You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
GENERAL MAMERTO NATIVIDAD NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. MATAAS NA KAHOY, GENERAL NATIVIDAD, NUEVA ECIJA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS

PANUTO. Basahin at unawing mabuti ang bawat katanungan, isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot. MALAKING TITIK ng TAMANG SAGOT ang isusulat ang lahat ng hindi sumunod ay
ikokonsiderang mali.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. Pamamahala ng negosyo
b. Pakikipagkalakalan
c. Pamamahala ng tahanan
d. Pagtitipid

2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


a. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal
na pangangailangan
b. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao
d. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto? 99

4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas,
yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:
a. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao
b. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa

5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay:
a. Dinadalihang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya

6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig
sabihin nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.

7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan? a. Maibigay ang
hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan
kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang
antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?


a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan

11. Anong sangay ng Agham Panlipunan ang nag-aaral kung paano matutugunan ng mga tao ang
kanilang pangangailangan at kagustuhan kahit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman?
a. Antropolohiya
b. Ekonomiks
c. Heograpiya
d. Sosyolohiya

12. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit
nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman

13. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?


a. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
b. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya.
c. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
d. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pagiimpok.

14. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly
pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking
c . Opportunity Cost d. Trade-off

15. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng
mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost d. Trade-off

16. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga
magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost d. Trade-off

17. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning
ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko.
Ang “tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-
ekonomiko?
a. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

18. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?


a. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya.
c. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo
para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
d. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga
bagay-bagay sa araw-araw.

19. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito
ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng
matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost d. Trade-off
20. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil
nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling
konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost d. Trade-off

21. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.


a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

22. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
market economy.
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.

23. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser

24. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuser

25. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


a. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa. b. Upang makamit ang
pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
c. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang
pinagkukunang-yaman ng bansa.
d. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

26. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pangekonomiko. Alin sa


sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang
gagawin?
a. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
b. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
c. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
d. Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
27. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng
bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.

28. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na


nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas
nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at
kung sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan sa pamamagitan ng presyo
at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado.

29. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa
puwersa ng pamilihan.
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed
Economy

30.Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go
around.” ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

31. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka
b. patayuan ng mga imprastraktura
c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

32. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?


a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer

33. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon?
a. interes b. kita c. pera d. regalo

34. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:


a. paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. pagtayo ng mga pabrika
c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. pagkamalikhain ng mga manggagawa

35. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang
taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

36. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.


a. kapital b. lupa c. paggawa d. produksyon
37. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

38. Paano mo mapapatunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?


a. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. magkapareho ang dami ng manggagawa at capital sa pagnenegosyo

39. Alin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa


negosyo?
a. interes b. sahod c. subsidy d. tubo o profit

40.Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”, alin
sa sumusunod ang mga input nito?
a. kagamitan, makinarya
b. kahoy, kagamitan, makinarya
c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
d. tabla, makinarya, teknolohiya

41.Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang
nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
a. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
b. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
c. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang
pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
d. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa
pagbili ng produkto.

42.Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang
kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang
pisikal o may “blue collar job” ay________________.
a. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
b. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
c. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
d. nagtatrabaho sa
malalaking kompanya

43.Ang pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur dahil magaganap
ang patuloy na pagbabago sa kaniyang mga likhang produkto ay ideya ni ___________, isang ekonomista
ng ika-20 siglo.
a. Abraham Harold Maslow
b. Edward Denison
c. Joseph Schumpeter
d. Upton Sinclair

44.Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
a. enterprise b. kapital c. lupa d. paggawa

45.Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng
produksyon? a. bahay-kalakal b. industriya c. pamahalaan d. sambahayan

46.Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto
sa pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
a. kapitalista b. landlord c. manggagawa d. opisyales

47.Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang arawaraw na pamumuhay? a.
Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
b. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
c. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
d. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
48.Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit
sa produksyon?
a. malawak na lupain
b. libo-libong binhi ng prutas
c. makinarya at teknolohiya
d. maayos na daan at tulay

49.Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.


