You are on page 1of 10

MAHALAGANG KONSEPTO NG EKONOMIKS

Pagbabalik tanaw kung ano ang ekonomiks


Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan kung saan pinag-aaralan ang paglikha, pagkonsumo at
pamamahagi ng mga kalakal. Ang salitang “ekonomika” ay hango sa sinaunag Griyegong “oikonomia”
kung saan ang kahulugan ay pangangasiwa ng isang administrasyon o sambahayan. “Oikos” ibig sabihin
ay “bahay” at “nomos” ibig sabihin ay “batas”. Mayroong dalawang sangay ang ekonomiks ang:

 Makroekonomiks – pagsusuri sa kabuuang ekonomiya at mga isyu na nakaaapekto rito katulad na lamang
ng kawalan ng trabaho, implasyon at patakarang pisikal gayundin ang pananalapi.
 Maykroekonomiks – ito naman ay ang pagsusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento na may
kinalaman sa ekonomiya gaya ng mga negosyo, sambahayan o bilang mga konsyumer at prodyuser.

Ano ang mahalagang konsepto ng ekonomiks?


Ang konsepto ng ekonomiks ay isang paraan upang matukoy ang mga mahahalagang konsepto sa
kabuuan ng pag-aaral. Gayundin naman ang pagpapaliwanag kung paano nailalapat ang mga mahalagang
konsepto ng ekonomiks sa araw-araw na pamumuhay ng isang mamamayan o isang bansa bilang
kabuuan.

Ang tao ay may mga pangangailangang hindi natatapos o panghabang-buhay kung tawagin. Iba-iba ang
pangangailangan sa bawat araw na dumarating asahan man ito o hindi. Nahahati sa dalawa ang mga
pangangailangan na ito:

 Pangunahin o primyerang mga pangangailangan – ito ay tumutukoy sa mga pangangailangan na


importante at hindi dapat isa walang bahala lamang. Halimbawa nito ay mga pagkain, damit, tirahan at
kung anu-ano pang mga bagay na makokonsiderang pangunahing kailangan ng tao.
 Sekondaryang mga pangangailangan – ito ay ang mga pangangailangang maaaring ipagpaliban muna o
makakapag-hintay naman. Tulad ng gamot at edukasyon. Dito rin pumapasok ang mga pangangailangang
kagustuhann tulad ng pagbili ng telepono o cellphone, pagpapagupit ng buhok, pagpapalinis ng kuko at
kung anu-ano pang luho na maikokonsidera ng tao.
Sa isang bansa, hindi maiiwasan dumanas sa mga sitwasyon ng kagipitan na natural namang
maikokonsidera. Tulad ng mga suliranin ng:

 Kakapusan (scarcity) – ito ay isang sitwasyon sa pamumuhay na dulot ng walang hanggang


pangangailangan at nais ng tao. Ito ay isang kalagayan kung saan hindi mo na magagawan pa ng solusyon
ang limitadong pinagkukunang yaman ng tao. Ito rin ay maituturing na isang suliraning pang-ekonomiko
na kinakailangan ng masusing pag-aaral at pagkilatis.
 Kakulangan (shortage) – ay isang sitwasyon kung saan maaari ka pang makagawa ng mga pamamaraan
upang mapunan ang pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman. Mga alternatibong makakatugon
upang makapuno sa mga nasabing kakulangan ng epektibo at ng hindi nakakaapekto ng negatibo sa araw-
araw na pamumuhay.
Sa kakulangan at kakapusan na nabanggit sa limitadong pinagkukunang yaman, pumapasok ang
tinatawag na alokasyon.
Ano ba ang Alokasyon?
Ang alokasyon ay ang paraan ng pamamahagi at pangangasiwa ng mga serbisyo at produkto upang
magamit ang limitadong pinagkukunang yaman ng may kasiyahan o kagalakan. Ito ay paraan upang
matugunan ng husto ang mga pangangailangan ng lipunan. Mayroon dalawang uri ng alokasyon:

