiwalay ang personal na kabutihan
at kabutihang panlahat. Nangangahulugang makakamit ng tao ang
kanyang personal na kabutihan sa pagiging bahagi niya sa lipunan.

Hindi na nakapagtataka anumang kakulangan ay pinupunuan ng


lipunan. Maraming mga nabuong organisasyon at programa upang makiisa
sa panawagan. Kung nanood ka at nakinig ng balita sa radyo o telebisyon,
binanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mensahe noong
Marso 30, 2020 ang "Bayanihan To Heal As One Act."

https://www.youtube.com/watch?v=_iR2AHrE254

Bawat sangay ng pamahalaan ay katuwang sa pagsugpo ng COVID-


19.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sinasabi ng ating gobyerno sa panahon ng pandemic ang “We heal
as one”. Lahat magkatuwang, gobyerno man o pribadong sektor ay dapat
magtulungan. Sa sitwasyong ito, maraming may mabubuting kalooban ang
nag-ambag ng mga medikal na kagamitan na maka tutulong sa mga
pagamutan, ang mga doktor, nars at iba pang indibidwal ay nagsilbing
frontliners, at ang mga mapag-kawanggawa ng indibidwal ay nagbigay ng
pantawid tulong sa mga nawalan ng hanap buhay.

Ikaw, ano ang iyong kwento sa programa ng gobyerno tungkol sa “We heal
as one”?

May naisip ka na bang sagot? Magaling!

Ayan! Marami ka ng natutunan tungkol sa pagkamit ng kabutihan.


Kanina lang itinalakay ang mga hadlang sa pagkamit nito ngunit hindi ito
nananaig dahil hindi hahayaan ng mga taong may matuwid na
paninindigan na masasakripisyo ang kabutihan para sa lahat.

Handa ka na ba sa susunod na gagawin? Dumako ka na sa Pagyamanin.

Pagyamanin
Isulat ang S sa nakalaang patlang kapag sumang-ayon ka sa isinasaad ng
pangungusap at HS naman kapag hindi ka sumasang-ayon.

______1. Ang pagpapahalaga sa bawat Karapatan ng tao ay nagdudulot ng


pagkamit at pagpapanatili ng kabutihan.

______2. Maaari mo namang ipagpaliban ang tugunan ang pangangailangan ng


iba lalo na’t pakiramdam mo ay wala kang magagawa.

______3. Ang lahat ng tao ay malayang kumilos tungo sa kanyang kaganapan


bilang tao.
______4. Ang indibidwalismo o paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin
ay isang hadlang upang makamit ang kabutihang panlahat.

______5. Uunlad ang isang lipunan kahit may mahinang pag-iral ng


katarungan.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gumawa ng plano nang may mapanuring pag-iisip sa pagsasaalang-alang
ng kabutihang panlahat sa narinig na balita sa telebisyon o radyo at
nababasang balita o impormasyon sa mga social media. Isulat ang iyong
plano sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong Journal.

Mga planong gustong Paano mo ito maisakatuparan?


gawin

1.

2.

3.

Isaisip
Pagnilayan ang sitwasyon. Ano ang iyong maipapayo sa mga
sumusunod na tao sa sitwasyon? Isulat ang iyong sagot sa iyong Journal.

Sitwasyon A.

1. Araw-araw sinisikap ni Roy na tuparin ang iskedyul ng pangongolekta


ng basura sa kanilang lugar upang hindi ito pinamumugaran ng ipis at
daga at magdulot ng sakit sa kanyang pamilya. Ngunit napapansin niyang
na araw-araw nagtatapon ng basura ang kapitbahay nito sa ilog. Napailing
at tikom bibig nalang si Roy para wala ng gulo.

Payo para kay Roy:


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Payo para sa kapitbahay ni Roy:


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sitwasyon B.

2. Tumawag si Fred sa kanyang kaklase dahil ito lamang ang


natatanging kaibigan na lagi niyang napag lalabasan ng sama ng loob
dahil sa hindi maibigay ang kanyang gustong ipabiling laptop sa
kanyang magulang.

Payo mo kay Fred:


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.
Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kabutihang panlahat at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa Journal.