a. business outsourcing b. entrepreneur
c. entrepreneurship d. online business

50.Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na


pamumuhay?
a. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
b. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo.
c. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
d. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil ditto
masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

Inihanda ni; Itinama at sinuri ni:

FERNANDO S. CARIAGA JOIALIE O. GONZALES


Guro sa Araling Panlipunan Ulong Guro- Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Panghuling Pagtataya
C 1. A 2. D 3. A 4. C 5. B 6. B 7. C 8. D 9. 10. D
11. B 12. D 13. B 14. B 15. D 16. A 17. B 18. C 19. B 20. C
D21. B 22. B 23. C 24. C 25. C 26. A 27. D 28. B 29. A 30
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
GENERAL MAMERTO NATIVIDAD NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. POBLACION, GENERAL NATIVIDAD, NUEVA ECIJA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU

PANUTO. Basahin at unawing mabuti ang bawat katanungan, isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot. MALAKING TITIK ng TAMANG SAGOT ang isusulat ang lahat ng hindi sumunod ay
ikokonsiderang mali.

1. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan.
a. Isyung Pangkapaligiran b. Kontemporaryong Isyu c. Isyung Pangkalakalan d. Isyung Pangkalusuagan

2. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba’t ibang kinatawan mula sa
pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?

a. Isyung Pangkalakalan
b. Isyung Pangkalusugan
c. Isyung Panlipunan
d. Isyung Pangkapaligiran

3. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
a. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
b. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
c. Pagkilala sa sanggunian.
d. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

4. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa
sumusunod ang kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. kahalagahan
IV. epekto
a. I b. II c. I, II, III, IV d. II, III

5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?


I. Nagiging mulat sa katotohanan.
II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.
III. Napalalawak ang kaalaman.
IV. Napapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.
a. I b. I, II c. I, II, III d. I, II, III, IV

6. Ang tawag sa isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng
gawain ng tao.
a. Migration b. El Niña c. Climate Change d. Illegal logging

7. Ito ay ang suliranin sa karagatan na pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat.
a. Forest fires c. La Niña b. Coral bleaching d. Fuel harvesting

8. Noong 2016 pang-ilan ang Pilipinas sa mga bansang naaapektuhan ng Climate Change?
a. Pang-sampu b. Pang-siyam c. Pang-walo d. Pang-pito

9. Ilang porsyento ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ang direkta na nagmumula sa paggamit ng
likas na yaman?
a. 5% b. 10% c. 15% d. 20%
10. Bago pa man nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noong 1500s, ilan ang kabuuang ektarya ng
kagubatan sa bansa?
a. 27 milyong ektarya c. 47 milyong ektarya
b. 37 milyong ektarya d. 57 milyong ektarya

11. Ang itinataas ng abiso sa mga lugar na iniasahang makakaranas ng 15mm hanggang 30mm na buhos
ng ulan sa susunod na isang oras?
A. Red color-coded B. Yellow color-coded
C. Blue color-coded D. Orange color-coded

12. Alin sa mga ito ang itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5mm hangang 15mm na ulan sa
susunod na isang oras?
A. Yellow rainfall advisory
B. Orange rainfall advisory
C. Red rainfall advisory
D. Green rainfall advisory

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat Gawain pagtapos ng bagyo?
A. Makinig sa radio o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita kung nakaalis na sa bansa
ang bagyo.
B. Making ng radio at ibalot sa plastic ang mahahalagang papelis at gamit
C. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng koryente na nakakalat sa daan
D. Huwag pumasok sa mga napinsalang gusali

14. Anong ahensiya mamumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na mararanasan ng


bansa?
A. Disaster risk mitigation B. NDRRMC C. DENR D. DSWD

15. Ano ang dapat mong Gawain habang may bagyo?


A. Ihanda ang de-bateryang radio,flashlight, at ekstrang baterya, kandila at posporo o lighter
B. Kung maninirahan sa mababang lugar at peligroso sab aha, lumikas sa mataas na lugar
C. Isara nang husto ang mga pinto at bintana. Iligpit ang mga gamit na madaling matangay ng hangin
D. Ibalot sa plastic ang mga mahahalagang papeles

