You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Nueva Ecija

Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija


IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10

PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang. Itiman ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at gender. Ano ang
tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Gender C. Transgender D. Sex
2. Ito naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki?
A. Bi-sexual B. Gender C. Transgender D. Sex
3. Si Congw. Geraldine Roman ang kauna-unahang member ng LGBT sa kongreso. Siya ay nasa anong uri ng kasarian?
A. Bi-sexual B. Heterosexual C. Gay D. Transgender
4. Sila ang mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
A. Gay B. Asexual C. Queer D. Heterosexual
5. Si Dominic ay isang lalaki, siya ay nagkakanasang sekswal kay Ana, isang babae. Sa anong uri ng oryentasyong
sekswal siya (Dominic) nabibilang?
A. Heterosexual B. Homosexual C. Asexual D. Bisexual
6. Mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
A. Queer B. Homosexual C. Asexual D. Bisexual
7. Sa panahong ito, ang mga babae ay pag-aari ng mga lalaki at mayroon ding mga babaeng ginagawang binukot.
A. Pre-Kolonyal B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Hapones
8. Isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595, Ayon dito, ang mga lalaki ay pinapayagan na
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki
A. Colony Book B. Boxer Codex C. Spanish Document D. Luis Codex
9. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
A. Melchora Aquino B. Gabriela Silang
C. Marina Dizon D. Leonora Magtalas
10. Sila ang nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
A. Hapones B. Amerikano C. Espanyol D. Tsino
11. Dumating sila sa Pilipinas sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay
kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa kanila.
A. Espanyol B. Amerikano C. Hapones D. Tsino
12. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
A. Binukot B. diyos-diyosan C. Babaylan D. apo
13. Isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil
Garcia noong 1993.
A. Lagablab B. Gabriela C. Ladlad D. CLIC
14. Ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.
A. Dekada 80 B. Dekada 50 C. Dekada 60 D. dekada 90
15. Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang anumang walang benepisyong medikal.
paniniwalang mapapanatili ang walang bahid dungis ang babae hanggang sya ay maikasal.
A. Female Genital Mutilation B. Breast Ironing C. Circumcission D. Wala sa nabanggit
16. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
17. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata
pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
18. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa B. Pakistan C. Uganda D. United Arab Emirates
19. Saang bansa ipinagbabawal noon sa babae ang pagmamaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak
na lalaki (asawa, magulang,kapatid) ?
A. China B. Pakistan C. Saudi Arabia D. Japan
20. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. Diskriminasyon D. pananakit
21. Siya ay nakilala habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban
noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa
edukasyon sa Pakistan.
A. Malala Yousafsai B. Margaret Mead C. Reo Fortune D. Ana Youseff
22. Siya ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products.
A. Tim Cook B. Parker Gundersen C. Jake Zyrus D. Anderson Cooper
23. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa
sinaunang China isinasagawa ito sa kababaihan na kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang
tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan Ano ang tawag dito?
A. Foot Binding B. Purdah C. Binukot D. Dowry
24. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang
1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at piliin ang titik ng tamang sagot.
_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na
hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of
Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
A. 1,2,3,4,5 B. 2,3,4,5,1 C. 3,2,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2
25. Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American television.”
A. Tim Cook B. Parker Gundersen C. Jake Zyrus D. Anderson Cooper
26. Isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa, ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
A. Foot Binding B. Breast Ironing/Flatenning C. Purdah D. Dowry
27. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki
C. Sexual Harassment
D. Sex Trafficking
28. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan
ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D.Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
29. Ang CEDAW ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Ano ang kahulugan ng akronim na CEDAW?
A. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
B. Cooperation on the Effectiveness of All Forms of Decency Among Women
C. Creation of the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
D. Wala sa nabanggit
30. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang
tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
31. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh
kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at
naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili,
at mahilig sa kuwento.
32. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal
Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
A. Seven Principles B. Principles of Life C. SOGI D. Prinsipyo ng Yogyakarta
33. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Anong prinsipyo ang nagsasaad nito?
A. Ang karapatan sa buhay
B. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
C. Ang karapatan sa Trabaho
D. Ang karapatan sa Edukasyon
34. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni UN Sec.Gen. Ban-Ki-Moon na ito? “LGBT Rights are Human Rights.”
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao
35. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan
ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at
‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang tagalunsod B. Magsasaka at manggagawa sa bukid
C. Kababaihang Moro at katutubo D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
36. Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for
International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, Ang mga
miyembro ng LGBT ay :
A. tinitingala sa iba’t-ibang larangan
B. kinikilala ang galing at husay sa pakikipagkapwa
C. may malaking pagkakataon upang makapasok sa trabaho
D. may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon .
37. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang
dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Ang karapatan sa buhay
B. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao
C. Ang karapatan sa Trabaho
D. Ang karapatan sa Edukasyon
38. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng
Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
39. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa
Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
40. Isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at
mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW.
A. GABRIELA B. Yogyakarta Principles C. Magna Carta For Women D. LADLAD
41. Itinalaga ng Magna Carta For women bilang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng
komprehensibong batas na ito.
A. Pangulo B. Kapitan C. Pamahalaan D. Pamilya
42. Sino ang saklaw ng Magna Carta For Women?
A. Mga lalaking may edad 21 pataas
B. Mga bata na nasa edad isa hanggang labing walong taon
C. Mga babaeng nasa edad labing walo hanggang animnapo(60) na nananatiling may hanapbuhay
D. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan
43. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na
matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
A. 4Ps B. Mariwasa C. Timawa D. Marginalized Women
44. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan
ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at
‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Marginalized Women?
A. biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot
B. mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”,at “human trafficking”
C. mga babaeng nakulong
D. mga kababaihang manggagawa
45. Ang mga sumusunod maliban sa isa ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring
kasuhan ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act .
A. mga kasalukuyan at dating asawang lalaki
B. mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki
C. mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae
D. mga lalaking may magandang trabaho
46. Ayon sa CEDAW , ang State Parties ay inaasahang gawin ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. Gawing mas nakatataas ang mga babae sa mga lalaki
B. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
C. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon
D. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga
tungkulin sa kasunduan

Tama O Mali: Itiman ang titik A kung ang ideya ay nagsasaad ng kawastuan at itiman naman ang titik B kung hindi
47. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15, anim na
porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
48. 90% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
49. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na
sekswal mula sa kanilang mga asawa.
50. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan
bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

Inihanda ni:

FREAMARI M. VALERIO
Guro I

Iwinasto ni :

IRENE C. VALLE
Ulong Guro III-AP
ARALING PANLIPUNAN 10
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

SUSING SAGOT

1. D
2. B
3. D
4. B
5. A
6. A
7. A
8. B
9. B
10. B
11. C
12. C
13. C
14. C
15. A
16. D
17. D
18. C
19. C
20. C
21. A
22. A
23. A
24. C
25. D
26. B
27. B
28. A
29. A
30. D
31. D
32. D
33. B
34. B
35. D
36. D
37. A
38. D
39. C
40. C
41. C
42. D
43. D
44. D
45. D
46. A
47. A
48. B
49. A
50. A

You might also like