 Indibidwal na pagpili – nakakatulong ang sapat na kaalaman sa maykroekonomiks upang makapaglatag


ng ng wastong alokasyon ang isang tao sa panahon at pananalapi sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito
ay may kaakibat na maingat na pagdedesiyon na hindi magreresulta ng negatibo.
 Panlipunang pagpili – ito ay ang tumutugon sa pagpapasya sa mga pangangailangan ng lipunan. Sa
puntong ito nakakatulong ang pag-aaral sa maykroekonomiks. Isang epektibong halimbawa ay kung
paano matutugunan ng pamahalaan ang mga problema ng bansa tulad ng kawalan ng hanapbuhay,
implasyon at pagkukunan ng pondo. Sa madaling salita, kinakailangang pag-aralang mabuti at suriing
mabuti ang gagawing pagpili alinsunod sa alokasyon sa pinagkukunang yaman bago makabuo ng isang
pagpapasya.

Ano ang Sistemang Pangkabuhayan?


Ito ay ang pamamaraan upang matugunan ng pamahalaan ang tatlong batayang katanungan na siyang may
mahalagang papel sa ekonomiya ng isang bansa. Itong mga katanungan ring ito ay ang tamang
pagkakasunud-sunod upang makabuo ng matalinong pagpapasya ang isang pamahalaan. Ito ay ang mga
katanungang:

 Ano ang gagawin?


 Paano ito isasagawa? at
 Para kanino ang gagawing pagtugon o serbisyo?
Ito ay mga katanungang papaloob sa mga pangangailangan ng isang bansa at sa pagkakataong ito ay
mabigyan ng kasagutan o mapag-aralang mabuti, magkakaroon tiyak ng epektong mga pamamaraan na
makakatulong rin sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Tatlong mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa konsepto ng ekonomiks


1. Pagpapanatili (sustainability) – ang paggamit ng mga pinagkukunang yaman upang magkaroon ng
katugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at kagustuhan ng hindi negatibong naapektuhan
ang kakayahan ng susunod pang mga henerasyon na tugunan ang mga ito.
2. Pagkakapantay-pantay (equality) -pantay-pantay ang mga karapatan ng tao gayundin naman ang
distribusyon ng pinagkukunang-yaman. Ang kaginhawaan o yaman na makakamit ng tao ay
nakadepende sa haba ng sakripisyo at pagpapagod na makamit ito.
3. Husay (efficiency) – ang pangunahing layunin sa pag-aaral ng ekonomiks ay nakatuon sa paglago ng
ekonomiya ng bawat bansa. Ito rin ay isang masinop na pamamaraan ng paggamit sa pinagkukunang
yaman na limitado lamang upang matugunan ang mga pangunahinng pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao sa lipunan.
Kung susuriing mabuti, ang konsepto ng ekonomiks ay nakatuon sa tila ba walang hanggang pagdami ng
mga kagustuhan ng tao na may malaking tyansang maging pangangailangan sa hinaharap na buhay. Ito ay
mga pangangailangang hindi mapipigilan sapagkat nagbabago ang takbo ng buhay ng tao sa araw-araw na
pamumuhay. Kung kaya’t ang lahat ng gawaing pang-ekonomiko ay umiikot at sadyang nakatutok sa mga
walang katapusang pangangailangan na ito ng mga tao o ng lipunan. Ang mga mahalagang konsepto ng
ekonomiks na nakapaloob rito ay karapat-dapat lamang na pag-aralang mabuti at sikapin na makabisa
upang magkaroon ng mga tamang hakbangin tungo sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Buod)

Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Bahaging Ginagampanan


sa Paikot na Daloy
Sambahayan o Konsyumer ng mga
tapos na produkto at
kalakal na nilikha ng
bahay-kalakal
o Suplayer ng mga salik
ng produksiyon

Bahay-Kalakal o Konsyumer ng mga


salik ng produksyon
na nagmumula sa
sambahayan
o Suplayer ng mga
tapos na produkto at
kalakal

Pamahalaan o Nangongolekta ng
buwis sa sambahayan
at bahay-kalakal
o Nagkakaloob ng
serbisyong
pampubliko (transfer
payments)
Panlabas na Sektor o Nagbebenta sa ibang
bansa (Export)
o Bumibili sa ibang
bansa (Import)