16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad?
A. Disaster preparedness
B. Disaster response
C. Damage assessment
D. Loss assessment

17. Ano ang mga hakbang at Gawain ang nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at
istruktura?
A. Disaster response
B. Disaster assessment
C. Disaster rehabilitation and recovery
D. Disaster preparedness

18. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay nahaharap sa isang sakuna sa isang partikular na panahon ?
A. Disaster B. Damage assessment C. Risk assessment D. Hazard assessment

19. Anong ahensya ang Inabisuhan ng NDRRMC na nakahanda na ang mga pagkaing kanilang
ipamimigay sa mga maaapektuhang pamilya dulot ng bagyong Pablo.
A. DILG B. DOH C. DSWD D. PAGASA

20. Sino ang inatasan ng NDRRMC na agad lumikas upang makaiwas sa posibilidad nang pagguho ng
lupa.
A. Kawani ng DPWH B. Mangingisda C. Rescue Team D. Residente

21. Ito ay ahensya na nangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan laban sa mga krimen tulad ng
kidnap, holdap, nakawan, at marami pang iba. Sila rin ang nagsisilbing frontliner o rescue team sa
panahon ng kalamidad.
A. Deped B .DND C. DSWD D. PAGASA

22. Ito ay ahensya na nangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ng bansa tulad ng pagsugpo sa
pagkalat ng korela, tigdas, at iba pang nakahahawang sakit, lalong lalo na kapag may kalamidad.
Nagbibigay rin ng libreng gamot at pangangalaga sa maysakit at nagpapalaganap ng kaalaman upang
mapanatiling malusog ang mga mamamayan.
A. DENR B. DILG C. DOH D. MMDA

23. Ito ay ahensya na mamahala sa mga programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan,lalo na
sa mahirap, sa panahon ng kalamidad , at nangunguna sa pagtulong sa nasasalanta ng kalamidad.
A. DENR B. DSWD C. DND D. MMDA

24. Pinapangangalagaan nito ang kapaligiran at likas na yaman at kapag may bagyo at kalamidad,
tumutulong sa pagsasayos ng kapaligiran.
A. DENR B. DSWD C. MMDA D. TESDA

25. Ito ay ahensya na nagsasaayos ng mga langsangan, daan, tulay, dike, at iba pang imprastruktura ng
pamahalaan na nasisira kapag may baha o lindol.
A. Deped B. DND C.DPWH D. DSWD

26. Ito ay ahensya na namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad ng batayang
edukasyon sa ating bansa. Sa panahon ng kalamidad ginagamit na pansamantalang tirahan ng mga
mamamayan.
A. DepEd B. DND C. DSWD D. PAGASA.

27. Ipinarating ng pangasiwaang ito ang lagay ng panahon, nagbibigay babala sa pagdating ng bagyo at
nag-uulat tungkol sa lakas ng hangin, ulan at galaw ng bagyo.
A. DepEd B. DND C. DSWD D. PAGASA

28. Ito ay ahensya na nilikha upang magbigay ng tuwirang serbisyo sa mga mamamayan sa Metro Manila
o NCR.
A. DENR B.DSWD C. MMDA D. TESDA

29. Ito ay isang ahensya ng gobyerno na ang pangunahing layunin ay ang paunlarin ang manggagawang
Pilipino na may kakayahan sa buong mundo, at ang pagbigay ng teknikal na edukasyon at kasanayan sa
pamamagitan ng mga patakaran at mga programa nito. Sa panahon ng kalamidad mahalaga umanong
mabigyan ng skills ang mga kabilang sa pinakamahirap sa lipunan at apektado ng kalamidad upang
matulungan silang makahanap ng trabaho o makapagpatayo ng kanilang maliit na negosyo para umangat
ang kanilang pamumuhay.
A. DENR B. DSWD C. MMDA D. TESDA

30. Ito ay ahensya na namamahala sa pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pagbibigay ng badyet, at


pananatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.
A. DENR B. DILG C. DOH D. MMDA