_____1. Magsuot ng face mask tuwing sasakay ng pampasaherong bus at


papasok sa trabaho.

_____2. Pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa pamamahagi ng Social


Amelioration Program (SAP).

_____3. Pagbibigay-pugay sa mga taong nagsisikap labanan ang COVID-19.

_____4. Pag aliw sa sarili sa pamamagitan ng pambubully ng kapwa.

_____5. Matiyagang ipinaliwanag sa kamag-aral ang online enrollment guide.

Karagdagang Gawain

Gamit ang social media kasama ng mga balitang napapanood sa


telebisyon, naririnig sa radyo o nababasa sa diyaryo, magsaliksik ng isang
napapanahong isyu sa inyong pamayanan na tumutukoy sa suliranin na
maaaring makaapekto sa kabutihang panlahat.
Ang mga sumusunod sa tanong ang gawing gabay upang maayos
mo itong maipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa iyong Journal.
1. Anong isyu ang iyong napili?

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Bakit mo ito napili?

3. Ano ang iyong mungkahing solusyon upang makamit at mapanatili


ang kabutihan sa lahat?

Mga proyektong matutugunan ang


Aralin pangangailangan ng pamayanan,
2 pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan

Kumusta ang iyong pag-aaral sa Aralin 1? Mabuti at maayos mo


itong nagampanan.
Handa ka na ba? Pamilyar ba sa iyo ang isang kantang
pinamagatang “Pananagutan”? ayon sa kanta, “walang sinuman ang
nabubuhay at namamatay para sa sarili lamang, tayong lahat ay may
pananagutan.” Ikaw, ako, tayong lahat ay may tungkulin na panindigan
at ibahagi ang kabutihan sa pamamagitan ng ating ginagawa.
Hindi lang sarili ang iyong pananagutan kundi kasali ang iyong
kapwa. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., isang propesor ng Pilosopiya sa
Ateneo de Manila University, ang ating gawain ay panlipunan. Ginagawa
natin ito dahil mahalaga ang mga ito para sa ating kapwa. (Esp 9 p.6)
Kaya nga bilang kabahagi ng lipunan, bigyang halaga ang araling
ito upang hubugin ang iyong kakayahan na makapag-isip at makalikha
ng isang bagay o proyekto na makatutulong sa iyong kinabibilangang
pamayanan.

Balikan

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan


ng bilog ang nakalaang patlang kung ito ay nagsasabi ng wastong
diwa. Parisukat naman kung hindi. Gawin ito sa iyong Journal.

______1. Ang minsang pagtanggi sa dapat gampanan upang mag-ambag


ng oras at kakayahan ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

______2. Hindi kailanman maapektuhan ang kabutihang panlahat kapag


inuuna muna ang sariling hilig at interes.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
______3. Hindi kailangan limitahan ang paggawa ng mabuti tungo sa
kapwa.

______4. Hindi dapat magkahiwalay ang personal na kabutihan at


kabutihang panlahat.

______5. Ang “Bayanihan to Heal as One Act” ay may layuning mahatiran


ng tulong ang sambayanang Pilipino at maging ligtas sa sakit
dulot ng Covid-19.

Tuklasin

Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan.


A B

Sagutin ang mga tanong sa iyong Journal.


1. Tungkol saan ang dalawang larawang ito?

2. Ano ang ginagawa ng bata sa larawan A?

3. Ano naman ang ipinahihiwatig ng larawan B?

4. Bakit mahalaga ang kagandahang asal sa isang tao?

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Tandaan:

Ang taong may magandang asal ay nakapagpapamalas ng


kabutihan sa kapwa. Magkakaroon ang tao ng magandang pananaw sa
buhay. Kahit anong pagsubok nakakahanap ng solusyon. Di ba nga,
kultura ng mga Pilipino ang pagiging magalang matulungin at
mapanlikha? Ito ay dapat mong pagyamanin.

Habang patuloy na umuunlad ang lipunan ito man ay sa usaping


pangkabuhayan o anupaman marapat manatili ang kulturang ito sa
ating lipunan. Tiyak kapayapaan ang ating mararanasan at mananaig
ang kabutihan.