Bahaging Ginagampanan
Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na Daloy ng sa Paikot na Daloy
Ekonomiya
Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon o Nagbebenta ang
sambahayan ng mga
salik ng produksiyon
(input – lupa, kapital,
paggawa,
entreprenyur)
o Bumibili ang bahay-
kalakal ng mga salik
ng produksiyon (input
– lupa, kapital,
paggawa,
entreprenyur)

Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod o Nagbebenta ang


bahay-kalakal ng mga
tapos na produkto at
paglilingkod
o Bumibili ang
sambahayan ng mga
tapos na produkto at
paglilingkod

o Nag-iimpok ang
Pamilihang Pinansyal sambahayan
o Umuutang ang bahay
kalakal
Adam Smith
Masasabi na nagsimula ang sistematiko at siyentipikong pag-aaral ng ekonomiks noong huling bahagi ng
ika-18 siglo. Isa sa pinakakilalang aklat na nakilala noong 1776 ang aklat na ‘An Inquiry to the Causes
and Nature of Wealth of Nation’ ni Adam Smith.

Si Adam Smith (1723-1790) ay isang pilosopo at propesor ng Ekonomiks mula sa Scotland. Itinuturing si
Smith na "Ama ng Klasikong Ekonomiks" dahil sa kaniyang pangunguna na ipaliwanag ang mga
prinsipyo ng ekonomiya at ang daan tungkol sa pag-unlad ng isang bansa.Layunin ni Adam Smith na
malaman ang sanhi ng pagyaman at paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang
isang bansa kung; (1) makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; (2) tumataas ang produktibidad ng
paggawa Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng espesyalisasyon o
paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng produksiyon ng isang ekonomiya. Iminungkahi ni
Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na magpasiya
kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free
enterprise. Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng
mga negosyante at mamimili ay makakabuti sa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.
Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin lamang ang mga sistema ng
pakikipagkalakalan at alisin ang anumang hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao
sa pamilihan. Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy

David Ricardo

Isa sa nagbigay-buhay sa pag-aaral ng ekonomiks ukol sa paggamit ng modelo na binubuo ng


magkakaugnay na mga konsepto at argumento na nagnanais na maipaliwanag ang ilang obserbasyon ukol
sa ekonomiks ay si David Ricardo (1772-1823).
Si Ricardo ay isang negosyanteng Ingles na yumaman sa stock market. Ayon kay David Ricardo,
naniniwala siyang darating ang panahon na hihina ang pag-unlad ng mga kapitalista. Hihina ang
produksiyon ng paggawa dahil kakaunti ang lupa at likas na yaman. Lumalaki ang populasyon kasabay ng
paglaki rin ng mga pangunahing pangangailangan ng tao lalo na sa pagkain. Ang mga lupang dating hindi
nagagamit ay pakikinabangan na ng tao upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Kung
patuloy na gagamitin ang lupa, lalong bababa ang pakinabang na nakukuha dito hanggang sa tuluyang
humina ang produksyon nito.

Ayon kay Ricardo, ito ang "Batas ng Lumiliit na Dagdag na Pakinabang (Law of Diminishing
Return." Magkakaroon ng pagtaas ng upa sa lupa, pagbaba ng tubo ng kapital, at pagtigil ng
pamumuhunan na magdudulot ng suliraning pang-ekonomiya.

Si Ricardo rin ang nagpaliwanag ukol sa batayan sa pakikipagkalakalan ng mga bansa, ang
kaisipan tungkol sacomparative advantage kung saan ang isang bansa ay gagawa lamang ng mga
produkto na higit na mababa ang gastos at ang ibang produkto na mataas ang gastos sa paggawa ay
angkatin na lamang.( tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o ng isang bansa upang makabuo ng
isang partikular na produkto oserbisyo sa imas mababang halaga kaysa sa ibang bansa.)

Halimbawa: if, using machinery, a worker in one country can produce both shoes and shirts at 6
per hour, and a worker in a country with less machinery can produce either 2 shoes or 4 shirts in an
hour, each country can gain from trade because their internal trade-offs between shoes and shirts are
different. The less-efficient country has a comparative advantage in shirts, so it finds it more efficient to
produce shirts and trade them to the more-efficient country for shoes. Without trade, its opportunity cost
per shoe was 2 shirts; by trading, its cost per shoe can reduce to as low as 1 shirt depending on how
much trade occurs (since the more-efficient country has a 1:1 trade-off). The more-efficient country has a
comparative advantage in shoes, so it can gain in efficiency by moving some workers from shirt-
production to shoe-production and trading some shoes for shirts. Without trade, its cost to make a shirt
was 1 shoe; by trading, its cost per shirt can go as low as 1/2 shoe depending on how much trade occurs.

