You are on page 1of 26

MAKROEKONOMIKS

dalawang pangunahing sangay


sa pag-aaral ng
ANG MAKROEKONOMIKS
Ang makroekonomiks [at
maykroekonomiks] ay
konsepto sa ekonomiks na
ginamit at ipinakilala noong
1933 ni Ragnar Frisch, isang
Norwegian economist at
professor.
Ang Makroekonomiks ay...
 nakatuon
sa pag-aaral ng buong
ekonomiya;
 nakasentro
sa komposisyon at
galaw ng pambansang ekonomiya;
 dibisyonng ekonomiks na naka-
tuon sa kabuuang ekonomiya.
Binibigyang pansin sa pag-aaral ng
Makroekonomiks kung paano ang iba't
ibang sektor ng ekonomiya ay nauugnay
sa isa't isa upang maunawaan kung paano
ang takbo at tungkulin ng ekonomiya.
Ang mga macroeconomists ay bumuo ng
mga modelo na nagpapaliwanag sa
relasyon sa . . .
. . . pagitan ng ibat ibang mga salik gaya
ng pagkonsumo1, bahagdan ng pagtaas
ng presyo2, pag-iimpok3, pamumuhunan4,
internasyonal na kalakalan5 at
pananalapi6, pambansang kita at
produksiyon7.
MGA BAHAGI NG EKONOMIKS

1. Sambahayan
2. Bahay-kalakal
3. Pamilihang Pinansiyal
4. Pamahalaan
5. Panlabas na Sektor
SAMBAHAYAN
Ito ay tumutukoy sa kabuuang
populasyon ng bansa na nabibilang sa
kalipunan ng mga mamimili. . .

. . . o konsyumer na
pinaka mahalaga sa
aspeto ng ekonomiya.
BAHAY-KALAKAL
Tumutukoy sa lahat ng institusyon o
sektor na lumilikha ng lahat ng uri ng
produkto at nagkakaloob ng serbisyo.
PAMILIHANG PINANSIYAL

꙳Tumutukoy ito sa anumang pamilihan,


merkado o kalakalan ng mga mahalagang
papel (securities) na kinabibilangan ng
equities, bonds, currencies (pera)at
currency derivatives (o mga
kahalintulad ng pera).
꙳Tumutukoy din ito sa pinagsama-
samang mga posibleng mga mamimili
at nagbebenta ng isang tiyak na
produkto o serbisyo at ang mga
transaksyon sa pagitan nila.
꙳Itinuturing din itong tagapamagitan sa
anumang may kaugnayan sa
pananalapi.
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Mga Institusyon ng Pagbabangko sa Pilipinas


Mga Institusyon at Pamilihang Pinansiyal
PAMAHALAAN
Ito ay tumutukoy sa. . .
●sektor na bumubuo ng patakaran sa
pagsasaayos ng ekonomiya.
●institusyon na komukontrol at gumagabay
sa takbo ng ekonomiya.
●institusyon na bumubuo at nagkakaloob ng
mga produkto at serbisyong panlipunan.
UK JAPAN
PANLABAS NA SEKTOR

Ito ay tumutukoy sa. . . sektor, institusyon


at ekonomiya sa labas ng bansa na
maaaring may tuwiran o di-tuwirang
kaugnayan at epekto sa katayuang pang-
ekonomiya ng bansa.
Mga Ginagamit na Panukat sa Makroekonomiks
Gross Domestic Product (GDP)
Ito ay ang kabuuang halaga sa salapi ng lahat ng mga
produkto at serbisyong nalikha kasama na ang lahat ng
mga pribado at pampublikong pag-konsumo, gastos ng
pamahalaan, pamumuhunan at pagluluwas (export)
matapos ibawas ang halaga ng lahat ng inangkat
(import) na nangyari sa loob ng hangganan ng isang
bansa sa isang tiyak o takdang panahon.
Sa 195 na mga bansa sa buong
mundo, ang Pilipinas ay pang-38 sa
aspeto ng GDP noong 2015 batay
sa pagtataya na isinagawa ng
WorldBank.
Employment-Unemployment Rate

Nasusukat ang antas ng ekonomiya ng


isang bansa sa pamamagitan ng pag-alam
sa kabuuang bahagdan ng populasyon na
may trabaho at walang trabaho.
Inflation Rate
Tumutukoy sa bahagdan ng pagtaas
ng presyo ng mga produkto at
serbisyo.
http://www.slideshare.net/jaredram55/ekonomiks-lm-yunit-3-2

http://www.slideshare.net/kyung2/ekonomiks-62959792?qid=7e40d512-
e49c-4c6c-994b-50db1d328127&v=&b=&from_search=11

http://www.slideshare.net/wakwaks/banghay-aralin-58602247?qid=788d7c7e-9420-
4093-bf5a-ab7c6eb105e5&v=&b=&from_search=10

You might also like