Tayo ngayon ay nasa panahon na ng modernisasyon at


globalisasyon. Kaakibat nito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao at ang
kondisyong may malaking pagbabago. Pagbabagong maaring magdulot ng
pangamba na baka tuluyan ng mawala ang kulturang Pilipino. Ang ating
kinaugaliang bayanihan ay patunay na pinagyaman ng panahon dulot ng
pandemya. Ang ating pinag-ugatang kultura ng pagmamalasakit at
mapanlikha ay hindi nawawala bagkus lumilitaw at yumayabong pa ito.
Ayon kay Joseph de Torre (1987) may mga kondisyon sa pagkamit
ng kabutihang panlahat: (EsP 9 M1 pp. 13-14)

Una - Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong


makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo,
pagmamahal at katarungan.
Ikalawa- Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na
pahalagahan.
Pangatlo- Ang bawat indibidwal ay nararapat na maunlad pa itong
Kaganapan.

Nangingibabaw ba ang kondisyong ito sa pagkamit ng kabutihang


panlahat sa panahon ngayon?

Bigyang tuon ang halimbawa ng isang non-profit organization ng


mga kabataan at iba’t ibang volunteer ng “Dare to Care”, sila ay
nagsagawa ng medical mission, tree planting and gift giving sa isang sitio
sa malayong lugar ng Aurora. Upang mangyari ang kanilang magandang
proyekto sila ay nagbebenta online ng T-shirt na may mga print na alibata.
Ilang taon na rin nila itong ginagawa. Tunay nga ang sabi ni Rizal” Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.” Malaya nilang ipinadarama ang

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pagmamahal na malugod namang tinanggap at pinasasalamatan ng mga
tao.

https://www.facebook.com./1647788603/posts/10212832813848978/.app=fbl

Likas sa grupong ito ang kulturang bayanihan at pagmamalasakit


sa kapwa Pilipino. Ang ganitong inisyatibong pagkilos ay malaking epekto
sa isang pamayanan upang matugunan ang anumang pangangailangan.
May malaking pag-asa na ang kabutihan ay malalasap ninuman.
Maraming hamon ngunit sa huli mas nanaaig pa rin ang kabutihang
panlahat.
Ikaw, kaya mo rin ang ginawa nila. Sa iyong simpleng naisin o
proposal na proyekto ay maaaring magdulot ito ng kasiyahan at
kaginhawaan sa iba.

Pagyamanin

Isulat ang salitang TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay tama. at


salungguhitan ang salitang mali at isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____________1. Ang pangunahing kondisyong pantao ay nararapat na


pahalagahan.

_____________2. Ang lahat ng tao ay may pagkakataong makakilos nang


malaya na sinabayan ng pag-uusig, pagmamahal, at
katarungan.

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____________3. Isa sa kondisyon upang makamit ang kabutihan ay
umunlad ang bawat lipunan tungo sa kaganapan.

_____________4. Ang mga miyembro ng organisasyong “Dare to Care” ay


nagbebenta online ng T-shirt na may nakasulat ng patinig
upang maisakatuparan ang kanilang mithiing proyekto.

_____________5. May mga karapatan sa pagkamit ng kabutihang panlahat


at ito ay ayon kay Joseph de Torre.

Isagawa
Maaaring maglaan ng isang espasyo bago ipagpatuloy ang susunod
na talata.

Halimbawa:

Magplano ng isang proyekto na kaya mong gawin bilang tugon sa


panawagan ng gobyerno na “We heal as one."

Maaari mo rin hikayatin ang miyembro ng iyong pamilya na gawin


ang iyong napagplanuhang proyekto. Huwag kalimutan ang health
protocol habang ginagampanan mo ang gawaing ito. Magtanong sa iyong
guro kung may hindi malinaw sa gagawin. Gamitin ang pormat sa ibaba
bilang iyong gabay. Gawin ito sa iyong Journal.