Thomas Robert Malthus


Si Thomas Malthus (1766-1834) isang Ingles na unang tumawag-pansin sa mas mabilis na paglaki ng
populasyon kaysa sa paglago ng mga pinagkukunang-yaman at ng produksiyon.
Ayon kay Malthus, kung patuloy ang pagdami ng tao samantalang ang lupa na kaniyang
pinagkukunan ng pagkain ay hindi naman nadaragdagan darating ang panahon na hindi na ito
makakasapat sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon sa kaniya kailangan ng agarang pagpaplano ng pamilya at pagpapaliban ng tao na mag-


asawa. Katulad ni Ricardo, malaki ang nagawang kontribusyon ni Malthus upang maunawaan ang mga
kadahilanan ng pagbabago ng presyo ng produkto sa pamilihan, sahod ng mga manggagawa, at ang upa sa
lupa.

Ayon sa Malthusian Theory of Population, angpopulasyon ay


nagdaragdag sa isang geometric ratio, habangang pagtaas sa suplay ng pagkain sa isang arithmetic ration.

Ang kawalan ng pagkakaisa ay humantong sa laganap nakahirapan at gutom, na kung


saan ay maitatama lamang sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan tulad ng sakit,mataas na dami
ng sanggol na
namamatay, gutom, digmaan.Ang kanyang pangunahing kontribusyon ay sa sektor ngagrikultura.

Ayon sa teorya na ito, may dalawang hakbang upang


makontrol ang populasyon: preventative at positive check. Angpreventative na paraan ay
kontrol sa panganganak, atgumagamit ng iba't-ibang mga paraan upang kontrolin
angkapanganakan; at positive check tulad ng natural calamities,digmaan, atbp.

Karl Marx
Nakilala si Karl Marx (1818-83) sa kaniyang aklat na Das Kapital. Si Marx ay isang manunulat
at rebolusyonaryong Aleman.
Ayon kay Marx, ang teknolohiya ang magiging lahilan ng pagsulong ng isang bansa sa ilalim ng
kapitalismo at ang kakayahan nitongkumikha ng yaman ngunit iilan lamang ang maaaring makinabang
dahil patuloy na maghihirap ang tao lalo na ing mga manggagawa.
Ayon kay Marx, hindi babagsak asng kapitalismo ng dahil sa pagbaba ng produksiyon at sakulangan ng
mga teknolohiya na siyang paliwariag ng mga naunang ekonomista kundi ang lubhang kailangan ay ang
pagbabago sa kaugnayan ng mga tao sa isa't-isa.

Naniniwala na dapat bigyang-pansin ang suliranin kung paano ipamamahagi ang nagawang produkto sa
pag-unlad ng ekonomiya.

Sa ilalim ng kapitalismo ay ang pagkakakani-kaniya ng bawat tao ang pangunahing sanhing kahinaan
nito. Ayon sa kaniya, maaari lamang itong mabago sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistema patungong
sosyalismo at sa huli komunismo kung saan lahat ng mga tao ay pantay-pantay at magkakaroon ng
lipunang walang uri o classless society.

Dagdag pa niya na nararapat lamang na kumpiskahin ang mga pribadong pag-aari ng gamit sa
produksyon at gawin itong pag-aari ng buong lipunan at alisin ang sistemang pasahod. Ang konseptong
nabuo ni Marx ukol sa tao at produksyon ay hindi nagtagumpay sa mga maunlad na bansa. Ilan sa mga
sosyalistang bansa na sumunod sa kaisipan ni Karl Marx ay ang mga bansang China, Russia at ibang
maliliit na bansa sa Gitna at Silangang Europa.