31. Ito ay nangangahulugang banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na magdulot ng panganib sa
buhay, ari-arian at kalikasan.
A. disaster C. resilience
B. hazard D. vulnerability

32. Nangyayari ang sakuna na ito dulot ng maling pagtatapon ng basura sa anumang katubigan.
A. bagyo B. baha
C. pagguho ng lupa D. sunog

33. Nangangahulugang pangangasiwa sa malaking kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa


isang lugar.
A. disaster evaluation B. disaster management
C. disaster plan D. disaster organization

34. Sa approach na ito ang mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang nangunguna sa hakbangin ng
pagtukoy, pag-aanalisa at pagresolba sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
A. Bottom-up B. CBDRM
C. Disaster Management D. Top-down
35. Ang paggamit ng bottom-up approach ay higit na epektibo kaya ginamit din ito sa ilang bansa sa Asya
maliban sa ________________.
A. East Timor C. Pilipinas B. Laos D. Taiwan

36. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang komunidad ay posibleng maharap sa banta ng hazard at
kalamidad na inaasahang makikilahok, makikipagtulungan, tutugon, at isasagawa ang mga implementing
rules ayon sa plano na angkop upang maiwasan ang malaking pinsala na maaaring ang dulot ay
kapahamakan sa buhay at ari-arian ng mamamayan.
A. Bottom-Up Approach B. CBDRM Approach
C. Disaster Management D. Top-Down Approach

37. Ang pangangailangan ng komunidad ay inaasa sa mataas na ahensya ng pamahalaan at


napababayaan ang mga mamamayan na may mataas na posibilidad na makaranas ng hazard o
kalamidad.
A. Bottom-Up Approach B. CBDRM Approach
C. Disaster Management D. Top-Down Approach

38. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng natural hazard.


A. baha B. lindol C. polusyon D. sunog

39. Ang pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa mga gawaing pang-
ekonomiya.
A. disaster B. hazard C. resilience D. risk

40.Alin sa sumusunod na hazard ang halimbawa ng human induced?


A. bagyo B. lindol C. pagputok ng bulkan D. polusyon

41.Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa epekto na dulot ng


kalamidad.
A. disaster B. hazard C. resilience D. vulnerability

42.Mahalaga ang kagubatan sapagkat hindi lamang ito nagiging tirahan ng maiilap na hayop kundi
pinagkukunan din natin ito ng ating mga pangangailangan. Ano ang isang paraan upang mapangalagaan
ito?

A. lumahok sa gawain ng barangay


B. maglinis ng bakuran
C. magtanim ng puno at halaman
D. tumulong sa gawaing bahay

43.Gawain na maaari mong gawin upang maiwasan ang polusyon sa anyong tubig
A. paglahok sa gawain ng barangay
B. pagtatanim ng puno
C. pagtulong sa gawaing bahay
D. wastong pagtatapon ng basura

44.Tumutukoy ito sa panganib na dulot ng kalamidad sa tao.


A. disaster B. human risk C. structural risk D. vulnerability

45.Ang pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management
Framework (PNDRRMF) ay maihanda ang komunidad na maging __________________.
A. active B. aware C. informative D. resilient

46. Ang barangay captain ng Barangay San Pedro ay patuloy na inaalam kung anong nila
mapaghahandaan ang padating na kalamidad. Sinisiyasat at itinala nila kung ano gamit mayroon ang
barangay, pondo at tao na maaaring magamit sa panahon ng kalamidad, ito ay tinatawag na
A. Capacity Mapping
B. Hazard Mapping
C. Risk Mapping
D. Vulnerability Mapping
47. Sa pagsusuri ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang mga sumusunod maliban sa
A. elements at risk
B. financial at risk
C. location of people at risk
D. people at risk

48. Ito ay bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management Plan na tataya at susubok sa kahandaan
ng mga mamamayan sa pagharap ng hamon sa kalamidad.
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Disaster Rehabilitation and Recovery
D. Disaster Response

