You are on page 1of 28

Balik-aral:

• Ano ang ekonomiks?


• Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon sa
pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-
yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan
at pangangailangan ng tao.
• Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon:
maykroekonomiks at makroekonomiks.
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks ay larangan ng
Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng
kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng
makroekonomiks ang malawakang
pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng
pagbabago sa kawalan ng trabaho,
pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks ay tumitingin sa
kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya.
• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ang malaman kung
may paglago sa ekonomiya (economic
growth) ng bansa.
Ano ang Pambansang Ekonomiya?
• Ito ay tumutukoy sa
lagay ng ekonomiya ng
isang bansa. Ito ang
pag-aaral kung
natutugunan ba ng mga
mamamayan ang
kanilang mga
pangangailangan. Kung
HINDI, paano ito
malulutas?
Economic Models
• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng
pamamaraan (economic policies) upang mapatatag
ang pambansang ekonomiya.
• Gumagamit ng modelo (economic model) sa
pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan
ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad.
Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga datos.
Economic Models
• Ito ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto
sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa
makroekonomiks.
• Ito ang naglalarawan ng interdependence ng
lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
Mga tanong na isinasa alang-alang sa
pagbuo ng modelo
• Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya?
• Ito ba ay simple lamang?
• Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng
komplikadong ugnayan ng mga sektor?
• Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na
kaganapan?
• Isinasama rin ba nito ang panlabas na
kaganapan?
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
• Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at
gumagamit ng kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at
nagbabayad sa sambahayan (USIT).
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob
ng serbisyo at produktong pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at
nagpapautang ng pondo.
Bukas at Saradong Ekonomiya
• Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang
dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang
ekonomiya.
• Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang
ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas.
• Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang
ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.
PAYAK NA MODELO
NG PAIKOT NA
DALOY
NG EKONOMIYA
ANG PAMILIHANG
PINANSIYAL
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Institusyong
Pinansiyal
- Tagapamagitan sa ano mang
gawaing may kaugnayan sa
pananalapi
Impok
- Kumakatawan sa salaping hindi
ginagasta
ANG PAMAHALAAN
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Pamahalaan
- Ang sektor na bumubuo ng
patakaran upang maisaayos
ang ekonomiya
ANG PANLABAS
NA SEKTOR
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Globalisasyon
- Paggalaw ng tao, produkto,
salapi at kaalaman sa iba’t
ibang bansa
Trade surplus
- Nagaganap kapag mas malaki
ang export kaysa sa import
Trade deficit
- Nagaganap kapag mas malaki
ang import kaysa sa export
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, mahalaga ba sa


ekonomiya ng Pilipinas ang
pakikipagkalakalan sa ibang bansa?
Bakit?
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Isulat kung ano ang tinutukoy sa
pangungusap.
1. Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang
bansa.
2. Ginagamit sa pagsusuri ng ekonomiya upang
maipakita nang simple ang realidad.
3. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay nakikilahok sa
kalakalang panlabas.
4. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay HINDI
nakikilahok sa kalakalang panlabas.
5. Mga patakaran na ginagamit upang mapatatag ang
ekonomiya ng bansa.
6. ________

7. _____ 8. _______
9. ________

10. _______
SAGOT:
1. Pambansang Ekonomiya
2. Economic Model.
3. Bukas na Ekonomiya
4. Saradong Ekonomiya
5. Economic Policies
6. panlabas na sektor
7. bahay-kalakal
8. pamahalaan
9. sambahayan
10. pamilihang pinansiyal
Isulat kung ano ang tinutukoy sa bawat
bilang gamit ang mga titik bilang gabay.
• Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang
ekonomiya. M _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ S
• Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom
ng pondo. B _ _ _ _
• Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.
S__B_____N
• Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
P___H____N
• Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
_X___T

You might also like