Noong dekada 90, nagsipagbagsak ang ekonomiya ng mga bansang sosyalista at nahirapan makabangon
pa ang mga ito. Nagkaroon ng suliranin kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga tao at
pagtugon sa suliraning kung paano mapapaangat ng pamahalaan ang estado ng ekonomiya ng mga
nabanggit na sosyalistang bansa.
Malaki din naman ang naitulong ng mga doktrina ni Marx sa pagbuo ng mga samahang pang-
manggagawa.

Alfred Marshall at Leon Walras


Sina Alfred Marshall (Principles of Economics, 1890) at Leon Walras (Elements of Political
Economy, 1894) ay maituturing na mga ekonomistang neoklasiko sapagka't sumunod sila sa mga
teoryang sinimulan ng mga klasikong ekonomista tulad nina Ricardo at Smith.

Naniniwala ang mga neoklasiko sa malayang pamilihan at ganap na kompetisyon upang bigyang
kasagutan ang pangangailangan ng lipunan. Kung magkakaroon lamang ng kondisyong nabanggit,
makakamit ng lipunan ang pinakamaayos nakalagayan pang-ekonomiya.

Ipinaliwanag din ng mga neoklasikong ekonomista na kailangan ang aktibong pakikilahok ng


pamahalaa upang bigyang solusyon ang mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa.

Noong 1874 at 1877 inilabas ni Leon Walras ang aklat na “Elements of Pure Economics”, akda na
nagging dahilan upang kilalaning “father of the general equilibrium theory”.
Ang general equilibrium theory inihaharap upangipaliwanag ang pag-uugali ng supply, demand, at
mga presyo saisang buong ekonomiya sa ilan o maraming merkado.

Si Alfred Marshall ay pinakamahusay na akda ng,Principles of Economics (1890), ipinakilala sa


akdang ito ang mga kaisipan ng, kabilang elasticity of demand, surplus ng mga mamimili,, at
representative firm o ang mga kinatawan ngkompanya. Ang kanyang akda “on the theory of
value”iminungkahi niya na ang oras bilang isang kadahilanan sapagtatasa sa cost-production principle.

John Maynard Keynes


Si John Maynard Keynes ay itinuturing na "Makabagong Ama ng Makroekonomiks." Nakilala siya
sa aklat na General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936.

Sinaliksik ni Keynes ang dahilan ng krisis ng paghina ng ekonomiya ng bansa noong panahon ng
"great depression" noong 1930.

Ayon kay Keynes, hindi laging mabisa ang pamilihan sa pagsagot sa lahat ng suliranin ng
ekonomiya ng isang bansa. Ayon sa kaniya, maaring hindi maging sapat ang pamumuhunan sa isang
ekonomiya upang patuloy na paunlarin ito.

Maaaring mabigyan ng solusyon ang suliranin kung ang pamahalaan ay makikialam sa


ptimamagitan ng tamang alituntunin sa pananalapi at pinansiyal.

Binigyang-pansin din Keynes na ang paggastos ng pamahalaan o pagbabawas ng buwis ay


magbubunga ng tiis at trabaho na siyang magpapalago sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.

Thorstein Veblen
Estados Unidos, 1857-1929

Isa sa nangungunangInstitutionalists, siya aypinakamahusay para sa kanyang teorya ng "hayag na


pagkonsumo". Ayon ka Veblen, laging
may kontrahansa pagitan ng mganegosyante at mgamamamayan sa pamamagitanng nagsasabi na ang
lipunanay palaging may salungatansa pagitan ng umiiral nakaugalian (existing
norms) atbagong mga kaugalian naginawa na likas na sa ugali ngtao na manipulahin at alaminang tungkol
sa pisikal namundo kung saan namin umiiral.

Irving Fisher
Estados Unidos, 1867-1947
Sa kanyang mga akda, malinaw na gumamit siya ng “statistical data” upang ipaliwanag ang kanyang mga
pag-aaral sa ekonomiya.