Pangalan ng Proyekto: Halimbawa: Brigada Tahanan

Layunin: Nahihikayat ang miyembro ng pamilya na panatilihin ang


kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aalaga ng kalusugan at
kalinisan ng kapaligiran.
(Batay sa uri ng proyekto- kultural, pangkapaligiran, pangkapayapaan,
pangkabuhayan, pangkalusugan, o pang-edukasyon):

Gawain: Panahong Mga Taong Inaasahang Mga


ilalaan: sangkot o output pun
kasali: matagumpay na a
Brigada tatlong (3) nahihikayat ang
Tahanan araw Lahat ng lahat ng
miyembro ng miyembro o
pamilya o kasamahan sa
kasama sa loob ng tahanan
bahay na makiisa sa
Brigada Tahanan

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Rubric para sa napiling proyekto.

Krayterya Puntos

Layunin ng Makabuluhang naisakatuparan ang


5
Proyekto layunin ng proyekto.

Pagpaplano Maayos ang pagpaplano para sa


5
pagsasagawa ng proyekto

Pagsisikap at Matiyaga at nagsumikap na


pagtitiyaga maisakatuparan ang naisipang 5
proyekto

Dokumentasyon Kompleto ang detalye sa nagawang


proyekto at may kaukulang
5
pagninilay tungkol sa kahalagahan
nito

Total 20

5- Magaling 4-kahanga hanga 3- May Galing 2-1 Gagalingan ko pa


Paalala: Para sa dokumentasyon, kung hindi makapagbigay ng larawan
o anumang katibayan dahil sa kakulangan ng gamit. Maaring iguhit ang
isinagawang proyekto. Lagyan lamang ito ng label at caption. Gawin ito sa
iyong Journal.

Isaisip

Basahin at pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang tanong sa


iyong Journal.

1. Unang bukas ni Aling Rosa ngayon sa kanyang karenderia, marami ang


bumili at kumakain. Makalipas ng ilang linggo paunti-unti nalang ang
bumibili at kumakain dahil tatlong klaseng ulam lang ang niluluto niya.
Bilang iyong project proposal, Ano ang maaaring dapat idagdag ni Aling
Rosa sa kanyang menu?

2. Madalas ang pambubulas ni Maco sa kanyang bagong kaklase.


Naninibago pa kasi itong magsalita ng tagalog dahil hindi naman ito ang
nakasanayang lingwahe. Ang ina ni Maco ay may speech center kung saan
nagbibigay rin ito ng libreng tutorial ng Filipino at English subject. Ano
ang iyong maimumungkahi mo kay Maco upang hindi na niya ito asarin
ng madalas bagkus tulungan niya ito tungkol sa kaniyang kakaibang
pagsasalita?

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Alin ang angkop na proyekto para sa mga sumusunod na suliranin? Piliin


at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong Journal.

A. Hand made “basahan” B. Bangketa Eskwela

C. Adapt animals advocate

D. Oplan linis kanal E. DIY tire flower/plant pot

_____1. Maraming mga hayop ang inabandona at pagala-gala sa mga kalye at


kalsada.

_____2. Mabilis ang pag-apaw ng tubig galing sa kanal kahit hindi kalakasan
ng ulan.

_____3. Nakasilid sa sako ang maraming retaso ng tela at ito ay nakatambak


lang sa likod ng bahay.

_____4. May mga batang nakatira sa kalye na hindi nakapasok sa paaralan


dahil kapos sa buhay.

_____5. Maraming mga gulong ang hindi na maaaring gamitin at nakakadagdag


sikip lang ito sa bodega.

Karagdagang Gawain

Bilang isang mapanlikhang tao, suriin ang mga pangangailangan ng


iyong paligid na kailangan ng agarang aksyon. Magbigay ng project proposal
bilang pagtugon sa isyung iyong nakita.

Paalala: Maaaring i-post ang iyong output sa you tube gamit ang
#layuninNgLipunan:KabutihanPanlahat"WeHealAsOne."

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para


sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2016.

https://lrmds.deped.gov.ph/

http://knight-shift.blogspot.com/2009/10/back-in-business.html

https://www.youtube.com/watch?v=_iR2AHrE254

https://www.facebook.com./1647788603/posts/10212832813848978/.
app=fbl

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn E. Javellana (Guro,Parang High School)


Mga Tagasuri: Flerida D. Venzon (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like