49. Inalam ni Mayor Gonzales ang mga barangay na maaring higit na maapektuhan ng kalamidad o
sakuna. Alin sa mga sumusunod na hakbangin ang kanyang isinagawa?
A. Capacity Assessment
B. Hazard Assessment
C. Risk Assessment
D. Vulnerability Assessment

50. Ang pamilya ni Lito ay nagpupulong kung ano ang kanilang mga dapat gawin upang maiwasan nila
ang COVID-19. Gayundin upang mapaghandaan ito kung sakali man na may mahawa sa kanilang
pamilya. Alin sa mga sumusunod ang kanilang isinagawa?
A. Capacity Assessment
B. Hazard Assessment
C. Risk Assessment
D. Vulnerability Assessment

Inihanda ni; Itinama at sinuri ni:

G.FERNANDO S. CARIAGA JOIALIE O. GONZALES


Guro sa Araling Panlipunan Ulong Guro III- Araling Panlipunan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
MATAAS NA KAHOY NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. MATAAS NA KAHOY, GENERAL NATIVIDAD, NUEVA ECIJA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN 8
KASAYSAYAN NG DAIGDIG

PANUTO. Basahin at unawing mabuti ang bawat katanungan, isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot. MALAKING TITIK ng TAMANG SAGOT ang isusulat ang lahat ng hindi sumunod ay
ikokonsiderang mali.

Sagutin ang mga tanong batay sa mapa.

MAPA SURI. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan.
1. Pacific Ocean ___________________
2. Atlantic Ocean __________________
3. Indian Ocean ___________________
4. Arctic Ocean ___________________
5. Southern Ocean ________________

6. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?


a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania

7 Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?


a. Asia b . Africa c. Antarctica d. North America

8.Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?


a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia

9. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?


a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean

10. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?


a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean

11 Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa pang polo?
A. Parallel B. Longhitud C. Latitud D. Meridian

12. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog?
A. Meridian B. Parallel C. Ekwador D. Longhitud

13. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?


A. Kalupaan B. Katubigan C. Klima at Panahon D. Lahat ng nasa itaas
14. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat?
A. Elebasyon B. Meridian C. Relief D. Ekwador

15. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian B. Atlantic C. Mediterranean D. Pacific

16. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?


A. Aprica B. Europa C. Asya D. Hilagang Amerika

17. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng kabuhayan ng
mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima
B. Anyo at lawak ng katubigan
C. Porma ng lupa
D. Lahat ng nasa itaas

18. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa?
A. Kabuhayan B. Panlipunan C. Pulitika D. Pangkabuhayan

19. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito daigdig bilang tahanan ng tao at nakaaapekto sa
pagpapatuloy ng ating buhay?
A. Pisikal B. Pulitika C. Kultura D.Panlipunan

20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?


A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy nang maayos ang
buhay ng tao

21. Anong relihiyon ang sinusunod ng 23.20 % populasyon ng mundo?


A. Islam B. Iba pa C. Hinduismo D. Kristiyanismo

22. Sino ang tinatawag na lahing dilaw?


A. Negroid B. Hinduismo C. Aucasoid D. Mongoloid

23. Ano ang naging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Non-Religious B. Heograpiyang Pantao C. Relihiyon D. Religare

24.Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala ang lahing ito?
A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.

25. Ano ang itinuturing bilang pinakamatandang relihiyon sa daigdig?


A. Budismo B. Relihiyon C. Hinduismo D. Indo-European

26. Ano ang naiwan na mahalagang impormasyon noong Panahon ng Metal na may kinalaman sa
pagsulat?
A. mga kalansay B. mga relika at artifacts C. ebidensyang pangkasaysayan D. batayang
kultura

27. Ang Panahon ng Bato ay panahon ng mahahalagang tuklas tulad ng mga kagamitan, armas, at
paggamit ng apoy. Sa anong panahon ito kaugnay?
A. Panahong Paleolitiko
B. Panahong Neolitiko
C. Panahong Mesolitiko
D. Panahong Metal

28. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ag pag-unlad ng tao mula noon hanggang ngayon
batay sa aspektong pangkabuhayan?
A. Mula sa paggamit ng kasangkapang bato, naging makabago ang kasangkapan ng kasalukuyan.
B. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng mataas na antas ng kultura. C.
Mula sa pangangaso at pag-aalaga ng hayop, nakinabang ang mga sinaunang tao dahil napabuti ang
kanilang kabuhayan.
D. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar, naging pandaigdigan ang
transaksiyon sa pagkuha ng mga pangangailangan at sa hanapbuhay.