Francios Quensnay 1694 – 1774


Tinaguriang Confucius ng Europa. Kabilang siya sa mga pangkat ng Physiocrats – naniniwala sa
kahalagahan ng kalikasan o mga klase ng yaman ng bansa (Rule of Nature) sa pag-unlad ng bansa. Siya
ay may-akda ng Tableau Economique(Economic Table) noong 1758, na tumatalakay sa pagdaloy ng
mga mahahalagang salik ng produksyon ng mga produkto at serbisyo sa iba’ ibang sector ng ekonomiya;
ayon dito, upangf magkaroon ng balance o ekwilibriyo sa ekonomiya, kailangang gamitin ng wasto ang
likas na ayaman ng isang bansa upang umunlad.
Physiocrats VS Merkantilista, tinuligsa ng mga merkantilista na naniniwala sa kapangyarihan ng
mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak upang mapaunlad at maisulong ang ekonomiya ng bansa;
naniniwala din ang mga merkantilista na ang pagakakaroon ng maraming ginto at pilak ang magiging
daan sa pagyaman ng bansa

Lahat ng mga ekonomista ay nakapagbigay ng konbtribusyon sa pag-aaral ng ekonomiya.

Ano ang kapitalismo?


Mayroon tayong iba’t ibang uri ng sistemang pang ekonomiya na siyang nagtatakda kung paano ang mga
tao ay kumikita sa kanilang mga negosyo. Halimbawa diyan ay ang kapitalismo, komunismo at
sosyalismo. Ang arikulong ito ay naka pokus sa kapitalismo bilang sistemang pang ekonomiya. Ano ang
kapitalismo? Ang kapitalismo ay isang sistemang pang ekonomiya nna kung saan, ang mga resources na
ginagamit sa paggawa ng mga produkto ay pinagmamay-ari ng pribadong institusyon. Ang produksyon
ay para sa kita. Sa sistemang ito, ang mga indibidwal ay may kalayaang magsagawa ng negosyo habang
malaya rin silang pinakikinabangan ang kanilang kita. Ag kapitalismo ay kapit sa bawat tao na
nagnenegosyo nsa ilalim ng sistemang ito, kaya ang mga negosyante at ang kanilang mga empleyado ay
pantay-pantay lamang sa sistemang kapitalismo.

Kung pag uusapan ang pagpapatakbo ng negosyo, ang kapitalismo ay nagbibigay ng higit na kalayaan sa
may-ari ng negosyo. Maliban sa pagbabayad ng buwis at pamantayang mga batas, ang pamahalaan ay
walang kontrol sa kung paano patatakbuhin ng may ari ang negosyo at kung paano nila gagamitin ang
kanilang kita.

Pagbabayad ng buwis
Sa kapitalismo, may mga buwis na dapat bayaran. Ang buwis ay nakatakda at hindi kailangang ibigay ng
mga negosyante ang kabuuang kita nila sa gobyerno. Ang kapitalismo ay nagbibigay ng pinakamataas na
antas ng kontrol at kalayaan kumpara sa iba pang mga sistemang pang ekonomiya kung buwis ang pag-
uusapan. Halimawa, sa ibang sistemang pang ekonomiya, ang buwis ay maaaring maging mataas, 50% o
higit pa! Sa ilalim ng kapitalismo, ang buwis ay itinatakda base sa uri ng negosyo, kung ito ba ay pag-
aari ng iisang tao lamang (sole proprietor), limited liability company (LLC) or korporasyon. Ibinabatay
din ang buwis sa dami ng kita ng isang negosyo. Dahil sa mas mababa ang buwis sa sistemang ito, ang
natitirang kita sa mga negosyante ay magpapalakas ng gana nila para magpursiging palaguin pa ang
kanilang kumpanya.

Halimbawa ng kapitalismo
Halimbawa ay nagmamay-ari ka ng isang maliit na taniman ng kalabasa. Nalaman mong ang pinaka
magandang paraan ng pagbebenta ng kalabasa ay ang pagkakaroon ng taunan na event kung saan
papayagan mo ang mga pamilya na magbisita at mag enjoy sa loob ng iyong taniman maghapon, na
pinipitas ang sarili nilang kalabasa. Dahil ikaw ay bahagi ng lipunang kapitalista, pwedeng pwede mong
ialok ang serbisyong ito, mag takda ng bayad sa pagbisita, kung magkano ang ipapataw mo sa bawat
mapipitas na kalabasa at itago ang kita na iyong mkukuha.

Sa isa pang halimbawa, ikaw ay nag mamay-ari ng isang matagumpay na restaurant. Ikaw ay may 30
empleyado na kumikita ng arawang kita at malaking tip galing sa mga kostumer. Ang iyong mga
empleyado ay kalahok sa sistemang kapitalismo dahil sila ay may karapatang kunin at itago ang kita nila.
Ang kita nila ay depende sa sipag nila at tip na ibinibigay ng mga kostumer. Kaya, walang limit kung
tungkol sa kung ilan ang pwede nilang kitain, at malaya silang gamitin ang perng kinita nila, sa anumang
paraan na gugustuhin nila.

Dahil sa kapitalismo, ang mga negosyo ay may kakayahang magpalago hanggang sa pinapayagan ng
merkado. Halimbawa, ang iyong restaurant ay maaaring umunlad hanggang sa ito ay maging ilang
restaurant o maging chain store sa buong bansa, kung mayroong demand sa pagkaing linuluto sa
restaurant na ito. Ang kapitalismo ay may iilan lamang na mga limitasyon na maaaring magpabagal sa
pag lago ng isang negosyo, kaya mas maganda ang kapitalismo kumpara sa iba pang mga sistemang pang
ekonomiya. Ang mga halimbawang ating ginamit ay sa ga maliliit na negosyo lamang, subalit ang
kapitalismo ay kapit din sa malalaking mga korporasyon.

Ang kasaysayan ng kapitalismo


Ngayon na alam na natin kung ano ang kapitalismo, pag usapan naman natin kung paano ito
nagsimula.Ang kapitalismo ay sinauna. Ang kapitalismo ay kumikilos batay sa mga batas ng suplay at
demand, kaya masasabi natin na kahit noon pang panahon, may kapitalismo na magmula ng matuto ang
mga tao na magnegosyo. Halimbawa, may isang tao na may napakaraming manok, subalit may
kakaunting bakal. Kaya ibinenta niya ang mga manok para makabili ng bakal. Sigurado tayo na ang
ganitong uri ng palitan ng kalakal ay nagaganap na kahit noong pasimula. Ngunit ang kapitalismong alam
natin ay nagsimula bilang resulta ng pagbagsak ng sistemang pyudal, ang epekto ng protestantismo at ang
rebolusyong industriyal.

Tandaan na ang pag-usbong ng sistemang kapitalismo ay hindi naganap ng magdamag. Ito ay unti-unting
lumaganap sa paglipas ng daang mga taon. Dahil dito, hindi matiyak ng mga histiryador kung ano ang
eksaktong petsang masasabi nagsimula ang sistemang kapitalismo. Subalit pwede nating sabihin na ang
kapitalismong alam natin ay nagsimula sa pagitan ng ika 16 hanggang 19 siglo.

Maraming salik ang masasabi nating nagging dahilan ng pag-unlad ng kapitalismo. Halimbawa, noong
ika 16 siglo, bumagsak ang pyudalismo, isang sosyal na sistema ng pagmamay-ari ng lupa. Sa
pyudalismo, ang pangkaraniwang mga tao ay walang karapatang paunlarin ang kanilang kabuhayan,
alinpin sila ng mga panginoon o land lords.

Sumunod ay ang repormasyong protestante, isang kilusang laban sa katoliko na sinimulan ni Martin
Luther noong taon 1517. Ang mga protestante noon ay nagkaroon ng bagong pananaw kung tungkol sa
trabaho at kayamanan. Itinuring nilang nakapag papasaya sa Diyos ang kasipagan at pagtitpid at ang
material na mga bagay tulad ng pera ay regalo mula sa Diyos at hindi naman masama.

Ang pinaka-mahalaga ay ang rebolusyong industriyal na nagsimula sa Estados Unidos noong ika-18
hanggang 19 siglo nang mag-umpisang matuto ang mga tao na gumamit ng makina sa paggawa ng mga
produkto. Ito ang naging dahilan nang pagiging hinog ng modernong kapitalismo. Sa pamamagitan ng
lamang sapat na puhunan, ang isang mamamayan ay maaari nang makapagpatayo ng bodega o pagawaan
na maaaring kumita ng malaking pera. Dahil sa pag usbong ng kapitalismo, naging mas maganda rin ang
kwalidad ng pamumuhay ng mga tao.

You might also like