29. Sino ang nakatuklas sa Hominid na pinangalanang “Lucy”?


A. Charles Darwin
B. Donald Johanson
C. Raymond Dart
D. Richard Leakey

30. Ano ang tawag sa bungong kahawig ng sa modernong tao?


A. australopithecine B. dryopithecine C. homo erectus D. ramapithecine

31. Alin sa mga sumusunod ang akda ni Charles Darwin?


A. bipedalismo B. natural selection C. Origin of the Species D. stereoscopic vision

32. Ano ang pinakaunang uri ng kanunu-nunuan ng mismong tao?


A. australopithecine C. homo erectus B. dryopithecine D. ramapithecine

33. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad
ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong
Pleistocene?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

34. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang
tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura II. Kalakalan III. labis na pagkain IV. pangangaso

A. IV, I, III, II B. II, I, IV, III C. IV, I, II, III D. I, II, III, IV

31. Ano ang kahulugan ng salitang “lithos”? A. apoy B. bato C. halaman D. tao

32. Ano ang tawag sa pinaghalong tanso at lata upang makagawa ng matigas na bagay?
A. bakal B. bronse C. ginto D. pilak

33. Anong pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya ang nakadiskubre ng bakal?
A. Barbarians C. Hittites B. Elamites D. Kissites

34. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon, sa halip, ay patuloy na
gumagalaw.
A. Pangaea B. Plate C . Kontinente D. Rehiyon

35. Linyang heograpikal na humahati ng daigdig sa hilaga at timog hemisphere.


A. Equator B. Prime Meridian C. International Date Line D. Parallels

36. Ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa takdang oras.


a. Klima b. Temperatura c. Panahon d. Season

37. Ang heograpiya ay sinasabing reyna ng mga agham. Alin sa mga pahayag ang sumusuporta dito?
a. g heograpiya ay batayan ng pag-aaral ng kasaysayan.
b. Saklaw ng pag-aaraal ng heograpiya ang iba’t ibang agham.
c. Maituturing ang heograpiya bilang maliit na bahagi ng agham.
d. Ang pag-aaral ng heograpiya ay nakatuon sa iilang sangay ng agham.

38. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan ay
___________________.
a. International Date Line
b. Tropic of Cancer
c. Zero degree longitude
d. Equator

39. Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo.


a. Isla b. Bansa c. Kontinente d. Rehiyon
40. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad
na katangiang pisikal o kultural?
a. Lokasyon b. Lugar c. Paggalaw d. Rehiyon

41. Tumutukoy ito sa matigas at mabatong bahagi ng planetang Daigdig.


a. Crust b. Mantle c. Core d. Pangaea

42. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya, maliban sa is


a. Anyong lupa at anyong tubig
b. Klima at panahon
c. Likas na yaman
d. Reaksyon ng mga kemikal

43. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral
ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano.
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at silangan ng West
Philippine Sea.

44. Pagagala-gala ang mga ito sa panahon na ito, para maghanap ng pgakin at walang permanenteng
tirahan. Sa yungib sila tumitira upang maging ligtas sa lamig ng panahon.
A. Panahon ng Bato B. Mesolitiko C. Paleolitiko D. Bakal

45. Ano ang pinakamahlagang natuklasan ng mga sinaunang tao sa panahon ng paleolitiko
A. Pagkatuklas ng apoy C. Pagagamit ng kagamitang bato
B. Paggamit ng apoy D. Pag-aalaga ng hayop

Inihanda ni; Itinama at sinuri ni:

LESLIE DV. PORTUGAL ROMMEL T. NARCISO


Guro sa Araling Panlipunan OIC, Punong Guro

You might also like